RIVAL IN LOVE

New chapter ng college life namin. Natapos na namin ang first year ng college.

Four months na din since nung nag start manligaw sa akin si Ken. Masigasig naman sya, pursigido at malambing. Ramdam ko din naman na mahal nya talaga ako dahil hindi nya ako minamadaling sagutin sya. Kung tutuusin mahal ko naman na din sya pero hindi ko maibigay ang matamis kong oo dahil sa takot ko na baka saktan

lang din nya ako kagaya ng ginawa ni Papa kay Mama.

Unang klase sa ikalawang taon namin sa college. Sinundo ako ni Ken para sabay kaming pumasok. Simula nung nag paalam sya sa amin ni Mama na manliligaw sya araw araw nya akong sinusundo para sabay kami pumasok at syempre hinahatid din nya ako pauwi.

Habang abala ang lahat sa pag kukwentuhan about sa naging bakasyon ng bawat isa may isang babae ang pumasok sa room namin.

Hello everyone! I’m Nica, new classmate nyo. Transfer student ako.

Pwede ba akong umupo dito? tanong nya kay Ken.

Hindi ko maintindihan pero mabigat agad ang dugo ko sa babaeng to.

Pwede naman. Wala naming ibang nakaupo dyan. Sagot ni Ken kay Nica.

Thank you. I'm Nica and you are?

I'm Ken and this is Jess. Pakilala ni Ken sa aming dalawa.

Ewan ko pero may pakiramdam ako na nagpapapansin itong Nica na to kay Ken. Ilan kaming magkakaklase talagang si Ken ang napili nyang tanungin ng kung ano ano at ang daming bakanteng upuan talagang napili nya si ken na tabihan.

Hay Salamat break time na.

Inaya ako ni Ken para kumaen sa Canteen.

Habang kumakaen kami biglang umepal nanaman si Nica.

Pwedeng sumabay sa inyo sa pag kaen?

Syempre dahil mabait si Ken pumayag sya.

At ang bruha wala nanamang tigil sa pag tanong kay Ken ng kung ano ano.

Talagang tinanong nya pa si ken kung may girl friend na nakakagigil. Bakit may balak ba syang manligaw kay Ken kung wala pang girlfriend si ken?

Nung sinabi ni Ken na wala pa syang girlfriend hanggang tenga talaga ang ngiti ng bwisit na babae. Buti na lang bumawi si Ken ng sagot.

Wala pa akong girl friend kasi di pa ako sinasagot ni Jess. Sagot ni ken sabay tingin sa akin.

Ahh ganon ba? Naku Jess kung ako sayo sagutin mo na tong si ken ikaw din baka maagawan ka pa ng iba.

Napangiti na lang ako sa sinabi ng bruha.

Pag balik ng klase feeling close na si Nica agad kay Ken. May pag hawak pa sa balikat hindi lang pala sya bruha higad din. First day pa lang nya sa klase pero nauubos na nya agad ang pasensya ko para sa kanya.

Salamat at uwian na. Siguro naman masosolo ko na sa pag uwi si Ken.

Jess, di muna kita maihahatid ngayon. Napaaga yung schedule ko sa work dahil nag AWOL yung isa naming ka crew.

Ahh ganon ba? Sige ingat ka. Kita na lang tayo bukas.

Ken, Saan ka nag wowork? Working student din kasi ako. Sa Quezon city ako nag wowork sa isang fast food chain.Biglang singit nanaman ng bruha sa pag uusap namin.

Ahh talaga sa QC din ako nag wowork.

Wow talaga. Halika sabay na tayo.

Tumingin sa akin si Ken at tinanong ako kung pwede ban yang isabay si Nica. Sino ba naman ako para pag bawalan sya e hindi pa naman nya ako girlfriend.

 Pag dating ko sa bahay napansin agad ni mama na malungkot ako at wala si Ken.

Oh Jess anak bakit ka malungkot? Nag away ba kayo ni Ken?

Naku Ma hindi po kami nag away. Kailangan lang po nya mag duty sa work ng maaga kasi hindi pumasok yung isa nyang kawork.

E bakit ganyan ang mukha mo?

May bago po kasi kaming kaklase at nakakainis sya. Wala syang ginawa kundi landiin si Ken.

Sumabay pa kay Ken sa pag pasok sa work.

Ahh nag seselos ka kaya ganyan ang mukha mo. Parang sinakluban ng langit at lupa.

Ako? Mag seselos? Ano naman pong karapatan kong mag selos? Di naman po nya ako Girlfriend.

Alam mo anak kung mahal mo talaga si Ken hindi ka papaya na maagaw sya ng iba. Saka kung mahal mo sya dapat ipaalam mo din sa kanya yung nararamdaman mo. Matagal na din naman syang nanliligaw sayo diba? Pag isipan mo kung dapat mo na ba syang sagutin. Ikaw din baka mapagod yan at makakita ng iba.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play