Naglilibot ang batang si Agne sa kanilang malapad na hardin sa likod ng kanilang malawak na palasyo kasama ang kanyang taga-bantay. Nang matapos sila sa paglilibot sa hardin ay tinahak nila ang daan papunta sa kanilang animal farm. Masaya namang kinawayan ni Agne ang mga nag tatrabaho at manghang mangha sa mga nakikitang hayop. Dumapo ang kanyang paningin sa isang kulungan, kinalabit niya ang kanyang taga bantay at tinanong ito kung pwede niya bang pakainin ang mga pato. Tumango naman ito at nanghingi ng oats sa mga nag tatrabaho.
Tinuruan muna siya ng taga bantay kung pano ito pakainin at seryoso naman itong nakinig sa kanya. Malaki ang ngiti nito sa labi habang minamasdan ang pag-tuka ng pato sa oats na binigay niya.
Maya-maya pa ay nag paalam ang kanyang taga bantay, dahil manghihingi ulit ito ng oats dahil hindi sapat ang nakuha nila, tango lamang ang sinagot nito sa kanya at nag patuloy sa ginagawa.
Napansin niya ang isang patong hindi nakisalo sa kanyang ka uri kaya binantayan ito ng paningin niya. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang may lumabas na itlog galing sa pato. Nabawi naman agad ang kanyang pagkakagulat at na palitan ito ng pagkamangha sa kanyang reaksyon. Binuksan nila ang kulungan at pumasok sa loob, wala na siyang pakealam kung makalabas ang iba pang pato. Nilapitan niya ito at kukunin niya na sana ang itlog pero tinuka siya ng ina nito. Umiyak siya saglit pero napalitan iyon ng inis, sinipa niya ang pato at dali daling lumabas dala ang itlog, pero lumabas din ang pato para habulin ito kaya hindi siya natigil sa pagtakbo. Umiiyak pa siya habang tumatakbo dulot ng sugat sa kanyang kamay.
Hindi siya na pansin ng mga tauhan dahil abala din ang mga ito sa paghuhuli ng mga patong nakawala. Nakisali rin ang kanyang tagabantay sa kanilang habulan ng pato.
Tawang tawa naman ang isang batang babae sa isang sulok habang tinatanaw ang nagyayari sa farm. Nakita kasi nito ang lahat ng nangyari. Napatago naman ito sa katabing puno nangmakitang papalapit ang batang princessa, pero nasayang lang ang pagtago niya dahil doon din sa pinagtataguan niya nagtungo ang princessa.
Napatalon pa ito sa gulat nang makita siya nito kaya hirap na hirap siyang pigilan ang kanyang tawa.
"Pfft!"
Sumimangot ang bata, "What are you laughing at?" Mataray nitong tanong.
Nilagay naman niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bewang. "Anong ginagawa mo dito, bata?" Pagbabalewala niya sa tanong nito.
"Uhmm...kasi...ano.."
"Ano?" Tanong ng batang babae kahit na alam niya kung ano ang nangyari.
"Hinabol kasi ako ng masamang pato." malungkot nitong saad.
Muntik nang humapalpak ng tawa ang batang babae dahil sa sinabi nito. "Ang pato ba talaga ang masama o...ikaw?" Binigyan pa niya ito ng nakakalokong ngiti na para bang hindi princessa ang kanyang katapat.
Nagsalubong naman ang kilay ng princessa. "Sinasabi mo bang sinungaling ako?" Pasigaw nitong saad.
Bahagya namang nagulat ang bata sa tinig nito kaya napaatras siya. "Wala akong sinabing ganun, mahal na princessa," seryoso at kalmadong saad nito.
Halatang natakot ang princessa sa tinig ng kanyang boses kaya umupo ito at nag simulang umiyak.
Tumaas naman ang kilay ng bata dahil sa biglaan nitong iyak, umupo rin siya para pagmasdan ang himihikbing princessa. "Bakit ka umiiyak?" Tanong nito.
"Kasi ang lakas ng loob mong awayin ako eh, hindi naman kita inaano!" Para itong nagsusumbong sa nanay.
Tumawa naman ang batang babae "Eh, hindi naman kita inaway eh! Ang OA mo naman!" At nag patuloy pa ito sa pagtawa.
Inangat naman ng princessa ang kanyang ulo at tinignan siya ng masama. Walang bakas ng luha sa kanyang mga mata kaya mas lalo pang lumakas ang tawa ng batang babae nangmapagtanto niyang peke lang ang iyak nito kanina.
Pinalakpakan niya ito at inasar. "Whooo! May talent ka pala kamahalan!" Aniya, at ipinagpatuloy niya ang kanyang tawa na parang baliw.
"Are you crazy!?" Pikon na pikon na ito sa tawa ng batang babae.
Tumigil naman sa pagtawa ang bata at tinira ang malapad niyang ngiti, "Ako pa talaga ang crazy? Ikaw nga ninakaw mo yung itlong ng pato!" Aniya at humagalpak ulit nang tawa.
Umiwas naman ng tingin ang princessa. "so, nakita mo ang nangyari?" Tumango lang ang bata, "H-hindi ko kaya ninakaw yun! Kinuha ko lang!" Pagdedepensa nito sa sarili.
Pinaikot ng bata ang kanyang mata, "Anong pinag-kaiba nun? Kapag kinuha mo ang isnag bagay ng walang pahintulot sa may-ari, pagnanakaw ang tag doon."
"S-so...ninakaw ko yun? Ikukulong ba nila ako?" Yumuko ito at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
"Oo." pananakot sa kanya ng batang babae.
"Ano ang kailangan kong gawin para hindi nila ako i k-kulong?" Maluhaluha nitong saad.
"Simple lang...ibalik mo ang kinuha mong itlog." aniya.
Pinuntahan nila ang kulungan at binalik ang itlog sa pugad nito. Nakahinga naman ng maluwag ang princessa dahil sineryoso nito ang biro ng bata na makukulong siya.
"Oh, pano ba yan kamahalan? Larga na ako ha? Baka kasi hinahanap na ako ng nanay ko eh." Paalam ng batang babae.
"Ako din," ani ng princessa. "But before you go, i wanna know what's your name?"
"Kai...Kai ang pangalan ko."
"K-kai...please, play with me." Sabi ng princessa habang nakatingin sa baba.
Tumaas ang kilay nito. "At bakit ko naman gagawin yun?" Pabiro nitong sabi.
"Because...your my friend."
Bahagyang nagulat ang batang babae sa sinabi nito pero agad ding nakabawi. "Okiez!" Ani nito.
Nagpaalam ang munting princessa at masayang bumalik sa palasyo.
©Bhatty
Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
...AGNEYASTRA...
"Hello kamahalan!"
Nagising ako dahil sa isang malakas na boses. "Kai! Don't you know how to knock?!"
She gave me a peace sign. "Sorpo exited lang sa ibabalita sayo today."
I arched a brow. "Balita? Ano bang ibabalita mo?"
"Ipapadala daw tayo ng mahal na hari sa maynila! Doon na daw muna tayo mag aaral." Then she sit beside me.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Hindi sinabi eh, wag na daw tayo mag tanong ang mag impake nalang dahil naka handa na ang flight natin para bukas."
Bakit parang ang bilis naman? Tapos hindi niya sinabi ang dahilan?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag lakad palabas ng kwarto.
"Teka lang, kamahalan! Saan ka pupunta? Sama ako, weyt!" Rinig kong sabi ni Kai.
Hinayaan ko lang siya sumunod sakin papunta sa opisina ng aking pinakamamahal na Ama.
Pumasok ako ng diretso sa pinto at hindi na kumatok. Naabutan ko ang ama kong umiinom ng tsaa habang naka-upo sa kanyang paboritong upuan. Binaling niya ang kanyangtingin samin at tinignan kami ng masama. "Agneyastra at Kaida! hindi ba kayo marunong kumatok?!" Inis na sabi niya sa amin.
Yumuko ako sa kanya. "Pasensya na, ama," sabi ko. "Nais lamang kitang tanungin kung bakit ipapadala mo kami ni Kai sa maynila?" tanong ko.
Matagal niya akong tinignan, siguro ay nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya sakin o hindi. "Para naman ito sa ikabubuti niyo, at isa pa, pumayag na ang mga magulang ni Kaida na isama siya sa byahe niyo pamuntang maynila." aniya.
"Pero, ama, hindi mo naman po sinagot yung tinanong ko."
"Pasensya kana Agne, tapos na ang ating usapan. Ipapadala ko kayo sa maynila sa ayaw, at sa gusto ninyo." sabi niya. "Pwede na kayong umalis." aniya at tinalikuran kami.
Lumabas kami ng kanyang opisina at naglakad sa mahabang hallway.
"Sumunod nalang tayo sa gusto ng popshie mo, Agne. Katulad nga ng sinabi niya; 'Para naman ito sa ikabubti niyo'." she said, mimicking my father's voice.
I chuckled and continue walking towards my room. Binuksan ko ang pinto at naabutan ang mga kasambahay na nililigpit ang aking mga dadalhin bukas. I lay on my bed and decided to read my favorite book.
MINUTES later, i heard a knock on my door. I close the book and get up from my bed and open the door and let Kai to come in. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
She place her hand on her chest and said dramatically. "Aray ko beh! bakit parang ayaw mong nandito ako?"
i arched my brow and looked at her bags.
"Dito ako matutulog now, utos ng Mahal na Hari, hindi ka ba exited? mag sisleep over tayo!" she said happily.
"Alam mo bang ito na ang huling gabi na makakasama mo ang mga magulang mo?" i asked.
She rolled her eyes and said, "Alam ko, hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Utos nga ng mahal na hari!"
I rolled my eyes and i help her with her bags.
"You're going to sleep on the sofa." I said.
Her eyes winded after i said those words, "ANO?! No, no, no, ako dyan kamahalan! Kailangan presko rin ang likod ko noh!"
"Ako ang princessa rito kaya ako ang masusunod."
"Well, mahal na princessa bisita mo ako kaya dapat AKO ang dapat mong pag silbihan." she said, immidating the word 'Ako'.
"Paano mo nasabing bisita kita eh, hindi naman kita inimbitahan dito?"
Nandilim ang kanyang paningin and we argued for a moment and i'am the one who gave up and let her sleep on my bed.
She jumped on my bed at tinignan ako ng may nakakalokong ngiti sa labi.
"Tabi diyan!" i said at sinunod naman niya.
Tumabi ako sa kanya at binaling ang tingin sa kisame.
"Exited kaba sa trip nati sa manila bukas, Agne?" tanong niya sakin.
I looked at her and she's looking at the cieling too. "I don't know. parang ayokong mawalay kina ama." Sabi ko at binalik ang aking tingin sa kisame.
"Same... May makakasama naman daw tayo bukas."
Binalik ko ang paningin ko sa kanya, "Talaga? Sino naman?" tanong ko.
"Ewan... Malalaman daw natin bukas." She said.
We decided to sleep after that conversation...
KINABUKASAN ay maaga kaming nagising dahil baka gabihin kami pag dating namin sa manila. Nakaupo kami ngayon sa sofa at hinihintay ang makakasama raw namin sa aming trip, umiidlip pa nga si Kai dahil hindi naka-tulog kagabi sa sobrang exited niya sa trip namin ngayon.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating sina ama at ina kasama ang isang bagong butler at maid. Did they really hired a new maid and butler sa trip namin? Siniko ko si Kai para magising siya.
Pagkakita niya kina ama ay tumayo siya agad at binati ang mga ito. "Magandang umaga po, mahal na hari at inang reyna." aniya.
I don't have a mother, she died when she gave birth to me kaya ang lola ko nalang ang tinuturi kong nanay.
Binati naman siya pabalik ng aking mga magulang at pinakilala nila saamin ang mga kasama nila, "Okay kids, this is your kuya Ernesto and Ate Esmeralda. Sila ang makakasama niyo sa trip ninyo papuntang maynila." Mommy said.
Binati naman kami ng mga kasama nila at bumati naman kami pabalik. Hmm... Mukhang bata pa naman sila, pero... Bakit pang matanda ang pangalan nila? Anyway, dapat wala na akong pakealan dun.
"Judgemental mo naman, kamahalan."
"Shut up, Kaida!" Mind reader ba siya?
Naglakad na kami palabas papunta sa aming malapad na garahe. Magcocomute nalang daw kami sa eroplano, gagastos pa talaga sila. Habang naglalakad kami ay iniisip ko padin ang sinabi sakin ni Daddy kagabi. Para sa ikabubuti namin ni Kai? Ang pagkaka-alam ko hindi pa kami kailan man na sangkot sa gulo ni Kai, lalo na ako. Hindi naman ako kumakausap ng kung sino exept sa mga magulang ko, si Kai at ang mga magulang niya. Kaya anong ibig sabihin ni ama nung gabing yun?
Tinulungan kami ng butler na ipasok ang aming mga gamit sa compartment ng koste at pinag-buksan kami ng pinto. Nag pasalamat kami sa kanya--i mean, nag pasalamat si Kai sa kanya pagka upo namin.
Binuksan ni Kai ang bintana at simigaw ng, "BABAYE NANAY! BABAYE TATAY! SEE YOU AGAIN SOON PO!" Aniya.
Narinig ko naman ang pagsabi ng mga magulang niya ng, "Mag-ingat kayo doon."
Tango lamang ang sinagot ni Kai at isinara ang bintana at umayos ng upo. "Ikaw Kamahalan? Hindi kaba magpapa-alam sa mga magulang mo?" Tanong niya.
Tinignan ko ang mga magulang ko sa labas, but, "They're not even here to say goodbye to me." I said habang nakayuko.
"Agne, okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.
"Oo naman."
She lay her head on my shoulder at hinaplos ang aking balikat. "It's going to be okay, Agne, sure akong mag eenjoy ka doon pagka-rating natin sa maynila." Aniya.
Sana nga. I lay my head on Kai's and decided to take a nap.
Nagising ako sa tapik ni Kai sa aking balikat. Minulat ko abg aking mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga sa balikat niya.
"We're here at the airport, kamahalan!" Masiglang aniya.
Bumangon ako at lumabas ng kotse at hinila ko si Kai papunta sa entrance ng airport.
"KAMAHALAN! HINTAYIN MO HO KAMI!" Rinig kong tawag sakin ni Ate Emerald. Emerald ba talaga yun o Emara? O Emily?
Tumigil naman kami ni Kai sa pag takbo at hinintay silang makalapit saamin.
Yumuko ako sa kanila. "Patawad po sa aking hindi kaaya-ayang kilos." Magalang kong sabi.
"Ayos lang ho yun, kamahalan." Aniya.
Aba, dapat lang.
Sabay kaming apat na pumasok sa loob ng airport. Maraming bumati sa akin pero hindi ko sila pinapansin dahil tinatamad ako, at tsaka, nandyan naman si Kai para kumaway para sa akin.
Hindi na kami nag abalang nag hintay dahil nandyan na ang aming sasakyang eroplano. Ewan ko ba diyan kay Ama, bakit ayaw pang ipagamit samin yung helicopter niya.
Nang maka upo na kami sa kanyang kanya naming upuan ay naramdaman ko na agad na may mali. "Kaida, bakit wala tayo sa first class?!" Irita kong tanong kay Kai na nasa tabi ko.
"Kamahalan, relax nga! Eh ano naman kung wala tayo sa first class? Pareha--"
"WHAT?! Kaida, princesa ako! May karapatan akong umupo sa first class!" i ranted.
She roll her eyes and ignored me. HOW DARE HER!
Wala naman akong magawa kaya umupo nalang ako at tiniis ang upuang pang dukha. Wala akong magawa kaya nilibot ko nalang ang tingnin sa loob ng eroplano at jinujudge ang mga taong umoupo.
This is so boring! kung sa first class kami siguro umupo baka makapanood pa ako ng movies!
Minulat ko ang aking mga mata ng makaramdam ng tapik sa aking pisngi. "Kamahalan, gising na nandito na tayo." I heard a woman's voice, imposibleng kay Kai to dahil hindi ganito kalalim ang boses ng isang yun.
Minulat ko ang aking mata at bumungad sakin ang mukha ng maid na pinasama samin ni Ama. "Where's Kai?" i ask.
"Nuna na po siya sa kotse." WHAT?! How dare her! hindi niya manlang ako hinintay?!
Bumangon ako at dali daling pumasok sa kotse. I slammed the door so hard kaya nagising ang walang hiyang si Kaida Ichika.
Kinamot niya ang kanyang ulo. "Anong problema mo?" siya pa talaga ang may ganang mairita ha!
"Hindi mo manlang ako ginising para sabay tayong pumasok dito sa car!" Reklamo ko.
"Wag mo nga akong artehan, Agne." then she turn her back on me and continued her sleep.
Matapos ang isang oras na byahe ay nakarating na kami sa tutuluyan namin. Bumangon ako at hini na nag-abalang gisingin si Kai dahil masama parin yung loob ko na nauna siya sumakay sa sasakyan kanina. I opened the door at tinignan ang matutuluyan namin. And... Ano to? nilapitan ko si Esmeralda at tinapik ang kanyang balikat. "Hey, ate, what's this? dito niyo ako patitirahin?!" Inis kong tanong sa kanya.
Binaba niya naman ang kanyang tingin at sinabing, "Utos po ng mahal na Hari na itago ang estado mo." Aniya.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. ANO?! Bakit naman gagawin niya yun? Is he crazy?! Paano kapag nagka rushes ako? Hindi ko siya mapapadalhan ng mensahe dahil 1 week pa o 1 month darating ang sulat sa kanya.
I guess wala akong choice kundi magtiis sa bahay na'to.
Pumasok ako sa loob and, not that bad naman pala, medyo madumi lang ang windows. Sana walang daga rito. "Where's my room?" I asked.
"Sasamahan ko po kayo sa taas, kamahalan." Sabi ng butler.
Sumunod naman ako sa kanya sa taas habang nililibot ang tingin sa paligid hanggang makarating kami sa taas. Pumasok kami sa pinto na kulang dilaw at nilagay ng butler ang mga bagahe namin sa sahig...TEKA, namin?! makakasama ko si Kai ulit sa iisang kwarto?! Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama, malakas kasi siyang humilik kaya paano ako makaktulog nito?
"WHOOOOOO!! Ang presko!" Speaking of the devil na kasama si Esmeralda. Nilibot niya ang tingin sa buong kwarto at tinigil sa kama. "Uy, makakasama ko pala ang princesa sa kwarto na'to?"
"Duh, isn't obvious?" i sarcastically said.
But she just make a face and jump onto the bed. I also lay on the bed at tumabi sa kanya. "What do you think will happend to us here, Kai?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Mag bagong buhay nalang tayo rito sa maynila kamahalan," Umayos siya ng higa at niyakap ako. "Dito raw tayo mag aaral. ieenroll na nga tayo ngayon ni tiya esmeralda." sabi niya.
"Saan naman tayo mag-aaral dito?" tanong ko.
"Hindi ko alam, basta papasok na raw tayo sa lunes." aniya.
Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at lumbas ng kwarto para mag libot sa loon ng bahay. bumaba ako para at hinanap ang kitchen. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ako agad ito nakita dahil nasagilid lang ito ng hagdanan. Bakit nandito to? Paano kung malaglag ang isang step ng stairs at mahulog sa niluluto ng magluluto rito?
"Nandito ka pala, kamahalan," narinig kong sabi ni Esmeralda. "Kanina ko pa kayo hinahanap. akala ko ay lumabas kayo nang hindi nagpapaalam sa akin" Aniya.
"Wag kang mag alala, wala akong balak na lumabas dito." I smiled at her.
"Bakit ka nga pala nadito, Kamahalan? Nagugutom kaba?"
"Hindi, naglilibot lang ako dito."
KINABUKASAN ay maaga kaming ginising ni Esmeralda dahil may pasok pa daw kami. Saan naman kami papasok?
"Ano ba yan, Tiya. Akala ko ba sa lunes pa?" Reklamo ni Kai.
"Lunes ngayon, Iha. Wag kayong mag alala dahil naka handa na ang inyong mga gagamitin ngayong pasukan." Sabi niya.
Bumaba kami nang matapos kami sa pag aayos. Pumunta kami sa dining area at at nag simula nang kumain. Pero kami lang ni Kai ang ngumunguya dahil yumuyuko pa sa ilalim ng mesa ang dalawa pa namin kasama sa hapag.
"Anong ginagawa nila?" Tanong ni Kai, but i just shrug my shoulders gahil hindi ko din alam.
Nagtatakang tumingin samin ang dalawa, "Hindi ba kayo mag dadasal, kamahalan?" tanong ni Esmeralda.
Tumingin din samin si...ang butler pero hindi nag tagal yun dahil nag simula na siyang kumain kaya kumain naman na din kaming dalawa ni Kai. Pero si Esmeralda, eto pabalik balik ang tingin samin ni Kai. "Diyos ko. Hindi ba kayo marunong mag dasal, Kamahalan?" tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Syempre alam ko kung paano mag dasal. Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin niyan." i coldly said. SIniko naman ako ni Kai.
Yumuko naman siya at humingi ng patawad pakatapos nun ay nag simula narin siyang kumain. Pagkatapos naming kumain ay binigyan kami ni Esmeralda ng pera, baon daw namin. nang maka labas kami ay bunuksan agad ng butler ang pintuan ng aming sasakyan.
Ilang minuto ang byenahe namin mula sa bahay na tinutuluyan namin apuntang eskwelahan. Bumaba kami ng kotse at papasok na sana sa gate pero hinarangan kami ng matabang lalaki na may sunglasses sa kalbo niyang ulo.
"Saan ang mga i.d. niyo?" tanong niya.
Agad namang lumapit ang butler para kausapin siya. "Transferee ho sila, kuya." sabi niya dito.
Agad naman kaming pinapasok ng guard sa loob ng eskwelahan. Habang naglalakad kami ay maraming timutingin saming mga estudyante, nakaakilang. "What are they looking at?!" irita kong tanong kay, Kai.
"Wag mo nalang silang pansinin, Kamahalan. Hanapin nalang natin ang B12F1R," then she show me the card containing the weird something she just said. "Ito raw yung location ng classroom natin.
Lumapit siya sa isang babae at pinakita ang card sa kanya. "Excuse me, alam mo ba kung saan nakalocate yung location na to? Bago lang kasi kami dito ng pinsan ko eh" tanong niya dito.
Tumango naman ang babae at sinabing sasamahan niya kami papunta doon dahil doon din yung classroom niya.
Habang naglalakad kami ay laks maka feeling close ni kay sa kasama namin, ni hindi na nga niya siguro alam na nandito ako sa gilid niya kaya tinuon ko nalang ang paningin sa paligid. Ito pala ang itsura ng eskwelahan, mas maliit kumpara sa palasyo pero malaki kumpara sa tinitirhan naming bahay. Mukhang masaya at nag eenjoy ang mga tao sa paligid, may mga magkaibigang nagtatawanan, may ang sasayaw, magkumakanta, may mga nagsusuntukan din. Hindi ko alam kung naglalaro lang ba sila o literal na nag aaway sila.
Tumigil sa paglalakad ang dalawa kong kasma kaya tumigil na rin ako. Pumasok kami sa isang silid na may mga istudyante sa loob, nailang pa ako sa paraan ng pagtitig saamin ng mga magiging kaklase namin. Tumayo ang isa sa kanila at tinignan kami mula ulo hanggang paa. Ang kapal naman ng mukha nia para tignan ako ng ganyan. "Sino sila, Crysan?" tanong niya sa kasama namin kanina na Crysan pala ang pangalan.
"Uhmm.. Transferee sila, Queen. Sinama ko lang sila dahil dito rin yung classroom nila." She said, and the girl nodded.
Why is she calling her queen? reyna ba siya ng maynila? i don't know na may reyna pala sila akala ko president lang. Or Queen is her name. Yeah, maybe that. She look at us from head to toe..again, i hate her by just looking at her.
"Uhmm... Maghahanap na kami ng uupuan namin sa likod--"
"Sa likod?!" Inis kong sabi kay Kai. Like duh, princessa ako kaya dapat nasa harapan ako.
"Saan mo ba gustong umupo, Kamahalan." Tanong niya.
Nilibot ko ang tingin sa buong silid hanggang sa makita ko na gusto kong upuan. Tinuro ko ito at tinignan naman yun ni Kai. "Doon."
"Excuse me? That my seat." Mataray niyang sabi.
I arched my brow and said, "Eh, ano naman?"
Sasagot sana siya nang may marinig kaming isang malutong na sigaw at dalidali naman lumabas ang mga tao sa loob ng silid at tumingin sa terrace. "Hay! Ang aga naman wala pa ngang teacher!" reklamo ni Crysan.
"Bakit ano bang meron?" Tanong ni Kai.
"Patayan."
Bumaba ulit kami at nagtungo sa field para makita ang katawan ng isang babaeng naliligo sa sarili niyang dugo. Naka mulat pa ang mata nito at nakanganga. Panay naman ang bulungan ng mga estudyante imbis na tignan ang babae. Hindi na ako nag dalawang isip na lapitan ito at tignan. Wala na itong pulso pero mainit parin ang kanyang katawan ibig sabihin ay hindi pa ganon katagal bago siya nalagutan ng hininga. Hindi ko muna siya masyadong ginalaw dahil baka dumikit yung fingerprint ko sa katawan niya at sa kung ano mang bagay sa paligid niya.
Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong kamay na humawak sa batok ko. "Dyan ka lang muna. Anong ginagawa mo sa bangkay na yan?" Rinig kong boses ng lalake.
"Tinignan ko lang kung huminginga pa siya, baka kasi pwede pa natin siyang dalhin sa hospital." Sabi ko habang naka talikod parin sa kanya.
"Pakawalan mo siya." Sabi ng isa pang boses ng lalake.
Nang maramdaman kong wala nang kamay sa batok ko ay hinarap ko ang dalawang lalaki. Nakangisi ang isang lalaking may hawak na mask at ang isa naman ay ang naka glasses na mukha pang masaya, which is nagpainit ng ulo ko kaya dinuro ko siya at sinabing, "How dare you smile like that! Can't you that there's a dead body lying here on the grass?!" Inis kong sabi.
He giggled like a child. "Easy, Lady. Hindi ako masayang namatay si Ms. Santos. Kumbaga, ako--i mean kami pa ang magtuturo kung sino ang pumatay sa kanya." Then he smiled widely.
...AGNEYASTRA...
What does he mean? Police ba siya na naka suot ng school uniform? Oh baka naman nagyayabang lang siya.
"Don't look at me like that, miss. Hindi ako nagsisinungaling, wala sa vocalbulary ko yun." Nawala ang kanyang matamis na ngiti at napalitan ito ng pagkaseryoso.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, "Tayo na, kamahalan. Pabayaan nalang natin sila." Rinig kong sabi ni Kai.
"I also want to find out who killed the girl." Sabi ko.
Nagbubulungan naman ang mga estudyante. Bulong-bulong pa naririnig ko naman.
"Nababaliw ba siya?"
"Sino siya?"
"Transferee siya dito diba?"
"Ang yabang naman niya, paano kung mali ang accusations niya? Hindi niya ba alam na pwede siyang ma kulong dahil dun."
But, i ignored them, pake ko sa opinion nila? Siniko ako ni Kai kaya tinignan ko siya. Naka taas ang kilay niya sakin at parang sinasabing 'Kulang ka ba sa gamot?' But i ignored her at binalik ang atensyon ko sa mayabang na lalaki sa harap ko. I give him a deadly look as he smiled widely again.
"Chill ka nga, girl." Sabi niya at nilapitan ang katawan habang tumatawa. Nilapitan niya ang lalaking humawak ng balikat ko kanina na inoobserbahan ang katawan. "Any ideas kung paano siya pinatay?" Tanong nito sa lalaki.
"Sa tingin ko patay na siya bago pa siya nilagay dito ng killer niya." Sabi ng lalake.
Lumapit din ako sa katawan at tinignan ito. "Sa tingin ko naman ay dito siya pinatay."
Tumawa sila na parang wala nang bukas at yung mayabang na lalaki naman ay nakahawak pa sa tyan niya habang tumatawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nang mahimasmasan na sila ay tinignan ako ng isa pang lalake na may mask. "Paano mo namang nasabi na dito siya pinatay eh ang dami ng tao rito kanina." Pigil tawa niyang sabi.
"Dahil sa mga natuyong dugo sa damuhan at naka saksak pa rin sa kanya ang murder weapon. Kung pinatay siya bago siya nilagay dito ay dapat wala na ang kutsilyo sa ulo niya dahil pwede itong kunin ng culprit para hindi makita sa autopsy ang fingerprint niya." paliwanag ko.
Pumalakpak ng isang beses ang lalaking naka glasses. "Tama! Autopsy! Pwede nating idetect ang murder weapon dahil may fingerprints ito ng biktima!" He exclaimed.
"Paano ka namang nakakasiguro na nandyan nga ang fingerprints niya? May matino bang killer na mag iiwan ng murder weapon na may fingerprints niya?" i said.
Mukhang natigilan naman siya sa sinabi ko dahil sandali siyang nanahimik. "We still need to be sure. Our antagonist likes puzzles." Then he smiled at me.
Ilang sandali pa ay dumating ang mga pulis at sinimulang kausapin ang dalawa ang is naman ay nilagay sa isang plastic ang murder weapon. "Babalitaan ko kaagad kayo sa oras na matapos namin ang pag examine sa biktima." Sabi ng isang pulis. Bakit niya naman gagawin yun?
Tumango si four eyes at ngumiti sa kanya. "Salamat po, Inspector."
Unbelievable, how does this guy do that? He looked at me and give me a smile, "Don't worry, i'll tell it to you too once they report it to me."
He turn his back and went back to the area where the victim got killed. I was about to go there too but Kai held my left arm.
"Sigurado ka ba sa iyong gagawin kamahalan? Wala kang alam sa gawain ng mga pulis." Aniya.
"Don't worry, Kai. I just want to help them finding the killer." I assure her.
She sigh before letting my arm go.
...KAIDA...
Hindi naman sa tutol ako sa Princesa, no. Natatakot lang talaga ako na baka mali ang hula niya at ma kulong siya. Responsibilidad ko bilang kaibigan niya ang ilayo siya sa maling desisyon. But, anong magagawa ko? Sa tigas ng ulo niyang ni Agne?
Tinitignan ko lang siya mula rito sa unuupuan kong bench.
Naramdaman kong may umupo sa katabi ko kaya tinignan ko ito. Teka, siya yung muntik ko nang mabato ng sapatos kanina dahil hinawakan niya ang batok ni Agne. Tigas ng mukha nito para umupo sa tabi ko! Tinignan niya ako nang nakataas ng kilay, syempre hindi ako magpapatalo kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Ba't tinataas mo yang kilay mo, miss? May problema ka ba sakin?" Mataray na sabi nito.
I flipped my hair and said, "Wala naman, ikaw, may problema ka ba sakin?" Mataray ko ring sabi. Ano? Siya lang yung may karapatang mag taray?
"Wala rin," sabi niya at nanahimik siya sandali bago magsalita ulit. "Kaibigan mo ba yung babaeng yun?" tanong niya.
"Si Agne ba ang tinutukoy mo? Kung siya, oo, kaibigan ko siya... bakit?" sagot ko.
Umiling siya. "Wala naman, ang talino niya, balak ko siyang imbitahang sumali sa amin ni Zeru."
"Isasali niyo siya sa grupo niyong cinacareer ang trabho ng pulis?" Sarcastic kong sagot.
Nanlaki naman ang mga mata niya at napahawak pa siya sa dibdib niya nang sabihin ko yun. para siyang bakla. "Grabe ka naman, te! Tulungan mo kaya kaming mag imbistiga."
Sira ba ang ulo nito? "Sa tingin mo ba kaya kong mag isip katulad ni Agne?" Irap ko sa kanya.
"Ang nega mo naman, feel ko kasi may ibubuga ka." Sabi niya, at yuck bakit siya ngumingiti?!
"Hoy tanga wag ka ngang mag isip ng ganyan hindi kita type, no, baklesh akez." hinila niya ako papunta kina Agne pagkatapos niyang sabihin yun.
"Oh Kai! tutulong ka din?" Nangyari kay Agne bakit naging masigla to?
Nilapitan ko siya at kinalabit. "Probleman mo, Kamahalan? Ganda ng mood mo, ah?" sarcastic kong tanong sa kanya.
"That four eyes invited me to their team something. But I didn't say yes yet, gusto ko kasing kasama kita dun." she giggled that made my brow arched. "What? Help us here, my dear." she also winked at me.
Maya-maya ay dumating na ang mga pulis dala ang murder weapon. "Wala kaming nakitang trace ng fingerprints." naghihinayang nitong sabi.
"Kung ganon, ay hindi na kataka-takang gumamit ng gloves ang suspect sa pag patay sa biktima." sabi ko.
"See? Kai also have the brains!" proud na sabi ni Agne sa nakaglasses na lalaki. Ano ngang pangalan neto? Juan? Basta parang number yun.
Anyways, back to the case. siguro nagmamadali ang killer kaya gumamit siya ng gloves sa pag patay, ni hindi na nga niya na hablot pabalik ang kutsilyo, e. kung ganon nga, bakit siya nag mamadali?
"I think pareho tayo ng iniisip." sabi ni Juan.
"Kung ganon, bakit nga nag mamadali ang suspect?" tanong ni Agne.
"Siguro ay may tumawag sa kanya bago niya gawin ang krimen." kinuha ni bakla ang isang maduming facemask.
"Ang gumawa nito ay marahil isa sa mga nag tratrabaho sa clinic." ani ni four eyes.
Biglang may tumulak sa aking lalaki at nilibot nito ang tingin sa paligid. "Ireneeeeeee!! bakit mo'ko iniwan!" sigaw nito.
Tinaas ko naman ang kilay ko at nilapitan siya. "Hoy, kuya. May iniimbestigahan kaming kaso dito." pagtataray ko sa kanya.
"Oh, Mr. Alonzo, bakit ngayon ka lang? Sinalang na sa autopsy ang katawan ni Ms. Santos. Nakakatang ngayon ka lang dumating." sabi ni Juan.
Nandilim naman ang tingin ng tinawag niyang Alonzo at gigil na nilapitan si Juan, ito naman isa ay chill lang sa kinatatayuan niya. "Pinagbibintangan mo ba akong pumatay sa sarili kong girlfriend?! busy akong naglilinis kanina sa clinic!" gigil nitong sabi.
Ano ba ang nilinis niya at hindi nia nalaman agad na pinatay ang pinakamamahal niyang girlfriend?
"Hindi kita pinagbibintangan Mr. Alonzo, pero pasok ka sa primary suspect namin." nakangiting sabi ni Juan.
"Tch, pambihira." reklamo nito.
"May kakilala ka bang may galit sa biktima?" tanong ni Agne.
"Meron akong kakilalang dalawa. Una, si Zoe San Jose, kaibigan niyang binabackstab siya dahil siya raw ang gusto ng nagugustuhan nito. Ikalawa, si Dominic Gomez, hindi sila mag kaaway, pero napansin kong laging nakasunod sa kanya ang gunggong na yun." he stated.
Tumango naman kami at pinatawag ang mga taong binanggit niya.
Maya maya pa ay dumating ang mga ito. Nakayuko ang lalaki at nakataas naman ang kilay ng babae. Tumaas din tuloy ang kilay ko. Pinagtabi namin silang tatlo at kina-usap naman namin ang dalawa pang primary suspect.
"What's your connection to the victim?" Tanong ni Agne.
"She's my friend na pabida at nakakairita kung gumalaw. Kung pinaghihinalaan niyo akong pumatay sa kanya, weel, hindi ako yung gumawa nun. Hindi nga ako makalapit sa kanya, patayin pa siya?" Ani ng mataray na babaeng nag ngangalang Zoe.
"Classmate niya akong matagal nang may gusto sa kanya, kaso, may boyfriend na siya kaya sinusundan ko nalang siya palagi para masigurong ligtas siya. Yan ang isang rason kung bakit hindi ko siya kayang patayin." sabi naman nung Domenic.
Lalapitan sana siya ni Alonzo pero pinigilan siya nina Juan. "Don't you dare talk to her!" sigaw niya sa lalaki.
"Like duh, hindi niya naman na sila magkakausap dahil deads na yung girlfriend mo!" sagot ni Zoe.
"Tch! Pasalamat ka babae ka, Zoe!" sigaw niya dito.
"Tumigil na nga kayo!" sigaw ni Agne kaya tumahimik din sila. "Ngayon, sino sa inyo ang may rason na patayin ang biktima?"
"Katulad ng sinabi ko, wala ako---"
"Wala nga ba Aiden? Diba nag break kayo ni Irene dahil sinasaktan mo siya?" Putol ni Zoe sa sinasabi ni Aiden.
"Alam mo, ang ganda mong babae pero chismosa ka! Baka itong si Dominic yung pumatay sa kanya. Siya lang naman ang kahinahinala rito, e" Turo niya sa kapwa lalaki.
"Anong ako? Baka si Zoe, akala mo ba malilimutan ko ang sinabi mo sa kanyang 'Hindi kana sisikatan ng araw, Zoe.' Dahil may gusto ka kay Aiden?" sabi ni Dominic.
"Pft! Uto-uto! Hindi ko naman paninindigan yun tanga!" At tumawa pa ito na parang baliw. "Oh, baka naman si Aiden talaga ang pumatay sa kanya! Diba diba may natagpuan ang mga feeling detective na ito ng gloves sa damuhan? Malamang sa kanya yun dahil siya lang naman ang posibleng magkaroon nun!" turo niya lit kay Aiden.
"Great deduction! Ang because of that nalaman namin kung sino yung salarin." then Juan let out a triuphant smile.
Nakangiti rin ang bipolar na si Agne at ako naman binalikan ang nakatayo lang dahil hindi ko gets bakit sila ngumingisi.
"Our suspect for this case is Miss Zoe San Jose." Lumapad ang ngisi ni Juan pagkatapos niyang sabihin yun.
"P-pano mo naman nasabing ako yun?!" aangal pa itong si ate girl halata naman guilty siya.
"Well, gusto mong ibaling kay Mr. Alonzo ang kasalanang ginawa mo kaya 2 times mo siyang tinuro, then, paano mo nalamang may gloves kaming nakita sa damuhan gayung wala naman kaming nabanggit na kahit anong bagay." sanaysay ni Agne
Pero ang sabi ni Zoe ay hindi niya malapitlapitan si Irene, so paano niya mapapatay ito? Tumpak sa kanya yung deductions nina Agne at Juan, kaso parang may kulang talaga. Then a conclusion pop in my head.
"At hindi lang ikaw ang pumatay sa kanya diba? May kasabwat ka na hindi paghihinalaan ng biktima kaya ayos lang kung lumapit ito sa kanya at saksakin siya bigla."
"We don't have the same suspects in mind, Kai?" Sabi ni Juan, teka paano niya ako na kilala?
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni bakla.
"Na hindi si Zoe ang pumatay kay Ms. Santos, dahil si Dominic ang pumatay sa kanya. Siya lang naman ang hindi pag hihinalaan ni Irene, e. kaya pwede niya itong saksakin sa ano mang oras. At kung pano nalaman ni Zoe na may nakita kayong gloves ay dahil nakita niya kung paano ginawa ni Dominic ang krimen. At dahil nga galit siya sa biktima at marahil kay Aiden ay kinuha niya ang gloves na marahil ay tinapon ni Dominic sa basuharan at nilagay malapit sa katawan ng biktima at para maturo niya kay Aiden ang krimeng ginawa ni Dominic.... at katulad nga ng sinabi ni dominic kanina na sinusundan niya ang biktima para masigurong ligtas ito ay kataka takang wala siya dito before and after ng krimen." humihingal pa ako patapos kong sabihin yun.
Natulala naman silang lahat sakin. Pambihira, ayoko pa namang tinitignan ako ng matagal.
"If Kai's deductions are correct, can you explain why did you do that, Mr. Dominic?" tanong ni Agne.
Sandaling natahimik si Dominic at humalakhak ito ng napakalakas lakas. "HAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Akala ko hindi niyo na malalaman na ako talaga ang pumatay sa pinakamamahal kong si Irene! Pinatay ko siya dahil mahal ko siya! Mahal ko si Irene kaya sinaksak ko siya! HAHAHAHAHAAHA" Halakhak niya.
Napa-atras ako sa takot sa baliw na to! Dinampot siya ng pulis hindi para ikulong, kundi para madala siya sa isang mental hospital.
"And as for you, Zoe. Anong rason mo? Don't worry hindi ka namin ipakukulong." mahinahong sabi ng bakla na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan.
Maluha luha itong bumaba ng tingin. "Ex ko kasi si Dominic, private lang ang relation ship namin at kaming dalawa lang ang nakakaalam. Kaso bugla niya nalang akong iniwan sa ere at nalaman ko nalang bigla na sila na pala ni Irene.. si Irene na bestfriend ko mula pa nung elementary ako." at hindi niya na napigilang humagulgol.
Tinapik ko naman siya, hindi ko alam kung gagaan ba ang loob nito pero ginawa ko nalang.
Natapos ang kasong iyon ng luch break time. "Nakakainis! Hindi man lang tayo nakapag attend ng klase kanina! First day pa naman." sabi ko habang naglalakad kaming dalawa ni Agne papunta sa Cafeteria.
"Sus, kunwari kapa. Gutom ka lang eh" sabi siya kaya nag tawanan kaming dalawa.
Ako na ang nag kusang pumila para bumili ng aming pagkain. As if namang sasamahan ko dito ng Mahal na Princessa. So habang pumipila ako ay may lalaking humarang sa pila at nginitian ako ng malapad. Ayon ay walang iba kundi si Juan and The baklesh.
Tinaasan ko sila ng kilay at sinabing, "Nauna ako rito, pumila kayo dun sa likod." pagtataray ko sa kanila.
Nakita ko rin ang pagtaas ng kilay ng baklang sobra sa ligo. "Nakapagdisesyon ka na ba kayo kung sasali kayo sa grupo namin?" sabi niya.
"Hindi pa, tanungin niyo nalang yung kamahalan doon sa lamesa sa pinakadulo ng cafeteria." sabi ko.
Umalis naman sila sa harapan ko at pinuntahan si Agne. Nabuti nalang at ako na ang kasunod na bibili kaya binili kona lahat ng gusto ng Princessa at umalis na sa pila. Pagkabalik ko sa table namin ay nagtatawanan silang tatlo.
"Oh, nandito na pala siya." sabi ni Agne at tinuro ako.
"Welcome to the group, Kai." Sabi ni Juan at nakangiting nilahad ang kamay saakin.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play