NovelToon NovelToon

Notorious Queen

00. Prologue

I was young when I was bound to marry a boy. His family was close to mine. I always found him right on my side, watching me intently with those dark doe eyes. He sometimes play with me together with my best friend Seniichi. We became friends before our marriage at my seventh birthday. We spend a lot of time together but unfortunately, after two years of spending time together. He betrayed me and left.

I was nine when he left and that is the time when my life got miserable. I was kidnapped by my own aunt, my mother's sister. Since I was trained, I killed her without batting my eyes. I didn't felt terrible at the sight of her blood on my cute white dress but I felt happy about it.

I was ten when my parents decided to leave and go to Greece just to continue their experiments and inventions. I was left here in the Philippines and I faced dozen of difficulties that developed my DID.

The psychologists said that It might be caused of an early emotional breakdown and depression. The thought of being left and betrayal traumatized me. Making me equal to those kids who had developed their DID through torture and abused. Betrayal scarred me deep in my soul.

I became a victim of bullying. And a lot of old guys tried to do something to me. And for the nth time, I killed them with a single knife.

And as I grew older, I decided to follow my mother's foot steps and became a psychotic mafia queen. A title that I held until now, I became undefeated and I loved the thought of people being scared whenever the see a glimpse of my golden mask.

“Lee Daichi is upstairs, young lady” one of men informed after I finished slicing up some butlers down stairs.

“Where's the other Lees?”

“They were already dead, young lady.” He answered.

“Well, then. I should end Daichi” I yawned and even stretched my arms as I begun to climb upstairs. My katana is on my waist kissing the floor because of its length. I wore my usual attire whenever I go for a personal mission.

When I reached upstairs, I quickly saw Lee Daichi on the balcony. I almost grin when I saw him, he's probably thinking of jumping down.

“Are you planning to kill yourself, Lee?” I asked, crossed arms.

He glanced at me and got horrified when he saw his father's head hanging on my waist beside my Katana. I even pat it with my gloved hands and sweetly smiled at him.

“Didn't I told you that I'll make you pay when the time has come?” I uttered.

“B-bakit mo ba 'to ginagawa? I was your friend Tricia..”

“I was, but you ended up betraying me before..” tugon ko. He's the one who set me up, because of him.. I almost got raped by a bunch of old dudes that I loathed until now.

“Wala akong choice! I'm sorry for what I've done, Tricia.. I won't do that again just spare my life please..”

“You have so many choices, Lee. I was your friend but instead of staying as a good one, you tried to take my innocence away.” Nagsimulang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. “you tried to sell your own friend in exchange of money..”

“I shouldn't have trust you before..” dugtong ko at marahas na pinunasan ang mga pesteng luha sa mga mata ko.

“You massacred my family for that? Pwede namang ako nalang Tricia. P-pero bakit idinamay mo pa ang pamilya ko?”

“Unfortunately, they are part of my personal mission. They stole my family's heirloom..” I blankly said.

“W- what? May sapat kang rason para gantihan ako pero bakit sa simpleng pagnanakaw lang ng pamilya ko ay pati sila idinamay mo?”

“Simpleng bagay? Are you fvcking kidding me?” I spat.

“Young lady, we're taking so much time..” Biglang sabat ng tauhan ko sa'min.

“Ano sa tingin mo ang iisipin ni Jacob kung malaman niyang pinatay mo k-- ” Mabilis kong hinugot ang katana sa kaha nito at walang kurap na itinarak iyon sa kanyang lalamunan.

“My..my.. That's a forbidden word ugly piece of shit” untag ko saka sinipa ang katawan nito, dahilan upang tuluyan itong mahulog.

“Young lady, Lady Cheshire wants to talk to you..” aniya ni Gilmore na sumulpot na lamang mula sa kung saan. Ito ang pinakamatandang tauhan ng aming pamilya. Inilahad nito sa'kin ang telepono at nang abutin ko iyon ay boses agad ni Mama ang narinig ko.

“I want you here in the Philippines asap.”

“What's with the rush, ma?”

“Jacob requested an annulment..”

01. Back In The Philippines

...TRIJARA

...

...7:30PM ; HIVE ( Imperial Government Hide Out Somewhere in Underground Society)

...

“After refusing to sign those annulment papers years ago, he requested to have an annulment?” Seniichi, my bestfriend said. I nodded and sip on my black tea. Hindi ito makapaniwala na darating sa puntong 'to. Yung si Jlou mismo ang nagrequest ng annulment matapos itong tumanggi sa pagpirma ng mga annulment papers na pinapadala ko.

“Then what will you do now, Joo sama?” My left hand man, Eros asked.

“I'll go back to Philippines as for our High Queen's order.” Sagot ko at inilapag ang tasa sa marmol na mesa sa'king harapan.

Isa isa kong tiningnan ang mga gang mates ko bago damputin ang kaha ng katana ko.

“Stay here, wag na wag kayong pupunta sa Pilipinas nang hindi ko sinasabi. Finish all of our missions here and I'll contact you when I need you there” Tumayo na ko dahil may pupuntahan pa ko.

“But Joo--”

Pinukol ko ng tingin si Hana na mukhang hindi papayag sa naging desisyon ko. Alam ko na nag aalala ito lalo na't ako lamang mag isa. Wala siya sa tabi ko pag alis ko pati na ang bestfriend ko na si Seniichi.

“No more buts, that is an order..”

“Besides, we can't let our guard down since the king was making a move. It is dangerous for all of us to leave this Island.” Dagdag ko.

The King is someone who held the same authority as me. Hindi ito sang ayon sa pamamalakad ko at against ito sa kapangyarihang ibinigay sa'kin ng council. He's wary of me and he may want me dead.

“Promise? I kocontact mo kami?” Ngumiti ako at nagthumbs up.

“Pangako, kokontakin ko kayo pero ngayon mas mabuti pang dumito muna kayo dahil ako lang naman ang kailangan ron. Though pirma lang talaga ang kailangan para maprocess ang annulment but my mother insisted na mag stay ako dun at ituloy ang pag aaral ko.”

“Edi matatagalan kang bumalik?” nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Nyebe na kadarating lang galing sa training center. She's like my baby, my little sister even though we're not blood related.

“Di naman, and dadalaw naman ako. ” ani ko at tiningnan ang oras ang sa relos ko. “I need to go, mother told me na umuwi ako ng maaga, can't defy the high queen's order”

My mom has the ultimate position in this society. Lahat ata ng lalabas sa bibig niya ay batas. She's the high queen or dowager in short term. Mas mataas siya sa'kin at sa kung sino man. Hindi ko kayang suwayin sya lalo pa't ina ko siya. Pagpapakita ko narin yon ng respeto bilang anak niya.

Nagpaalaman kami ng grupo ko saglit saka ako nagmaneho paalis ng Hive. Pag uwi ay agad kong nadatnan ang mga maleta ko at ang mga maid na aligaga sa pag aayos.

Ngayong gabi na kasi ang alis ko patungong pilipinas. 12.5hrs ang tagal ng magiging flight ko.

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng mansion na tinirhan ko ng ilang taon.

I've been living here in Siviore mansion since when I was in high school. Nakatayo ito sa isang isla sa labas ng underground society. Though, underground society was in the middle of the ocean. Imbis na sa lupa nakatirik ang syudad ay nasa ilalim ng tubig para tago sa mga kalaban.

“I heard pinapauwi ka na?” my older sister Zeyn asked.

“Uhuh, pinapauwi na nga ko. May mga bagay akong aayusin sa pilinas” sagot ko at sinuklay pataas ang buhok ko.

“Sigurado kang ayos kalang?”

“Oo naman ate, ako pa ba? Malakas 'tong bunso niyo kaya wag kanang mag alala diyan”

Ngumiti sya't lumapit saka ako hinapit para yakapin. Mas matangkad ako sa kanya kaya sya ang sumandal sa dibdib ko.

“Ang baby namin.. Malaki na talaga”

I chuckled and comb her long platinum blonde hair with my long fingers. “Yes I am, so please don't baby me too much.. I'll be okay I promise”

She pouted. “Always visit a psychologist once a month, wala ako dun para tingnan ang lagay mo” She's a psychologist. And the reason why she took that profession is to take care of my mental disorder.

“Opo ate..” talagang bibisita ako kahit once a month dahil pwedeng madagdagan ang mga alters sa loob lamang ng isang linggo. Kahit pa ilang taon na nung huling nadagdagan ang mga alters ay hindi parin ako dapat maging kampante.

Mas mag sasuffer lang ako pag naging pasaway ako.

“Ang sweet niyo naman, pano naman ang kuya ha?” my older brother, Dreyfus came. Galing ito sa gym at pawisan kaya nung akmang yayakap ito ay agad kaming naghiwalay ni Ate at lumayo rito.

“Maligo ka muna!” halos sabay naming sigaw ni Ate sa kanya.

-

...10am ; PHILIPPINES

...

“Where are you now?” tanong ni Mama mula sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nagmamaneho gamit ang Bugatti La Voiture Noire. Pinahatid ko 'to kay Mr. Smitt, he's the family's head butler. Gusto ko lang na ako ang magmaneho dahil medyo malayo ang airport sa bahay namin which is located pa sa Cainta, Rizal.

“10minutes, ma” sagot ko pagkatapos ay narinig ko ang pagpatay nito ng tawag. Papasok na sana ako sa subdivision nang harangin ako ng gwardiya.

“Lisensya ma'am”

“I don't have a Philippine License, pwede na ba 'to?” kinuha ko sa wallet ang lisensya ko at inilahad ang lisensya ko rito.

“yes ma'am, but after 90days hindi na pwede. You should have your own local license, if not pwede kayong mahuli. Ano po bang gagawin niyo sa loob?”

“Dyan ako nakatira actually, kadarating ko lang mula greece” sagot ko. Tila hindi ito naniniwala sa'kin dahil sa tinginan nito.

“I'm from De Luca clan, pwede mong tawagan ang landline namin sa bahay kung ayaw mong maniwala. Inuubos mo ang oras ko” blangko ang mukhang saad ko at hinila pabalik ang lisensya ko.

“Pasensya na ma'am pero maraming magnanakaw na nagpapanggap na taga rito. Kung maaari lang ay umalis na po kayo”

“Really? Gusto mong umalis ako at hindi umuwi?”

“Hangga't di kami sigurado sa pagkakakilanlan niyo ay hindi kayo pwedeng pumasok”

“The fvc- ”

Biglang nagring ang phone ko. It's mama..

“Hello ma?”

Tinaasan ko ng kilay ang gwardiya na naiiling at tila natatawa pa. Problema nito?

“Alam mo ma'am hindi na gagana yan- ”

“Asan ka na?!” halos mailayo ko sa tenga ko ang phone ko dahil sa lakas ng boses ni mama.

“Nandito na ko sa tapat ng subdivision pero ayaw ako papasukin” sagot ko.

“Name?”

I sighed at tiningnan ang uniporme ng gwardiya para malaman ang pagkakakilanlan nito.

“Tambangan” pagkasagot ko ay ibinaba nito ang tawag. Ilang segundo lang ay telepono na ang tumutunog. Yung gwardiya na nasa loob ang sumagot nun.

“ma'am, alis na kung hindi ay tatawag ako ng pulis” umiling ako at hindi parin umalis.

“Tambangan! Tarantado ka talaga! Bakit mo hinarang si Miss De Luca!” Lumabas ang gwardyang nasa loob.

“Baka magnanakaw na naman eh”

“Gago! Kita mong mas mataas pa sa sweldo natin yung gamit na sasakyan tas pagbibintangan mo, papansin ka lang talaga!” nilingon ako nito at nginitian. “makakauwi na po kayo, Miss De Luca pasensya na po”

Naiiling na binuhay ko muli ang makina at binalik sa wallet ang lisensya ko.

Pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho papasok dahil lampas na sa sampung minuto ang inilagi ko sa harapan palang ng subdivision.

Kagaya parin ng dati ang subdivision, yun nga lang mas naging modern ang itsura ng mga bahay. Mas naging maganda rin ang mga kalsada, halatang binibigyan ng pansin.

Liniko ko pakanan ang sasakyan, patungo sa oval park kung san ako dati parating naglalaro kasama ang mga kababata ko. Malapit dito ang bahay namin at eto ang pinakashort cut.

Tinanaw ko ang oval park habang papalapit ako sa bahay. Nandun parin ang tatlong monkey bars na iba iba ang taas. Ang single swing na may sand box sa di kalayuan at yung swing na pwedeng tatluhan. At yung iba ay hindi ko na halos mapangalanan.

Marami kasing bata dito sa subdivision kaya nagpagawa sila ng play ground sa gilid ng mala soccer field na space sa gitna ng oval.

Huminto ako sa tapat ng bahay, hindi ko muna pinasok sa loob ang sasakyan dahil pupunta muna ako sa oval park.

“Woah, mas lumaki ka..” tukoy ko sa puno ng narra na nakatayo sa parte ng oval park na hindi sakop ng soccer field. Madalas akong tumambay sa ilalim nitong narra dati pero mukhang miski sa sanga ay di ko na mauupuan.

Madami na kasing mga halaman sa paso ang nakapaligid. Nagmistulang hardin ang parteng ito ng park. May bench naman sa malapit kaya dun na lang ako naupo.

“Ang tagal kong nawala rito, buti at walang pumutol sa'yo..” pagkausap ko sa puno habang nakatingala.

May mahalagang parte ang punong 'to sa buhay ko dahil nung pakiramdam ko ay hindi ko na kaya ay dito ako namamalagi at binubuhos ang nararamdaman ko.

Minsan ay umaakyat pa nga ko sa pinakamataas na parte nitong puno at dun nagpapahangin. Ang comforting sa pakiramdam pag nandito ako kaya importante sa'kin ang punong 'to.

“What are you doing here? Who the heck are you?” a man suddenly spoke. Nalaglag ang tingin ko rito at natagpuan ang pamilyar na mga mata na dati'y gustong gusto ko.

“Jlou..”

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play