The Goddess Of Death
Chapter 2 Dark Room
Evie
"A-anong gingawa mo dito? Bawal ka dito" kinakabahang tanong ko. Pag nalaman ni mommy na may nakakita sakin ay papaluin nya ako at hindi papakainin tapos i lolock nya ako sa garahe katulad ng dati ng may nakakita sakin ng hindi sinasadyan.
May hawak syang pagkain.
"Bakit ka andto? Tsaka bakit ang dilim ng kwarto mo?, hindi kaba lalabas?" tanong nito at parang hindi natatakot sakin.
Hindi katulad ng ibang bata.
"Pwede bang, umalis kana tsaka pwede wala kang pag sabihan na may tao dito" bumaba ako sa kama ko tsaka hinawakan ang braso nya at hinila sya palapit sa pinto.
"Bakit naman? Tsaka gusto ko dito pramis hindi ako mag tatagal uubusin ko lang ito" sabi nya tsaka pakita ng platong andaming laman pinagmasdan ko naman sya mataba ang pisngi nya at katamtaman lang ang katawan.
"Hindi ka pwede dito. Kapag nakita ka ng mommy ni princess papagalitan ako tapos papaluin ako at ayoko matulog sa garahe" nakayukong ani ko.
Pero kinuha nya lang ang braso nya sakin at nag lakad sa maliit na lamesa sa kwarto ko at doon nilagay ang pag kaing hawak nya.
"Alam mo lagi kitang nakikita sa school lagi kang tahimik at lagi kang nasa dulo ng upuan hindi ka din gaanong sumasali sa kapag nag lalaro " pumapasok ako sa school nila princess dahil pinasok ako nila lola.
"umalis ka na please, wag ka nalang maingay na may tak dito" lumapit ako sa kanya. At hinawakan ang kamay nya.
Hinila ko sya para sumama papunta sa pinto pero pinigilan nya ako.
"Ayoko nga dito lang ako, Sasamahan kita dito. Kumain kana ba?" makulit sya at gusto nya ay ang gusto nya ang nasusunod.
Napa buntong hininga nalang ako tsaka umiling. Hindi sya mag papapigil at mukhang malalagot ako bukas lalo na kung mamalan nilang may nakahita sakin dito.
"Kaya pala ang payat mo ei" pangaasar nya binuntutan pa ng pagtawa nya. Pinatahimik ko sya dahil baka may makarinig sa kanya.
"Hindi ako payat, sadyang mataba kalang talaga kaya mukha akong payat" nakangusong sabi ko.
"hindi kaya, tara kumain ka para naman tumaba ka" ang dapat na ako ang manghila sa kanya palabas ay sya ang nang hila sakin palapit sa mesa.
"Kailangan maubos mo yan bawal mag tapon ng pagkain magagalit si papa god sige ka" pananakot nya pa sumunod nalang ako dahil halatang wala akong magagawa sa kakulitan nya.
Nang matapos kumain ay nag simula nanaman syang dumaldal.
" What's your name?" tanong nya.
Tinignan ko muna sya ng may pag aalinlangan bago sumagot mukha namang mapagkakatiwalaan sya...
Sana nga..
"Evie, ikaw ilang taon kana?" tanong ko sa kanya
"Seven, ikaw?" pinunasan nya pa ang labi kong hindi ko namalayang nay icing pala sa gilid.
"six, mas matanda kapa sakin ei dapat kuya ang itawag ko sayo" natatawang sabi ko.
"Hmm...dapat nga” sangayon niya at tumango tango oa “lagi kabang nandto?” hindi ko sya sinagot at nanatili akong naka tungo. “lagi ka bang mag isa?," tanong nya habang titig sakin. Tumango ako bilang sagot.
"Teka ano nga palang mo?" tanong ko pero bago pa sya maka sagot ay narinig ko ang sigaw ni princess.
“Why?, dapat lumabas ka madaming pagkain sa labas at masaya don” anito
“Kung masaya pala doon ay bakit ka narito kung ganon?” hindi ko maiwasang maiingit dahil naririnig ko ang tawanan at sigawan mula sa labas.
“Dahil naiinis ako kay princess lagi nalang syang nadikit sakin, naiinis ako sakanya” naka cross arm na sagot nya.
“Bakit naman?” tanong ko
“Kasi she always hug me and i hate it, she even said she wanted to marry me, but i refuse it, because i want to marry the girl i love like how daddy love my mom” dahil mas matangkad sya sakin ng konti ay yumuko pa sya at ngumiti sakin. “And i think i found her, pag laki ko pakakasalan kita” nagulat ako sa sinabi nya pero na guguluhan ako.
“Pakakasalan?, ano yun?” tanong ko dito.
“Yun ay mag sasama ang isang babae at lalaki sa iisang bahay tapos bubuo sila ng masayang pamilya” nagiting aniya nakaramdam ako ng tuwa ng marinig ang salitang masayang pamilya. “Gusto mo ba ng ganon?”
Tumingin pa muna ako muli sa kanya at tumango tango. “Pano yun? Pag laki mo baka hindi na tayo magkita, edi wala nang masayang pamilya” inosenteng aniko
“Bakit naman?” napaayos sya ng tayo at tumitig sakin.
“Kasi kukuhain nako ng lola ko at dadalhin ako sakanila ililipat din nya ako ng school, edi hindi na tayo mag kikita” sagot ko nakatingin sa paa ko.
“Edi hahanapin kita, pag laki ko basta ipangako mo ako lang ang pakakasalan mo” aniya.
“paano kung kasal kana nun?”
“Hindi yun kasi gusto ko ikaw ang pakakasalan ko” naglabas siya ng isang bagay mula sa bulsa ng pantalong nya at lumapit sakin yumakap sa likod ko at itinapat ang cellphone na tinatawag sa harap namin. “Smile” sinunod ko naman ang inutos nya kasamabay ng pag ilaw niyon.
Ilang beses pa nya ginawa yon at paulit ulit na sinasabi ang salitang pakasalan.
“Ano nga pala pangalan mo hindi mo naman sinabi sakin eh” akmang sasagot na sya ng biglang may sumigaw.
"Vinn!! Vin where are you?" dahil sa sigaw ni princess ay nag mamadali kong hinila sya patayo tsaka sumilip sa pinto mukhang nasa unang palapag palang si princess.
Tinignan ko ang batang lalaki.
"pakiusap wag mong sasabihin na may tao dito" nangungusap ang mga mata kong nakatingi sa itim na itim nyang mata.
Tumango sya at binuksan ko ang pinto tsaka sya hinila palabas pero hinawakan nya pako tsaka pinatingin sa mata nya.
"Vin! Where are you?! " dahil sa sigaw ni princesse ay patakbo akong bumalik sa kwarto ko.
Sana hindi nya sabihin...
Munting hiling ko. Kinabukasan ay hindi ako pinalo o kinulong ni mommy sa garahe.
Mukhang hindi nya sinabi. Napangiti ako sa na isip ko.
Sana may tao pang kagaya nya...
Sana magkita kami ulit.
Pero ng araw ding iyon ay kinuha na ko nila lola.
Paulit ulit ko ding tinanong sila lola kung ano ang ibigsabibin ng magpapakasal.
At sinagot ng ang nag papakasal ay ang mga taong nagmamahalan at gusto magkaroon at bumuo ng sariling pamilya.
To be continue...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments