' FILIPINO LANGUAGE '
*Gumigising ako ng umaga na simpleng umaga lang,
Tatayo ako sa higaan ko , at hahawiin ang kurtina nang saganun lumiwanag ang kwarto ko na madilim. pag tayo ko sa aking higaan nilikpit ko ng maayos ang pinag higaan ko*
*Lumabas ako ng bahay para bumili ng Milk sa grocery at nag punta naman ako ng bakery para bumili ng tinapay*
"Hoy Ella ano na ilang buwan kana hindi nag babayad ng utang sakin , kailangan ko na ng pera !! ",elice
"Nung isang linggo nag bayad ako sainyo hi-hindi ba? *nauutal na pananalita ko habang nanginginig sa takot*",Ella
"Hoy! ikaw *habang sinisipa ko siya sa paa niya* manang mana ka talaga sa nanay mo ! pareho kayong walang kwenta! yung tatay mong magaling huh! asan na yung tatay mo!!! , alam mo hindi na ako mag tataka kung iniwan niya kayo ! bakit nga naman niya ipipilit yung sarili niya sainyong mag ina , sira lang buhay niya sainyo !!!*sigh*",elice
"mukang alam niyo kung nasaan yung tatay ko! *sabi ko habang nakatitig ako sa mga mata niya nang masama*",ella
"a-ano ka-mo *nauutal na sabi ko* hoy ano ba yang mga sinasabi mo diyan!",elice
"kayo yung unang nag salita ng kung ano ano sakin*sigh*",ella
"Hoy , Hindi kaba pinalaki ng maayos ng mama mo! at syaka yang mga tingin mo nayan ! *binatukan ko siya* hindi ganyan yung tingin ng mga batang pinalaki ng magulang na may asal, ikaw kasi walang magulang nag aruga sayo!!*sigh*",elice
"Tama kayo!! *inangat ko ang ulo ko at tumitig ng masama sa kaniya* walang magulang na nag aruga sakin kaya ako lumaki ng ganito! alam mo kasi kung may isang tao sana diyan na hindi nagawang manira ng isang relasyon na maayos hindi magiging walang kwenta ang buhay ko ngayon!! sa tingin niyo sinong nag kamali akong anak ! o yung kabit!! na nagawang manira ng relasyon ng may pamilyang masaya*titig ko sa kaniya na habang siya ay iniiwas niya ang tingin niya sakin",ella
"Hoy! sa susunod na pag kikita natin hindi ko na hahayaan na pag salitaan mo ako ganyan! *sigh*",elice
*nang papalakad na siya palabas ng pintuan hinawakan ko yung braso niya*
"*tumingin ako ng masama * Tandaan niyo rin tong sasabihin ko , ang mga taong puno ng kasalanan at hindi magawang tanggapin ang kanilang pagkakamali darating din yung araw na sila naman ang makikiusap at hihingi ng tulong sa mga taong inaapakan nila ang pag katao , *lumapit ako sa kaniya at binulong ko ang salita na...* wag mong hintayin dumating yung karma sayo isa isa",ella
*tinitigan niya lang ako at wala na siyang nasabi at umalis na*
*nung pitong taong gulang ako dun nag umpisa na masira ang buhay ko , nakipag hiwalay si mama kay papa dahil sa may ibang karelasyon si papa , sa galit na nararamdaman ko sa papa ko ni hindi ko siya magawang tignan sa mga mata niya ng daretsyo , araw araw akong naghihintay sa gate sa pag uwi ni mama na baka isang araw maisipan niya na bumalik kaya naman araw araw akong nasa pintuan at pag ako ay matutulog na ako ay laging naglatag ng higaan ko sa pintuan para hintayin si mama sa pag babalik niya,
hindi din nag tagal si papa naman ang umalis at iniwan ako kay lola , mula nang ibigay niya ako kay lola pinilit ko na baguhin ang buhay ko at pinilit ko rin na kalimutan na may magulang ako.
nang mag 18 ako kinantahan ako ng lola ko ng Happy Birthday at ang mga sandaling yun masaya talaga ako , yun din ang una na ngumiti ako habang pinag mamasdan ko si lola , nang bumili ako ng kandila para sa cake na binigay sakin ni lola at sa huling pag kakataon na makita ko ang ngiti ni lola ni hindi ko man lang namalayan na nag papaalam na siya sakin , simbolo ang mga ngiti niya na muling nag pabuhay sakin sa mga oras nayun , at sa huling pag kakataon na ito , dito din pala nag wawakas ang ngiti sa aking mga labi , naka ngiti ako habang hawak ang kandila na binili ko habang ako ay naka ngiti , subalit nang makita ko si lola na nakapikit na ang mga mata niya unti unti nalang nag laho ang ngiti sa aking mga labi .
Mas lalong hindi ko na naisip yung mga bagay na gagawin ko ngayon na wala na si lola , si lola lang ang nag bigay ng pag mamahal na hindi nagawa ng mga magulang ko sakin*
*Gaya lang ng dati gigising ako ng umaga at hahawiin ang mga kurtina at muli mag bibigay ligawanag sa aking kwarto na madilim , at muling aayusin ang aking pinag higaan , at uupo sa lamesa at kakain nang mag isa habang pinag mamasdan ko ang picture ni lola na nakangiti sakin , kahit pano nawawala yung sakit na nararamdaman ko*
' FILIPINO LANGUAGE '
*Simula nang iwan ako ni papa sa bahay ni lola , at mula nang mamatay si lola hindi niya na ako nagawang puntahan pa , kaya tanging sa sarili ko nalang ako umaasa*
*Kahit na malaki ang galit ko sa papa ko marami parin akong gustong malaman sa kaniya , at maraming bagay akong gustong sabihin sa kaniya at mga bagay na gusto kong itanong sa kaniya , kaya paminsan minsan ginugusto ko na hanapin siya*
*Habang nakahinto ang mga sasakyan , Hindi ko inaasahan na makikita ko si papa ang sakay ng isang cotse , nang makita ko siya bigla nalang yung red light naging green light , at lahat ng sasakyan ay umandar na pero kahit ganun , Hinabol ko yung sasakyan kasabay ang pag sigaw ng ' Papa ' Hindi ako tumigil kakahabol sa papa ko , hangang sa pumatak ang malakas na ulan at unti unti narin akong nababasa sa ulan pero akin paring pinag patuloy ang pagtakbo para mahabol ko si papa*
*nang palaliko na yung sasakyan hindi ko napansin na may motor na paparating at dahil din sa palakas ng ulan napupunta yung mga bawat patak ng ulan sa mata ko ,
patuloy ko hinabol si papa at kasabay din ang pag sigaw ko at ang pag sabi "Papa!! Papa!! Papa!! " na halos wala akong tigil na isagaw ng malakas na Papa dahil baka sakali lang na marinig niya ako ,
Pero siguro nga hindi pa ito yung tamang oras para makita ko si papa , biglang may motor ang dumaan at nabangga ako ng motor at tumalsik ako at gumulong sa daan , at yung motor at yung nakasakay dun sa motor na lalaki napahiga din siya pero agad siya tumayo at nilapitan ako*
"Miss gising , miss ..."
"Pa-pa w-ag mo akong iwan"
*nang masabi ko yun , hindi ko na nagawang mag salita pa at sa lakas ng pagka bangga sakin ni halos hindi ko na maigalaw yung katawan ko , wala akong nagawa kundi ang tumingin sa sasakyan ni papa na papalayo mula sakin , kasabay ang pag tulo ng luha ko sa mata ang siyang dahan dahan na pagpikit ng mga mata ko kasabay din ang patak ng malakas na ulan*
"Miss gising , wag mo ipipikit yung mga mata mo"
*ni halos hindi ko na alam ang gagawin ko kaya agad ko siya sinampa sa likod ko at tumakbo papuntang hospital*
*HOSPITAL*
"Tulong ! tulungan niyo kami!!"
*sigaw ko ng malakas dahil sobrang dami nang dugo ang nawawala sa babaeng nasagasaan ko*
"Doc iligtas niyo siya pakiusap"
*nanginginig ako habang nag sasalita*
"Sir dito nalang muna kayo mag hintay",nurse
*Ito unang pagkakataon na may isang taong nakiusap para iligtas ako*
* Few hours later *
"e'm Doc , ka-kamusta siya ? maayos naba yung lagay niya?"
"Pamilya ka ba niya?",Doc
"ah.. * ni hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko* , ahm ka-kaibigan niya ako"
"sa ngayon hindi pa ganun kaayos ang kalagayan niya , may mga ilang test pa ang gagawin sa kaniya , at sa lakas ng pagtama ng ulo niya sa sahig kaya kinailangan pa na mas tignan siya ng maigi",Doctor
"Doc gawin niyo ang lahat para iligtas siya , pakiusap "
"Gagawin namin ang makakaya namin",Doctor
*Room*
"Wala ba siyang cellphone o kahit anong ID , pano kaya malalaman kung sino yung pamilya niya , sigurado ako na nag aalala na sayo yung pamilya mo"
*At ito ang naging dahilan nang aming pagkikita*
' FILIPINO LANGUAGE '
*YEAR 2007 , WHEN I'M 7 YEARS OLD*
"WALANGYA KA PANO MO NAGAGAWA SAKIN ANG GANITO!! PANO MO AKO NAGAWANG LOKOHIN !!!",mama
*Habang sinusuntok niya si papa sa sobrang pagkainis niya dito*
"Honey maniwala ka sakin, wala kaming relasyon, malaki ang utang na loob ko sa kaniya honey alam mo naman yun hindi ba",papa
*kahit na anong gawin na paliwang ni papa patuloy parin si mama sa pag iyak habang sa napaupo nalang sa sahig si mama*
*nagising ako sa ingay na pag aaway nila mama at papa , kaya naman lumabas ako ng kwarto*
"paano mo nasasabi na wala kayong relasyon , ano yung nakita ko huh!!Hoy lalaki para sabihin ko sayo malinaw pa yung mga mata ko para ikaila mo sakin yung nangyari!!",mama
*ngayon ko lang nakita na mag away at sumigaw nang ganun si mama kay papa*
"mama , papa bakit kayo nag aaway?",ella
*tanong ko sa kanila habang ako ay umiiyak*
"Anak patawarin mo si mama , kailangan lang gawin ni mama to",mama
*umiiyak si mama habang yakap niya ako , at nakita ko rin yung mga bag na dala dala niya*
"mama iiwan mo ba kami ni papa?",ella
"Anak tandaan mo na mahal na mahal ka ni mama kahit anong mangyari , mag pakabait ka",mama
*nang tumayo na si mama hinawakan ko ng maigi yung kamay niya habang umiiyak*
"mama wag kang umalis! wag mo kami iwan ni papa",ella
"Ella anak , patawarin mo si mama , gustuhin ko man na hindi umalis pero di ko magawa , babalikan ka ni mama pangako yan",mama
*Habang palabas si mama ng gate hawak hawak ko parin ang kamay niya habang nakikiusap na wag na siyang umalis at wag kaming iwan ni mama , dahil nag babasakali ako na baka mag bago ang isip niya at hindi na siya umalis*
"mama wag mo akong iwan*patuloy parin ako sa pag iyak habang pinipigilan na ako ni papa na bitawan ang kamay ni mama* ,mama!!",ella
"anak nakikiusap si mama",mama
"mama wag kanang umalis!!",ella
*nang ipasok na ng driver ang mga gamit ni mama sa sasakyan , unti unti na niya binibitawan ang kamay ko at si papa naman hinihila na ako palayo kay mama ,
at dahil sa bata pa ako at wala pa akong magawa sa mga oras na ito , pero kahit anong gawin ko na gustuhin na magalit kay mama hindi ko magawa*
"papa kasalanan mo to *Habang pinipiglas ko ang kamay ko na hawak hawak niya * nagagalit ako sainyo ! ayoko sainyo! *nang bitawan ni papa ang kamay ko agad ako tumakbo papasok sa kwarto at ito ay aking ni lock*",ella
*lumapit si papa sa pintuan ng kwarto ko , at humihingi siya ng tawad sakin*
"Anak patawarin mo si papa , hindi ko pwedeng sabihin sayo kung ano yung nangyari pero balang araw darating ang panahon na maiintindihan mo yung ginagawa ni papa para sayo , anak mahal na mahal ka ni papa",papa
*pero kahit anong gawing paliwanag ni papa sakin ni isa wala akong pinaniwalaan , wala akong magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak*
*bawat araw na lumilipas patuloy parin akong naghihintay sa labas ng gate at nag babasakali na baka balikan ako ni mama , walang araw na hindi ko pinag patuloy ang pag hihintay ko kay mama , wala rin akong oras o minuto na pinag lalagpas at sinasayang sa pag hihintay kay mama , pero kahit anong gawin ko hindi na bumalik si mama*
*2 weeks nang nakakalipas*
"Anak may gusto ka bang kainin? ipag hahanda ka ni papa",papa
"Wala akong gustong kainin !",ella
"Anak pwede ba kitang makausap?"papa
*umupo ako sa tabi ni papa *
"Ano yun , at para san?",ella
"Dadalhin kita sa lola mo , pero anak wag ka mag alala babalikan ka agad dun ni papa",papa
"pareho lang kayo ni mama , pag alis mo alam ko na hindi mona ako babalikan !",ella
*pag tapos sabihin ni papa sakin umalis ako ng bahay na galit na galit sa kaniya*
"Ella ! , Ella anak!!",papa
*Patuloy ako sa aking pag tagpo hanggang sa diko namalayan na may paparating na sasakyan dahil agad akong tumawid sa kalsada*
*Patuloy din si papa sa pag habol sakin*
"Sandali may batang patawid !"
"N-naku !",driver
"Ellaaa!!!",papa
Download NovelToon APP on App Store and Google Play