Half Dog Half Human (Tagalog)
Hello ako nga pala si Ash , 17 years old, matangos, matangkad, may mahabang eyelashes, kulay puti ang buhok, maputi ang kutis at clear skin pa, kulay ice blue ang aking mata
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lahi ko, sa tingin niyo maganda ba? At kung nagtataka kayo nasan apilyedo ko, hindi ko din alam
Ni hindi ko nga kilala mga kamaganak ko eh kahit isa lalo na magulang ko hindi ko man lang nakikita kasi ang aga nila umakyat sa langit, baby pako nun nung nawala na sila...
Ang nag-alaga nalang sakin ay yung pinagkakatiwalaan ng magulang ko si nanay Ellen namatay nadin ang asawa niya kasabay lang ng magulang ko
Hindi ko alam kung ano talaga nangyare sa kanila
At ngayung araw nato magisa nalang ako sa bahay namin, iniwan nadin ako ni nanay Ellen kahapon lang siya umalis sumunod na sa magulang ko at sa asawa niya, wala akong kaalam alam sa mga nangyayare sa kanila, tinawagan lang ako ng doctor, at pinapunta sa hospital at sinabi na
"i'm sorry miss, ginawa na namin ang lahat para mailigtas nanay mo, pagdating niya dito sa hospital naubusan na siya ng dugo"
Tuloy ang iyak ko sa sulok ng kwarto namin ni nanay Ellen yakap yakap ko yung picture niya hindi ko namalayan na maggagabi na pala
"malas ba talaga ako?, lahat ng mahal ko iniiwan ako" tanong ko sa sarili ko habang tuloy parin ang iyak ko at nakaub-ub
"hindi anak" napakinggan kong malambing na boses ng babae sa harapan ko, tiningnan ko ito at si nanay Ellen ang nakita ko
"nanay Ellen" sigaw ko sa kaniya sabay yakap
"bat moko iniwan" sabi ko sa kanya habang nahagulhol
Hinagod lang ni nanay Ellen ang aking buhok at nakangiti habang pinipigilan ang pagtulo ng luha niya
"kunin mo yung box sa ilalim ng katre anak, wag mong iwawala yun, at ibigay mo sa lola mo, bye anak" sabay kiss niya sa nuo ko at paunti unti na siyang nawawala mula paa hanggang ulo at dun na tumulo ang luha ni nanay
"TEKA LANG NANAY SINO LOLA KO, WAIT NANAY WAG KA MUNA UMALIS WAG MOKO IWAN HUHUHUHU" sigaw ko sabay iyak
"NAY" dun lang ako nagising sa pagsigaw ko
(a/n: 6 pm siya nakatulog at 7 am siya nagising)
Panaginip lang bayun? Bakit parang totoo
Huhuhuhu nanay miss na agad kita' sabay kiss ko sa picture niya
"Wait may naalala ako'' sabay punas ko ng luha, at nagsuot na ng damit
(a/n: abangan nalang po natin kung bakit walang suot si Ash pagnagigising siya dahil wala pa siya sa mood magkwento ngayun)
Tiningnan ko yung box sa ilalim ng katre at totoo nga may kahon nga dto, ibig sabihin totoong nagpakita nga sakin si nanay sabay hagulhol ko na naman
Umupo ako sa katre at kinuha ang kahon
Binuksan ko iyon at may nakita akong photo album, sulat at maliit na kahon
Binuklat ko yung photo album nakita ko mga picture ng tunay kong magulang nalaman ko ang itsura ng magulang ko dahil kinwento sakin ni nanay Ellen tsaka mommy at daddy daw ang tawag ko sa kanila
Si mommy ko black ang kulay ng buhok, blue ang kulay ng mata, matangos, matangkad din siya, kissable lips, maputi kasing kulay ng snow, long eyelashes
Si daddy ko white ang buhok, matangos din, matangkad din, sexy lips, at para siyang Korean celebrity
Dinescribe ko lang sila sa nakikita kong picture
May picture na kinissan ni daddy ang tiyan ni mommy habang ako yung nasa luob ng sinapupunan ni mommy
May picture na nagdedate sila sa restaurant
May picture sila na nangangarate
May picture sila habang nasa beach
May picture sila nung kinasal
May picture sila na nasa japan
May picture sila sa hospital kasama ako kung san ako inilabas
May picture ko nung mga isang buwan palang ako, ang cute ko pala nung baby pako
May picture din ng tuta
Madami pang picture iyon hindi ko nalang tinapos
Binasa ko naman yung sulat na nakita ko kanina
"Dear our baby Ash
Sorry kung maaga ka naming naiwan, gusto kong makita kita na lumaki ng personal pero hindi mangyayare but don't worry palagi ka naming babantayan at andito lang kami sa taas pinapanuod ka. Huwag mo ng alamin kung ano ang nangyare samin dahil mapapahamak ka lang sa gulo, at wag kang makulit sa nanay Ellen mo ha I LOVE YOU and I MISS YOU SO MUCH
hi baby ko ako to daddy mo mahal na mahal ka hihi patago ko lang tong sinulat sa mommy mo, gusto ko lang na malaman mo may kakayahan kadin na lumaban hindi naman kita pinipilit gusto ko lang ay protektahan mo sarili mo at mahal mo sa buhay, kung makikipaglaban ka support kita alam kong nag mana ka sa mommy mo hihihi at baby wag mong kalimutan isuot yung nasa maliit na kahon ha..sige hanggang dito na muna baka mahuli pako ng mommy mo...mabasa pa niya ito at baka mabugbog na naman ang gwapo kong mukha hihihi nakalimutan ko nga pala sabihin sayo malalaman mo apilyedo mo pag nakilala mona lola mo goodluck baby ko I LOVE YOU SO MUCH"
"Dear anak (galing to kay nanay Ellen)
Pag nakilala mona lola mo wag kang lalayo sa kaniya at magpapasaway ha, haha kilala kita I LOVE YOU ANAK"
Bakit kung sino pa yung sweet yun pa yung nawawala sabi ko sa isip ko
Sunod kong binuksan ay yung maliit na box ang nakalagay sa loob ay bracelet na may design na kulay pink na diamond
Isinuot ko naman ito at pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko at parang lumakas ang energy ko galing sa kapangyarihan ko
Oo tama kayo ng nabasa may kapangyarihan nga ako at hindi ko pa nagagamit mula bata pa kasi sabi sakin ni nanay Ellen sakin wag ko daw muna gamitin kapag walang pahintulot niya
Hindi ko din alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron sakin, subukan ko kaya pero baka ibang dalaw na ang gawin ni nanay Ellen sakin eh hehe
"nanay Ellen ngayun lang po ito ha please" sabi ko kahit di ko alam kung pakinig niya o hindi, pumikit na ako at at ilalabas na ang kakayahn ko ng may biglang sumigaw sa labas ng bahay namin
"ASHHHHH, ok ka lang ba, may nararamdaman ka bang masakit, nagugutom kaba, bla bla bla bla bla" sunod sunod na tanong ng nagiisa kong kaibigan na si Pei Aquilyn, maputi naman siya, singkit, matalino, mabait, maalalahanin at siya lang yung nakakaalam ng sikreto ko bukod pa sa kapangyarihan ko later sasabihin ko sa inyo
"Pei huhuhuhu ok lang ako wag kana magalala" sabay yakap ko sa kaniya dahil nakapasok na siya sa kwarto namin ni nanay Ellen
"anong okay kajan ayan oh parang kinagat ka ng sampong ipis sa mata at pagang paga" tsaka siya kumawala ng yakap
"Dun ka muna samin tumira ayan oh pasira na kubo niyo at wala kapang kasama" sabi niya
"pagiisipan ko muna" malungkot kong sabi
"sigi pag napagisipan mona sabihin mo lang sakin hindi naman kita pinipilit eh hehe" sabi niya
"sigi salamat, uwi kana muna baka hanapin ka na ng magulang mo"
"sigi, unga pala nakalimutan ko ito oh pagakain" sabay abot niya ng baunan
"sigi salamat" sabay yakap ko sa kaniya
Lumabas na siya ng bahay at umupo nako sa may lamesang kahoy kung san kami nakain ni nanay
Binuksan ko yung pagkain
pang mayaman ang pagkakaayus ng pagkain at ang dami, magtitira ako ng panghapon hindi ko alam kung ano ang tawag sa pagkain nato first time ko lang to makita at matikman " hmmmmmm ang sarap" napaluha ako ng may naalala ako namimiss ko yung masarap na luto ni nanay
Totoo mahirap lang ako kubo ang bahay namin at maliit lang sikip ang luob pero puro gulay ang paligid namin kaya hindi ako mahihirapan mamuhay dito mag-isa, hindi din ako nag-aaral, napatigil ako sa pagaaral nung elementary, wala din akong cp or kahit ano at walang kuryente samin
Eto ang isa kopang secret nagiging Husky ako kapag lumulubog na ang araw, nagiging isang aso ako
Kapag umaga naman bumabalik anyo ko nagiging tao naman ako
At ang totoo din niyan si Pei lang ang kilala ko dito, hindi ko kilala magulang niya o kamaganak man lang, at malayo bahay niya sa amin at wala din akong kapitbahay dito, puro puno lang nakapalibot sa bahay namin ni nanay
Ang creepy diba pero sanay na ako
Dahil malapit na lumubog ang araw nagmamadali akong bumili ng bigas, malayo pa ang tindahan sa amin kaya itinakbo ko nalang
Malapit nako sa tindahan at may nabangga naman akong pader pagtingin ko lalaki pala
"s-sorry" kaba kong salita, hindi pa naman ako sanay makipagaway, pero ang cute niya crush ko siya first crush ko siya, wala aagaw sakin jan
"hey are you done staring at me?" cold niyang sabi
"ha?" hindi ko siya naiintindihan
"i said...." pagpuputol ko sa kaniya
"hakdog" at napatingin naman ako sa langit malapit na maggabi kaya kumaripas nako ng takbo papuntang tindahan
Oo hindi ako magaling makipagaway pero magaling ako sa pagiging suplada
Pagkalabas ko nandun parin yung lalaking nakabungguan ko kanina
"hey" pagtawag niya sakin
Hindi ko na siya pinansin at tumakbo nako ng mabilis dahil isang oras nalang magtratransform nako baka makita pako ng mga tao isipin pa nila na isa akong halimaw, yakap yakap ko yung bigas baka kasi matapon sayang yung perang inipon namin ni nanay Ellen
nararamdaman ko na ang pagtratransform ko, nagtago muna ako sa likod ng puno at ibinaba ang bigas para makasiguradong walang makakakita sakin, iniwan ko na yung damit ko bukas ko nalang babalikan
"woahh" gulat na sabi nung lalaki ay syete bat siya sumunod, kaya kumaripas ako ng takbo papalayo habang ang plastic ng bigas ay nakasabit sa bibig ko
"no no no no stop" sabi nung lalaki
...----------------...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments