Nagiimpake na si marvin ng kanyang gamit dahil uuwi na sya bukas ng madaling araw. Nagpaalam na sya sa mga tao sa kanilang farm, ang susunod ay ang mga opisyal sa opisina ng kanyang lola.
Pabalik na si marvin sa mansion ng kanyang lola, ng biglang umulan.
Manong mike? Ano na naman nangyayari? Tanong ni marvin kay mike.
Hindi ko po alam sir marvin, bigla bigla nalang pong umulan. Satingin ko ay nangyayari na naman yung nangyari sa atin noong nakaraang linggo.
Hindi mapakali si marvin dahil alam niyang may masamang mangyayari sa kanila pag hindi sila umalis agad.
Manong mike bilisan mo po mag drive para maka alis na tayo. Natatarantang sabi ni marvine kay mike.
Binilisan ni mike ang pagmamaniho ng may biglang lumitaw sa harap ng sasakyan at nabundol ito.
“ Ahhhhhh”, napasigaw si marvin at mike sa gulat.
Manong ano yun!!!... takot na takot na tanong ni marvin kay mike.
Hindi nag dalawang isip si mike na lumabas kahit napaka lakas na ng ulan.
Nakita ni mike na may isang batang babae na naka handusay at duguan ang kanyang paa.
“ sir! Sir!” sigaw ni mike na para bang naiiyak na.
Dali-daling lumabas si marvin at nakitang sinusuportahan ni mike ang isang batang babae at halus himatayin na si mike sa nerbyos.
“ sir, diko po sinasadya. Bigla nalang po syang lumitaw eh…..”, naiiyak na si mike.
“Halika na manong mike isakay muna sya”, ana naman ni marvin.
At sinakay na nga nila ang batang babae sa sasakyan at dinala sa hospital, dahil bigla na lang tumigil ang napaka lakas na ulan na parang hangin lang na dumaan.
“ mike, diretso mo sa hospital”. Saad ni marvin kay mike.
‘ SA OSPITAL ‘
Nasa ward ngayon si marvin at hinihintay na magising ang batang babae, ng biglang may kumatok sa pinto. Ng buksan ito ni marvin, wala siyang makita kahit na isa. Bumalik si marvin sa loob at nakitang naka upo at gising na ang batang babae.
“Gising kana pala”?
*hindi umimik ang dalaga at naka tingin lang sya sa bintana.
Inabutan ni marvin ng tubig ang dalaga,pero hindi ito tinanggap. Bigla nalang ngumiti ang dalaga at parabang may gusto sabihin pero walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Linapitan ito ni marvin ng bigla nya itong yinakap at bumulong nang, “ nagkita narin tayu sa huli vin”, ito sa surpresa ni marvin ay napa upo ito sa sahig.
“Pano mo alam ang aking pangalawang pangalan?” Nerbios nitong tanong sa dalaga.
Hindi bat nag kakilala na tayu vin? Saad namn na sinabi ng dalaga.
Pero hindi ko alam ang iyong pangalan miss, sino kaba?
Ang bilis mo naman makalimot, vin. Malamnay na sinabi ng dalaga.
Ako si Anastasya Maria Beligera. Ang kababata mong kaibigan, naiiyak na sabi ni anasya kay marvin.
Biglang tumayo si marvin at napasigaw ng, “ha!! Ikaw na ba yan!! ANASYA???”
Hindi na nagdalawang isip pa si marvin at niyakap nya si anasya.
Umiiyak na niyak ni marvin si anasya dahil hindi nya alam kung anong saya nito at nakita na nya ang matagal na nyang na mimiss na kababata nyang kaibigan, at ang lihim na pag mamahal nya sa kanya.
Antagal kung hinintay na mag kita tayu ulit, anasya…hindi mo alam kung ganu ako kasaya.
Alam moba vin, matagal kitang hinihintay. Nung nalaman ko na nagbakasyun ka dito sa probinsya. Ang saya-saya ko. Pasensya kana at natakot kita.
Ha? Anong ibig mong sabihin anasya?, napa baling ng ulo si marvin kasi hindi nya alam ang sinasabi ni ansatasya.
Yung biglang pagkawala nyu sa daan at , ang malakas na ulan. Ako ang dahilan nun, kasi hindi mo ako binisita, dahil naka limutan muna ako. Naiiyak na sabi ni anasya kay vin.
Bye-bye baby>
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments