NovelToon NovelToon

Cradled Hearts

Chapter 1

"Raffy is a real hero, Alexandrei! And I know he can do it. I trust in you, Son."

Rafael Del Vista turned to his mom who sat next to him at the dining table. "Salamat, 'Ma," nakangiting sabi niya. Naikuwento kasi niya sa mga ito ang bagong kasong hinahawakan niya. Iyon ay ang pagkidnap ng mga armadong grupo sa isang dalaga na nagtatrabaho bilang receptionist ng isang hotelsa siyudad ng Makati.

"No wonder kung kanino siya nagmana, Agnes." Kinindatan ni Alexandrei, ang papa niya, ang asawa nito.

"Kanino pa ba, e, 'di sa akin!" Mahinhing napatawa ang ginang.

Napansin ni Rafael na napakamot sa batok ang papa niya. Napatawa siya nang pagak. Kahit na papaano ay masaya siya na sa wakas ay tinanggap na ng kanyang mga magulang ang trabaho niya imbis na sundin ang yapak ng mga ito na pawing mga negosyante.

Kumuha siya ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Ininom niya iyon. Tapos na siyang kumain at mataman siyang nakinig sa pag-uusap ng mga magulang niya.

"Happy 30th Anniversary, Agnes." Malawak ang ngiti ng ama niya na naglakad palapit sa mama niya. May hawak itong isang itim na parihabang kahon. At kung hindi siya magkakamali, iyon ang personalized gold necklace na ipinagawa ng ama niya sa isang sikat na jewelry designer sa Makati.

That must be his dad's gift to his mom. Napansin ni Rafael na namamasa ang mga mata ng kanyang ina. Pinagtiklop nito ang mga kamay at idinapi iyon sa kaliwang pisngi.

"Aww, I love you, Alexandre!"

"Ah-huh, I love you more, wife." Kulang na lang ay mahulog sa kinauupuan ang mama niya dahil sa sobrang kilig. Alexandre kissed her in lips na para bang lalanggamin na si Rafael sa sobrang ka-sweet-an ng mga magulang.

Biglang pumasok sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ng ginang noong 25th birthday niya.

Raffy, sooner or later you have to find your other half, okay? Aba't hindi puwedeng pumuti na ang buhok namin ng papa mo ay wala ka pang ipinapakilalang babae sa amin! Kung hindi ka pa magkaka-girlfriend maybe two years from now, sa ayaw mo't sa gusto, we'll have to deal with the so-called arrange marriage.

Sa gitna ng kasiyahang yumayakap sa paligid at sa kabila ng kumikinang na mga bituin sa payapang kalangitan ay hindi maiwasang manlungkot ang maamong mukha ni Rafael.

Sa isa sa mga pinakamasayang araw ng mga magulang niya ay wala ang nakababata niyang kapatid na si Eris. At mukhang alam niya kung nasaan ito. Bar. Halos gabi-gabi ay umuuwi ito nang lasing at kung hindi naman ay nadadatnan na lamang ng mga kasambahay na may katabi itong babae sa kuwarto nang hubo't hubad.

Speaking of that man, ang pagkamangha ng mama niya sa regalo ng asawa ay napalitan ng pagkatakot. Dahil gawa sa salamin ang dingding sa may entrance ng verandah ay nakita ni Rafael ang pagkabasag ng isang antigong paso na naroon sa isang sulok ng pinto papunta sa kusina nang aksidenteng mapatid iyon ng dalagang kasambahay.

Hindi lang bumagsak sa sahig ang huli. May tumulak dito. Napansin niya ang pagkatakot sa mukha nito at nakatingin sa isang bulto ng katawan na papasok sa kusina.

"Huwag ho, Ser! W-Wala po akong ibang pagsasabihan. Pangako po!"

"Shut your fucking mouth up if you don't want something bad happen to you and your family!"

Kahit na halos pabulong na sabi iyon ni Eris sa kasambahay ay narinig iyon ni Rafael. His authoritative-like hazel brown eyes narrowed. Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga ito.

"What's with the commotion in there?" Narinig niyang sabi ng mama niya.

"Eris," halos pabulong na sabi ni Rafael. Ano naman kaya ang kasalanan ng kasambahay nilang iyon at uminit na naman ang ulo ng kapatid niya? He shook his head. May kasalanan man o wala, what he did was against to the law, to the rights of the maid. As an authoritarian, and as being his older brother, he should be doing something. Kailangan niyang awatin ang kapatid bago pa mayroon itong magawang masama sa kasambahay. "Tama na."

Tiningnan niya ang kasambahay. "You may now go. Ako na ang bahala sa kanya."

Napansin niyang kahit papaano ay nagliwanag ang mukha ng babae. "S-salamat po, Ser!" Tumayo ito at dali-daling tumakbo palayo.

Hindi niya inaasahan ang pagtulak sa kanya ng kapatid. Muntikan na siyang mawalan ng balanse. "Ano'ng problema natin, Eris?"

Napansin niyang namumula ang mga mata ng kapatid. Tama ang hinala niya, lasing na naman ito. Kahit anong pangaral niya rito na limitahan ang pag-inom, mas matigas pa sa bakal ang ulo nito at sige pa rin sa pagpunta sa mga bar. Minsan ay nababalitaan niyang dumadayo ito sa Quezon City para lang maglasing.

Nakita rin niya ang pasa sa kaliwang pisngi ng kapatid. He does not know why his brother acts like a brat dahil sa tuwing kinakausap niya si Eris ay ayaw nitong magsalita. Sa katunayan, nasasayangan siya sa kapatid. Bukod sa graduate itong Suma *** Laude sa kursong pareho ng mga magulang nila, isa rin ang huli sa prospect na maging tagapagmana ng mga negosyo ng mga Del Vista.

Bata pa lamang ay maayos na ang relasyon ni Rafael kay Eris. Sa katunayan, nang sabihin niya sa mga magulang na gusto niyang maging isang pulis, ang kapatid niya ang numero unong nagparamdam ng pagsuporta. Eris also counted him as his hero since then.

Mahal na mahal niya ito at kahit na nagbago ang ugali nito ay hindi siya magsasawang iligtas ang kapatid.

Eris' jaw tensed. Matalim siya nitong tinitigan na mistulang mayroon itong matinding hinanakit sa puso. "My problem? It's you!"

Nangunot ang noo ni Rafael.

"Masyado kang pabida, bro!" Eris stressed the latter word. "Ang gusto mo, sa 'yo lahat ng puri! You fucking know what? Aliby mo lang yata ang pagpupulis para mapansin nina mama!" Napatawa ito nang pagak. "Kung alam ko lang na sa ganoong paraan ko makukuha ang respeto at suporta nila, sana, nagpulis na lang ako at hindi hinayaang magpakulong sa bagay na ayokong maging ako!"

"M-magsitigil kayo!" Napansin ni Rafael na hinahabol ng mama niya ang hininga nito. His parents were standing on the doorway, inaalalayan ni Alexandre ang asawa na sapo ang dibdib.

"Inhale, Agnes," narinig niyang sabi ng papa niya at sinunod naman ito ng mama niya. "Exhale. Okay, one more time. Inhale... exhale."

Lalapitan sana niya ang mga magulang, ngunit mabilis na nahawakan ni Eris ang kanang braso niya at kinuwelyuhan siya.

"Elena!"

Nahagip pa ng paningin niya ang pagpasok sa kusina ng nangangalaga sa kanya at napansin pa niyang napatakip ito ng bibig. Lalapitan sana siya nito, but he eyed her his parents at mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang sabihin. "Agnes! Jusko po, ano po'ng nangyari?"

"Asthma attack. Dalhin mo muna siya sa kuwarto, Elena, and give her meds. May aasikasuhin lang ako."

Halos hindi huminga si Rafael dahil hindi niya gusto ang amoy ng alak na ihinihinga ng kapatid. Nagngingitngit sag alit ang mukha ni Eris habang mahigpit na nakahawak sa kuwelyo ng suot niyang police uniform.

Eris pointed the badges on Rafael's uniform. "Walang kuwenta ang mga 'yan! Itapal mo sa mukha mo!" halos pabulong na sabi nito.

Parang may bala ng baril na tumama sa puso ni Rafael nang marinig mismo sa bibig ng unang tumingin sa kanya bilang isang superhero ang mga salitang iyon. Para bang napantig ang mga tainga niya at hindi na niya narinig ang mga sumunod nitong sinabi. Maging ang pagsuntok ng ama sa mukha ni Eris ay hindi niya napaghandaan.

"You irresponsible man, get out of my house!" Alexandre's teeth were gnashing in rage. "Wala kang ibang inambag sa pamilya kundi kahihiyan!" Nanatiling nakakuyom ang mga kamao nito.

Napatingin siya sa kapatid at nakonsensya siya sa hitsura nito. Sa lakas ng pagkakasuntok ng ama ay pumutok ang kanang gilid ng mga labi nito, normal nang makakita siya ng dugo, pero pagdating sa kapatid, kinikilabutan siya at kinokonsensya ang kanyang utak.

Eris doesn't deserve it.

Maling-mali ang kapatid niya pero hindi iyon ang nababagay kay Eris. Gusto niyang sabihin iyon sa ama pero wala siyang lakas. Hindi. Ayaw niyang lumaki ang gulo. Ayaw niyang dagdagan ang hinanakit sa puso ang ama at baka may masama pang mangyari rito. Maybe, kailangan niyang palamigin muna ang sitwasyon, saka niya kausapin ito nang masinsinan.

Bagkus, umalis muna saglit si Rafael at muling bumalik na may dalang first aid kit. Nabitiwan niya iyon nang makitang kinukuweyuhan ito ng ama. Binilisan niya ang pagtakbo at inawat ang mga ito.

"Tama na po, tama na," pakiusap niya habang hawak-hawak sa mga braso ang kapatid. Laking pasasalamat niya at nagtitimpi si Eris na suntukin ang ama. Nakakuyom lamang ang mga kamao nito, ngunit pansin niyang pinipigilan nitong umiyak. Patuloy pa rin sa pagtulo ng dugo sa mga labi nito.

Mariing nakaturo ang hintuturo ni Alexandre kay Eris. Nagngingitngit sa galit ang mukha nito at malalalim ang naging paghinga. Matalim itong nakatingin. "Kung ayaw mong magbago, kung ayaw mong makinig sa amin, kung hindi mo rerespetuhin ang kuya mo, kung ayaw mo ang buhay mo, the door is open. You are free to leave anytime you want. Hindi kita pipigilan." Mahinahon, ngunit may diin sa tinig ni Alexandrei.

Malungkot ang mukhang napailing si Rafael. Hindi niya inaakalang aabot sila sa puntong iyon ng buhay na magulo at hindi maayos ang relasyon sa isa't isa. "'Pa, pakiusap kumalma po kayo."

Hindi siya pinakinggan ni Alexandrei. "The choice is yours, Eris. You've heard me. Once you left, there's no coming back."

Binawi ni Eris ang mga kamay sa kanya at walang anu-ano'y naglakad palabas. Nilingon niya ito. "Eris! Bro!"

Pero hindi nakinig ang kapatid. Umakyat ito ng hagdan papunta sa kuwarto at muling lumabas dala ang isang kulay itim na handbag. Gusto sana niya itong habulin at kausapin pero mabilis na hinawakan ni Alexandre ang kamay niya. Nilingon niya ito. "'Pa-"

Umiling ito. "He'd made his decision. All he have to do is face it." Saglit ay sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Rafael, ikaw na lang ang inaasahan ko. Kung mangyaring kami ni Agnes ay mawala na sa mundo, gusto kong ikaw ang mag-manage sa mga negosyo natin. Bahala ka na kung ano'ng balak mo whether ikaw ang mag-manage o ang kapatid mo, basta gusto kong malaman mo, my trust will always be in you." Tinapik siya nito sa kaliwang balikat. "Huwag mo kaming bibiguin." At saka ito umalis.

Please do not forgot to hit the LIKE button, I would love to hear your say about my story Against the Beat through the COMMENT section, SHARE the story to other Mangatoon Readers, and most specially, your TIP TO THE AUTHOR is highly appreciated.

Chapter 2

RAFAEL cleared his throat and tried to sound calmer. "I HAVE to talk to dad," pakiusap niya sa babaeng kalalabas lamang mula sa office ni Alexandre. Napatingin siya sa hawak nitong mga folders na naglalaman ng importanteng dokumento. Naisip niyang mali yata ang timing niya sa pagbisita sa kanilang kumpanya, but it's worth a try.

Halos isang linggo na rin mula nang umalis si Eris sa mansyon at ganoong katagal ding hindi kumikibo si Agnes. Sa tuwing kainan na ay lagi itong walang gana. Ni hindi na rin nito naaasikaso ang mga tanim na orchids.

Hindi na matiis ni Rafael na makitang nagkakaganoon ang kanyang ina kaya minabuti na niyang pumunta sa Del Vista Realties- isang real estate company na nagbebenta ng mga bahay sa Makati City at karamihan sa mga bumibili, kung hindi mga kabilang sa alta-sosyedad, mga maimpluwensyang tao, at mga nanunungkulan sa gobyerno- upang kausapin si Alexandre.

Umaasa siya na sa pagkakataong iyon, mapapakiusapan niya ang ama na pabalikin sa mansyon si Eris. Palagi kasing umaalis si Alexandre kapag binubuksan ni Rafael ang isyu.

Ilang segundo muna siyang tiningnan ng sekretarya ni Alexandre. Her lips parted na para bang may gustong sabihin, ngunit nang makitang nakauniporme ng pangpulis si Rafael ay tumikhim ito at nag-ayos sa pagkakatayo. "Sir... May appointment po ba kayo? Sir Alex is a busy person. Ginto ang oras niya kaya po hindi siya basta-basta tumatanggap ng bisita lalo na po kapag walang appointment."

"No, hindi ako bisita-"

"Alam ko po iyon pero..." Napakagat sa ibabang labi ang sekretarya. Ni hindi siya nito matingnan nang diretso sa mga mata na para bang nahihiya o natatakot. Huminga ito nang malalim at lakas-loob na iniangat nito ang ulo. "I'm sorry po, Sir Rafael, pero iyon po ang bilin sa akin ni Sir Alex. At hindi ko po dapat iyon susuwayin kahit na anak po niya kayo."

Halos manlaki ang mga mata ng babae at namula ang mga pisngi nang hawakan ni Rafael ang magkabilang balikat nito. Sa height ni Rafael na anim na talampakan ay kinailangan niyang yumuko nang bahagya upang ilapit ang mukha sa babae. Halos magtama na ang ilong ng dalawa at siguro sa sobrang kaba ay pinipigilan ng babae na huminga.

His face saddened and breathed deeply. "Nagmamakaawa ako sa 'yo," halos pabulong na pakiusap ni Rafael, "I really need to talk to dad. Please? Kahit sampung minuto lang. Please... Samantha?"

Napalunok ang babae at saglit na natahimik. Nakatitig lang ito sa nagmamakaawang mga mata ni Rafael at tila ba ay nag-iisip nang malalim. Ilang saglit pa ay nagsalita rin ito. "Susubukan ko po, Sir Rafael."

Para bang nabunutan ng tinik sa dibdib si Rafael at huminga siya nang malalim. His lips curved to a wide smile so as to his eyes. "Thank you! Thank you, Samantha!"

Nakangiting tumango ang sekretarya ng papa ni Rafael. "You're welcome po, Sir Rafael. Puwede po muna kayong pumunta sa lobby-"

"No, I can wait here."

"Okay po, Sir," sabi ng babae at muling pumasok sa loob ng office ni Alexandre.

Halos sampung minuto na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ang babae. Mula sa loob ay naririnig niya ang galit na boses ni Alexandre. Mukhang pinapagalitan nito ang sariling sekretarya.

Kung hanggang ngayon ay ayaw siyang harapin ni Alexandre, sana ay huwag na nitong pagalitan ang babae. Siya ang dapat na pagbuntunan ng galit ng ama.

Sinubukan niyang buksan ang pinto ng office ng ama pero baka mas lalo lang nitong pagalitan ang sekretarya. Kaya minabuti niyang manahimik na lang at ituon ang atensyon sa buong paligid.

Wala pa ring ipinagbago ang Vista Realties. The usual, busy sa pagtatrabaho ang lahat ng empleyado sa kumpanya. Bihira lang ang nakikita niyang nag-uusap na hindi related sa trabaho. Mula sa glass window ng isang room sa gawing kaliwa ng third floor ay may nakikita siyang mga possible buyers na kinakausap ng mga agent ng kumpanya.

He turned to his back when the door creaked open. Bumungad sa kanya ang sekretarya na nakangiti. "Sir, puwede na po kayong pumasok sa loob."

"Puwede na po kayong pumasok sa loob, Sir," she repeated.

"Thank you," magalang na tugon ni Rafael at bago pumasok sa office ng ama ay nginitian niya ang babae.

Rafael looked over his shoulder as the secretary had closed the door. Pagkatapos niyon ay kaagad na hinanap ng mga mata niya ang kinaroroonan ng ama.

His father stood near the glass window, glancing over the beautiful view of the southwest part of Makati City. Nagre-reflect sa mga bintanang salamin ng mga buildings sa paligid ang sikat ng araw. At kasing-init ng kapaligiran ang nararamdaman ni Rafael. Mabibigat ang bawat paghinga ni Alexandre.

"What's your agenda, Rafael?" Alexandre's deep yet authoritative voice, made Rafael gulp. With a disapproving look, his father turned to him. "Kung tungkol pa rin ito sa kapatid mo, maaari ka nang umalis. Wala tayong dapat pag-usapan."

Sinundan lang ni Rafael ng tingin ang kilos ng ama. Walang imik itong umupo sa swivel chair at muling ipinagpatuloy ang pagpirma sa mga dokumentong nakalapag sa mesa nito.

"'Pa, baka puwede nating pabalikin sa bahay si Eris? Ipina-cancel mo ang mga credit cards niya, kinuha mo ang sasakyan niya, at tinanggalan mo siya ng mana," Rafael blurted out. "Look, baka mas lalong mapariwara ang kapatid ko."

"That's he consequences of his action, Rafael," walang emosyong sabi ng ama niya. "He has to face it."

Nangunot ang noo ni Rafael. Mas lalo siyang lumapit kay Alexandre. "'Pa, pulis ako. Nanghuhuli ng mga lumabag sa batas. At hindi ko alam kung makakaya kong hulihin ang kapatid ko kapag gumawa siya ng krimen."

"That's your job, isn't it?"

Pilit na pinigil ni Rafael ang bugso ng damdamin. He could feel the hot liquid to the edge of his eyes. "'Pa!"

Rafael's heart skipped a beat nang ihampas ni Alexandre ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Mahigpit na nakaturo ang hintuturo nito sa kanya, nagtatagis ang panga, at matalim na nakatingin ang mga mata. "Hindi na bata ang taong iyon para i-tolerate ang mga kabalbalan niya sa buhay!"

Tumayo ito, ngunit nanatili ang hintuturo nito sa ere. This time, he tried to sound calm. "Kaya hindi natututo ang kapatid mo dahil hindi mo siya binibigyan ng pagkakataong tumayo sa mga sariling paa. You're helping him from what? Tinutulungan mo siyang maniwala na ayos lang ang magkamali. That he has a brother that will help him no matter what. Na mayroong laging magtatama sa mga pagkakamali niya. You're not helping him, Rafael. Hijo, you're just spoiling him."

Hindi nakaimik si Rafael.

"Napasobra ka ng tulong sa kapatid mo, Rafael," pagpapatuloy nito. "At bilang ama, sinusubukan kong balansehin ang lahat. At ang hayaang mag-umpisa sa wala ang kapatid mo ang naiisip kong paraan para magbago ang pagtingin niya sa buhay. Kung lumabag man siya sa batas, well, a big lesson awaits for him in jail. Let him be independent. Just this time. Trust me, hijo.

Now, kung sa tingin mo ay inaabuso ko ang kapatid mo, tutal pulis ka," inilapit ni Alexandre ang mga magkadikit na kamay sa kanya, "arrest me. Maiiintindihan ko dahil alam kong ginagawa mo ang trabaho mo."

Chapter 3

TAMA SIYA...

He hated to admit it pero may punto talaga ang mga sinabing iyon sa kanya ni Alexandre. Bata pa lamang silang dalawa ay lagi niyang ipinagtatanggol si Eris. Tama ang papa niya na ni minsan ay hindi niya binigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ng kapatid ang sarili nito.

Hindi ko siya kayang makitang inaagrabyado ng mga tao!

He bit his lower lips. Gusto niyang suntukin ang sarili pero maraming mga empleyadong nakakasalubong niya sa hallway palabas ng opisina.

But he was right...

His thoughts were altered by a sudden call from his mate, Police Lieutenant Liam Al Nazeer Abrenica. Kababata niya ito at matalik na kaibigan ng mga Del Vista ang mga magulang nito.

Inilabas niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot na navy blue slacks at sinagot ang tawag. "Bakit, Lee?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Copy. Papunta na ako riyan."

Rafael left the building briskly. Tinatawag na siya sa trabaho at bilang team leader, kinakailangan na siya roon as soon as possible.

"KUMUSTA ang lahat dito?" Nakapamaywang na naglakad si Rafael papunta kay Police Lieutenant Abrenica na nakapuwesto ilang metro mula sa entrance ng Reyvinson Mall, isa sa mga tinatangkilik na mall sa Makati City.

Tumingala siya sa upper floor ng gusali. Tulad ng maaliwalas na kalangitan ay mukhang wala namang karahasang nangyayari sa loob, hindi tulad ng balitang natanggap niya kaninang nasa Vista Realties siya na mayroon daw hostage taking na nangyayari sa lugar.

Iginala ni Rafael ang paningin sa buong paligid. May nakikita siyang mga police mobiles, mga ambulansiya, mga sasakyan, at mga sibilyang hindi mapigil sa paggawa ng ingay. MAbuti at may mga umaasikasong pulis sa mga ito. MAyroon ding mga media reporters na kasalukuyang kumukuha ng coverage sa nangyayari. Nakordonan na rin ng police tape ang bungad ng mall.

"Still, ayaw makipag-cooperate ng mga suspek, " imporma ni Liam habang iniaabot kay Rafael ang megaphone. "Ikaw na ang bahalang makipag-usap sa kanila."

Rafael went to the open area, near the entrance. He cleared his throat bago magsalita. Nasa dugo na yata nila ang pagiging isang negosyante. Magaling sa pakikipag-negotiate. Kahit na BS Criminology ang kinuha niya, maia-apply pala niya ang skills na iyon. "Mga boss! Kung ano man ang problema natin, baka naman puwedeng pag-usapan na lang natin ito?"

Humugot siya ng malalim na hininga at muling nagsalita. "Kahit kailan ay hindi solusyon ang karahasan. Pangako, walang masamang mangyayari sa inyo kapag wala kayong sasaktan ni isa sa mga nasa loob. Makipagtulungan kayo sa amin."

Isang malutong na mura ang kumawala sa kanyang bibig nang may magpaputok ng baril sa may third floor ng mall. Nagsitilihan sa takot ang mga tao sa paligid. Even Rafael did not expect the gun shots.

Rafael's jaw tensed. Wala na siyang ibang pagpipilian pa. "Men, move!" sigaw niya at ikinasa ang kanyang baril.

They all sprinted toward the entrance. Some secured the ground floor while Rafael moved to the next floor.

Ganoon na lamang ang pagkalito at pagkagulat niya sa kanyang mga nakita. Ang imahe ng mga hostage taker na naglalaro sa kanyang isipan ay malayung-malayo sa nakahantad sa kanya.

Anak ng!

Kahit na balot ang buong katawan ng mga kalaban, isangdaang porsyentong sigurado si Rafael na pawang mga kabataan ang mga ito dahil sa struktura ng pangangatawan at paraan ng pagkilos ng mga ito. Nakahawak ang mga ito ng mga de-kalibreng baril.

His attention was caught by a small, circular, golden pin na nasa bandang kaliwa ng jacket ng mga suspek. Sa gitna niyon ay may alakdan na ang buntot ay patulis na parang isang sibat. Parang pamilyar sa kanya ang bagay na iyon. Hindi niya alam kung paano pero pakiramdam niya ay nakita na niya iyon.

"Ibaba n'yo ang baril ninyo!" utos niya. Pero wala ni isa ang nakinig. Imbis, ipinagpatuloy ng mga ito ang pagpapaputok ng mga hawak na baril.

Muntikan nang matamaan ng bala si Rafael mabuti at nakapagtago siya sa pinakamalapit na stall ng mga pantalon.

Gusto niyang bigyan pa ng isang pagkakataon na sumuko ang mga kabataan, ngunit panay pa rin sa pagpapaputok ng baril ang mga ito.

Wala na siyang ibang magagawa. Huminga siya nang malalim at mabilis na tumakbo papunta sa kabilang stall habang ipinamamalas ang kagalingan niya sa pagputok ng baril. Napatingin siya sa mga kalaban at halos ang lahat ay nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sariling dugo.

Nahagip ng kanyang paningin ang ilang mga kalabang nagkukumahog na tumakbo papunta sa third floor.

"Move!" he shouted as the floor had been cleared. "Officer Abrenica, secure the area!"

"Clear, Sir," sabi ni Liam at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Everything's in chaos. The glass wall of every store had been shattered and scattered on to the floor. Maging ang mga paninda at mga mannequins ay tadtad ng bala. Wala nang mapapakinabagan sa mga iyon.

Halos makarating na si Rafael sa third floor nang masagi ng kanyang paa ang isa sa mga nabaril niyang kalaban. Muli sana niyang ipagpapatuloy ang pagtakbo, ngunit umagaw sa atensyon niya ang suot na bracelet sa kaliwang pulsuhan nito.

Nangunot ang kanyang noo at lumuhod. Hinawakan niya ang kamay nito at inilapit sa kanyang mukha ang suot nitong bracelet. Pamilyar sa kanya ang accessories na iyon. Aywan ba niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba at pagkagulo ng isipan.

You shouldn't be him...

Hinay-hinay niyang inialis ang bonet sa mukha nito at laking gulat niya nang makita kung sino iyon. Paano ito nasangkot sa gulo? Hindi kaya...

"Ack..."

Parang bumagsak ang buong kalangitan kay Rafael. Mas lalong nag-init ang kanyang pakiramdam nang isang bala pa ang bumaon sa kanyang braso. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang katawan at hindi siya makahinga nang maayos.

Para ring huminto ang pag-ikot ng mundo at hindi niya namalayang tumulo na ang luha mula sa mga mata niya. Unti-unting bumagsak ang katawan niya sa sahig at naramdaman niyang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata.

Wala na siyang ibang maramdaman kundi ang sakit at hapdi ng mga sugat at balang bumaon sa katawan niya. Iyon na yata ang katapusan ng kanyang buhay. At bago siya mawalan ng malay, isang bagay lamang ang lumabas mula sa kanyang bibig.

"E-Eris..."

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play