Her Pov's
Agad akong naalimpungatan sa hindi pamilyar na lugar. Kumukurap pa ako nang mapagmasdan ko ang paligid. Olalala.... nasaan ba ako. Napakaganda naman ng kwartong ito, napakasosyal! Nasa kwarto ba ako ni Queen Elizabeth?
Agad akong tumayo at pinagmasdan ang mga mamahaling gamit at dyamante sa paligid, yung totoo normal na bahay pa ba ito. Naalala ko ang nangyari kagabi. Oh sh**!
"MY BRIDE"
"MY BRIDE"
"MY BRIDE"
Paulit-ulit nagproprocess sa utak ko ang lahat at nagdadasal na sana huwag na akong magising kung nasa panaginip ako...Hahaha landi ko talaga.Invisible shade charing! Tug life lang ang datingan.
Ehem back into reality na may pagkafantasy. Lumabas na ako ng kwarto dahil curious na talaga ako kung nasaan ba talaga ako.
Nagulat ako sa paligid nang maramdaman ko ang takot.
"Napakadilim" bulong ko sa sarili. Tahimik ko lang binabaybay ang malawak na pasilyo. Taena parang nasa haunted house lang ako ehhh.
"Good evening, my lady."
"Ayyy tae ng dracula!" Sigaw ko sa gulat. Bwesit yan ba't ba may sumusulpot na kabute dito?
Napatingin ako sa babae. Abah nakakapanindig balahibo! Bakit mukha siyang patay na bumangon sa hukay. Yung totoo train to busan ba ito? Di ako nainform nandito ba si Gong yoo?
Base sa outfit ni ateng zombie, I think isa syang maid.
"Ahmmm good eve" kalmadong sagot but deep inside sumisigaw mga buto ko sa takot.
"Please come with me my lady, we need to prepare you for our meeting." poker face na sambit niya. Mukha talagang syang zombie na walang atay... charot lang
"Ahhh sige" tanging sagot ko kahit hindi ko alam ang nangyayari. I think kailangan kong gawin ito para malaman kung ano ba talaga ang mangyayari.
"Please follow me, my lady. You need to take a bath and changy your clothes."
Tanging tango lang ang sagot ko at sinundan si zombie girl.
Dinala niya ako sa isang kwarto at tumambad sa akin ang napakaraming zombie maids.
Abah ganito karami ang magpapaligo sa akin?
Baka naman maging kasingbango na ako ng surf o kaya champion...ay mas mabango pala yung tide yun kasi ginagamit ko ehh...bili kayo libre lang.umuutang ako ehhh.
Sosyal pati pampaligo ko. Parang hot spring and then now nakasuot na ako ng parang isang mamahalin at magandang kimono. Baka naman nasa Japan ako. Tapos yung buhok ay parang yung mga traditonal na puyod ng mga babae sa past era.
Matapos ang lahat ay dinala nila ako sa isang malaking lugar.
"Ipapakilala po kayo ng Demon King sa lahat ng tauhan niya dito sa palasyo." wika ni zombie maid at biglang naglaho.
Wait! Totoo ba ito! Naguguluhan na ako. May powers siya bukod sa pagiging zombie na kumagat kay gong yoo?
Biglang naagaw ng atensyon ko ang isang pamilyar na boses.
"Today, all of you will going to meet the bride of the prophecy. "
Nakatingin lang ako sa kaniya. Omo! Ako ba talaga ang bride niya? Naks naman thank you lord! May gwapo akong groom!
Pero napansin ko ang itim niyang pakpak at mga sungay.Parang isang..wait!
Is...is he a demon?
Napansin ko ang pagngisi niya. Napalunok naman ako dahil sa kaba.
"Your right. Now come here and introduce yourself, my bride." malagim na wika niya.
Demons? It means they are real!? Well I believe on their existence but I can't believe that I've really meet them.
Nakakita na ako ng demonyo noong bata pa ako but mabilis lang yun at walang naniwala sa akin. And now talagang nasa harap ko and worst? Ang gwapo pa! Ohlala...Well I need to go with the flow. I need to be brave para makakuha ng impormasyon. Kailangan kong ipahalata na naniniwala ako sa existence nila.
Agad akong lumapit at rumampa na parang miss universe. Aba sayang naman ang outfit ko kung di ko ilalarga.
Napatingin ako sa paligid at napanganga sa nakita ko.
Ang daming maids, guards at parang ibang staff... taena mga demons rin ba ang mga ito!?
Naramdaman ko ang titig nila. Self kainin mo na ako. Nakakahiya! Well dapat confidence! Nagflip hair ako para di mahalata na takot na ako.
Mga pulang mga mata nila, pakpak at sungay at parang natatakam pa sa akin.
Tanga mo din self ehhh
Naagaw ng atensyon ko ang mga gwapong demonyong nasa harap ko. Oh s*** Bakit ba kasi di ako nainform na nakababa na pala lahat ng greek gods ng Olympian!
Magiging asawa ko rin ba ang mga ito!?
My ghad please lord beke nemen... char lang baka mabaog ako. Abah sayang din itong watawat ko.
Nasa kalagitnaan ako ng malinis na pagiimagine nang marinig ko ang baritunong boses ng wafu kong groom
"Shut your mind and introduce your self!" Malagim niyang boses. Sus selos naman agad. Yieee pakipot kaya ako. Hahaha lakas ng trip.
Tiningnan niya ako ng masama. Oh no! Nakalimutan kong may dakila pala itong kapangyarihang magbasa ng bastos kong isipan Hahaha
Napalunok ako nang naging pula ang mga mata niya. Oh no baka mabuntis pa ako ng nakatayo.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments