WHEN WE BECAME FRIENDS

Kinabukasan gumising ako na mabigat ang pakiramdam. Ganito

pala ang madepress. Ang saklap dahil nauna kong maranasan ang heart break kesa

sa mainlove. Life must go on. Hindi dapat mamuhay sa kalungkutan kaya kahit

hindi maganda ang pakiramdam ko pilit pa din akong bumangon para pumasok sa

school.

Pag baba ko ay nakahanda na ang almusal. Nakangiti akong

binati ni mama. Good morning anak. Halika at sabayan mo na akong mag almusal.

Sa totoo lang wala akong gana kumaen pero syempre pinilit ko

pa ding kumaen dahil ayaw kong mag alala si mama sa akin. Ayaw ko din

makadagdag pa ko sa mga pasanin nya. Alam kong mas masakit at mas mabigat ang

pangyayaring ito para sa kanya.

Maaga akong pumasok. One hour pa ang hihintayin ko bago

magsimula ang unang subject naming. Tumambay muna ako sa mini garden ng school

para mag muni-muni. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Ken sa akin. Nagulat na

lamang ako ng bigla syang nag salita. “Miss sungit ang aga mo pumasok ha.”

Naku Ken! Wag mo kong inisin ngayon at baka di na ako

makapag pasensya sayo. Di ko na control ang pag patak ng luha ko. Parang may

sariling buhay ang mga mata ko na bigla na lamang umiyak pagkakita kay Ken.

Sorry! Wag ka na umiyak di ko naming gusting pikunin ka at

paiyakin. Sabay abot ng panyo para punasan ang luha ko. Gusto ko lang naman

makipag kaibigan.

Hindi naman ikaw ang dahilan ng pag iyak ko. Sagot ko sa

kanya habang di mapigilan ang pag hikbi.

Kung hindi mo mamasamain pwede ko bang malaman yung dahilan

bakit ka umiyak ng ganyan?

Kinuwento ko kay Ken ang buong pangyayari. Hindi ko alam

kung anong nangyari pero sa mga oras na yon gumaan ang loob ko at nabawasan

kahit papano ang sakit na nararamdaman ko. First time kong tumingin kay Ken ng

hindi ako naiinis. Okay din naman pala syang kausap.

Nag kwento din sya ng tungkol sa buhay nya. Eleven years old

pa lang sya ng mamatay ang tatay nya dahil sa isang aksidente. Tatlo silang

magkakapatid at sya ang panganay. Mahirap lang sila at ang nanay nya ay

namamasukan bilang kasambahay. Para makapag aral nag woworking student sya. Nag

susumikap syang makapag tapos para maiahon ang pamilya nya sa kahirapan at

tumigil na sa pagkakatulong ang nanay nya.

Sa mga oras na yon nakaramdam ako ng pag hanga sa  kanya. Akala ko isa lang syang bully na walang alam gawin kundi mang asar. Matalino naman sya sa klase namin pero di ko inasahan na ganito pala ang pinagdadaanan nya sa buhay. Nakakatuwang marinig na nangangarap sya hindi lang para sa kanyang sarili kundi para din sa kanyang nanay at mga kapatid.

Lumipas ang ilang buwan at lalo kaming nagging malapit na

magkaibigan ni Ken. Madalas kaming magkwentuhan at madalas din nya akong patawanin.

Ramdam ko yung effort nya na pasayahin ako para mawala na yung lungkot na dulot

ng pang iiwan sa amin ni papa.

Mapag biro talaga ang tadhana. Pero thankful ako na naging

kaibigan ko sya. Kaibigan na napagsasabihan ko ng mga nararamdaman ko. Kaibigan

na handing dumamay sa anumang sitwasyon ng buhay ko at ganon din naman ako sa kanya.

Hot

Comments

ida pedaza

ida pedaza

aww so sweet

2025-03-07

0

Earth katsamonnat

Earth katsamonnat

𝚙𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚒𝚗𝚒𝚕𝚒𝚐 𝚊𝚔𝚘🤭

2024-11-23

0

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play