...JEORGI CHOU POV...
Ringgggg Rinnnnnnggggggggg Ringgggg!!!!!!!(imaginin nyo na lang! low budget eh😂) -tunog nang alarm clock ko. kaya napabangon ako bigla sa pagkakahiga.
Hello Earth! Have a Nice Day! -sigaw ko hehehe kahit naman sumigaw ako dito. walang maabala kasi ako lang mag isa dito sa apartment na tinitirahan ko. opo mag isa na lang ako sa buhay dahil patay na ang mga magulang ko dahil sa ambush na naganap noon.
pero hindi parin talaga nabubura yun sa akin, dahil feeling ko nga ehhhh nakaukit nasa utak ko yun, dahil binabangungot parin ako gabi-gabi ng ala alang yun.
sana nga kasi sinama na lang ako nila mama at papa sa langit para di nako umiiyak at nalulungkot hanggang ngayon.
at lahat din kasi ng kayamanan namin nawala na kasi kinuha ng bangko lahat pag gising ko sa Hospital. dahil may pag kakaka utang daw yung magulang ko ng sobrang laki.
pero buti na lang talaga meron akong malaki laking ipon nong nag aaral pa lang ako non, kasi lahat ng sobrang pera na binibigay nila mama noon inilalagay ay ko sa ATM kaya yun! yung ginamit kong pang aral sa college.
pero nagtatrabaho pa din naman ako sa isang coffee shop bilang isang cashier minsan waiter, napagkakamalan pa nga nila akong babae eh.
kaya sabi ng boss ko, kaya raw madami ang costumer namin ay dahil daw sa akin, kasi naman puro lalaki lahat ng costumer bilang lang yung mga babaeng costumer.
meron nga din nagbibigay ng mga bulaklak at chocolate at kung ano ano pa, pero tinatanggap ko din naman, dahil grasya din yun ano.
pero sinasabi ko sa kanila na hindi ko pa talaga balak magka jowa, kaya tumitigil na din sila.
pati din kasi sa labas ng apartment ko merong mga bulaklak at chocolate pag uuwi ako galing trabaho, kaya pati mga kasamahan ko sa coffee shop ay inaasar ako, binansagan pa nga nila akong Eye of the boys.
—
so ayun nga po mag isa na lang ako sa buhay, wala na din kasi akong mga kamag anak na mapupuntahan, kasi sabi ni mama itinakwil daw sila noon nila lola at lolo.
kasi nga daw galing ampunan si mama at nasa marangyang buhay noon si papa, kaya napag isipan na lang nila mama at papa na mag tanan noon dahil pilit silang pinaghihiwalay ng pamilya ni papa, pero hindi na rin naman sila hinanap ng magaling kong lola at lolo.
buti na lang talaga matalino si papa kaya nagtatrabaho muna siya sa isang kompanya noon bilang isang Assistant manager, dahil sa kanyang pag pupursige nakapag patayo na din si papa ng sarili niyang kompanya.
kaso nga lang nawala din yun simula nong nangyareng aksidente sa amin, pero hindi pa rin talaga ako naniniwala na may ganung kalaking pagkaka utang ang mga magulang ko.
nasanay na din naman na akong mabuhay nang mag isa at walang hinihinging tulong sa ibang tao.
hayssss!! makapunta na nga lang kala mama at papa dahil miss na miss ko na silang dalawa. -ani ko sa aking sarili na may ngiti.
(7 years ago)...................
Baby gumising kana jan at pupunta na tayo sa bayan para magsimba kasama ang Papa mo. -sigaw ni mama sakin habang kinakatok pa ang pinto.
Mama! pwedeng 5 minutes pa inaantok pa ako ehh. -ani ko kay Mama ng padabog kasi naman inaantok pa talaga ako, dahil nanonood kasi ang ng kdrama kagabi kaya inabot nako ng umaga kakanood, crush ko kasi si Lee jung suk ehh hihihi...
Isa pa Jeorgi Laczamana Chou wag mo kong ginagalit dahil malilintikan ka talaga saking bata ka, gusto mo bang bawiin ko yang mga gadget mo ng hindi ka na makanood ng kdrama kuno kuno na yan, sige! hala! bumangon kana jan at gumayak pag saktong alas otso, at wala kapa sa baba kukunin ko talaga ang mga yan. - sabi ni mommy ng pasigaw sakin, kaya naman napatayo agad ako sa kama ko.
oo na po mommy! oo na po! gagayak na nga po ako ehhhh! di naman po kayo mabiro hehehe. -ani ko kay mommy ng pasigaw na may pekeng tawa.
kaya naman nang matapos na akong maligo, pinatuyo ko muna yung buhok ko gamit yung blower at isinuot ko na din yung damit kong oversized na kulay itim na may nakalagay na Gorgeous sa harap, at isinuot ko na din yung short kong medyo maikli kaya kita yung maputi kong mga hita.
binubully nga ako sa school na pinapasukan ko ehhh, dahil nga daw baklang tomboy ako pero halos lahat lang naman nang nambubully sakin ay puro babae.
siguro nga baka insecure lang talaga sila sa ganda ko dahil lagi kasi akong pinapansin ng mga lalaki sa school, at yung mga iba nanliligaw pa.
pero diko din naman sila pinapayagang umakyat ng ligaw at wala pa kasi akong balak na mag ka jowa, kaya naman galit na galit yung mga babae sakin sa school. halos patayin na nila ako sa tingin, tuwing duma daan ako sa harap nila.
lalo na yung si Karina siya laging may kagagawan ng pambubully sakin, lalo na yung pag lolock niya sa CR sakin noon, tas mas lalong lumala yung pambubully niya nong ligawan ako ni Vladimer Benidez.
sikat kasi sa school si Vladimer at anak din kasi siya ng may ari ng school namin. at Varsity Captain din yun ng Basketball Team sa school namin kaya alam kong patay na patay si Karina kay Vladimer, kaya nga binasted ko na lang para naman tantanan nako nang bruhang yun.
—
so ayun nga sinuot ko na yung White shoes ko at tumingin sa salamin at umiikot ikot pa hihihi. ang ganda ganda ko talaga kaso nga lang wala akong susuhan at pukihan na sabi ni Rio na kaibigan kong bakla.
pag katapos kong maglagay ng kung anik anim saaking mukha, ayy bumaba nako at pumunta sa kusina para kumain kasabay sila mama at papa.
Good morning sa gwapo kong papa! and Good morning sa maganda kong mama! -masayang bati ko sa kanilang dalawa at hinalikan sila sa pingi.
Good Morning din sa pinaka maganda kong anak na prinsesa. -ani sakin ni papa ng nakangiti at humalik din sa pisnge ko.
oo tanggap ako nila papa at mama kahit daw bakla ako ayos na din daw yun sa kanila. para may prinsesa sila dito sa bahay. at tinuring din nila ako bilang isang iniingatang bagay dahil hatid sundo ako nila papa at mama sa school.
kahit alam kong busy sila minsan pero nahaharap pa din nila akong sunduin araw araw. binibigay din nila sa akin lahat ng gusto ko kaso di naman ako masyadong spoiled ano? duh!.
—
pumunta na kami sa labas ng gate ni mama pagka tapos naming kumain, dahil hinihintay namin si papa na ilabas yung kotse na gagamitin namin papuntang simbahan at para mag gala na din hihihi.
pero habang nasa biyahe kami parang balisa si papa sa pagpapatakbo at laging naka tingin sa side mirror na parang may tinitingnan, kaya naman na curios ako. kaya sumilip ako sa likod may nakita akong nakasunod na itim na Van samin, kaya bigla naman akong nakaramdam ng kaba.
Mahal kumapit kayo ni Jeorgi at ikaw Jeorgi anak ilagay mo yong setbelt mo sayo -ani ni papa samin ni mama kaya agad din naman namin sinunod siya,
at naramdaman kong napaka bilis ng mag patakbo ni papa ng sasakyan, kaya napakapit na lang ako nang mahigpit sa upuan ko habang kinakabahan.
Mahal anong nangyayare bakit napaka bilis mong mag patakbo, baka maaksidente tayo. -ani ni mama naki kinakabahan at natataranta na, siguro ay napapansin niya din na may sumusunod na sasakyan sa amin sa likod.
mahal diba alam mong may nagtatangka sa buhay natin noon pa? dahil nga mas lalong lumalago yung kompanya natin at nasa ikalawang pwesto na sa pinaka indemand sa bansa? -ani ni papa nang lumuluha at nagpipigil ng iyak.
jusko wag naman sana ngayon at nandito yung anak natin, ayoko siyang madamay kung sakaling may mangyaring hindi maganda ngayon. -ani ni mama habang hugulgol kaya naman pati ako napaiyak na din kasi madami ng pumapasok sa isip ko, pano kung mamatay na kami, paano kung ito na yung last na makakasama ko sila, paano kung sila mama at papa lang ang mamatay tas ako lang ang matira, hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyare yung bagay na yun?
——
basta anak at mahal tandaan niyo mahal na mahal ko kayong dalawa, dahil kayo yung buhay ko, kayo yung mundo ko, kayo yung mga anghel sa buhay kong naging madilim noon, na hindi ko lamang naramdaman sa lola at lolo mo anak, kaya mahal na mahal ko kayo ng mama mo. basta anak lagi mong tandaan kahit wala na si papa ikaw parin yung baby princess ko na pinaka maganda at sweet sa buong mundo, at lagi mo ding tatandaan na gagabay lang ako sayo sa lahat ng landas na patutunguhan mo araw araw, at lagi din akong nasa tabi mo kahit hindi mo na ako makita pa, basta anak ipangako mong mabubuhay ka, ipangako mong magiging matatag ka at masaya ka kahit wala na ako. -habang umiiyak na sabi sa akin ni papa, kaya naman mas lalo akong napa hagulgol.
tinanggal ko ang setbelt ko at niyakap si papa patalikod habang humahagulgol sa pagiyak.
Anak punta ka dito kay mama sa harap gusto din kitang mayakap ng mahigpit, dahil mamimiss ko ang pinaka maganda kong anak baka kasi ito na din yong huling makaka yakap kita ng buhay ako -tawag sakin ni mama habang umiiyak din.
kaya naman tumawid ako sa gitna at umupo sa harap niya at niyakap niya ako patalikod ng mahigpit na para bang hindi nako makakawala.
Anak lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ikaw lang yung nag iisa kong prinsesa diba, kami ng Papa mo! mahal na mahal ka namin anak, kung sakaling ikaw lang ang makaligtas sa ating tatlo anak, ito lang ang tatandaan mo wag na wag kang susuko, mabuhay ka ng maging masaya. kahit mawala na kami ng Papa mo basta lagi mong isipin na kahit wala na kami sa tabi mo ayy nakabantay parin kami ng papa mo sayo sa langit, at laging nakagabay sayo hanggang sa pagtanda mo. at saka anak mag iingat palagi huh? wag kang magpapagutom kasi hindi na kita malulutuan ng paborito mong sinigang na baboy anak , basta anak! itatak mo sa isip mo na mahal na mahal ka ni mama! at mahal na mahal ka din namin ng papa mo. -sabi sa akin ni mama habang humahagulgol at tumanatango ako sa kanya habang umiiyak.
at mas lalo akong niyakap ni mama ng mahigpit para bang pinoprotektahan niya ako, dahil binubundol na yung sinasakyan namin ng itim na Van na nakasunod sa amin kanina pa.
Mahal yakapin mo nang maigi at mahigpit si Jeorgi ngayon na!. -sigaw ni papa kay mama habang umiiyak kaya mas lalong hinigpitan ni mama yung yakap sakin.
Anak! mahal na mahal ka ni Papa. - ani ni Papa ng pabulong at nakangiti sa akin habang lumuluha.
Pero nagulat na lang ako dahil sasalpok na yung kotse namin sa isang malaking puno, kaya bigla akong napapikit.
naramdaman ko na lang na masakit yung buo kong katawan at nang idilat ko yung mata ko, nakita ko si papa na puro dugo ang ulo at may nakasaksak pa na bubog sa bandang dibdib niya, dahil sa mga nabasag na salamin na tumama sa kanya pero hindi na gumagalaw si papa,kaya napaimpit ako ng iyak.
at ng mapa tingin sa ako kay mama sa likod ko nakita ko siyang puro dugo din ang ulo, pero mahigpit parin na nakayakap sakin. at nang tignan ko naman ang sarili ko, may nakasaksak na bubog sa isa kong binti at ng kapain ko ang ulo ko may bahid din ito ng dugo.
pero napatigil ako sa pagkapa ng may makarinig akong nag uusap na mga lalaki malapit sa amin.
Boss patay na siguro ang mga yan! dahil sa tindi ba naman ng pagkakasalpok. -ani nang isang istranghero sa kausap niya.
para mas makasiguro tayo paulanan niyo ng bala ang sasakayan para makasigurado tayo kung hindi lagot tayo kay Vicentico. -ani nong kausap ng stranghero.
kaya nagulat ako nang nakatingin si mama sakin at bigla niya akong pinadapa at niyakap patalikod at narinig ko na lang na may sunog sunog na putok nang baril na tumatama sa sasakyan namin. kaya bigla na lang akong napaluha ulit dahil sa sitwasyon namin, at narinig ko na lang si mama na may ibinulong sa akin habang may lumalabas na dugo sa bibig niya.
anak mahal na mahal ka ni Mama sana mabuhay ka nang mapayapa at masaya. -ani ni mama ng nakangiti pero bigla na lang siyang pumikit, pero di nako makapagsalita dahil medyo nahihirapan na din ako. dahil natamaan ako ng bala sa bandang tiyan.
END OF FLASHBACK>
..............................................................
pero ang natatandaan ko na lang noon na may narinig akong huni ng sasakyan ng mga pulis. kaya tumigil ang pagpapaulan nila ng bala sa amin at biglang pinaharurot ang itim na van na nakasunod sa amin kanina.
at sa pagpikit ko ng aking mga mata may nakita akong isang stranghero na tumatakbong papalapit sa akin, pero diko makitang gaano yung mukha niya. dahil nagdilim na din ang aking mga mata pero alam ko sa sarili ko na. nakita niya ako at alam ko din na kasama siya ng mga pulis na tumulong samin sa malagim na trahedya noong nakalipas na pitong taon.
Habang inaalala ko nanaman yung malagim na trahedya na yun di ko mapigilang mapaluha habang pinagmamasdan ko ang larawan nila mama at papa nanakangiti kasama ko.
mama! papa! kamusta na po kayo jan sa langit? pwede niyo po ba akong dalawin mamayang gabi sa aking pag tulog, dahil bukas na po ang aking kaarawan. mag Dalawampu't dalawang taong gulang napo ako mama at papa at saka tinupad ko na rin po yung mga payo niyo sakin nong huling araw na magkaka sama tayo, naging masaya na po ako at nabuhay ng mapayapa. alam niyo po ba mama at papa naka graduate na po ako ng kolehiyo ngayon at naging magna *** laude natupad ko na din yung isa sa mga pangarap niyo sa sa akin, pero naghahanap pa lang po ako ng trabaho ngayon dahil kaka graduate ko lang nong isang buwang. sorry po mama at papa ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo, sana po di kayo magalit sa akin huh? at sayang di niyo man lang ako nakita kung paano tumungtong sa stage habang sinasabit sa aking yung mga medalya ko, at sayang din po wala kayo sa mismong speech ko, pero alam ko naman pong nanonood kayo jan sa langit sa akin. sana po masaya kayo jan sa akin, miss na miss ko na po kayo mama at papa, sana po yakapin niyo ako kahit sa panaginip ko lang mamayang gabi bago ang aking kaarawan, gusto ko po kayo ang unang bumati sa akin kahit sa panaginip lang, mahal na mahal ko po kayo mama at papa!. -ani ko sa kanila at lumuhod ako saka ko hinahaplos ang lapida nilang dalawa nang humagulgol at nakangiti at pinagmamasdan. oo nandito ako ngayon kung saan naka himlay ang aking dalawang magulang.
sige na po mama at papa aalis na po ako, dadalaw na lang po ulit ako dito sa susunod sa inyo. dahil papasok na po ako sa aking trabaho sa coffee shop ingat po kayo jan ah! -ani ko sa kanila at hinalikan ang kanilang lapida ng lumuluha at saka ko pinunasan ang mga luha ko saka ngumiti at tumayo na.
Nagitla ako ng biglang nagring ang aking cellphone kaya naman sinagot ko agad.
Hoyyyy bakla nasaan kana mag titime na ng trabaho natin. -sigaw ni Mika sa kabilang linya kaya naman napalayo yung tenga ko dahil sa lakas ng bunganga ng kaibigan ko.
eto na! eto na! papunta na jan may dinalaw lang din kasi akong mga importanteng tao sa buhay ko. -ani ko sa kanya habang nakangiti.
ok sige sige besss! take care ciao! -ani ni Mika habang tumatawa kaya pinatay ko na lang ang tawag niya at napailing na lang din.
saka ako naglakad palabas ng Sementeryo at pumara ng taxi.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 5 Episodes
Comments
George Wels
Seems interesting. Can you make it in English? I'm interested in your work. I could say I'd like to invite you writing on another platform. We can discuss this through DM or Could I have your email/social media? Thank you
2022-02-02
0
davebryan Tangan
Pagandahin mo author!
2021-11-20
0