The Kiss of Darkness
Seraphina pov's
Nakahiga lang ako sa kama Dahil Wala Naman akong magawa. Lagi lang akong nakakulong sa Kwarto ko kapag Wala akong maisip na itulong kila Aunt Margaret at Uncle Felistasio. Mahigit ilang buwan na din noong napulot ako Ni uncle Felistasio Sa Kalye Habang Papauwi siya sa kaniyang Bahay ang Sabi Niya Naawa daw siya saakin kaya nya ako kinupkop. Wala rin Naman daw Silang anak ni aunty Margaret. Laking papasalamat ko talaga Noong tinulungan ang Inalagaan ako ni aunty and uncle Felistasio. sila na Rin and nag bigay ng pangalan sakin "Seraphina" ka'y gandang pangalan kung Minsan ay nag dadalawang isip ako na babagay nga ba sa katulad ko Ang pangalan kasing Ganda ng mga bulaklak? Hays...Lumaki na ako sa Kalye Hindi ko rin alam ang pangalan ng mga Magulang ko Basta Ang alam ko irresponsible sila hmph! Iwan ba Naman nila akong mag Isa? "Sapphire! Sera! Phina! Bumaba kana Dito lalamig ang pagkain" ang sigaw Ng tita ko mula sa baba. Agad agad akong Tumayo dahil lahat ata ng nickname ko nabangit nya na "nariyan na Po Tita!" bumaba ako at tinulungan si aunty Ayusin Ang lamesa "Tawagin mo na nga iyong si Felix na iyon" tumango ako at dali daling Lumabas ng Bahay Ang paligid ng Bahay nila Tita ay puno ng gubat Tila ba parang nasa pinaka gitna ng gubat iyong Bahay nila. pinuntahan ko na agad si tito at baka sumabog na Naman sa Galit si tita Margaret. Pumunta ako sa Madalas na nag puputol ng kahoy si tito. Kabisadong kabisado ko na Ang gubat dahil ilang buwan narin akong nandito "uncle Felix kain na Po Tayo" Tumigil sa pagpuputol ng puno si tiyo at tumango sa akin "oh Sige Susunod ako liligpitin ko lamang itong mga naputol Kong kahoy" Sagot ng Tito ko sabay Buhat sa mga kahoy Na parang nag Buhat lang ng Laruan si tito mangha talaga ako sa taglay na lakas ni Tito para bang Hindi sya ordinaryong tao Ganon?. Itinabi ko na lamang sa isip ko Ang mga Imahinasyong nabubuo sa utak ko at pinulot Yung mga maliliit na branches na Naiwan para mapadali ang trabaho ni tito. Sabay din kaming pumunta pabalik at nakita si tita na tapos na ihanda ang Mga putahe sa mesa "wow! mukang sobrang sarap favorite ko talaga Ang Tinola mo tita!" napa ngisi ako "Syempre Naman sinarapan ko talaga Yan para sa iyo" sagot ni Tita Habang dinadagdagan ang kanin ko sa Plato "Sapphire ano Ang Sabi ko sayo? Sabi ko pwede mo na kaming tawaging Mama at papa Hindi ba?" bigkas ni Tito Habang kumukuha ng ulam "pasensya na Po Tito Nahihiya parin Po Kasi ako" Saad ko at isunubo ang pagkain nasa kutsara ko "ano kaba Hindi kana iba sa Amin para ka na naming anak" Sinaad ni tiya Margaret "nga pala seraphina.." Tinignan ko si Tiya at tiyo na nag dadalawang isip na Tila ba may gusto silang Sabihin sakin. "ano Po iyon tiyo?" sinabi ko Dahil nakakaramdam ako ng Iba sa kung paano Magsalita sila tita at Tito "nag desisyon kaming I-enroll ka sa Isang akademya Doon din kami nag aral ng tita Margaret mo...Ano sa tingin mo?" Sinaad ng Tito Habang naghihintay ng sagot ko "school!? Wow! Hindi pa Po ako nagkakaroon ng Chance na makapasok ng school! totoo Po ba Yung sinasabi nyo tiyo?!" Sabik Kong sinabi Kay Tito "oo. Pero kailangan mo mag dorm and seraphina Hindi mo kami makikita ng ilang taon dahil bawal ang Magulang or guardian sa school na iyon" agad namang nawala ang Ligaya at pananabik ko ng marinig ko iyon
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments