Mikho's pov:
Nag sipuntahan na kami sa canteen para kumain. Tinanong ko muna si Aya kung ano ang kakainin niya at sinabi ko na ako na magbabayad dahil gusto ko siyang ilibre.
Wala naman masama diba? Hindi naman nila yan mapapansin.
" Ano sayo? " Marahan na tanong ko habang nakatingin sa menu, hinihintay ang sagot niya.
" Dalawang chicken fillet at isang rice nalang " Tumango ako at pumunta siya sa table na hinanap nila kanina. Tinawag ko lang si ate Cole para samahan ako mag order tutal nakuha na rin naman namin lahat yung order nila. Syempre si Aya lang ililibre ko, alangan naman ilibre ko silang lahat? Wala na nga kong pera. Kaagad din naman namin nilagay yung mga pagkain sa table at nagsimula ng kumain. Kaso yung dalawang mag uyab ay nagsusubuan pa.
Juicecolored, anong pag pagsubok po ba ito? Ano bang nakain ng mag jowang to at pasweet sweet pa sa isa't isa sa gitna ng maraming tao.
Pinagtitinginan tuloy silang dalawa kaya wala kaming nagawa kundi tumitig nalang din sa mga bawat kilos at galaw nila. Yung mga mukha ng kasama ko ay hindi maipinta dahil nga sa harap namin naglalandian tong mag jowang to.
Pero, jokes aside im happy for ate Cole. She finally found her one and only.
Yung dalawa naman sa tabi ko ay tahimik at walang kibo, nahihiya ata tong mga to eh pero pag kalokohan walang kahiya-hiya. Kumakain lang din yung dalawang kaibigan ni Aya at ate Yves, syempre tahimik din. First time siguro nila na makasabay. Peaceful lang kaming kumakain nang may lumapit samin na grupo— yung mga nangbully kay Aya kanina sa likod ng school.
Agad naman hinawakan ni Aya ang kamay ko na para bang takot na takot sa kanila. Mas lalo pa niyang hinipigtan ang paghawak sa akin nang tumigil sa harapan ng table namin ang mga bully.
Kasama pala nila si Simone. Tsk mahina naman yan, puro yabang.
Nilapag naman ni Simone ang kaniyang kamay sa harap namin at nakatingin kay Aya. Napatigil naman sa pagkain yung mga kasama ko at nakatitig kay Simone. Yung tingin ni Shina at Stacy ay nalipat din kay Simone at nag-tinginan ito sa isa't isa at ibinaling kay Simone.
" You're beautiful miss, whats your name? Can i get your number? " Sunod-sunod na tanong nito kay Aya, uminit naman ang aking ulo at hinigpitan ang kapit sa kamay nito. Nakikita ko na nagpipigil ng tawa si Joey at Gio, mga loko talaga.
Hayst, baka kung ano nanaman isipin ng mga loko-lokong to. I'm just keeping her safe from Simone, nothing else.
" What are you doing here, Chavez? " Seryosong tanong ko sa kaniya. He smirk at me na parang nang-aasar at binaling ulit ang tingin sa babaeng nasa harapan ko. Takot na takot ang mukha nito at hindi makasagot.
" Answer me miss, i hate waiting " Aya gulped and looked at me, asking for some help. Hinawakan pa ni Simone ang balikat nito.
Argh.. ginagalit talaga ako ng lalaking to.
Ako na ang tumayo para kay Aya at tinanggal ang kamay ni Simone sa table namin at sa balikat ni Aya. Dumiretso ako sa harapan ni Aya para hindi siya makita ni Simone.
"She doesn't want to give it. Stop forcing her or else. " Matapang naman akong iniharap ni Simone sa kaniya at kinuha ang aking kuwelyo. Napatayo naman sila ate Cole at yung dalawa, kita sa mukha na naiinis na si Simone.
Tama, mainis ka lang diyan. I thought while mocking him and being sarcastic.
I just smirked at him and akmang susuntukin na niya ako pero hinawakan ni ate Cole yung kamay niya. Napatayo si ate Yves at pumunta kay ate Cole para pakalmahin ito.
" Don't touch her. " Seryosong banta ni ate Yves kay Simone nang akmang kukunin din niya ang kuwelyo ni ate Cole.
" Ibaba mo si Mikho, Simone. Kung ayaw mong magkagulo tayo dito. " Sabi ni Joey na katabi lang ni Gio at walang imik ito. Binitawan naman ni Simone ang kuwelyo ko at inis na inis ito. Lumapit lang naman siya sa aking tenga at may binulong.
" Swerte ka lang ngayon Mikho " Sabi nito at ngumisi nanaman ito.
Wala ba tong magawa kundi ngumisi nalang ng ngumisi?
" Ito, tatandaan niyo tong apat. May araw din kayo sakin. Lalo ka nang babae ka. " Turo sa akin ni Simone, humarap naman ito kay ate Yves.
" At ikaw, wag na wag kang makikisali dito sa away namin. Baka madamay ka, sayang naman ang ganda mo kung dito ka sa Cole na to mapupunta " Naasar naman si ate Yves. Alam kong kumukulo na ang dugo ni ate Cole dahil sa may gumaganyan sa girlfriend niya. Konti nalang ay sasabog na ito, hay nako.
Tumalikod na si Simone at akmang aalis na kasama ang kaniyang mga barkada. Huminto muna ito at humarap samin at nang-asar bago tumalikod muli. Hindi pa ito nakakalabas nang tumakbo si ate Cole papalapit dito at hinarap sa kaniya si Simone. Bigla niya itong sinapak sa mukha at tumalsik si Simone papunta sa mga barkada niya.
Lagot ka Simone, napindot mo si anger.
Napatayo rin si Shina at Stacey at nagtago si Aya sa likod ko na sobrang takot na takot, hinawakan pa nga nito ang damit ko. Sinenyasan ko siya na kumalma dahil baka madamay siya. Tumakbo si ate Yves para awatin si ate Cole, ngunit mas lalo pang lumala ang galit niya nang tulakin ni Simone si ate Yves. Pinagsasapak ni ate Cole si Simone, tumakbo na rin kaming tatlo para awatin ito.
" Sa susunod na mangtutulak ka o manglalandi ka, huwag na huwag mo idadamay ang girlfriend ko! Baka hindi lang sapak ang maabot mo! " Galit na sigaw nito kay Simone na nakahiga sa sahig at puro dugo ang labi nito, takot na takot ito at tinulungan ng mga barkada niya na makatayo siya.
" May araw rin kayo... " bulong nito na narinig ko bago siya kunin at dalhin palabas ng mga barkada niya. Gulat na gulat ang lahat ng mga kumakain sa canteen.
Ikaw ba naman makipagaway habang may kumakain. Baka maya-maya ay maguidance na kami nito juicecolored.
May araw niya mukha niya hindi niya nga kaya sapak ni ate Cole eh, paano kaya pag ako pa sumapak sa kaniya.
Bumalik naman yung dalawa sa pwesto nila pero ako ay nanatili malapit kay ate Cole na pinapakalma ni ate Yves. Tinitigan ko lang silang dalawa, ate Cole is so lucky because she have ate Yves by her side na laging magpapakalma sa kaniya.
Selosa talaga to si ate Cole minsan. I just shrug it off at hinayaan silang dalawa tutal moment naman nila yan, i dont want to ruin it.
Pumunta na rin ako sa table namin papalapit kay Aya. Kinuha ko ang kamay niya at chineck kung may masakit pero wala naman siguro kase wala naman ginawa si Simone sa kaniya. Tinignan ko ang balikat niya kung saan hinawakan siya ni Simone, wala naman itong bakas kaya hinayaan ko na lang.
" Okay ka lang? May masakit sayo? " Pasunod-sunod kong tanong at tumatango-tango lang siya sa akin. Binaling ko naman ang tingin ko kay Shina at Stacey.
" Kayo okay lang? " Napatingin lang sila sakin at tumango, hindi pa kasi kami masyado magkakilala kasi hindi pa kami nagi-interact sa isa't isa. Kakakita pa lang naman namin kanina.
Pinagtitinginan lang kami ng mga tao rito at kami naman ay walang pake at nagpanggap na para bang walang nangyari habang patuloy sa pagkain. Kumalma naman na si ate Cole habang hinahagod pa rin ni ate Yves yung likod nito.
.
.
.
.
.
.
Pagkapasok namin sa next subject ay umupo na kaagad kami. Bago pa man din makaupo si ate Cole ay tinawag na siya ni Maam. " Ms Vergara " napalingon naman si ate Cole rito at bumaba ulit papalapit kay Maam.
" Pinapatawag ka ni Maam Girerro sa office niya. You too, Ms Lim " damn it.. sabi na nga ba guidance to!
Kaba akong umalis sa upuan ko habang naghihintay sakin si ate Cole sa baba. Bago pa man din ako makaalis, hinawakan ni Aya yung kamay ko at hinimas himas ito. " Kaya mo yan Mikhs, just be brave " She softly said with her gentle and soft voice. I just nod and smiled while feeling butterflies on my stomach again.
I felt my face heated up and gets blushed while walking down. I turned around again to look at her. I waved goodbye first and went to ate Cole and we left the room.
While walking to the hallway, going to Maam Girrero's office, ate Cole suddenly brings up about whats going on between me and Aya. " Mikho umamin ka nga, ano meron sa inyo ni Aya? Kakakita niyo pa lang kanina, ano may confession na agad? " Natatawa nitong sabi at siniko ko ito ng marahan.
" Ate look, wala lang yun. And hindi ko siya gusto like we just met earlier. " I said defending myself with confidence. She just smirked and teases me. I rolled my eyes as we continue walking.
As we reached Maam Girrero's office, we knocked and when we went inside, we saw Simone sitting there with an angry face and with a blood on his lip. Maam Girrero turns her attention to us and starts talking.
" Okay, mabuti naman at nandito na kayong dalawa, Ms Lim and Ms Vergara. Okay lets start, may nakapagsabi sakin na sinapak mo raw si Mr Chavez, Ms Vergara. Was that true? " Tumango naman si ate Cole ng marahan pero nakikipagtitigan ito kay Simone at galit na galit.
Eye contact war ata tong mga to. Maam please help me mga nagliliyab na sila
" I need an explanation Ms Vergara, why did you punched Mr Chavez? " Huminga ng malamim si ate Cole habang dumiretsong tumingin sa principal.
" I punched Mr Chavez because of his behavior. He disrespect my girlfriend in front of me and tries to flirt with her which i don't like. I do not tolerate this kind of actions Maam, lalo na kung girlfriend ko ang madadamay dito. And Mr Chavez, sa susunod na landiin mo ulit ang girlfriend ko, sisipain na kita sa mukha. I'm just warning you Mr Chavez i can do anything kung may mangyaring masama sa girlfriend ko. Now i already gave you an explanation Maam Girrero. Aalis na po kami "
Woah! I'm so amaze! Ate Cole is such a greenflag, gets ko na talaga si ate Yves.
" Lets go, Mikho " She took my arm, before leaving he glared at Simone who's angry. Pagkaalis namin ay naririnig namin na pinapagalitan si Simone ng principal.
Mas nauuna si ate Cole maglakad kaya i'm taking my chances to glance at her. Kaya idol ko to eh, she never failed to make us happy and amaze. No wonder bakit ito ang pinili ni ate Yves.
Minsan nag-aaway kami ni ate Cole pero she's the one who always makes the first move para magkabati lang kami. I'm so lucky to have her as my ate and a guardian kahit hindi ko siya kadugo. Sa panahong naghihirap ako, my ate Cole is always there.
Hinding-hindi kita makakalimutan. Ate cole, you saved my life.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments