REINCARNATED AS A KING'S NAGA

REINCARNATED AS A KING'S NAGA

Chapter 1

masaya akong nanonood ng telebisyon nang bigla akong makarinig ng katok mula sa labas, agad ko naman iyon ikinadismaya.

“mr. yi!” sigaw ng dalawang lalaki mula sa labas, kasunod ang tatlong malalakas na katok na lalo pang nagpagalit sa akin.

“sandali lang! papunta na dyan!” sigaw ko na may inis, sabay tayo at naglakad patungo sa pinto.

pagbukas ko, tumambad sa akin ang dalawang pulis. “kayo na naman?” tanong ko nito habang masama ang kanilang tingin.

“mr. yi, sumama ka sa amin sa presinto” sabi ng isa.

“kung tungkol yan sa hook na nakita sa isda, pinagbayaran ko na 'yan. at isa pa, tinanggal na ako sa trabaho. ano pa bang gusto n’yo?” sagot ko nang iritadong-iritado na.

“may circumstantial evidence na nakita sa ingredients, hahaha” sagot naman ng kalbong pulis na may halong nakakalokong tawa.

“gaano karami?” tanong ko.

“hmmm... sapat para makulong ka ng dalawang taon” mabilis niyang sagot sabay ngisi.

“ano? Ibibintang n’yo rin sa akin ‘yon?” tanong ko na may halong galit.

“hoy! grabe ka naman! hindi ka namin binibintang. Iniimbita ka lang namin sa presinto” sabat ng kalbo na pilit tumatawa.

“wag mo akong artihan ng ganyan. nakakasuka ka” prangka ko nito, dahilan para kunot-noo niya akong titigan.

“buksan mo ang pinto” galit niyang utos.

“boss, alam ko namang bilang mga pulis, dapat alam n’yo na hindi ito kayang gawin ng isang chef lang! si luis, ang sous chef, matagal nang nagtatrabaho sa white house. siya ang tanungin n’yo. sigurado akong may kasabwat siya para ma-blame ako sa mga kagaguhan nila!” mahabang paliwanag ko.

“oo may katwiran ka, kaya nga sumama ka sa amin para makuha namin ang bahaging nalalaman mo.” Dagdag pa nito pero halatang naiinis na siya sa akin.

“nakakapagtaka lang, bakit parang ganon na lang ang pagsisikap nilang matanggal ako sa trabaho? tanging chef secretary lang ang may ganung kapangyarihan... si secretary han kaya?” bulong ko sa sarili.

“anong binubulong mo diyan? nagmamadali kami” galit na tanong ng kalbo.

“eh ano ngayon? ‘di umalis kayo” sagot ko, sabay sara ng pinto.

pero bago ko pa tuluyang maisara ang pinto, tinadyakan ito ng dalawa, dahilan para matumba ako.

“hehehe, wag mo na kaming pahirapan pa, mr. yi” sabi ng isa habang nakangisi.

agad akong tumakbo papunta sa balcony, habang mabilis namang sumunod ang dalawa.

“mr. yi! huwag ka nang tumakbo!” sigaw ng kalbong pulis.

pagdating ko sa balcony, isinara ko agad ang pinto. hindi nagtagal, pilit nila itong binuksan.

“bakit ba ang hirap niyong pakiusapan kailangan ko ng abogado! Imbestigahan ninyo lahat ng chef doon, hindi lang ako!” sigaw ko habang sinisiguradong hindi nila mabuksan ang pinto.

“buksan mo na! grrhhh…” galit na sigaw ng pulis habang pinipilit niyang buksan ang pinto ng balcony.

“dapat kayong makinig sa akin! mapanganib siy—” naputol ang sinasabi ko nang bigla silang tumigil sa pagpilit na buksan ang pinto.

“tumigil na tayo, okay?” sabi ko habang hinahabol ang hininga, umaasang susuko na sila.

“maliwanag na?” tanong ko.

“okay,” maikling sagot ng kalbong pulis, halatang hinihingal na rin.

“alis na kayo” dagdag ko, ngunit bigla nilang sinubukang muli ang pagbukas ng pinto. sa pagkakataong ito, nagtagumpay sila.

pagbukas nila, mabilis akong tumakbo palabas ng balcony at nagplano sanang tumalon papunta sa katabing condo. Pero sa malas, nadulas ako at agad nahulog.

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play