Disclaimer
Ang pabalat ng kwentong ito ay may parteng galing sa Google at WeComics. Kaya sana mabigyan nila ako nang pahintulot na gamitin ang mga larawang iyon.
Maaring makabasa ka ng mga masasakit at masasamang salita. O di kaya naman ay may kamalian sa pagtitipa at ilang salita o impormasyon sa kwento. Sana po ay pagpasensyahan niyo po ako. At sabihin niyo lang po kung ano yung mali saka ko ayusin.
Ang mga tauhan, pangyayari, okasyon, at lugar ay kathang-isip lamang. At kung may ilang parte na kahalintulad sa gawa ng iba ay maaring kaparehas lang ng naging ideya o takbo ng linya ng utak namin. Tandaan niyo po na orihinal ko itong istorya, walang halong panggagaya. Humihingi na rin po ako ng paumanhin sa kalidad ng aking gawa sapagkat labing tatlo pa lang po ako. Pero sana po magustuhan niyo po ang kwento. At salamat sa pagbabasa.
Preview
Nga pala ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae o mas tamang sabihin na prinsesa na nawalan ng magulang sa edad na lima at inilayo sa kanyang lupain upang mailayo siya sa mga maiinit na mata(kapahamakan). Bumalik lamang siya makalipas ang labing dalawang taon dahil sa hindi inaasahang masamang balita mula sa kanyang lupain.
Katotohanang ang mga tao't bampira ay nagkaroon ng mantinding hidwaan at naganap ang ang madugo't mtagal na digmaan, mga kalahating siglo na ang nakakaraan. Nawasak ang pagkakaibigan ng dalawang lahi pati na rin ang kapayapaang namumutawi sa matagal na panahon.
Inimbestigahan niya ito at ang dahilan nito ay ang mga walang pusong nilalang na sumisipsip ng dugo. Nagpadala siya ng mga espiya dito ngunit nabalitaan niyang muntik ng namatay lang ito sa kamay ng kalaban. Kaya napilitan siyang personal na pumunta para magmanman sa kaharian ng mga bampira.
Ngunit sa kasamaang palad nabihag siya sa isang lupain ng Zaidan. Buti na lamang at tinulungan siyang makaalis ng isang misteryosong lalaki na ayaw ipakita ang mukha.
Ngunit sa ikalawang pagkakataon nadakip na naman siya pero hindi sa kulungan siya bumagsak kundi sa loob ng kwarto na may kabaong ng hari ng Zaidan.
Dahil sa pagod hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. At nang magising siya nakita na lamang niya ang maraming bampira na gusto at handa na siyang pagtulungan. Sa ikalawa uling pagkakataon may tumulong na naman sa kanya. At ngayon ay iniligtas siya malapit sa kamatayan.
Hindi siya makapaniwalang ang hari pala ng Zaidan ang tumulong sa kanya ngayon. Alam ng hari na isa pala siyang taong prinsesa kaya bilang kapalit ng tulong at may halong banta, kailangan niyang maging isang personal na tagasilbi ng hari at bigyan ng dugo ang hari tuwing kabilugan ng buwan.
Kahit na mataas ang dignidad at tingin sa sarili dahil sa pagiging prinsesa niya ay wala siyang magagawa kundi tanggapin ang alok na iyon upang manatili siyang buhay sa ilalim ng proteksyon ng hari. Kahit alm niyang lumaban sa anumang paraan pero nasa teritoryo siya ng kalaban.
Ngunit habang siya ay nasa lugar na iyon ay kinuha niya ang lahat ng posibleng pagkakataon upang mag-imbestiga ng may kinalaman na tungkol sa nangyari sa lupain niya.
Nalaman niya na buhay pa ang dating hari ng Zaidan at kaya lang naging hari ang naging kasalukuyan kasi isikinasal ito sa isang bampirang prinsesa na nagngangalang An An. Mahal na mahal siya ng kasalukuyang hari ngunit sa kasamaang palad namatay ito. At nakakagulat na sa mismong kaarawan pa niya ito namatay.
Natatandaan pa niya dati na laging may boses na laging may bumubulong sa kanya. Ito ba ay tadhana o nagkataon lang? Maalin sa dalawa ay masama ang kutob. Kaya pinili niyang alamin ang alamin ang nakaraan ng hari.
Hindi aakalaing napakamadistansya ang hari sa mga babae. Napakamalamig din niya at walang pusong pumapatay ng harap-harapang nasasaksihan niya. Nagdaan ang araw na nasanay na siya sa ganung gawain ng hari.
Isang araw nalaman niya ang isang malaking problema ng hari. Isang malaking problema na walang ibang kasagutan kundi ang hanapin ang maaaring kapalit kay Prinsesa An An.
At isa lang ang sagot kundi...Siya! Ilang araw na na may nararamdaman siyang pagbabago sa katawan...Para bang lagi siyang uhaw na ewan. At nag-aasam ng dugo o di kaya naman ay may kakaibang lakas na mas malakas kaysa sa normal niyang lakas (oo malakas siya yun ang ginawa niya maliban sa pag-aaral kung paano maging tunay na prinsesa nang umalis siya sa lupain niya).
Lumitaw ang mga uri na tinatawag na magixter o mahikero kung saan sila lang naman ay mga bunga ng dalawang lahi. May karunungan silang natuklasan- ang paggamit ng mahika. Ang mga magixter o mahikero ay maaaring matututo ng isang partikular na paggamit ng mahika ngunit ang may dugong bampira lang ang may tysansang maging tunay na bampira.
Subalit ang mga ganitong uri ay kinamumuhian ng lipunan. Marami ang inabandona at masama ang sinapit.
Ayaw niya iyon kaya nagtanong siya sa naging malapit na bampira ng hari para sa paraan upang umurong para sa sarili at kanyang lupain. Akala niya madaliang gagawin- hindi hindi hindi! Hindi madali! Ang hari nga ay napakamalamig, walang puso at mahirap lapitan.
Marami pa siyang nalaman na sikreto at mga bagay na nakabaon sa malalim na limot. Kasama na doon ang ina at ama niya. At ang pagkatao niya bilang isang kalahating prinsesang tao at kalahating prinsesang bampira, isang magixter.
Tanging paraan lang niya ay ang paibigin ang hari sa kanya. Paano magkakagusto ang hari kung (si An An lang) hindi siya ang nasa puso nito at saka hindi siya gumawa ng paraan at lagi lang silang nag-aaway...Pero alam kong meron at meron laging paraan upang mabuksan ang puso ng bawat isa...
Abangan ang pag-iisang dibdib ng isang pursigidong prinsesa ng isang lupain sa kaharian ng mga tao at ang napakalamig na hari ng Zaidan isang lupain sa kaharian ng bampira-joke hindi totoo yun... Subaysabayan ang paraan nila para magkatuluyan. At masagot at malaman ang napakaraming misteryo na hindi pa nabubunyag... #shistine #KiAn'na
...
Sa susunod muling kabanata...
Kabanata isa: Masamang balita
"Mahal na prinsesa ... ang pinarangalan mong espiyang ito na responsable para sa pagmamasid sa lupain ng Kodaina ay nag-uulat ... Dalawang araw na pong nakalipas narinig ko na may ilang mga bampira na gumagala sa paligid ng lupain at makalipas ang tatlong araw ... A-ang isang malaking pangkat ng mga taong nakasuot ng itim na damit na may takip sa mukha ay u-umaatake sa maliliit na nayon kagaya ng Hitori at p-pinagnanakawan po ang inyong lupain nang h-hindi napapansin ..." napatayo ako at inatim ang nagbabagang damdamin. Nakakagulat at hindi nakakapatawad ang mga nangyayari nitong mga nagdaang linggo.
Kung magpapatuloy pa ito, anong madadatnan ko sa Kodaina kapag nagkataon? Nakakaawa! Nakakahiyang prinsesa...!
"Ipadala ang aking utos, ipakalat lahat ng mga pinakamagagaling at pinakamalakas na mga mandirigma upang magmanman sa buong kaharian ng mga bampira!!! Sabihin mong mag-ingat sila at dapat bumalik ng buhay!!!," umaaliwngaw ang boses ko sa buong kwarto.
Napapatingin ang mga nag-aalala at nagtatakang mukha nila titang reynang si Kichona Ketsueki Ishi, ang titong haring si Mitsuko Ishi , at ang pinsang prinsesa na si Akamira Ishi. Sila ang pamilyang dugong- bughaw na namumuno sa buong lupain ng Shiritama at kamag-anak na naglayo sa akin mula sa gulo, isang dekada na ang nakakalipas.
Nagsisimulang manubig ang mga mata ko at iiyak na ako ilang saglit na lang subalit walang oras para umiyak. Tumunghay ako upang umurong ang mga luha at pinakalma ang bugso ng damdamin.
"Pero prinsesa paano kayo?...Kung ipapadala niyo lahat ang pinakamagagaling at pinakamalalakas na mandirigma walang magproprotekta sa inyo lalo na't hinahanap kayo ng maraming kalaban," nag-aalalang saad ng nakaluhod sa isang tuhod na espiyang nagngangalang Rukeku Najiro.
"Kami na ang bahala sa prinsesang pamangkin ko kaya't huwag ka nang mag-alala Rukeku," napatingin ako sa likod na pinanggalingan ng boses may isang lalaki na mga nasa kwarentay sais na may korona na napakamaotoridad ang dating pero sa katunayan ay isang mabait siyang tao. Siya ay si Mitsuko Ishi, kagaya ng pamilya niya ay napakabait nito pati nga ata buong mamamayan ng Shiritama ay mabait at maalahanin.
"Ti-tito Hari..tito Mit-t-su-suko," nangangatal na banggit ko pangalan niya. Nag-aalala na talaga ako sa kahihinatnan ng buong pangyayari. Hindi maganda ang panlasa ko sa mga araw pang darating.
Ngumiti siya sa akin na parang sinasabing malalagpasan din natin ang lahat at magiging ayos din.
"Sayang ang oras, maari ka na ngayong umalis at isagawa mo na Rukeku ang ipinauutos ng prinsesang Hisan'na," inutos ni titong hari pagkabaling ng ulo para umalis ito.
Sa ngayon masaya ako dahil may kamag-anak pa pala akong may busilak ang puso. Hindi ko sila hahayaang masaktan, pangako iyan.
"Hay... Napakarami ng nangyayari sa Kodaina nitong mga nakaraang linggo.... Sunod-sunod!," komento bigla ng babaeng kanina pa nananahimik sa isang banda. Siya ang pinsan kong prinsesa, Akamira Ishi.
Ibinaling ko ang aking ulo sa dereksyon niya. Kanina pa punas nang punas ang ilang tagasilbi ng kanyang upuang kahoy na may manipis na unan para sa komportableng pag-upo ng puwetan niya.
Tinignan ko na lang siya nang nakaismid. Wala akong oras para nangulit ng tao lalo na ngayon.
Punong-puno at gulong- gulo ang isip ko hanggang ngayon. Nanghihina akong napaupo at ipinikit saglit ang aking mga mata.
"Tubig oh...," napamulat ako ng aking mga mata nang magsalita si titang Reyna Kichona Ketsueki Ishi. May hawak siyang baso ng tubig. Tumango ako at kinuha iyon saka parang uhaw na uhaw na nilaklak lahat ng laman non.
"Gusto mo pa?," tanong niya kung gusto ko pa daw ng tubig. Umiling ako saka nakangalumbabang umidlip.
"Kung gusto mong matulog, matulog ka... Masama para sa iyo ang kakulangan ng maayos na pagtulog," alalang sambit ni titang reyna.
Ngumiti ako dito. Maalahanin talaga ang pamilyang ito. "Titang reyna susundin ko po ang payo niyo...Saka dapat nagpapahinga po kayo at huwag ako ang alahanin kundi iyan pong batang nasa sinapupunan ninyo," ngumiti ako saka tumayo na.
"Mga tagasilbi!... Pakidala ng reyna sa kanyang silid upang magpaghinga," utos ko. Nagsipasukan ang mga tagasilbi mula sa apat na pinto ng silid. Inalalayan nila ang tita ko papunta sa kanyang kwarto.
"Titong Hari , Akamira! Maari bang maiwan ko kayo upang makapagpahinga saglit?," paalam saka tumungo bilang paggalang.
"Oo ba," sagot ni Akamira samantalang tango lang kay titong hari. Pinihit ko ang saraduhan ng pinto saka naglakad paalis. Saka lang nagpakita ang dalawang tagasilbi sa magkabilang tagiliran.
Pinagbugksan nila ako ng pinto. Lumapit ang isang babae sa lamesang maliit saka may inilagay itong kung ano sa sunugan ng insenso saka pinabagaan ito. Hinayaan niyang umusok ng konti at mapuno nito ang buong kwarto. Isininarado niya ang lahat ng bintana at pinto.
Samantalang ang isa ay kumuha ng langis at minasahe ang katawan ko. Nakakapanatag ng pakiramdam at nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Saka hindi ko na namalayang nakaidlip na ako.
...
"Mama huhuhu tulong!... Papa? Nasaan kayo? Huhuhu natatakot po si Hisan'na na walang kasama," iyak ng isang babaeng limang taong gulang na may madungis na damit ngunit kung titignan mong mabuti ito ay isang damit ng mga namumunong pamilya na dugong bughaw sa Kodaina.
"Uy bata...Maganda ito! May masarap na hapunan!," natatakam na sabi ng lalaking mayroong pulang mata at matatalim na pangil. Isa iyong bampira! Buong lugar ay watak-watak. Maraming nakahandusay na malalamig na bangkay sa sahig. Maraming nasawi! Namamatay ang mga mamamayan ng Kodaina sa sugat na matatamo mula sa mga matatalim na bagay o 'di kaya naman ay mula sa pagsipsip ng mga bampira sa dugo ng nga tao.
Puro sugatan lahat ang mga kawal at walang makakapagligtas sa batang prinsesa na limang taong gulang mula sa kamay ng bampira.
Ngunit sa hindi kalayuan nasaksak sa tiyan ang hari ng Kodaina na si Tanjitu Ketsueki ang ama ng batang prinsesa sapagkat nawala ang kanyang paningin at interes sa laban niya at ng nakaitim na hari ng isang lupain sa kaharian ng mga bampira nang makita na napapaligiran ang anak ng napakaraming bampira na handa nang atakehin ito.
"Hisan'na!," tawag niya sa anak. Lumingon ang bata sa kinaroroonan ng ama. Agad na pinagsasasaksak sa puso upang mapaslang niya ang mga bampira.
Niyakap niya agad ang anak dahil sa pa-aalala. "Nandito na si papa, Hisan'na," nakangiting sambit ng hari. Kinuha ng hari ang kamay ng anak. "Huwag ka ng-aakk," hindi natuloy ng hari ang sasabihin ng may sumaksak sa kanyang puso mula sa likod.
Pagtingin niya ay ito ay bampirang hari na kanina lang ay kalaban niya. Mabagal ang naging oras. Hindi aakalain ng hari ng Kodaina na mamatay siya sa harap ng kanyang limang gulang na anak, sa kamay ng bampira, at sa murang edad na trentay kwatro.
"Huwag ka nang...u-umiyak! Magpakatatag ka Hisan'na at ito lang amg payo ko ...Huwag mong susukuan ang nararapat na bagay, palagi lang kaming nandito tuwing nag iisa ka, tandaan mo iyan," ito ang huling mga salitang lumabas sa bibig ng hari.
Pumatak ang kanyang kamay kadahilan nito ay pumanaw na ito sa ibabaw ng mundo. Hindi sana ito mawawala sa mundo kung hindi sa dami ng panloob na sugat ng hari. Iniwan na niya ang nag iisang pag-asa ng lupain ng Kodaina, ang tanging nattitirang membro ng pamilyang Ketsueki, ang prinsesang si Hisan'na Kihara Ketsueki.
...
"Hindiiiiii! Wag mo po papaa akong iwannnnnn! Bohohoho," napadilat ako. At saka nalamang basang basa ang unan dahil sa punong puno ng luha. Napatingin ako sa paligid. Ganun pa rin ang ayos mula kahapon.
Ibig sabihin panaginip lang yun. Hindi, mali ka. Patay na sila! Napapaluha na naman ako kapag maiisip yon. Ako na lang ang matitirang prinsesa at tagapagmuno ng Kodaina. Namatay sila dahil sa mga bampira! Mga nakaitim! Siya kaya ang pinuno ng mga sumasalakay sa Kodaina? Bohohuhuhoho Sino man sila, magbabayad sila! Kasalanan nila kung bakit nawala ang mga mahal ko sa buhay sa murang edad.
Huwag mong susukuan ang nararapat na bagay, palagi lang kaming nandito tuwing nag-iisa ka ...
Mga salita ni papa bago siya mawala, haggang ngayon tanda ko pa. Gusto kong ipaghiganti kayo at maitayong muli ang Kodaina.
Napatingin ako sa mesa nalapag na ang pagkain. Tumayo at lumapit sa lamesa. Pagkain...gutom na ako hindi pa pala ako kumakain mula kahapon. Agad kong nilantakan iyon.
Kakatapos ko lang ng bumukas ang pinto. "Gising na po pala kayo mahal na prinsesa... ," saad ng isang tagasilbi na hindi pamilyar sa akin.
"Sino ka? Anong pangalan mo?... ngayon ko lang ikaw nakita...," tanong ko.
"Ahh ...ako po si Chitari Menona, ang bago pong tagasilbi." nakangiti nitong sambit. Tumango lang ako at lumapit sa malaking kawan ng gintong batya na paliguan ko. Ininit na pala nila ang tubig bago ako magising. Katamtaman ang init.
"Chi...Chitari pakiabot ng damit- pamalit ko," saad ko pero walang kumikibo. "Chitari Menona! Pakiabot ng damit," palahaw na pag-uulit ko.
Ilang saglit pa bago pa may naramdaman akong gumalaw. "I-ito na po, prinsesa," nahihiyang sambit niya habang nakayukong ibinibigay ang damit. Nagtataka ako kaya sinilip ko siya. Pinupunasan niya ang umaagos na pulang likido mula sa kanyang ilong.
Naningkit ang mga mata ko at tinanong siya. "Anong nangyaring masama't naging dahilan nito ang pagdugo ng iyong ilong?," tanong ko saka kinuha ang mga damit.
Namumula ang kanyang mga pisngi at sa halip na sagutin ang simple't kakarampot kong tanong ay nagtatakbo ito palabas ng silid. "M...mahal na prinsesa itawag niyo lang ang pangalan ko at nangangako na ako sa susunod ay alisto ang agarang pagdating," sigaw niya kasabay ng kanyang pagtakbo palabas.
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang kanyang kilos. Agad na nagdamit. Maputlang asul ang kulay ng kimono kung tawagin sa damit na suot ko. May ilang tagasilbi ang tumulong sa kanya na magdamit.
Nang makatapos na sa pagdadamit saka ako naglakad palabas ng silid. Sumulpot na naman sa magkabilaang tagiliran ko ang mga tagasilbi.
Nakarating ako't lahat sa karatig na daraanan pero wala ni isa man lang akong nakita na mga tao. Nakakapagtaka! Malapit na ako sa silid tanggapan ng mga myembro ng pamilya nang biglang tumunog ng malakas at sabay- sabay ang tatlong kampana na nasa kanang parte ko at ng palasyo.
Agad akong napatikar ng mabilis papasok sa dulugan na mayroong balkonahe na parte ng silid tanggapan ng agad kong madinig ang tunog ng mga kampana.
Sa oras na kumalantong ang mga kampanang iyon ito ay nangangahulugang may panganib at ang panganib na iyon ay may posibilidad na may mananalakay na nakapasok sa loob ng kaharian.
Isa ang gawain ng kampana ay hudyat para sa mga mamamayan ng Shiritama na magtungo sa ilalim ng lupa, ang kweba sa ilim ng puno't lupa.
Samantalang ang mga mandirigma, manananggol, at mga kawal pati na rin ang ilang kalalakihang myembro ng pamilyang may dugong-bughaw ay sasali't sasabak sa isang aksyon.
"Ti...titang reyna, titong hari, Akamira!," hinihingal na tawag ko sa tatlong tao na may mataas na posisyon. Nakahanda na si tito Mitsuko. Suot lahat ang baluti sa katawan at tangan ang espada na isinadya pa sa mga henerasyong hari ng Shiritama.
Sa kabilang banda naman ay sinususuksukan ni Akamira ng mga palaso ang lalagyanan nito. Nakakagulat nang makita ko na nakasuot siya ng mga baluti.
Huwag mong sasabihing sasabak din siya!?
Ey!? Hala pero mahirap baka madumihan siya. Napakamalilinisin ka si niya. Natatandaan ko pa dati nung nag-aaral kami pareho ng mga aksyong pang sundalo lagi siyang tutol. Ang dahilan ay ayaw masugatan at madumihan. Yung kapag ba isang gabok o buhangin lang ang dadapo sa kanya maiinis na agad siya at minsan ay magwawala. Akala mo naman sinasapian.
Ang reyna naman ay inuutusan ang ibang kawal.
Napatingin lahat sila sa akin nang tawagin ko sila. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang mga nag-aalala nilang mga mukha.
Nagsilapitan sila sa akin. "Lisanin mo na ang Shiritama," iyon agad ang makapangyarihang wika ng hari sa akin! Nagulat ako sa sinabi niya.
"Hindi! Hindi pwede...ito! Sasama ako sa inyo!," tutol ko. "Ano!? Hindi maari!... Pinsan tandaan mo na ikaw na lang ang natitirang pag-asa ng lupain ng Kodaina!," nanghihinahon na saad ni Akamira.
"Pero-," hindi ko naisaad ang gusto kong sabihin nang biglang sumabad si tita Kichona. "Umalis ka na...Nandiyan na ang karwaheng sasakyan mo paalis ng Shiritama...Nagmamakaawa na ako sa iyo...Hisan'na," lumuhod na si titang reyna nang banggitin niya ang pangalan ko.
Napapailing nalang ako sa pagtutol. Ayaw ko! Mauulit na naman! Sabi ko di ba iingatan ko sila kaya hindi ko sila iiwan! At paano ang innosenteng bata kay titang reyna.
"Osige po... Sasakay po ako sa karwahe ngunit hindi ko maisasagawa ang nais ninyo," saad ko.
"Samahan ninyo ang prinsesa!," utos ni Tito Mitsuko sa dalawang kawal at tagasilbi. Niyakap ko sila ng mahigpit saka tumingin sa huling pagkakataon sa mga nag-aalala ngunit nagsasabi na ayos ang lahat.
Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay biglaang lumabas ang ilog na mga luhang walang humpay na umaagos.
Naaawa ako sa sarili ko! Magpakatatag ka Hisan'na...Huwag mong susukuan ang nararapat na bagay,palagi lang kaming nandito tuwing nag-iisa ka...
Natigilan ako bigla. Duwag ka! Hisan'na! Tatakbo ka na lang ba lagi? Huh? Sino iyon?
"Prin...Prinsesa...Halika na po," nag-aalalang saad ng isang tagasilbi at binigyan ako ng panyo na ginamit kong pamunas. Napatingin ako sa kanya, tumango at tumango saka naglakad paibaba papuntang sikretong lagusan ng palasyo.
Natanaw ko ang isang simple pero elegante ang loob ng karwahe na nasa tapat ng duluhan ng lagusan. Lumingon ako at tinitigan ang buong palasyo na makikita sa malayong distansiya. Tumalikod na ako bago pa ako maiyak muli. Hindi ito ang paalam!
"Mahal na prinsesa tayo na po," saad ng kawal at inilahad ang kamay. Tinanggap ko iyon saka sumakay sa karwahe.
...
Bawat segundo, minuto at oras ang lumilipas ay para akong sinilihan ng puwet
,hindi mapakali, parang kiti-kiti. Papuntang timog ang rutang tinatahak namin. Sa hilaga ay may labanang nagaganap pero nakakasigurado ba silang walang kalaban sa parteng timog? Hindi, iyan ang sagot.
Ilang linggo pa masama ang pakilasa ko sa nangyayari at lalong tumindi ngayong nasa daan kami.
"Ihinto ang karwahe!," palahaw kong utos. Muntikan pa akong masubsob sa upuan kung hindi pa dahil sa pag-alalay ng mga tagasilbi. "Umalis kayo sa loob ng karwahe! Maging maingat kayo sa pag-alis, lalo na iyang mga babaeng kasama ninyo!," utos ko sa nag-iingat at mababang boses.
"Ibig sabihin...,"
"Oo, may mga matang nakabalibot sa atin at naghihintay ng tamang oras upang sakmalin ang kanyang pagkain," sang-ayon ko saka bumuntong hininga.
"Babalik ako sa palasyo upang kuhanin ang nagbabagong anyong espiritwal na sandata at gagawa ng isang malupit na aksyon," saad ko nang nakangisi at puno ng determinasyon. Masaya ako sa aksyonan! Ngunit hindi ako kikitil ng mga buhay...
"Kung gayon hindi ka namin maaring iwanan lalo na sa oras na ito," saad ng isang kawal at ngumiti. Siya si Natshubi Hitarro isa sa mga hindi masyadong kilala ngunit isang magaling na at pinakamalalakas na mandirigmang may tagong pagkatao. Kakambal niya si Nutsuba na kasama ko rin ngayon.
"Pero...," tatanggi na sana ako subalit ...
"Hayaan niyo kaming sumama sa inyo mahal na prinsesa...," nagmamakaawa na ang kanilang mga boses na nagpabawas ng dahilan ko sa pagtanggi idagdag mo pa ang pagluhod nila at may pagdadaop palad pa silang nalalaman. Mayroon pang pag-arte na kunwaring nag-aawaan si Natsuba.
"Tsk... Sige na nga pero kapag hindi kayo nakabalik ng buhay at kasama ko... ay siya kayo!," pagsang-ayon ngunit may pagbabanta ang tono.
"Masusunod!!!," sabay- sabay na wika ng magkambal. Napangiti ako. Hay! Hindi maaaring kayo lang ang aaksyon!
"Ibali-,"
Ting!!
Napatingin ako sa dereksyon na pinagmulan nun. Magaling na lang at magaling akong umilag at kung hindi ako ako ang natamaan ng mga maliliit na kararom sa halip na ang upuang gawa sa kutsong ito.
"Nandito na sila!!!," hiyaw ng isang tagasilbi sa pagkasindak. Naalerto sina Natshubi at Nutsuba at saka gumawa na ng aksyon. Naantok tuloy ako....
Lumabas lang ako ng wala na akong naririnig na anuman mula sa labas. Unang hinanap ng mga mata ko ang mga babaeng tagasilbi na madaling matuliro... Buti nasa isang tabi lang sila at nananalangin...
"Oh tapos na pala kayo... Pero hindi niyo na lang sana sila pinatay," saad ko nang makita ang mga bangkay na ang iba ay may laslas ang leeg at yung iba ay bali naman ang leeg ng mga lalaking nakasuot ng itim. Itim...
Mabagal akong lumapit sa isang bangkay. "Prinsesa...???," nagtataka ang isang tagasilbi ganun na rin ang kambal. Umupo ako upang maigi at dahan-dahang matanggal ang itim na takip nito sa mata at...!!!
"Prinsesa!!!," mabilis akong tinulak ni Natshubi. Napadapa ako at agad na napalingon sa kinaroroonan ni Natshubi. Nanlaki ang mga mata ko. Nakakagulat ang mukha nito na walang mata, ilong, at bibig. Halatang patag ang mukha nito kahit halos kaharap ko ito...tila ba nabura-mas tama atang sabihin na walang mukha ito. Tangging taenga lang ang meron dito. Nakakakilabot pa nito ay ang...Ang mga bangkay na nakaitim kanina... Biglang nabuhay! Sakal-sakal nito si Natshubi. At napansin kong sinakal din ang iba pa ng iba pang nakaitim na bali ang leeg.
"B-buhay pa kayooo!?," hindi makapaniwalang saad ko. Hindi ito sumagot o tumutugon o gumalaw man lang. Nakakapagtaka!
Biglan may humila ng buhok ko mula sa likod."P-prinsesa!," sigaw ng kambal sa pag-aalala. "Ahhhhhhh b...bitiwan mo akoooo!!!," sigaw ko sa may hawak ng buhok ko habang pinaghahampas ito. Masakit eh, matatangal na ang buhok ko mula sa anit ko. Hindi man lang napapiksi ang may hawak sa akin.
Wala akong magagawa kundi ang maliit na punyal sa lalagyan na malapit sa balakang ko. Agad ko itong itinarak sa kamay niyang may hawak sa buhok ko pero parang walang kaso lang dito at.... itim na dugo!? Teka nga muna... Walang ilog, bibig at mata? Binura... Hindi gumawa ng tunog kahit ang paghinga nito wala...Ang dugo ay itim- "Ibig sabihin..."
"Hahahaha haha ha!," biglang may tumawa sa likod ko
...
Sa susunod muling kabanata...
Kabanata Dalawa: Shikitsu Matsume, Ang Halimaw na Tagapagkontrol ng mga Malayanyika
"Hahahahahahahaha. Musta na...Prinsesa...Hisan'na?," pamilyar ang nakakatakot ang malalim niyang pagtawa.
Kahit na sinakal ako ng mga bangkay na nakaitim nagawa ko pa ring ipaling ang aking leeg kahit pahirapan upang masaksihan at masilayan kung tama ang kutob ko kung sino ang taong tumatawa.
May matangkad na taong nakasuot ng purong itim ngunit mayayamaning damit, mga anim na talampakan ang tangkad at mukhang mas matanda sa akin ng lima. Masyadong masakit ang kanyang paalon- along mahabang hanggang bewang na buhok para sa akin, kasing pula kasi ito ng apoy. Tunay at walang halong biro.
Pero kahit anong haba ng buhok niya, masasabi mong lalaki ang isang ito sa isang tingin dahil sa gulung-gulungan nito. Idagdagan mo pa ang mas masingkit nitong itim na mata na nababalutan ng babala at magbibigay sindak sa mga tumitingin. Kahit na, mapang-akit naman siyang tignan.
Mayroon ding kakaibang tatoo sa kanyang muka, bandang kanan ng kanyang pisngi. Isang itim na bilog na buwan na sinasakmal ng ahas. Di ba si Bakunawa yun?
Iyan pa lang na Bakunawang tatoo sa kanyang kanang pisngi masasabi ko na siya nga iyon! Kilala ko siya!
"Ehehehe...Limang taon na ang nakakalipas ah... Pero ganyan pa rin ang itsura ng mga manyika mo? Bakit walang pinagbago? At lalong pumangit ata?... Sabihin mo nga, ano ba ang pumasok sa maliit na kokote mo para tulungan ang kalaban, ha? Anong kaalibadbarang ginawa nila sa iyo?," kagaya ng dati, walang takot na pang-iinsulto kong saad na may halong tawa na nagpapula ng kanyang muka sa galit.
"Paki mo ba kung anong ginagawa ko, buhay ko iyon!...Ano naman kung pangit ang mga manyika ko?! Bakit kaya mo bang gumawa o makawala man lang sa aking mga manyika? Tamo nga sakal- sakal ka pa rin niya!," galit na galit na hasik nito.
Nagmisangot saka umismid ako, waring nasaktan ako doon ng konti. Pero agad ko iyong binura saka napangiti ako ng tipid dito. Kasi...
Tama nga ako! Siya si Shikitsu Matsume!
Dati ko itong kaibigan! Lagi kaming magkasama sa kakulitan at tumatawa sa kapalyahan namin. Hindi alintana ang pagiging prinsesa ko sa aming pagkakaibigan. Pero hindi ko alam kung bakit isang araw bigla na lang siyang nawala ng walang bakas. Mga limang taon na nga kaming hindi nagkikita't di man lang siya nagparamdam.
Dati pa lang, ang lalaking ito ay gwapo na ngunit takot at kinaaayawan ng marami. Isang dahilan nun ay isa siyang magixter o mahikero na may astig na kakayahang gumamit ng mahika lalong- lalo na sa paggawa at pagkontrol sa manyika.
Ayon sa kaalaman ng lahat, mga kalahating siglo na ang nakakalipas simula nang nadiskubrehan ang paggamit ng mahika. Sa panahong iyon hindi pa naipagbubuklod at hinahayaan o tanggap pa ang pagkakaroon ng relasyon ang isang bampira at isang tao.
Ang pagkakaalam ko ang kanilang anak na may dugong bampira ay nagkakaroon nang kakayahang gumamit ng isang partikular na mahika. Ang tawag sa kanila ay magixter o mahikero.
Marami ang mga ito noon ngunit misteryosong nawala ang mga ito. Napag- alaman lang na nagtatago sila. May sampung dekada nang nangyari ang gyera sa pagitan ng tao at bampira. Naghiwalay at nasira ang mabuting samahan ng dalawang lahi.
Simula noon kinamumuhian na ng mga tao ang mga mahikero at inabandona. Mayroon pa rin ang nagpapanatili ng pakikipagkaibigan kagaya ko ngunit kinamumuhian na din sila. Iba nga lang sa akin: hindi nila ako harapang kinukutya. Halos miserable ang naging buhay nila pero hindi sa akin.
Tanda kong may pitong taon lang ako nung una ko siyang nakita. Nung panahong iyon tumakas ako sa palasyo dahil sa kaburyuhan. Palagi na lang may ginagawa ang lahat. Pati nga ang pinsan ko hindi ko alam kung anong pinagkakadiskitahan nun.
Kaya ganun, habang naglalakad ako at mangha-manghang nagmamasid sa buong paligid ng maingay at mataong palengke may nakita akong pigura sa ibaba na nagbigay ng kiyuryusidad sa akin.
Siya ang dating labing- dalawang taong gulang na Shikitsu Matsume. Palaboy- laboy at kaawaawa siyang nakaupo sa sa ilalim ng sementadong tulay. Halos walang buhay at linawag ang kanyang mga itim na mata. Dati hindi ko alam na mahikero siya pero unang naisip ko ay mukhang inabandona siya ng pamilya niya.
Ganun lang siya nang biglang may sumulpot na limang batang lalaki at nagkaroon ng komprontasyon. Mas malaki ang katawan nila kesa sa kanya at siguradong mas malakas ang mga ito sa kanya kaya kung magkataon man na magkaroon ng gulo tiyak na mas maraming matatamong sugat si Shikitsu.
Tama nga ako dahil maya- maya pa biglang nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang anim. Biglang sinuntok si Shikitsu ng pinakamalaking katawan na lider ata ng mga batang lalaki. Nasundan pa iyon ng kung ano-anung pananakit. Lahat ay tumatama at nag- uube ang balat kung saan mang parte ng kanyang katawan nabanat.
Nakakamangha ngunit nakakaawang wala man lang lumalabas na kung anong tunog mula sa bibig nito. Sa una wala din akong namamataang ni anong ekspressyong makikita sa kanyang mga mata kahit na masaktan siya ngunit napansin ko ang sakit, galit at may malakas na hangarin sa pagpatay na ekspressyon nito kung hahalungkatin at bibigyan mo ng maiging pansin ang mga ito.
Nagkaroon ako ng pagnanasang sila ay aking lapitan upang sana'y patigilin sila dahil nagkakasakitan na sila. Ngunit nang malapit na ako, nagulat ako nang bigla na lang sumilay ang may nakakapanindig- balahibong ngiti sa kanyang dungisin at punong-puno ng sugat na mukha.
May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mga oras na iyon. Naglalaban ang isip at puso ko. Nang napagdesisyunan ko nang humakbang ng isa, naitutok at ipinagsasaksak na niya sa mga batang nang-aapi sa kanya ang tangan niyang matalas ngunit kalawanging punyal.
Nanlaki ang mga kong mata dahil nagulat ako ng sobra nung hindi man lang siya nagdadalawang -isip na ilaslas iyon sa mga batang nanakit sa kanya. Saka lang ako napapikit sa takot at gulat ng aking mga mata nang makita ang dugong umagos. Naramdaman ko pa ang malapot na malagkit ngunit mainit na likidong dugo na napatilamsik sa aking mukha.
Nang imulat ko na uli ang aking mga mata, nasilayan ko na lang ang mga nakahandusay na sariwang bangkay ng limang batang lalaki. Puro gulat, takot, galit, pagkasindak at pagsisisi ang makikita sa kanilang mukha na nawasikan din ng dugo.
Nang ibaling ko ang aking paningin sa batang Shikitsu, may nakita akong dalawang kung anong bagay sa tabi ng lalaki. Mga walang mukha ngunit tingin ko'y parang mga tao. May dugo din sa mga damit at kamay ng mga ito.
Nakakatakot nga lang dahil pakiramdam ko galit sila at nakabaling ang kanilang atensyon sa akin. Isa pa, kahit na alam ko na wala naman itong mata eh nanlilisik ito. Nagpupumiglas pa nga ito at alam kong pipiglasin ako ng mga ito kung hindi lang sa kung anong nagpapapigil dito.
Sa totoo lang, gustong- gusto ko nang magtitili sa oras na iyon pero hindi ko kaya. Nangatog at nanlambot ang mga tuhod ko sa takot at kaba. Malay mo ba naman ikaw na ang patayin sa susunod.
Ito na ang pangalawang beses kong nasaksihang may pumatay sa harap ko. Kahit na nakita ko ang mga pagpatay bata pa rin ako, mura pa rin ang aking kaisipan.
Naghintay ako sa ano mang nakakatakot at mapangib na gagawin niya sa akin. Ngunit ngumiti ito ng malademonyo at dinilaan niya ang kanyang labi na may kaunting dugo sa napakabagal at nanunuyang paraan. Nagbigay ito ng kilabot sa buo kong katawan. Ang pagkitil, pagngiti at lahat ng iyon ay gawa ng lalaking nakaharap sa akin.
May parte sa akin na nag-uutos na pumatikar palayo at humihingi ng tulong pero bakit parang mas naawa pa ata ako noon? Bakit kako? Kasi pagkatapos ng ginawa niya parang bumalik na siya sa normal nang makita niya ang mga patay na katawan sa harap niya. Nag-iiyak siya at humihingi ng tawad, paulit ulit.
Naawa talaga ako pero may galit at pagkayamot din akong nararamdaman.
Bakit kasalanan ba niya yun? Masisisi mo ba siya kung bakit siya nakagawa ng ganung bagay? Masama at makasalanan ang ginawa niyang pagpaslang. Oo, pero nagawa lang naman niya iyon dahil gusto niyang depensahan at protektahan ang kanyang sarili.
Isa pa hindi lang siya ang may kasalanan. Kung hindi ba naman nang- aapi't nang-aasar ang mga walang modong mga batang lalaki edi sana baka nagtatakbo pa sila ngayon at nagsusumbong sa kanilang magulang. Pero wala eh, nangyari na't hindi na maibabalik. Hay...
Nag-aalalang nagmasid ulit ako sa kanya, hindi alam kung aakusahan ba, ipapakalandakan ang masama niyang ginawa sa iba o sasamahan siya at kukunsweluhin.
Nakatitig lang siya sa mga nanginginig at punong-punong dugo ng iba sa kamay saka may biglang sumilid sa kanyang isipan. Mula sa malayo nakita niya ang patalim na naipansaksak niya at agad na pinulot iyon saka inilagay sa leeg, tila lalaslasin niya ang kanyang leeg.
Gusto niyang magpakamatay!
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Kinakabahan at natatakot, agad akong umakto. Dali- dali kong sinipa siya sa tiyan. Nag-aaral na ako noong magpalakas ng katawan kaya hininaan ko, sapat lang para mawala ang kanyang konsentrasyon. At nang wala na sa kanyang gagawin ang kanyang atensyon agad kong hinablot mula sa kanya ang punyal.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa totoo lang mukha siyang baliw sa panahong iyon na may dalawang kaanyuan- isang demonyo at isang normal na indibidwal. Kakaiba, kakaibang- kakaiba talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasisiraan na ata ako ng bait!
Ilang saglit pa bago lang niya namataan ang prisensya ko. "Lu- lumayo ka!...Hu-huwag kang lalapit! Baka...," ngangatal ang natatakot ngunit nagbabantang boses niya habang umuurong palikod.
Natatakot siyang makasakit ulit ng tao. Iyan ang napagtanto ko.
Sinasabi niyang lumayo ako ngunit nandoon lang ako sa kinatatayuan ko at wirdong- wirdo na sa nangyayari. Tila hindi kinakaya ng isipan ko ang lahat.
Hindi ko alam pero lumapit lalo ako sa kanya. Utay- utay akong humakbang kahit naririnig ko ang mga banta niya. At sa wakas nasa kalahating metro ang pagitan namin nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
Gusto ko siyang maging kaibigan kasi naaawa ako! Bakit sa tingin ko mas miserable pa ang buhay niya kesa sakin? Nawalan ako ng mga magulang sa murang edad pero siya inabandona. Kahit wala na sila meron pa rin akong mabubuting kanag-anak na nagbigay sakin ng proteksyon, mga materyal na bagay, payapa at masayang buhay. Bakit siya nasa ganung katayuan? Nag-iisa, malungkot, palaboy-laboy wala nang pake da buhay at parang katapusan na ng mundo para sa kanya?
Napag-isipan kong kakaibiganin ko siya. Hindi ko man alam kung bakit ayaw ko siyang makitang miserable, takot at may inaalala. Napadesisyunan ko sa oras na iyon, ibibigay ko ang aking makakaya upang kahit papaano mapagbago ko ang buhay niya. Mabuhay ng walang takot, masaya, tahimik at malaya.
Maganda sana ang lahat pero bigla siyang nawala ng walang pasabi at di na muling nasumpungan...
Heh, sa tagal ng panahong nagkalayo, hindi ko inasahang magkikita kami uli sa gantong paraan.
"O sya sya, hindi na kita iinsultuhin baka sumabog ka pa sa galit diyan... Ano pwede mo na ba akong pakawalan?," walang tigatig kong sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya ng mahinahon.
"Gusto pero di p'ede," mahina niyang bulong ngunit nahuli pa rin ng pandinig ko. Ha? At bakit naman? Wag mong sabihing balak niya akong patayin?!
Nanginig ako sa iniisip ko at umiling-iling. Narinig ko na lang ang sigaw ni Nutsuba.
"Mahal na prinsesa!... Ikaw... pakawalan mo ang prinsesa!," arroganteng utos nito pero siya pa man din ay hindi makaalpas sa pagkahawak- hawak sa kanilang leeg ng mga nakaitim at pugutang malamanyika.
"Sa tingin niyo ba lagi niyo na lang akong uutusan?! Lagi na lang kayong umaktong parang nakakataas at mas makapangyarihan.... Nakakarindi na ahhhh!" Sigaw ni Shikitsu tila leong galit na galit. Nangapula ang kanyang mga mata. Nawalan ng kontrol ang mga malanyikang pugot ang ulo at may laslas ang leeg.
Biglang humigpit ang pagkakasakal sa amin. Mas lalo akong hindi makahinga. Nagpupumiglas ako, sinusubukang makaalpas. Ganun din ang dalawang babae at ang kambal. Ngunit unti- unting nawawalan kami ng hangin pati narin ng lakas. Malapit na akong mawalan ng malay.
Hala! Anak ng ...nagalit ang loko!
"Shi...Shikitsu!!! Paka-pakaawa na...man o...ta-tama na!!!," ang huling pilitang saad ko na kanya namang dininig. Naghahangos na ako ng nawala ang pagkasakal sa akin. Malakas na bumagsak ako sa lupa at doon lang ako nawalan ng malay.
"Prinsesa!!!"
"Prinsesa Hisan'na!!!
"Hisan'na!!!"
Nag-aalala at nagugulat na lang nilang riyaw ang aking nadinig bago magdilim ang mata ko...
...
"Matutulog ka na lang ba d'yan?!... Gumising ka naman!... Marami ka pang responsibilidad!," tila nagngingitngit na sa galit ang nagsasalita. Para niya akong pinagsasabihan. Kagaya bago umalis sa lupain ng Shiritama, ito din ang boses, iisa lang sila.
Malamig ngunit mainit ang pakiramdam ko. Ang sarap sigurong lagi na lang ganito. Nakahiga. Maganda siguro kung wala na lang akong alalahanin.
"Ano bang pinag-iisip mo?! Bumangon ka diyan! Huwag kang maging makasarili at irresponsable! Paano kapag wala ka na? Sino ...sino ang magmamalasakit sa Kodaina?"
Ahh! Wala na ang mga magulang ko na nagpapanatili ng Kodaina sa pagpigil ng pagsalakay ng mga bampira sa lupain at kaharian ng mga tao. Ako na lang...Ako na lang ang natitirang dugong bughaw ng lupain ng Kodaina.
Napapilantik ako't natauhan.
"Hahayaan mo na lang bang salakayin at sakupin ng mga bampira ang iyong lupain at maging daan para magsimula muli ang digmaan sa pagitan ng dalawang lahi?! Paano ang mga inosenteng tao? Hahayaan mo na lang ba silang madamay?!," yamot na tanong nito.
"Tandaan mong ikaw na lang ang pag-asa ng iyong lupain, ang Kodaina! Hisan'na Kihara Ketsueki isa kang prinsesa! Responsibilidad mong pangalagaan at pagyabungin ang iyong lupain! Hindi basta ang mga dugong bughaw! Nakalinmutan man na ata ng marami ngunit ang trono ng bawat lupain ay ipinagkaloob hindi para lang magpasarap at kurakutin ang kayamanan ng lupain!"
"Hisan'na...Ipangako mong magiging mabuti kang pinuno ng iyong lupain! Pero hayaan mo. Lagi lang akong narito para magsabi sa iyo kapag naririharapan ka. Sapagkat ikaw at ako... Basta magpakatatag ka ha? Marami ka pang mas matinding laban..."
"Simula palang ito ng pighati't pasakit. Marami pa, marami ka pang masasaksihang taong magtutumbaan sa harapan mo. Marami pa ang malalagot at mapaparisan. Simula pa lang ito at marami pang iba..."
Iyon na lang ang huli niyang pasabi sa akin bago magsimula na akong maalimpungatan.
...
Nagtaka ako dun. Hindi ko maitintindihan ng lubusan ang pinagsasabi nung boses. Ano ba ang pahiwatig niya?
Siguro nga marami pa akong magiging hamon hangga't hindi nagkakasundo ang dalawang lahi, hanggang hindi pa tapos ang gyera. Hanggang hindi pa maayos ang Kodaina. Ngunit hindi ko gusto ang lahat ng nangyayari. Pero ano ba ang magagawa ko? Sa ngayon kailangan kong makuha ang nagbabagong anyong espiritwal na sandata.
"Hoy! Bakit tulala ka naman?! May masama pa rin ba ikaw nararamdaman?!"
Nagitla ako dun. Anak ng teteng nagalit pa ata ang mokong! Hindi ko naman maintindihan ang pinagsasabi nung boses.
Ano ba ang nangyari nitong limang taon kaming di nagkita?
"Ha?...Kakalabanin mo ba talaga ako?... Nakakadurog naman ng puso," kunwari ngunit may halong pagkatotoo kong saad.
"Hindi kailangan kalang dalhin doon. Pero kaibigan kita...!," pasigaw na sagot niya. Nanginginig ang kanyang katawan. May tila kinakalaban niya ang sarili. Kita kong malaki ang paghihirap na dinanas nitong lalaking ito.
"Nasaan ang kambal? Yung magkamukang gwardya? At yung mga tagasilbi?," tanong ko dito. Walang matanaw na kambal at mga tagasilbi, 'kala mo naman wala sila nung una pa.
"Nangunguha ng kung anu-anong makakin sa kakahuyan...," simple at diretsang sagot ni Shikitsu bago tumahimik ang buong lugar.
Walang nagkibuan at bawat isa'y nakikiramdam kung sino ang unang babasag ng katahimikan. Halos kalahating oras na kami ng ganun pa rin hanggang sa nainip na ako at nangunang umimik.
"E ano bang nangyari nung taong iyon? Bakit bigla ka na lang nawala?," taka ko namang tanong. Gusto kong maliwanagan. Ala... Halos matuliro na akong kakaisip kung bakit siya nawala at nasaan na siya dati.
"Mayroon nang balita tungkol sa kinaroronan ng ama ko. Balak kong malaman kung tunay nga iyon at hanapin gamit nung impormasyon," mahinang saad niya
Hindi ko ata nasabi sa inyo na yung ama ni Shikitsu ay isang tunay na bampira. Siya daw ang natirang pamilya at nagamamahal dito ngiunit naghiwalay daw sila ng landas.
"Bakit di mo sinabi sa sakin?," tanong ko. Bakit nga ba?
"Masisisi mo ba ako? Hay, sinubukan ko kaya... Maraming beses kaso wala kang oras noon kaya hinayaan ko na lang ikaw. Umalis na lang ako ng akin," walang anu-ano niyang saad.
Napaismid ako waring may iniisip. Ahh! Oo tama siya may pagkarami- rami akong ginagawa nun. Maraming aayusin sa Kodaina dati at isa pa may pagtitipong gaganapin sa Shiritama.
Nasa pag-iisip pa rin ako nang biglan napasigaw si Shikitsu ," Alis! Umalis ka na prinsesa Hisan'na lisanin mo na ag lugar na ito dalhin mo na ang kasama mo!"
"B-bakit?!," kinabahan kong nagtatakang tanong.
"Nandiyan na sila! Tanda m yung mga taong tumutugis sa iyo nung bata ka pa?... Nandiro na sila! May ipinadalang apat pa," saad niya na nagpagulo ng isip ko. Ano bang pinagsasabi nito? Pero teka... Natandaan ko na yung mga tao- hindi mga bampirang naghahanap sa akin nung sampung taon kong gulang.
"Basta ganto!...Ako ang pangalawa ng magaling gumawa lang kasunduan.May nais sila pero hindi ko alam kung anong balak nilamg gawin sa iyo ah- bahala na!...Dali, may nangongontrol ng isipan ang isa sa kanila! Dalian mo ang pagtakas at wag kang magpapakita. Konwari... Ha ganun a? Bili! 'Di na magtatagal," mahabang pariyaw na lintaya niya.
"Di kita iiwan!," hinsi ako mang-iiwan ng kaibigan para mailigtas ko ang sarili ko no.
"Prinsesa!..Langya! Kani- kanina lang parang gusto mo kaming patayin tapos naging bihag na ang prinsesa!!! Ano ba ang nais mo ha?!"
May sumigaw at siya si....
...
Sa susunod muling kabanata...
Download NovelToon APP on App Store and Google Play