Isang maganda at masayang araw ang bumungad sa isang bayan sa probincya pagkatapus ng magdamag na pag ulan.My nag iinom ng kape sa kanilang mga balconahe,my nag wawalis ng kanilang mga bakuran,my naglalaba sa poso, my mga bata naglalaro at maghahabulan sa daan.Ng bigla na lng sila nagulat sa malakas na agos ng tubig.Gulat at dali dali nag impake ang pamilya nila Kira" Bilisan niyo pag impake tumataas na ang tubig dito sa loob ng bahay natin"Natatarantang utos sa kanila ng kanilang inaDali dali naman pinasok ni Kira ang kanyang mga gamit inuna niya ang gamit sa pag aaral at konting damit.Pagkatapus mag impake umakyat sa bubong ng kanilang bahay sila Kira at ang pamilya niya dala2 ang kani kanilang mga backpack laman ang mga importanting gamit at konting damit na naisalba bago pa inaabot ng tubig ang kalahati ng kanilang bahay."Ano po ang nangyari tay,bakit bigla na lang my tubig"nagtatakang tanong ng kapatid ni Kira na si Chris."Hindi ko din alam anak"sagot ng kanilang ama.Ilang saglit lang my mga rescuer na dumating sa kanila.Papalapit na ito sa kanila ng bigla na lang my na alala ang dalagita "Tay,nay si Bark(aso nila) hindi pa na tanggal sa pagkakatali"sabi niya sa mga magulang bago tumalon para tanggalan ng tali ang kanilang aso."Anak ako na" sigaw ng kanyang ama."Ako na po tay saglit lang to" sagot din niya at dali2 lumangoy papunta sa kanilang aso.Kakatanggal lang ng tali ng kanilang aso ng sa hindi kalayuan my malaki at malakas na agos ng tubig ang papunta sa kanila,dali dali siyang lumangoy pabalik sa kanyang mga magulang na naka sampa na sa motor boat ng mga oras na yun.
"Kira bilisan mo wag kana lumingon pa"Sigaw ni Aling Krisanta sa dalagitang anak.Kahit takot at kinakabahan,pinilit ni Kira na maka abot sa motor boat bago pa siya maabutan ng malakas na agos ng tubig galing sa isang bahagi ng Dam na nasira sa kanilang lugar ayon sa mga rescuer ng tinanong nila kung anong nangyati at bigla ang pag baha sa kanilang lugar."Abutin mo kamay ko anak"sabi nman ng kanyang ama na si Carlito.Kita sa mukha ng dalagita ang takot at kaba habang lumalangoy papalapit sa kanila,Tumalon naman ang isang rescuer para tulungan siya,ng naabot na niya ang kamay ng ama,tinulongan siya nito na mka sampa sa motor boat.
Nanginginig sa takot ang dalagita ng bigyan siya ng kumot ng isang rescuer."Ok ka lang?" tanong nito sa dalagita.Tumango nman siya bilang sagot sa tanong nito,nilingon ni Kira ang kanilang bahay ngunit wala na ito sa kinatatayuan nito.Tinangay na ng malakas na agos ng tubig."Ang bahay na naipundar ng mga magulang ko wala na,paano na kami ngayon,saan na kami ngayon pupunta,?"tanong niya sa sarili.Nabubuhay ang mag anak sa pagiging isang constraction worker ng kanyang ama at pag lalako ng ina ng mga tanim na gulay."Sa evacaution center muna tayo pansamantala,Pag ok na at pwede na tayo bumalik,magtatayo tayo ulit ng bahay natin."Sabi ng tatay nya"Pero tay ayoko ko na po bumalik dito nakakatakot po"umiiyak sa sagot ng naka babatang kapatid niya na si Chris.Niyakap niya ito,naawa siya sa kapatid ang bata bata pa nito para danasin ang ganitong trahedya."Kahit ako din bunso,kaso pag di tayo bumalik dito saan naman tayo pupunta,saan tayo maninirahan?"Mahinang sagot niya sa kapatid at ngumit dito.Tinapik tapik nman siya ng kanyang ina na para bang sinasabi ito sa kanya na"Makakraos ulit tayo".
Sa evacuation center,madami ang umiiyak,madami ang nawalan at nawawala na mga mahal sa buhay.Madami ang nawalan ng tahanan at kabuhayan.
Tumagal ng 3 araw sa evacaution center ang mag anak,umaasa sa tolong at relief goods na binibigay sa kanila,hangang isang araw pinatawag ang head ng bawal pamilya para sa pag pupulong tungkol sa nangyari.
"Mga kababayan ko,malungkot kung ibabalita sa inyo na basi sa aming pag iikot my iilan sa inyo na hindi na pwede maka balik sa kanilang mga tahanan.Sapagkat my ilang bahagi sa barangay natin ang my gumuhong lupa at mataas pa na tubig."sabi ng isang opisyales.
"Sa mga hindi na pwede maka balik sa kanilang mga tahanan mag bibigay ang ating gobyerno ng relocation site,pero hindi pa ito basta basta kaagad mangyayari.Sapagkat hindi pa na approbahan kung saan relocation site kayo ililipat."sabat ng isa pang opisyales"Ang mga sumusunod na babanggitin namin ay ang mga pamilyang ililipat sa relocation site,ibig sabihin isa ang bahay niyo o ang lupa na kinatatagyuan nito ang nagka sinkhole.Kabado ang mag asawa habang iniisa2 tawag ang pamilyang di na mkakabalik sa kani kanilang mga tahanan."Pamilyang Krisanta at Carlito Gomes"napa iyak si aling Krisanta ng marining na tinawag ang pamilya nila.
"Saan tayo ngayon titira Carlito ,matagal pa bago tayo ma relocate,narinig mo naman ang sabi ng opisyal taon pa aantayin natin,hindi naman pwede sa evacaution tayo mamalagi.Nakita mo nman madaming mata nakatingin lagi sa anak natin"Nag aalalang saad ni aling Krisanta.Maganda kaai kahit morena ang anak nilang si Kira,matangkad na sa edad nitong 13 taong gulang."Bukas subukan ko mag tanong ky porman kung my alam siyang ibang mapasukan,Sa ngayon di naman kami pwede bumalik sa site kasi lubog din sa baha"sagot nman ng asawang si Carlito.
Ng makarating sa pwesto nila sa evacaution center sinabi din naman nila ang masamang balita sa mga anak nila.Umiyak na naman si Chris,napaluha din si Kira"Hayaan niyo mga anak gagawa ng paraan si tatay na maka alis tayo dito"Nasabi na lang ng ama sa mga anak.Habang ang ina pilit pinipigilan ang luha habang yakap2 ang 2 anak
Kinabukasan din yun,umalis ang ama para maghanap ng trabaho,Pag balik nito isang magandang balita ang kanyang dala.
"Natangap ako sa isang project sa Syudad"masayang bungad niya sa pamilya nya"Talaga carlito?"Masayang balik tanong din ng asawa niya."Oo at hindi lang yun,lilipat din tayo doon,Nalaman kasi ng may ari ang sitwasyon natin kaya nag alok siya ng pansamantalang lugar na matitirhan natin doon"mahabang kwento ng ama,Tuwang tuwa ang magkapatid sa magandang balita ng ama,kahit papano swerte pa din nila pagkatapus ng lahat ng nangyari my mabuting tao pa din ang handang tumulong sa kanila.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 62 Episodes
Comments
🐰💜𝕵𝖊𝖔𝖓 𝕵𝖚𝖓𝖗𝖊𝖒💜🐰
thank you😍
2020-12-30
7
Little eve🧚♀️
Ang Ganda ng story
2020-12-30
6