Silent Affections | Tagalog Fanfiction
YUWEL'S
Monday na Monday nandito nanaman ako sa harap ng classroom ni Shan, may ibibigay nanaman kasi ako sakaniya. It’s a chocolate mini cake, ako mismo nag bake nito! Ang aga kong nagising kanina para lang matapos ko ’to. Ka-proud nga e, hindi ko in-expect na magagawa ko 'to. Hindi ko sigurado kung pasok ba ’to sa taste ni lods Shan, pero masarap naman ’yung timpla e. Tinikman ko kanina.
Nakalagay sa maliit na kahon ’yung mini cake na gawa ko, color red ang pinili ko para symbol ng ‘love’. Corny? Pake ko sainyo.
Katabi lang ng upuan ni Shan ang main door ng classroom nila kaya hindi ako nahihirapan ilagay ang mga bagay na gusto kong ibigay sakaniya.
Nilapag ko na ’yung mini cake sa desk ni Shan nang nagsalita iyong seatmate niya— babae siya, hmp sana all katabi ang baby ko.
“Wow. May pasabog ulit si Yuwel oh! Ano iyan?” Tanong ni Irish, seatmate ni Shan. Akmang bubuksan na ni Irish ang kahon pero kaagad ko siyang pinigilan. Don't touch things that belongs to my baby, bitchy. Kilalanin mo binabangga mo, grrr.
“Uy! Bawal beb, secret nalang namin ’to haha” Tipid kong tawa.
“Luh, damot naman neto. Cake ata ’yan e, tama ba?”
“Pahingi ako” Dagdag pa niya. Luh eme ka, chix ka ba?
“Gagi, hindi masarap gawa ko.” Joke, sobrang sarap kaya. Hindi ko papakainin ng lasang basura baby ko no. Nibir, engk.
Kumunot ang noo ni Irish at saka tumingin saakin. “Hindi pala masarap e, bakit mo pa ipapakain kay Gabriel ’yan? Baka sumakit lang tiyan non ha.” Aba, epal ’to ah.
“Alam mo? Wala kang pa—”
“Yuwel! Ginagawa mo pa rito? Lapit na mag start klase hoy. Halika na sa room.” Si Isla, ang bestfriend ko. Lumapit siya saakin at kumapit si braso ko. Napatingin ako kay Isla, as always, ang lawak ng ngiti.
“Hinihintay na tayo ni Gale sa room, tara na. Iwan mo nalang sa desk niya ’yang ibibigay mo para kay Gabriel.” Ani ni Isla na naka-kapit pa rin saaking braso.
Tinignan ko ulit si Irish, nakangiti ’to saakin pero alam kong peke naman. Tsk, plastic. Binalik ko ang ngiti sakaniya pero siyempre peke rin, ano? papatalo ba ako? sus.
Tinignan ko ang maliit na box na pinaglalagyan ng mini cake na binake ko.
Huwag ka sanang pakealaman ng demonyong umaaligid-aligid sa tabi-tabi.
At saka umalis kasama si Isla.
Isha Laine Silva AKA Isla, siya ang bestfriend ko simula elementary palang. Close na close talaga kami, ni hindi nga kami mapaghiwalay lalo na kapag kasama pa namin si Gale– isa pa naming bestfriend.
Azheya Gale Montero ang buong pangalan niya, ang ganda no? Siyempre, bff namin ’yan e! Transferee si Gale noong grade 5 kami, napakatahimik niya noong baguhan palang siya pero habang tumatagal mas maingay pa pala siya sa maingay. Mabait si Gale at maamo ang mukha niya kaya hindi kami nagdalawang isip ni Isla na makipagkaibigan sakaniya noon.
Lumaki kaming tatlong magkakasama at ginagawa ang mga bagay nang magkakasama. Walang iwanan sa pakikipagkaibigan namin. Solid talaga ’to mga par!
Nakarating na kami sa room namin at sinalubong kami ni Gale.
“Tagal niyo ha, saan kayo galing?” Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng silid namin, pero bumungad na agad si Gale.
“Nakita ko si Yuwel sa room ni Gabriel, may binigay nanaman e.” Tawa ni Isla sabay bitaw saakin.
“Ano naman binigay mo ngayon diyan sa bebe mo?” Gale.
“Mini cake lang, binake ko kaninang madaling araw.” Sagot ko naman. Gulat na tumingin saakin ang dalawa na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Ay? walang tiwala saakin ’tong mga ’to ha, nakaka-ouch kayo.
“Weh? Kailan ka pa natutong mag bake, Yuwel?” Tanong naman ni Isla.
I smirked at them at proud na sinabing “Marunong na ako ngayon, kala niyo ha. Nag learn ako mag bake last week, panis kayo saakin.”
“Tangina, buti may tinitirhan pa kayo ngayon?” Ani ni Gale na hindi pa rin naniniwala saakin. Hinampas ko ang braso niya.
“Hoy, eme ka! Hindi ko naman nasunog ’yung bahay namin ’no. Apaka OA ha, Gale.” Sabi ko na dahilan naman mg pagtawa nilang dalawa.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments