PHYSICAL APPREARANCE AND IMPERFECTIONS
I'm Cheng, 18 years of age. A college student from Xian University.
Alam kong marami sa inyo ang nakaranas na ng pambubully dahil sa physical na itsura at panlabas na anyo.
"Ang dami ng pimples mo, Cheng. Para kang tinaniman ng palay sa mukha! HAHAHA." tawa ni Kendra, ang kaklase ko na sinuwerteng nagkaroon ng makinis na balat at perpektong hulma ng mukha at katawan.
"Pwede ng maani, Cheng! May makain ka na mamayang gabi!" sabat naman ni Hillary, isa sa mga kaibigan ni Kendra na katulad nito ay pinala rin sa ganda.
"Alam mo, Cheng? Maganda ka naman sana eh kaso hindi ka lang marunong manamit at mag-arte sa katawan."
Tama si Nicole, maganda ako. Sad'yang hindi lang talaga ako marunong mag-ayos at magpaganda. Kaonting porma lang ay ayos na sa akin. Hindi kasi ako komportable lalo na't nasanay na ako sa paraan ng pananamit ko araw-araw.
Simple lang...
"Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita."
Hindi ko alam kung bakit dumating nalang bigla 'yung araw na may isang lalaki na nanligaw sa akin at worst---'yung football captain pa ng paaralan namin.
"Bakit ako? Sabihin mo sa akin kung bakit ako ang napili mong ligawan gayong marami naman ang mga babaeng mas maganda at sexy kesa sa akin. 'Yung mga babaeng makinis ang balat at marunong mangarte sa katawan." isang beses, sinabi ko ang mga katanongang iyon kay Joseph, sa mismong harapan niya.
Sa totoo lang, nagtataka pa rin ako. Bakit sa dinami-dami ng mga magagandang babae dito sa paaralan namin, bakit ako pa 'yung niligawan niya? Hindi naman ako maganda. Wala akong kaarte-arte sa katawan. Hindi ako marunong manamit ng maayos dahil okay na sa akin ang simple lang.
"Gusto mong malaman? Sige, sasabihin ko. Kaya kita pinili dahil iba ka sa kanila. Niligawan kita hindi para lokohin at paglaruan kundi upang mas malaman ko pa ang lahat tungkol sa'yo." sagot niya at sandaling huminga ng malalim bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Simple ka lang at walang arte. Iyon ang nagustuhan ko sa'yo. Kung iniisip kong pangit ka, puwes nagkakamali ka dahil kung ibabasi natin sa panlabas at panloob na anyo ay totoong maganda ka. Kaya huwag mo ng idodown 'yung sarili mo. Huwag mong hilain ang sarili mo pababa. Huwag mong hayaan ang sarili mong bumaba ang tingin sa physical appearance mo. Instead of judging your own self, Let the confidence out to your body. Darating rin ang araw na marealized nila na mali sila sa panghuhusga sa'yo." dagdag niya na siyang nagpa-init sa dalawang sulok ng mata ko.
Hindi ko alam na may natitira pa palang tao na marunong tumingin sa halaga at panloob na anyo ko. Tao na hindi bumabasi sa panlabas na anyo kung paano manamit, mangarte ang isang tao.
Sa parteng iyon, hinayaan ko si Joseph sa gusto niya. I let him court me. Umabot ng apat na buwan ang panliligaw niya sa akin. Hindi siya sumuko hanggang sa sinagot ko siya at official na naging kami.
Doon ko natutunang mag-ayos kahit kaonti. Natuto na akong ayusin 'yung sarili ko kahit papaano. But never ko ng dinadown at hinihila 'yung sarili ko pababa. As what my boyfriend said: Huwag mong hayaan ang sarili mong bumaba ang tingin sa physical appearance mo. Instead of judging your own self, Let the confidence out to your body.
Tinatak ko sa isip ang mga katagang iyon hanggang sa dulo.
Sabay kaming nakapagtapos ni Joseph sa kolehiyo at sabay rin kaming nagkaroon ng trabaho. 6 years of being in a relationship to each other, he proposed me. After 1 year, nagkabuo kami at nagkaroon ng sariling pamilya.
We become a wife and husband at the age of 25. Ngayon, may dalawang anak na kami. Our relationship is stronger than storm. Walang makakatibag sa relasyon na binuo namin sa loob ng ilang mahabang taon.
Kaya ikaw, find a man na kayang tanggapin ang imperfections mo sa katawan. Find a man na kayang tanggapin lahat ng flaws mo. Find a man na handa kang mahalin ng hindi pumabasi sa panlabas na anyo kung gaano kaganda ang isang babae. Kung gaano kagaling manamit at mangarte.
Find a real man not a boy because real man will always accept and choose you no matter how ugly your physical appearance and imperfections was.
"I have a many imperfections and that's perfectly okay."
Always remember that.
_________
plagiarism is a crime
•Written by:Lianna/Selvannah
Download MangaToon APP on App Store and Google Play