ch:4

Part 4...

When Ms. Billionare fall for me

Cassandra's p o v

Matapos naming maghanda ng dalhin sa bukid ay kaagad na kaming umalis. Nag Dala kami ng pagkain namin mamayang lunch, tubig,at kung ano ano pag maaari naming ganitin doon gaya ng itak para protection sa kung ano mag hayop na ligaw At dilikado gaya nalang ng ahas.

Bandang alas syiete na kami naka alis dahil nag hugas pa ito ng pingan at naligo. Ganoon di ang ginawa ko. Naligo tapos inayos Yung kwarto at staka nag walis sa paligid habang Siya Naman ay hina handa ang dadalhin namin sa bukid.

Matapos ang halos Isang Oras na paglalakad ay nasilayan ko ang Isang Kubo sa gitna ng palayan na naka tayo malapit sa puno ng Manga. Mainit ang sikat ng Araw at bahagyang masakit sa balat.

Naglakad kami sa pilapilan. Siya Ang nang Dala sa mga dalahin namin dahil daw mabigat. Nauna na ito habang Ako Naman ay nahihirapang mag balanse dahil maliit lamang ang mga pilapil doon.

Nakita kong bumalik ito at nag tungo sa akin na naka ngiti.

Ang gwapo niya talaga!!!!

"Ano kaya mo pa?" Mapang asar naTanong nito at may nakakalokong ngiti sa labi.

"Ako pa!?" Pag mamayabang ko at nag simula nang humakbang ngunit...pag apak ko ng paa ko ay nadulas ito na ikina Wala ng balanse ko at napakapit sa kaniya.

Sa pagkabigla niya ay nawalan din ito ng balanse at nahulog kami sa palayan. Salamat nalang talaga at Wala pa itong tanim na palay. Aawayin ko na sana ito ngunit pag tingin ko sa kaniya ay napatawa nalang Ako.

May putik Kasi ito sa Mukha at ang sout nitong damit ay naputikan na rin. Humaglpak Ako ng tawa dahil sa Mukha niya pero di maipag kakailang kahit sa ganito ay ang gwapo at cute nitong pagmasdan.

"Grabe Maka tawa huh? Itong Sayo oh." Sabi nito at pinahiran ng putik ang muha ko.

"Abay,bakit mo ginawa yon" maktol Kong Sabi at kumuha din ng putik at binato sa kaniya sabay tawa.

Tatakbo pa sana Ako ng hilain Ako nito palapit sa kaniya at kiniliti Ako sa bandang tagiliran. Masyado Kasi akong nakikiliti doon Banda eh.

"Ano ba... Fredo! T-tama na...n-nakikiliti a-ako!" Sabi ko sa gitna ng mga halakhak ko.

(•_•)

Pasalamat Ako dahil may poso dito at nakaligo Ako dahil nanga ngamoy putik na Ako. Sa damit Naman? May mga damit dito sa Kubo na Sabi ni Fredo ay kaniya daw.

Minsan daw kasi kapag masyadong busy eh hindi na Siya umu-uwi sa Bahay niya at dito nalang natutulog. Kaya lang kami nag Dala ng pagkain ay Sabi niya Wala na siyang staks dito sa Kubo niya.

May mga gamit Naman Pala Siya dito panluto pero Hindi na daw Siya magluluto dahil Marami pa siyang gagawin. Pupunta pa daw Siya sa maisan na nasa dulong bahagi ng palayan kaya luto na ang dinala namin.

Matapos akong mag bihis ay lumabas na Ako ng kubo at pagkatingla ko sa langit ay Hindi sinasadyang nakita ko ang hitik sa bungang puno ng manga.

"Fredo,Anong ginagawa mo?" Lumapit Ako Kay Fredo na nakatanaw sa palayan niya.

"Wala pa naman,bakit?" Tanong nito. Ngumiti Ako ng matamis sa kaniya at tinuro ang puno ng manga.

"Gusto mo niyan?" Tanong nito na ikina tango ko naman. Malamawak ang ngiti ko ng walang tanong Tanong na kumuha si Fredo ng panungkit at kumuha ng manga.

Kumuha ito ng tatlong hilaw na manga at dalawang hinog bago pumasok sa Kubo. Pag labas nito ay nabalatan na Ang hilaw at na slice na ang hinog. May saw-sawan nadin na baguong.

Lumapit ito sa akin at iniabot ang manga. Halos tumolo na laway ko kakapanood sa nakahain sa harap ko. Tinikman ko Naman Ang hilaw at Hindi Naman ito ganoon ka Asim. Sunod ay ang hinog,subrang tamis nito na aakalain mong asukal ito at Hindi manga.

Naupo Ako sa nakatumbang kahoy habang pinanuod si Fredo sa kung anong Ginagawa niya ng biglang may na hagip ang paningin ko.

"Si Ben bayon?" Tanong ko Kay Fredo ng Makita ang papalapit sa Amin. Tiningnan Naman ito ni Fredo at tumangu.

"Oo,sinabihan ko ito kaninang Umaga na mag punta dito sa bukid at tulungan ako." Sabi nito na napatingin na sa akin. Ngiti lang Ako sabay tango.

(•_•)

Hindi nag tagal ay lumakad na Ang dalawa. Si Ben ang inutosan ni Fredo na tingnan ang mga tanim niya at Siya Naman ay kailangan palang mag araro.

Naka upon lang Ako dito sa ilalim ng puno ng manga habang pinag mamasdan ito sa ginagawa. Hindi nito alintana ang init ng sikat ng Araw. Kahit nga nasa ilalim Ako ng puno ng manga ay ramdam ko pa din ang init ng hanging Siya pa kayang nagbibilad sa arawan.

Kumoha Ako ng pitstel na may lamang tubig at baso tapos nilagay ko ito sa lamisa as ilalim ng puno mg manga at saka muling bumalik sa kina uupo an ko kani-kanina lang.

Matapos mag araro ni Fredo at bumalik ito sa Kubo Dala ang kalabaw at tinali ito sa tabi bago lumapit sa akin. Tumayo Naman Ako at binigyan ito ng tubig at Ako na din nag punas sa pawis nito.

"Pawis na pawis kana Naman..." Sabi ko at pinunasan ang Mukha nito.

"Baka masanay akong lagi mong ina-alagaan at manibago Ako pag Wala kana." Malungkot na Sabi nito.

"Saan naman Ako pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"Baka bumalik kana sa Inyo,alam mo yon? Tanong nito sa akin na inilingan ko naman.

"Hayaan mo na Muna yang mang yayari sa susunod na Araw. Ang mahalaga ay ang ngayon mag kasama tayo, hindi ba?" Sabi ko na tinangu an niya. Inikot nito ang braso sa bewang ko at hinila Ako mas palapit pa sa kaniya.

He leans closer so that our faces were inches apart. Palapit ng palapit ramdam ko na Ang bahagyang pag dampi ng mga labi nito sa akin ng may tumikhim sa likod ko na dahilang ng pag layo namin.

"Sana Naman Kong mag la-lovey-dovey kayo inform nyo Naman Ako para may Dala din Ako. Hindi yong ganito na na a-out of place ako. Sus,langgamin sana kayo sa ka sweetan nyo!" Sabi nito at naglakad patungo sa lamisa para uminon ng tubig.

"Ingit ka lang!" Pang aasar na Sabi ni Fredo na ikina yuko ko Naman. Ramdam ko Kasi ang pag init ng pisngi ko.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play