Ha, ano kamo? Ano’ng sinabi mo? Parang nabingi ata ako, ha.
Jane
Uulitin ko ‘yung tanong ko, ha. Para mas malinaw sa’yo na hindi ka nabiningi. Mas lilinawan ko pa ang pagsasalita ko. Ang sabi ko, kay Ella ba, hindi ka ba naaasar?
Nina
Kay Ella, ako, maaasar? Nagpapatawa ka ba? Of course, not. Ano namang dahilan para maasar ako sa kanya, hindi ba?
Jane
Napakaraming dahilan para maasar tayo sa kanya. Hindi mo ba napapansin, tatlo tayo sa grupo, pero ang atensyon ng nakararami, ay mas sa kanya kaysa sa ating dalawa. Kung minsan, para na lang tayo alalay ni Ella!
Nina
I have never seen it that way. At never ko rin naisip na ganyan na pala ang tingin mo sa kanya. She’s the head of the group, of course, everyone likes her. Pero, tingin mo ba, kung hindi niya tayo kinuha sa grupo niya, we would be as popular as we are now? No! Because of her, mas nagiging kilala tayo, you can’t deny that fact, Jane!
Jane
But not as popular as her.
Nina
But we can’t even be popular without her.
Jane
Aside from that issue, hindi mo ba napapansin kung paano niya tayo i-treat? Napaka-bossy niya, wala siyang pakialam sa nararamdaman natin. Hindi na nakakatuwa ‘yung mga pinaggagagawa niya. Ano tayo, katulobg niya?
Nina
Napakakitid mo palang mag-isip. That’s just the way that she is, pero napakabuti niyang tao, I’m telling you. And besides, kung hindi niya ako kinuha sa grupo, I will never meet the love of my life.
Comments