Chapter 3 Big day out

Kinabukasan bagong bahay bagong pag asa,Abala sa paglilinis ng bakuran si aling krisanta"Subukan kong mag tanim dito ulit ng mga gulay,para my mabenta tayo at maluto,"anito mula sa labas ng bahay,silang mag iina na lang ang naiwan dahil ang

kanilang ama ay pumasok na sa trabaho nito.

"Nay dito na din po ba kami mag aaral?"tanong ni Chris sa ina habang nag pupunas naman ito ng mga gamit sa loob ng bahay.

"Oo anak,saka bukas makalawa susubukan ko din maghanap ng trabaho dito para my katuwang naman ang tatay niyo sa mga gastosin dito sa bahay.Hindi ito kagaya sa probinsya natin na my makukuha tayong kakainin pag wala tayo pambili.Dito bawat kilos natin pera ang kailangan para mabuhay". mahabang sagot nito sa tanong ng bunsong anak

"Si nanay wala daw tayo makukuha,diba magtatanim ka diyan nay?".Biro naman ng dalagita sa ina

"Oo nga ate no,si nanay talaga,Hahaha"sang ayon naman ng kapatid niya sa ate niya.na tuwang tuwang pag binibiro nila ang kanilang ina.

"Pero nay siguro maganda ang mga paaralan dito nay no?" tanong naman ni Chris at di pa man naka sagot ang kanilang ina,binalingan na nito ang kapatid na nagwawalis.

"Ate excited ka din po ba?" tanong nito sa nakakatandang kapatid.

"Oo naman marami sigurong gwapo dito" natatawang sagot ni kira sa kapatid,Narinig naman ito ng kanilang ina na bigla nagsalubong ang mga kilay,napatingin sa mga anak.

"naku umayos ka Kira,ki bata bata mo pa para sa mga gwapo gwapo na yan,Ang pag aaral mo ang atupagin mo".sermon ng kanilang ina,Nagkatinginan naman ang magkapatid at sabay tumawa.

"Hahaha" nilapitan ito ni Kira at inakbayan "Si nanay talaga di mabiro.Joke lang po yon,syempre titira pa tayo doon sa condo na nakita natin kagabi bago ako mag asawa" sagot niya dito at nilambing ang ina. " Hmmmppp t**andaan ko yan ha,kayo ng kapatid mo ang pag asa nmin ng tatay niyo lalo na ikaw,Alam naman ninyo walang kaming matapus pareho,kaya pag butihan niyo ang pag aaral niyong dalawamg magkapatid**". Mahabang paalala ulit nito at natawa na lang din sa biro sa kanya ng mga anak.

Ng sumunod na araw,umalis ang kanilang ina para maghanap ng mapasukang trabaho,Swerte naman ito at naka pasok sa isang Laundry shop sa tawid daan lang ng kanilang bahay.Lumipas ang mga linggo at naging maayos ang pamumuhay ng mag anak dahil na din sa pag tutulungan ng kanilang mga magulang.

Isang araw ipinasyal sila ng kanilang mga magulang sa isang malaking mall "Wooooowwwww...... ang ganda naman dito tay,nay," tuwang sabi ni Chris ng makita ang malaking mall na pinuntahan nila,Makikita sa mukha nito ang pagka mangha sa nakikitang palaruan

"Ayan oh ang ganda,ate tingnan mo ang laki ng Ferris Wheel".dagdag pa nito habang tinuturo ang mga nakikita.Kahit si Kira di din maitago ang pagkamangha sa nakita "Oo nga ang ganda dito,di ba tayo maligaw dito tay?" sang ayon at tanong ni niya sa ama.

"Bakit mo naman natanong anak?" tanong ng kanyang ina na natawa sa tanong ng anak.

"Ang laki po kasi triple po ata ang laki nito compara doon sa mall sa probinsya". Sagot niya sa ina.

"Tingnan natin kung maligaw tayo" natawang sagot ng kanilang ama."Sige ba" hamon naman ni Chris at tumakbo papunta sa escalator.Mabilis din sinundan ni Kira ang kapatid para hindi ito mawala.

Buong araw namasyal ang mag anak sa mall,kumain,naglaro.Natutuwa ang mag asawa sa nakikitang saya sa mukha ng mga anak.Ng mapagod sa kaka ikot ikot,nag yaha na umuwi ang kanilang ina."Hala sa aunod na ulot tayo babalik dito,maglukuto pa ako hapunan natin mamaya,Kailangan natin maaga magpahinga kasi my mga pasok pa kmi bukas ng tatay niyo". anito

"Kain na lang muna tayo bago umuwi,para di kana magluto,pahinga na lang tayo pag dating sa bahay,pagod din tong mga batamg to sa kakalaro eh". Sagot naman mg kanilang ama.At ayun nga kumain ang mag anak bago umuwi,Ng pauwi na sila my nadaanan silang paaralan hindi gaanong malayo sa bahay nila. "Nay,tay diyan po ba kami mag aaral?"tanong ni Kira sa mga magulang

"Oo nak,pero ikaw lang kasi High School kana,Sa kabila naman ang kapatid mo" sagot ng kanilang ina.

"Ate ang ganda ng maging school mo ang laki" Sabat ni Chris

"Malaki din naman sayo,oh tingnan mo diba ang laki din". Sagot naman ni kira sa kapatid at tinuro ang Paaralan ng Elementarya.Katabi lang ito ng HighSchool "Kaya ikaw Kira lagi mo antayin ang kapatid po pag uuwi,wag mo iiwan ha." Sabat naman ng kanilang Ama.

" Opo tay" Sagot ni Kira sa ama at tiningnan ang High school sa isip niya "Dito na ako mag aaral,kamusta kaya maging kaklase ko,mabait kaya mga teacher dito?"

Napukaw lang ang pag iisip ni kira ng ilang saglit lang nakarating na sila sa kanilang bahay.

Kakababa lng nila sa jeep ng tinawag si Aling Krisanta ng kanyang ka trabaho sa laundry shop,

"Mauna na muna kayo sa loob susunod na ako" sabi niua sa mag ama at dali daling tumawid papunta sa pinagtatrabahuan.

"Bukas magpa pa enroll ako,sama ka ba?" tanong sa kanya ni Aling Rosa na ka trabaho niya.

"Pwede ba?kaso my pasok ako" balik tanong niya ky Rosa.

"Paalam lng tayo ky boss na ma late tayo maka pasok bukas,mag OT na lang tayo kinagabihan," Sagot naman nito

"Ok lang ba yon?nahihiya kasi ako bago pa lang kasi ako dito" Nag aalangan naman na sagot niya.

"Papayag yon si boss,Nagbibigay kasi scholarship ang high school sa mga maka una pa lista na deserving student.Nabanggit mo sakin matalino anak mo,kaya malaki din matipid niyo kung sakali pag makasama sa scholar anak mo"pag kukumbinsi pa nito.

"Sige pero mag paalam muna ako ky boss ngayon" Sang ayon niya,

Nag paalam nga silang dalawa sa my ari ng laundry shop.At pumayag naman ito.

"Sige bukas maaga tayo ha,dito na lang tayo mag antayan para hindi na ako papasok doon sa inyo."Sabi ni aling Rosa

"Oh sige,kita na.lang tayo bukas.Goodnight"sagot naman niya at nagpaalan na uuwi.

Pag pasok niya ng kanilang bahay,naabutan niya nagpapahinga ang mag ama sa kanilang munting sala..Sinabi niya sa mga ito ang planong pagpa pa enroll bukas.

"Sana nga makuha ako nay para maka tipid tayo"Sagot ni Kira sa balita ng ina.

"Maka pasok ka niyan,Baka magulat sila sa makikita na mga grades mo sa school cards mo anak" proud na sagot naman ng kanilang ama.

"Oo nga lito.swerte natin sa mga anak natin,mababait na matulungin pa". sang ayon naman niya.

"Oh siya maglinis na kayo ng katawan at magpahinga na,alam kong pagod kayo at magpapahinga na din ako maaga pa ako bukas" dagdag pa niya.

"Sige po" sagot ng magkapatid bago pumasok sa kwarto at nagbihis.Para maka pag pahinga na.

Hot

Comments

●★Gu Xi²★●

●★Gu Xi²★●

Ganda,parang kami lang dati ng unang punta namin sa mall.Hahahaha wala kasi ganyan sa bukid.Goodjob Author

2021-01-18

6

Little eve🧚‍♀️

Little eve🧚‍♀️

excited na Ako saan Kaya mka pg enroll c Kira?may mga gwapo o artista ba doon?

2021-01-06

6

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play