Ang Babae Sa Gubat
Sa bayan ng san diego ay may mag asawang nag ngangalang Sersphina at Nicolas. Si Seraphina ay buntis at malapit ng manganak. At sa kabundukan ng san diego sa gubat makaryu ay may mag asawang magsasaka na sina Maxene at bartolomeo, at buntis din si maxene.
Makalipas ng isang linggo nanganak si maxene at si seraphina at parehas sila ng araw na nanganak. Si seraphina ay nanganak ng isang napaka gwapong lalaki na si Marvin, at si maxene namn ay nanganak ng mala anghel na babae.
Makalipas ng 10 taon, malalaki na ang mga anak ni seraphina at maxene, sa kasamaang palad ay namatay si maxene sa cancer at namatay din si seraphina sa sakit sa puso. Nung namatay ang asawa ni bartolomeo at nicolas ay hindi na sila nag dalawang isip na sumunod nadin at iniwang kawawa si marvin at ang babaeng anak ni maxene. Makalipas ng 8 taon dalaga na at binata sina marvin at ang magandang babae.
Si John Marvin Augustin, isang binatilyung mayaman at ang nag iisang anak ng pumanaw na sina seraphina at nicolas, isang gwapong binatilyu na nag mamayari ng san diego.
MARVIN: Manong driver pahatid ako sa bahay nila lola Mari
DRIVER: sige po sir,
Ng papunta na si marvin kanila lola mari ay bigalang umulan, at hindi inaasahan ni marvin na silay maliligaw dahil sa lakas ng ulan. "anong nangyayari" Kinakabahan na si marvin dahil alam nyang magaalala ang kanyang lola mari kung wala sya sa tamang oras na kanyang sinabi
MARVIN:* baka nag aalala na ang aking lola mari, bakit kaya biglang umulan eh wala namng naiulat sa balita na may ulan.
Nanginginig sa takot ang driver ni marvin dahil hindi nila alam kung saang parte sila napadpad sa san diego. Ilang oras lang ang nakalipas ay tumigil na rin ang ulan, napa buntong hininga nalang si marvin sa bigla-biglaang pag ulan na para bang itoy sadya. Makalipas ang ilang oras ay nakarating narin si marvin sa bahay ng kanyang lola mari. dali -daling lumabas ng bahay si lola mari at binati si marvin na nanginginig sa lamig.
LOLA MARI: o bat parang natagalan ka yata apo marvin
MARVIN:” manong e park mo na yan sa garahe” LOLA MARI ‘ niyakap’, pasenysa na po lola akoy natagalan sa pagdating ko bigla nalang po kasing umulan at na stranded kami sa isang lugar na aming nakaligawan,Napabuntong hininga si lola mari sakanyang narinig, at hindi nya inaasahan na gantu ang sinalubong kay marvin sa lugar na sinasabing, lugar ng encanto.
LOLA MARI: apo wag mo nalang itong isipin, halinat pumasok na tayu sa bahay,
Hindi nagdalawang isip na sumagot ng “oo” si marvin, at pumasok na sa bahay ng kanyang lola.
Kinaumagahan*
Nagkakape si Marvin sa balconi ng kanyang lola sa may 3rd floor ng bahay nila, ng tawagin ito ng kanyang lola para mag almusal na. Ng pababa na si Marvin ay may nahaglip syang parang tumatakbo sa garden ng lola nya, ng itoy tingnan nya ulit wal naman syang makita,* baka namalik mata lang ako, ang iniisip no marvin.
Marvin bat napaka tagal mo na bumaba apo, ang tanong ng kanyang lola.
Pasensya napo lola, ang sagot naman ni marvin.
Umupo na si marvin sa harapan ng kanyang lola at sabay silang kumain.
Si lola mari, si lola mari ay ang nanay ni don nicolas na tatay ni marvin, si lola mari ang nagbantay at nagpalaki kay marvin ng pumanaw ang mga magulang nya. Si lola mari ay isang dating Guro at Pinuno ng san diego nung siya ay ikinasal sa kanyang asawa.
Pagkatapos kumain ni marvin, ay nagtanong sya sa kanyang lola kung may tao ba siyang kasama sa mansion nya.
Biglang nahulog ni lola mari ang kutsara na kanyang hinahawakan ng tinanong ito ni marvin,
LM: apo, bakit mo naman yan natanong? Saad ni lola mari kay marvin,
M: kasi po kanina lola, may nakita akong tumakbo sa garden mo, kaya po ako nagtatanong sayo, sagut naman ni marvin sa kanyang lola,
Hindi mapakali si lola mari sa tanong ng kanyang apo, at ituy sinabing guni-guni lamang nya. Hindi mapakali si marvin at hindi siya masyadong naniniwala sa kanyang lola, ngunit hindi na lang nya ito papansinin at itoy babaliwalahin nalaman nya.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments