" Captain dito! " Sigaw ng isang player at lumapit naman ang captain nila at hinampas ang bola pabalik sa kabilang linya.
" Argh! " Dabog ng captain ng kabilang linya nang hindi masalo ng kakampi niya ang bola. Ngumiti naman si Mikho na parang nang-aasar.
Nag set naman si Mikho at ito ay hindi ulit nahampas ng kabilang linya. Galit na galit ang captain ng kabilang linya na si Simone.
Nag set ulit ito at natamaan si Simone ng bola at siya ay pagalit na tumakbo papalapit kay Mikho at bigla niya itong inambahan ng sapak sa mukha. Sakto naman na dumating ang tatlong kaibigan ni Mikho, nakita nila na sinapak ito ni Simone at tumakbo si Coleen para sapakin din si Simone.
" Mikho! " Sambit ni Coleen habang tinatapik niya ang mukha nito dahil nawalan ito ng malay. Tumakbo rin papalapit si Gio at Joey, agad naman inawat ni Joey si Simone at pinagsabihan.
" Mikho, gising bunso! " Binuhat naman ni Coleen si Mikho papuntang clinic at pinagpahinga roon, nagising rin naman agad ito.
.
.
.
.
.
.
" A-ate Cole? " Tumingin naman agad sa kaniya ang nakatatanda niyang kaibigan at lumapit ito sa kaniya sabay haplos sa buhok nito at may bakas ng pag-aalala ang mukha nito.
" Mikhs, okay ka lang? May masakit ba sayo? " Tumango naman ang nakababata at dahan-dahan na umupo. Binigyan naman ni Coleen si Mikho ng pagkain para may laman rin ang tiyan nito dahil mahigit isang oras rin ito walang malay.
" Bat ka ba kase sinapak ni Simone? May ginawa ka nanaman bang katarantaduhan? " Napakmot naman ang nakababata sa ulo at ngumiting pilit. Binatukan naman ito ni Coleen ng mahina at tumawa lang si Mikho.
" Nakita ko yan kanina, natamaan ba naman si Simone ng bola pagkaset ni Mikho " Sambit ng babaeng papasok sa clinic na si Joey, isa pa nilang kaibigan. May mga dala itong libro para mag-aral.
" Wag mo na uulitin yon Mikho, baka hindi lang sapak ang maabot mo kay Simone. " Ngumiti lang ito kay Coleen at nagsimulang maglakad paalis ng clinic. Nabitawan naman agad ni Joey ang libro na kaniyang binabasa dahil aalis na sila para sa susunod na klase. Sinenyasan naman ito ni Coleen na sabay-sabay na sila dahil pare-parehas naman sila ng pupuntahan.
Pagkalabas ay nakita nila si Gio na nakasandal lang, kinuha naman ito ni Joey para sumabay na rin ito.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkapasok nila sa classroom ay pinuntahan naman agad ni Coleen ang kaniyang girlfriend na si Yves.
" Hi uyab " Kaagad naman itong humalik sa pisnge ni Yves at tinabihan sa upuan. Binigyan naman ni Gio ng isang ' disgusted' ' na tingin si Yves at Coleen.
" Uyab si Gio oh " Nang-aasar na sumbong ni Yves kay Coleen, natawa naman si Coleen at humarap kay Gio na nang-aasar din, kumunot lang naman ang noo ni Gio.
" Inggit ka lang Gio eh, wala ka kaseng bebe " Natatawang sagot ni Coleen, hindi naman ito sinagot ni Gio at napakamot nalang sa ulo.
" Nonchalant lang daw kasi siya forever " Sambit naman ni Mikho na kakaupo lang at nagbabasa, umupo naman si Joey sa tabi niya at nakibasa sa libro.
" Oo nga pala uyab, magtransfer daw pinsan ko here sa school " Narinig naman iyon ni Mikho at napatingin sa dalawang babaeng magkahawak ang kamay na nakapatong sa lamesa.
" Si Aya ba uyab? " Tumango naman ito kay Coleen. Tiningnan naman niya ang magiging reaksiyon ng tatlo na kanina pa tahimik.
" Tsaka pala si Shina at Stacy, magtransfer daw silang tatlo " Ngumiti lang si Coleen sa kaniyang girlfriend at tumingin kay Gio na naglalaro lamang sa kaniyang phone
" Gi, feeling ko bagay kayo ni Shina. Yung isang kaibigan ni Yves, bagay kayo nun kaso magkaiba lang kayo ng vibes. " Nakangiti lang ito at naka thumbs up ang kamay, tinignan lang ito ni Gio at binigyan niya ito ng ' are you serious? ' look.
" Not interested. " Sabi naman ni Gio na may pagkalamig ang tono sa kaniyang boses. Napansin naman ng magkasintahan na tahimik lang ang dalawa na si Mikho at Joey.
" Kayong dalawa, ikaw Joey bagay ka kay Stacy, tutal pareho kayong OA. " Nanlaki naman ang mata ni Joey nang mabanggit ang pangalan niya. Napakamot lang rin ito sa kaniyang ulo.
" Study first yan si Jo. " Sambit ni Mikho na nagpabuntong hininga kay Joey. Ngumisi naman si Coleen nang magsalita si Mikho.
" Ikaw Mikhs... bagay kay Aya " Bigla naman tumingin si Mikho kay Coleen at binigyan niya ito ng ' what the heck? ' na tingin dahil hindi siya sanay na may nagsh-ship sa kaniya sa hindi niya kilala o sa ibang tao.
" Mikho and Aya, boom MikhAya. May shipname na agad kayo Mikhs " Nakangiting sabi ni Coleen na nagpakunot sa noo ni Mikho. Pati si Yves at Joey ay natawa sa reaksiyon ni Mikho dahil may nagsh-ship sa kaniya sa hindi niya kilala.
" Angas mo naman Mikhs, hindi pa kayo magkakilala pero may shipname na kaagad kayo. Support ako pare HAHA " Natatawang sabi ni Joey at binatukan naman siya ni Mikho na mahina. Tahimik lang si Gio habang pinapanood ang mga kaibigan niyang nagbabangayan.
" Tahimik ni pareng Gio ahh, isip nga tayo shipname niyo nung kaibigan ni ate Yves " Sambit ni Joey at napakunot na rin ang noo ni Gio na parang napipikon na at onti nalang ay mababatukan na niya rin si Joey.
" Tumahimik ka Joey at baka ikaw ang mabigyan ko ng shipname nung Stacy. " Higante naman ni Gio pero naka poker face pa rin ito, natahimik nalang din si Joey pero nakaisip nanaman ito ng pang-asar kay Gio.
" Gio and Shina, GioShi! Bagay ah! " Masayang sabi ni Joey at nang-aasar pa rin. Binatukan na rin ito ni Gio dahil sa labis na pagkapikon. Nagtawanan naman ang magkasintahan pero si Mikho ay tahimik lang din. Sanay kase si Mikho at Gio na tahimik lang kaya hindi sila pareho masyado nagsasalita.
" Joey and Stacey, Jocy!! " Pikon na saad ni Gio at tumingin sa ibang direksiyon para mabawasan ang pagkapikon. Namula naman si Joey kahit hindi dapat siya mamula, tinago niya nalang ito at nanahimik dahil ayaw na niyang mabatukan pa ulit.
" Pero alam mo Mikho, kung hindi ka pa nakakausad sa ex mo, oks lang yan tol. Makakausad ka rin. " Sambit ni Coleen at tumatak naman ito sa isip ni Mikho.
" Nakausad na ko. " Malamig nitong sagot, ni-hindi rin nila alam kung bakit biglang naging malamig ang pakikitungo ni Mikho sa ibang tao dahil dati ay hindi naman ito malamig. Ito ay masayahin pa dati pero siya ay naging nonchalant na at tahimik na Mikho.
" Kelan ka kaya babalik sa dati, Mikho? " Sabi ni Coleen sa isip niya dahil bilang pinaka matanda sa kanilang magkakaibigan ay responsibilidad niya rin na protektahan ang kaniyang mga bunso, para na rin niya itong mga kapatid. Hindi niya hinahayaan na may masaktan sa kanilang tatlo, sobrang maingat na tao si Coleen pagdating sa kaniyang pamilya, kaibigan, mga mahal sa buhay o kanino man. Kaya't marami ang humahanga sa kaniya at isa na rito si Yves.
" Kelan pala magt-transfer dito si Aya, uyab? " Tanong ni Coleen sa kaniyang kasintahan na nagm-make up
" Hindi ko sure uyab eh, baka bukas na siguro. Naghahanap pa kase yon ng condo na matitirahan niya. " Lumingon naman si Coleen kay Mikho dahil alam niyang meron pang bakanteng kwarto ang condo nito at pwede sila maging roommates.
" Yan si Mikho uyab oh, may isa pa yan kwarto sa condo niya. Pwede naman sila maging roommates, if okay lang kay Aya uyab " Tumango naman si Yves bilang pag sang-ayon sa suhestiyon ng kaniyang kasintahan, napalingon naman si Mikho nang mabanggit ang kaniyang pangalan at ang tungkol sa isang kwarto pa sa kaniyang condo.
" Huh? Why sa condo ko? Marami naman ibang condo riyan ah, maghanap nalang siya ng sarili niyang condo. " Sabi ni Mikho na ipinagdadamot ang kaniyang condo dahil ayaw nito na may kasama sa condo.
" Dali na Mikhs, roon muna siya magstay at pag nakahanap na siya ng condo niya lilipat rin yon. " Pagpapakiusap ni Yves kay Mikho, wala naman itong palag at nagawa dahil kapag si Yves ang nangulit sa kaniya ay hindi rin siya makakapalag dahil parang totoong kapatid na niya rin ito.
" Fine, fine. Basta hindi siya mag-iingay, kundi papaalisin ko siya sa condo ko. " Sungit na sambit ni Mikho at tumango lang si Yves, medyo may pagkaingay kase ang pinsan ni Yves.
" Thank you Mikho, hulog ka talaga ng langit!! " Sambit ni Yves at hindi lang umimik si Mikho. Dumating rin naman agad ang kanilang guro at nagsimula na rin ang klase.
" Okay guys, may announcement ako. Bukas na bukas, may magiging bagong mga kaklase kayo na makakasama niyo this whole school year okay? So hintay lang at makikilala niyo rin sila. " Announce ng guro at tumango lang ang mga estudyante bilang sagot. Malamang ito ay ang pinsan ni Yves at ang kaniyang dalawang kaibigan. na magt-transfer sa kanilang school.
Ganun lang din ang naganap sa buong klase, tawanan ng magkakaibigan, bangayan o bardagulan at iba pa. Mukhang madadagdagan ulit ang kanilang mga kaibigan at makakabuo ng circle of friends.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments