Heaven's POV
Ano bang trip nitong kambal ko at naisipan niyang pumunta kami dito sa Library? Tsk. I hate books but I love Manga books.
"Why are you here, Twins?"
Tanong sa'min ni Buwan este Moon siya ang Vice President ng SSG dito sa University namin.
"C-cr kami. Pwede bang tumae dito sa Library?"
Si Twin na ang sumagot sa kanya na isa ring tanong. Napangisi ako ng nagsalubong ang kilay ni Moon at tinignan ng masama ang kambal ko.
"Bawal kayo dito dahil siguradong manggugulo lang kayo."
"Gulo agad? Pwede namang basa muna bago gulo eh."
Ani ko. Lalong sumama ang tingin sa'min ni Moon. Ngisihan lang namin siya.
"Umalis na kayo. Wala akong oras sa kalokohan niyo. Saka hindi niyo ba nakikita ayun ang mga exchange students galing sa Huntress University. Nakakahiya sa kanila kapag makita kayong nanggugulo. First day pa naman nila rito sa school natin. Kaya please lang umalis muna kayo rito sa library, Twins."
'Huntress University'?
Kaya ba gustong pumunta ni Godee dito dahil sa mga exchange students? I smirk. Talagang mabilis makalanap ng impormasyon ang kambal ko.
Kakausapin ko na sana si Moon ng biglang may narinig kaming sumigaw na babae. Hindi pala sigaw dahil tumitili pala siya.
"Ewwwwww!!! Yuckkkk!!! What's that?!!!"
Pareho kaming tumingin sa loob ng library. Kita naman namin dahil glass wall itong harang sa entrance kung saan ka magla-log-in para makapasok sa loob.
Kita namin na tumayo yong babae isa sa exchange students. Siya yong tumili.
"You stupid bitch! Sinadya mo bang ihulog sa'kin ang ugly creature na yan!"
Sigaw niya kay Star ang Secretary ng SSG at magkapatid po sila ni Moon. Halata naman sa pangalan eh.
"Sorry po Ms. Dana. Hindi ko po alam na nakalabas ang alaga ko sa lagayan niya."
"Gosh! Your pet? Damn you're so stupid. Why are you bringing that ugly creature here in the school?"
"Uhm... Kasi po... Kailangan po namin sa science."
"Duh! I don't care! Stupid."
Mataray na saad nong babae na Dana ang pangalan. Bago niya pa maitulak si Star agad na kaming pumasok sa loob at pumunta sa pwesto nila. Hindi na rin kami pinigilan ni Moon dahil alam niya kung anong mangyayare sa oras na gawin niya yun.
Ang mga estudyante dito sa loob ng library ay tumigil sa mga ginagawa nila at sa'min na nakatuon ang mga atensyon nila. Ang mga exchange students naman ay napatayo ng makita kami. Walo pala sila lahat. Anim na lalaki at dalawang babae.
"Akin na ang spider namin, Star"
Ani ng Kambal ko. Binigay naman sa kanya ni Star ang garapon kung nasaan nandon ang spider niya.
"Let's go twin, Star. May gagawin pa tayo sa Sci-Lab."
Ah. Oo nga pala naalala ko. Experiment namin ngayon about sa spider. Now I know. Ito lang pala ang sadya ni twin sa library ang kunin ang spider kay Star saka ka-group din namin siya sa experiment kaya kailangan niyang sumama sa'min.
"So, sa inyo pala ang ugly creature na yan?"
Nakataas kilay na tanong nong Dana. Huminto kami sa akmang pag-alis saka ningisihan ang bruha.
"Ugly creature pala huh..."
Binuksan ni twin ang garapon saka ko kinuha ang spider. Kalahati ng palad ko ang laki nito. I smirk widely nang mapansin kung nagsi-atrasan yung mga exchange students pati si Dana na nanlalaki ang mga mata sa takot.
"Look, his not ugly creature because his handsome creature."
Saad ko. Hinaplos ko pa ang likod ng spider namin. Hindi naman ito gumalaw. Good boy.
"Yuckkkk!!! That's ewwww!!!"
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa panget na tili ni Dana.
"Arte... Oh ito hawakan mo!"
Hinagis ko sa kanya ang spider. Saktong tumama ito sa mukha niya at gumapang pababa sa leeg niya.
Nagtaka ako dahil hindi siya tumitili o sumigaw man lang dahil naka-steady lang siya tipong hindi na siya humihinga. 1 second later... Bigla siyang nahimatay!
"Bwoaahahahahahahahahahaha!!!"
Hindi namin napigilang tumawa ni Godee dahil bigla na lang nawalan ng malay si Dana! Hahahahahaha!
Ang mga kasamahan naman niya ay nabigla rin pero agad siyang binuhat nong isang lalaki na halatang may gusto sa bruha.
"Ang ma-arteng yan? Laroang Gagamba lang pala ang katapat Pffft!"
"Hahahahahahaha!!!"
"Shit! Spider toy lang pala toh?"
Tanong nong boy na nagpangko kay Dana. Kinuha niya rin sa leeg ni Dana ang spider toy namin ni Twin. At pinagmasdan ito ng maigi.
"Akin na"
Walang-emosyon kong saad saka nilahad ang kamay ko. Nag-aalinlangan pa siyang ibigay sa'kin.
"Tsk."
Singhal ko saka nilagay na sa garapon ang spider toy. Tinalikoran na namin sila at umalis na sa library.
Dumiretso na kami ni Twin sa canteen dahil vacant hour pa naman.
"Ayan na ang Twins"
"Balita sa buong university may ginawa na naman silang kalokohan kanina sa library."
Psh. Ang bilis naman kumalat non.
"Yong mga exchange students ang pinagtripan nila."
"Grabe naman. Hindi na sila nahiya galing pa naman sa Huntress University ang mga bisita natin."
"Wala kamo silang pinipili kahit sino pinagtritripan nila."
"Dapat kasi ipina-kick-out na ang dalawang yan eh!"
"Shhh... Hinayaan mo lang ang boses mo, sis. Delikado kapag marinig nila tayo."
"Delikado talaga..."
Nakangising saad ko. Hindi nila namalayang nandito na kami sa likoran nila. Napa-ayos sila ng upo. They are the 5 queens ang nagrereyna-reynahan dito sa University kapag wala o absent kami ni Twin.
"Ipakick-out pala huh? Gusto niyong kami ang sumipa sa inyo paalis dito sa University namin?"
Walang-emosyon kong tanong sa kanila. Hindi naman sila umimik.
"Twins, stop that already. Pinapapunta kayo ni Mom sa office niya."
Nilingon namin si Sun ang pinakagwapong President ng SSG dito sa Sullivan University .
"Haist!"
Napasimangot ako dahil hindi man lang namin napagtripan ang 5queens ngayon kung sabagay meron pa namang bukas.
"Don't pouting, Íťökö. Sige ka nagmumukha kang cute niyan."
"Lul"
Ngumiti lang siya saka ako inakbayan. Kung hindi lang kami kilala ng mga estudyante dito sa Sullivan University sigurado napagkamalan na kaming magjowa nitong lalaking naka-akbay sa'kin.
"Ano namang kailangan ni Tita Solar sa'min?"
Tanong ni Twin nasa unahan siya namin ni Sun.
"Di ko alam eh. Pero nandoon din ang mga exchange students sa office niya. At yung Dana ba yun? May benda siya sa ulo niya. Don't tell me? Kayo ang may gawa non sa kanya noh?"
"Hindi namin sasabihin pero alam kong ang doctor doon sa clinic ang may gawa nong benda sa ulo niya."
"Aish! Íťökö naman eh..."
"Para kang bakla Araw o bakla ka talaga noh?"
"Hah! Sa gwapo kong toh? Bakla lang sa paningin mo, Íťökö?"
"Malay ko ba saka uso na rin kaya ngayon ang organisasyon ng mga lalaking malalambot noh. And I know isa ka sa mga myembro doon, Íťökö"
"Ang sama mo talagang babae ka. Halikan kita jan eh."
"Kahit hindi mo na sabihin palagi mo namang ginagawa yun."
Walang gana kong saad. Tumawa lang si Araw at ninakawan pa ako ng halik sa pisngi.
"We're here, Lovebirds. Tama na yang PDA niyo."
Nagkatinginan kami ni Sun panandalian saka bumaling sa kanila na nakatulala lang sa'min. Napa-iling na lang kaming pareho dahil hindi man lang namin namalayan na nandito na pala kami sa office ni Tita Solar.
Bakit ba ganyan sila makatingin? Ahh... Siguro nakita nila yung paghalik sa'kin ni Sun sa pisngi.
Tumingin ako kay Dana na nanglilisik ang matang nakatingin sa'kin. That glare. Alam ko ang ibig sabihin niyan. Iyan din ang nakikita ko sa leader ng 5queens everytime na nakikita nila kaming magkasama nitong ni Sun.
She's insecure. Ningisihan ko siya. Ma-inggit ka lang bruha. Wala akong pake sa nararamdaman mo.
Napabaling ang tingin ko doon sa lalaking nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Sa kanilang anim na lalaki siya lang ang napapansin kong walang-emosyon ang mukha. Poker face. Pero nang nagtama ang mata namin. His dark brown eyes. It has glint of unknown emotion. Hindi ko mapangalanan.
Dumako ang tingin niya sa braso ni Sun na naka-akbay sa'kin saka siya nag-iwas ng tingin pero hindi nakaligtas sa'kin ang pag-igting ng panga niya. What happened to him?
Wala namang ginawang masama sa kanya si Íťökö. Napa-iling na lang ako ulit at inalis ang braso ni Sun sa balikat ko. Hindi naman siya umangal pero sumimangot lang.
"Twins, umupo muna kayo dahil mahaba haba itong sasabihin ko sa inyo."
Ani ni Tita Solar. Siya ang principal dito sa S.U. Wag na kayong magtaka kung bakit ganon na lang ang mga pangalan ng mga anak niya. Sina Sun, Moon, at Star.
"Just talk Tita, sabihin mo na po kung ano man ang sasabihin niyo."
Ani ni Twin. Tumabi ako sa kanya na naka-sandal din sa pader habang nakahalukipkip.
"Sa Huntress University na kayo mag-aaral simula bukas."
"WHATTT________TTT???!!!"
Godee's POV
Napabuntong hininga kami ng kambal ko dahil sa ka-OA-han ng mga kasama namin dito sa office. Talagang sila pa ang nagulat ng sabihin ni Tita Solar na doon na kami sa Huntress University mag-aaral. Lalo na yung Dana na napatayo pa sa gulat. Tsk. Witch.
"Pero... Mrs. Sullivan, Bakit po sa school namin sila mag-aaral? Alam nating lahat na bawal sila roon."
"Dana, hindi ako nagdesisyon nito. May nag-utos lang sa'kin na ipatransfer sila sa H.U."
"Duh! Basta! Hindi sila nababagay doon kahit nga dito sa Sullivan University hindi sila karapat dapat dito eh. They are low profile."
Natutuliglig ang tainga ko sa ka-artehan nitong ni Dana. Umalis ako sa pagkakasandal sa pader saka lumapit sa kanya. Binatukan ko siya! Na sobrang lakas na muntik niya ng ikasubsob sa sahig kung hindi lang siya nasalo nong lalaki na pumangko sa kanya kanina.
"Ouch!!! Who the hell are you para batukan ako?!"
"Tang*na... Manahimik ka nga!"
Saad ng kambal ko na lumapit din pala rito saka tinulak niya si Dana dahilan para bumagsak ito sa sahig kasama yung lalaki na naka-alalay sa kanya.
"Weak"
Nakangisi naming saad ni Twin saka kami lumabas sa office ni Tita.
"Twins, wait...sandali!"
Huminto kami ni Twin saka nilingon yong sumigaw. Dalawang lalaki sa exchange students. Different sizes. Isang payatot. Isang chubby. Pero pareho silang cute.
"Bakit?"
"Ahm... Ano... Kami na ang humihingi ng tawad sa sinabi ni Dana sa inyo kanina. Pagpasensyahan niyo na ang ugali niya."
Kumunot ang noo ko. Bakit sila pa ang humihingi ng tawad eh kami nga yong may ginawa sa kanila. Tsk.
"Okey lang yun, hindi naman kami na-offend sa sinabi niya eh."
Nakangiting saad ni Twin. Pansin ko pang parang nagliwanag yung mukha nong payatot este hindi naman talaga siya payatot tama lang ang size ng katawan niya sa edad niya.
"Ang ganda talaga ni Heaven, Pards"
"Kaya nga eh pero para sa'kin mas maganda si Godee"
Mga gagong toh. Nagbulongan pa sa harapan namin. Okay sana kung hindi namin narinig eh. Tss.
"Uhm... Pwede bang magpakilala sa inyo?"
Tanong nong payatot na halatang may gusto sa kambal ko.
"At bakit naman kayo magpapakilala sa kanila? Especially to my girlfriend Heaven."
Saad ni Sun. Sumunod pala ito sa'min. Nasa likoran naman niya yung mga kasama ng dalawang lalaking toh. Tapos na siguro ang pag-uusap nila roon sa office.
"Wha... What? Girlfriend mo si Heaven?"
Hindi nakapaniwalang tanong ni Dana. Hindi pa pala namatay toh. Hindi siya pinansin ni Sun dahil pumunta na ito sa tabi ng kambal ko at umakbay na naman.
"Yeah, She's my girlfriend. Hindi ba halata?"
"Ano... Halata naman... Talagang ngayon lang namin nalaman na may girlfriend pala ang isa sa Top Handsome Bachelor Worldwide."
Ani ni Dana. Kita ko pa kung paano kumuyom ang kamao niya at tinarayan ang kambal ko.
"Let's go! Mag group date muna tayo bago umalis ang twins dito sa S.U.,right Íťökö?"
Biglang saad ni Buwan este Moon. Umakbay pa siya sa'kin. I rolled my eyes talagang magkapatid sila ni Sun. Mahilig mang-akbay.
"Bakit parang masaya ka yata ngayon?"
Tanong ko kay Moon. Agad namang lumungkot ang mukha niya.
"Hindi ah... Malungkot nga ako eh, kasi aalis na ang pasaway kong girlfriend dito sa S.U."
"Malungkot daw... Ang sabihin mo masaya ka. Tsk."
Naglalambing na hinalikan niya ako sa pisngi.
"Tara na tara na, Wag kayo dito mag pakita ng PDA. Doon niyo na yan gawin sa pupuntahan natin."
Saad ni Star. Bumalik na ang pagka-Brat niya. Dahil kitang kita namin kung paano niya tarayan si Dana at nag 'Fu*k You' sign pa siya. Hahahahaha! Salbaheng bata.
Tinalikoran na namin ang mga exchange students at umalis na.
"Gago ka talaga Star. Bakit mo ginawa yun huh?"
Tanong ko sa kanya nang makarating kami dito sa Parking lot.
"Kasi Ate, ang arte niya saka sinigawan niya kaya ako kanina sa library. Dapat nga sapakin ko ang bruhang yun eh."
"Sabi na nga ba eh. Planado niyo ang nangyare kanina sa Library, noh? May padrama-drama pang nalalaman ang brat na toh."
Saad ni Moon na ginulo pa ang buhok ng kapatid niya. Nakangising tumango kami sa tanong niya.
"Tama na yang chickahan niyo. Sumakay na kayo sa mga motor niyo. Dahil mahuhuli na tayo sa pupuntahan natin."
Ani ni Sun. Nagsitanguan kami saka sumakay na sa kanya kanya naming motor. Kawasaki Ninja H2R.
Dana's POV
Kainis! Bwiset ang Twins na yon! Lalo na si Heaven! Malandi siya! Inagaw niya sa'kin si Sun! Kaya nga ako pumayag na sumama sa exchange students dito sa Sullivan University para makita at maka-usap ko si Sun. Matagal ko na siyang gusto. From the first time we met at nong nakita ko ang photoshoot niya sa Magazine Top Handsome Bachelor Worldwide (MTHBW).
"Ayaw ko na dito! Bumalik na tayo sa school natin!"
Saad ko sa mga kasama ko. Nagkibit balikat lang sila at hindi ako pinansin. Isa pa toh sa kinaiinis ko. Alam ko kung bakit din sila pumayag na sumama dito dahil para sa Twins. Gusto raw nila itong makita ng personal.
Ang mga gold digger na yun! Masyado silang sikat kahit sa school namin sila ang palaging topic ng mga estudyante roon mapa-boys, girls, bakla, tomboy man!
And I'm sure! Maaagaw nila ang Popularity ko sa Huntress University kapag doon na sila mag-aaral! Kainis! Bwiset talaga! I hate them to the core!
"Lunch na tayo. Nakakagutom ang nalaman natin. Hindi ko akalain na may jowa na pala ang Twins. Sayang."
"Duh! I'm sure nilandi lang nila si Sun at Moon."
"Ano ka ba naman Dana, nakita naman natin kung gaano kamahal ni Sun si Heaven."
Lalo akong nainis sa sinabi ni Desiree. Ang ampon kong kapatid. Tinarayan ko lang siya at nauna ng naglakad. Sun is cold and emotionless person. Lumalabas lang ang emosyon niya sa mga taong mahalaga sa kanya.
Naiinis ako dahil kitang kita ng dalawa kong mata kung gaano siya ka-sweet kay Heaven.
"Saan kaya sila magdi-date? Nakaka-inggit talaga ang Twins. Akalain mo yun ang dalawang magkapatid na Sullivan pa ang natuhog nila."
"Bagay naman ang Twins sa Sullivan brothers dahil pareho silang magaganda't gwapo. Tas ang ko-cool pa."
"Sabagay tama ka jan girl."
"Pwede ba! Kung magdadaldalan kayo wag dito! Humanap kayo ng lugar kung saan kayo nababagay! Mga chismosang palaka!"
Sigaw ko sa dalawang babae na nasa katabi naming table. Masyado silang maingay! Kumakain yung tao eh.
Umalis naman sila agad. Good. Matuto kayong sumunod sa mas nakakataas sa inyo.
"Dana"
Saway sa'kin ni Worth-oppa. Kaya tumigil na lang ako at kumain na lang. Alam kung kanina pa siya nagtitimpi sa ugali ko but I know he can't resist me.
"Kasi naman oppa! Ang panget ng topic nila. Nakakawalang gana."
Umiling siya at kumain na lang din. His my oppa na palaging naka poker face. Ni minsan hindi man lang namin siya nakikitang ngumingiti. His always emotionless and stoically. Kahit sa'min na mga kasama niya hindi siya naglalabas ng ano mang emosyon.
Kaya nagtataka ako kung bakit siya pumayag na sumama sa amin dito sa S.U bilang exchange students. Eh, dati naman sa ibang school hindi siya sumasama. I wonder?
"Ilang araw lang ba tayo dito, Dana?"
Tanong sa'kin ni Dk. Tsk. Isa rin ang lalaking toh. Masyadong baliw kay Heaven!
"Sabi ni Sky, 3 days tayo dito"
"3 days? Bawal bang bawasan ng dalawa yun?"
"Bawal. Ayaw kong ma-disappoint sa'tin si Sky kaya sundin na lang natin ang utos niya."
"Psh! Porket mahal mo lang yung tao."
Singit ni Jun. Sa lahat ng myembro sa grupo namin siya ang pinaka-iinisan ko. Dahil masyado siyang papansin sa'kin at pervert pa!
Pero... Ano ang sabi niya? Mahal ko si Sky? Well, yeah... Sky is our leader and SSG President in our school. And for your more information siya ang nangungunang pinakagwapong lalaki sa mundo. I mean He is the top 1 Handsome Bachelor Worldwide. Saka siya rin ang pinakabatang wealthiest businessman sa Business World. Dahil sa edad niyang 21 nakapag patayo na siya ng sarili niyang company at isang Elite school which is the Huntress University.
Madaming humahanga at nagmamahal sa kanya na mga babae. And I'm lucky na kabilang ako sa grupo ng ACES. Dahil nakakasama ko siya at nakaka-usap.
Siya ang pangarap ng lahat bukod kasi sa maganda niyang physical na anyo maganda rin ang ugali niya. His the God sent for me.
Speaking of Sun crush ko lang talaga siya dahil ang mahal ko ay si Sky.
Naiinis lang talaga ako dahil ang cheap niyang pumili ng girlfriend. Si Heaven a gold digger.
Heaven's POV
Isang linggo na pala ang lumipas simula ng ipatransfer kami ni Tita Solar sa Huntress University.
At ngayon nandito kami ni Twin sa MOA (Mall of Ai) para gumala lang. Nakakabagot kasi sa apartment namin.
"I'm sure galit na galit na siya sa hindi natin pagpasok sa H.U."
Ani ko kay Godee. Ngumisi siya't tumango. Ano na lang kaya ang magiging reaction ng pinakamamahal naming Kuya sa pagpasok namin bukas? Hmm... Exciting! Alam naming siya ang nag-utos kay Tita Solar na ipalipat kami sa H.U kaya hindi na kami nagulat ng malaman niyang saan kami nagkakampo ni Twin. He have many connections. That Holy jerk. Tss.
Sumipsip na lang ako sa coffee float ko habang nililibot ang paningin ko sa paligid. So many people. Childrens. Teens. Adults. And couples. May ilan pang nawiwirduhang tumitingin sa'min. Bakit ba? Hindi naman masamang maghoody sa loob ng Mall ah. I rolled my eyes. People nowadays Tsk!
"Oww... Hindi mo magugustuhan ang nakikita ko, Twin."
"Huh? Bakit? Ano ba yun?"
Nagtatakang tanong ko sa kambal ko. Sinundan ko rin ang tinitignan niya. Kumulo agad ang dugo ko sa panget na tanawing nakikita ko!
"Come on, siguradong masaya toh lalo pa't madaming tao ang nakatingin sa kanila."
Inayos ko ang pustora ko at cool na naglalakad papunta sa pwesto nila. Pareho silang napahinto sa paglalakad at nanlalaking mata na tumingin sa'kin. Habang si malanding bruha naman ay kumapit sa braso ng Araw ko na lalong ikina-init ng dugo ko...
"Gi.. Girlfriend..."
Kinakabahang saad ni Sun. Kaninang walang emosyon niyang mukha ngayon ay nababalutan na ng pangamba. Pilit niya ring inaalis ang braso ni Bruhang malandi na nakalingkis sa braso niya.
Ngumisi ako't sinapak siya sa mukha.
"Girlfriend mo! Mukha mo gago!"
Isang malakas na suntok pa ang pinakawalan ko.
"Break na tayo! I hate you! masunog ka na sa Araw na gago ka!"
One last punch to his handsome face then umikot ako sa ere at binigyan siya ng isang flying kick! Ayun namatay este nawalan siya ng malay.
"Oh my gosh! Oh my gosh! Why did you do that? Hey Sun, wake up, wake up. Please?"
"Don't touch him! You flirty-witch!"
Hinila ko ang buhok ni Dana at tinayo siya. Wala siyang karapatang hawakan ang akin! Tinignan niya ako ng masama. I smirk and look at her coldly and emotionless. Kita ko sa mata niya ang takot. That's right witch! Matakot ka.
"Bitawan mo ang buhok ko!"
Aniya. At pilit inaalis ang kamay ko sa buhok niya. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkahawak kaya halos mangingiyak na siya sa sakit.
"Feel the pain, witch!"
Saka ko siya sinampal kaliwa't kanan hindi pa ako nakontento kaya sinuntok ko ang isa niyang mata. Halos mawalan siya ng malay sa ginawa ko kaya binitawan ko na siya. Napa-upo siya sa sahig habang sapo-sapo ang kaliwa niyang mata na sinuntok ko.
Tinalikoran ko na sila. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakapaligid sa'min may nagvi-video pa ginawa namin.
"Witch, pumili ka kasi ng lalandiin mo. Ayan tuloy ang napala mo, pasalamat ka't hindi ka tinuluyan ng kambal ko."
Saad ni Twin saka kami tuluyang umalis. Na parang walang nangyare.
"Call them. I'm sure, bukas pa magigising si Íťökö."
"Grabe ka naman kasi, dapat sinuntok mo lang si Sun. Eh, binigyan mo pa ng nakakamatay mong flying kick."
"I'm bored, Twin"
Tumahimik naman siya saka naglabas ng 'Yakee' bubble gum at binigay ito sa'kin. My bored reliever.
Nilabas niya rin ang phone niya at tinawagan sila.
"911 guys. MOA"
Iyon lang ang sinabi niya at pinatay na ang tawag. Alam naming maintindihan na nila yun.
Godee's POV
Pagkatapos naming gumala sa MOA. Umuwi na kami sa apartment namin. Bored pa rin ang kambal ko. Kahit na naka-isang supot na siya ng Yakee kanina sa MOA. Wala pa rin. Hindi tumalab. Immune na yata siya sa bubble gum na yun. Delikado toh. Pinaka-ayaw namin sa lahat ang na-bo-bored siya.
"I'm bored, Twin... I'm bored... I want to kill someone."
She murmured. Nabahala naman ako. Kaya binilisan ko na lang ang pag-drive nitong sports car ko para makarating na kami sa apartment.
"Ah...Gusto mo ikaw na lang ang mag-drive nitong Lamborghini Aventador ko. Maghahanap tayo ng ka-race mo."
"I don't want. It's boring."
Aish. Hindi naman boring mag drive dito sa Lamborghini ko ah. Ang saya nga eh!
Full speed na ang ginawa ko para maibsan ang pagka-bored niya.
"I hate cars. Pasabogin ko kaya toh?"
"Twin naman eh, Wag naman ang akin. Marami kay Kuya iyong sa kanya ang pasabogin mo."
"Marami rin naman sayo ah?"
"Kahit na alam mo namang loving collections ko ang mga sports car. Sige nga, kung yung mga big bike mo ang pasabogin ko. Ano ang mararamdaman mo?"
"I kill you once and Burnt you million times."
"Ouch... Even if I'm your twin?"
"Yeah"
Bored na talaga siya. Hindi na nagbibiro eh. Sa tono ng pananalita niya kahit na walang gana pero mahahalata mong gagawin niya ang sinabi niya sayo.
Sa wakas! Nandito na kami sa apartment namin. White Bugatti Veyron. Nasa harapan ng apartment namin. Pinarada ko na ang Black Lamborghini Aventador ko saka kami lumabas ni Twin.
"His here, Twin"
"I knew"
"Then?"
"It's going fun"
"No twin. Not him. His our Kuya."
"I'm bored, Godee and I want a reliever."
Walang gana niyang saad saka siya naunang pumasok sa loob ng apartment namin.
"Patay..."
Bakit kasi ngayon pa naisipang pumunta ni Kuya sa apartment namin? Malas niya.
"Ahhh!!! Arayyyy!!!"
Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang namimilipit na sigaw na yun. Si Kuya! Dali dali akong pumasok sa apartment at bumungad sa'kin ang senaryong...
"Oh shit!!! Heaven stop that!!! Mapapatay mo si Kuya!!!"
Nilingon niya ako saka siya ngumisi na ikinahinga ko ng maluwag.
"His weak, twin"
Aniya saka inalis na ang katana sa leeg ni Kuya. At binalik ito sa lagayan.
Lumapit ako kay Kuya at inalayan itong umupo sa sofa. Tang*na ramdam na ramdam ko ang nginig niya.
"Oh brother Jesus! She almost killed me."
Paghihistirikal ni Kuya kaya napatawa ako ng mahina saka tinignan ang kambal ko na pumunta sa kusina.
"What happened to her, Godee? Bakit ganon siya? She wants to kill me."
"She's bored, Kuya"
Ani ko. Nanlalaking mata na tumingin siya sa'kin.
"Jesus, Mabuti na lang hindi niya ako tinuluyan."
"Hahahahaha! I feel the same way, Kuya. Iyon ang palagi niyang ginagawa sa'kin/sa'min everytime she's being bored. Madami ng na 911 sa pagiging bored niya eh."
"After 3 years, hindi pa rin nawawala ang ugali niyang iyon. God, palagi ko pa namang ipinagdadasal na sana hindi niya na mararamdaman ang pagiging bored."
"Here he come again, My holy brother. Here, uminom ka muna ng tubig. Baka ma-stroke ka pa jan eh."
Biglang saad ni Twin. Galing siyang kusina. May dala siyang tubig at isang box ng Pizza. Hawaiian flavor. Regular size.
Ininom naman ni Kuya yung tubig na binigay sa kanya ng bunso naming kapatid.
"Salamat dito sa pasalubong Kuya ah? I love you"
Matik na nawala ang inis at takot ni Kuya kay twin ng naglalambing na hinalikan siya nito sa pisngi. Tsk. Daya talaga ng babaeng toh. Ginagamit ang kahinaan ni Kuya sa kanya.
"Ang ganda ng pasalubong ko sayo pero ang binungad mo naman sa'kin kanina halos katayin mo na ako."
"Hahahahaha! Hindi ko na kasalanan yun kung weak ka."
"Salbaheng bata"
Pareho na lang kaming natawa ni Twin saka kinain na ang pizza.
"Pagkatapos niyong kumain. Aalis na tayo."
"Eh? Saan naman tayo pupunta kuya?"
"Bumalik na kayo sa Mansion"
"Tsk. Ayoko! Siguradong nandoon si Tanda!"
"Wala siya doon. Umuwi siya ng Russia. At sabi niya matatagalan daw siya roon. Saka sabi rin ni lolo bumalik na kayo sa Mansion."
"Okey babalik na kami dahil wala naman siya roon."
"Hindi niyo pa rin ba napapatawad si Lolo?"
"Slight lang kasi naman eh. Ang sama niya! Bakit kailangan niya tayong ikulong sa bansang toh? Tapos, pinagbabawalan niya pa tayo na makita sila Mom and Dad."
"Pasensya na, hindi niyo kasi maintindihan kung sasabihin namin ni lolo sa inyo ang dahilan."
"Tsk!"
"Pero... Na miss ko talaga kayong dalawa! Akalain niyo yun natiis niyo akong hindi makasama ng tatlong taon. May nalalaman pa kasi kayong maglayas eh."
"Hayyyy nakuuuuu! Wag kang mag-alala kuya. Hindi ka naman namin na miss Eh."
"Godee, pigilan mo ako talagang mababatukan ko na ang batang toh."
"Sige, gawin mo nga?"
"Syempre hindi, Mahal kita Eh kahit na muntik mo na akong mapatay."
Ngumisi na lang si Twin. At kinain na ang panghuling pizza.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play