Chapter Two

|02|

"I-ikaw!?"

Halos mamaos ako sa sobrang gulat sa nakita ko. What the hell? Anong ginagawa nya dito. Totoo ba 'to?

Kunot noo 'tong humarap sakin, animo tinatandaan yung mukha ko.

"Wtf! Ikaw yung!?" mahinang bulong n'ya ng marealize n'ya kung sino ako.

Napaawang ang labi ito ng tinitigan ang mukha ko. Naamaze yata, sa ganda ko ba namang 'to? Hahaha!

"Sa dami dami ng pwedeng tulungan dito, ikaw pa!?" bumaling ito ng tingin kay Dave "You, soon of bitch! Stop fooling around."

Kunot noo ko itong tinignan. Sino ba sya sa akala nya!?

Ngayon ko lang narealize na nakahawak pala ako sa braso nito. Dahil sa sobrang kong hiya agad ko itong hinila.

"T-thanks!" saka ko sila iniwanan at tuluyang pumasok ng cafeteria.

Napahawak ako sa puson ko. Nataranta ko bigla dahil ramdam ko na talaga na lalabas na yung ihi ko.

Lintek! Nasan nga ba ulit cr dito. Tsss

"Excuse me, saan yung cr nyo?" tanong ko sa counter

"Do'n ho ma'am sa left side. Tapos liko lang kayo doon."

"Ah sige salamat."

Dali dali akong tumungo sa cr.

Habang nasa cr ako ay hindi mawala sa isip ko yung lalaking iyon.

Bakit sya naandito? Ahays. Anong bang paki ko?

Nang matapos ako ay agad akong nag hugas ng kamay at pumunta sa counter, bumili ako ng tatlong waffle at ice latte. Alam kong magtataka yung dalawa dahil natagalan ako. Daming asungot e.

Hindi pa ko nakakarating sa Assemble Hall naglalabasan na ang mga estudyante.

'Shit! Tapos na?!'

Hindi ako magkanda ugaga sa kakahanap sa dalawa. Kung saan saan na ko pumunta dito sa campus pero hindi ko sila mahagilap.

Saan ba yung dalawang iyon?! Tsk.

"Kami ba hinahanap mo?"

Halos mailaglag ko ang dala dahil bigla nalang silang sumulpot sa likuran ko.

"Nag babanyo ha?" pang aasar ni Feign

"Nagbanyo naman talaga ko!" I roll my eyes. "Haba kaya ng pila kanina e, ihing ihi na ko kaya sa cafeteria nalang ako dumiretso." paliwanag ko

"Okay, samin ba iyan?" hindi pa ako sumasagot ay agad na nila itong kinuha.

"Nga pala, anong balita? Classmates pa rin ba tayo?"

"Ikaw mag sabi Aira, tinatamad akong mag kwento."

"Anong nakakatamad sasabihin mo lang naman! Tsk" saka nito binatukan si Feign "Oo classmate tayong tatlo, medyo madami nga lang tayong magiging bagong kakilala madaming transferee usual mga anak ng artista at mga foreigner pa nga yung iba"

"Ah ganun ba? Edi masaya, madaming bagong makilala. So, tara sa classroom?" aya ko sakanila agad naman silang sumang ayon.

Kakaupo pa lang namin sa kanya kanyang upuan ng dumating agad si Ms. Vema teacher sa art na balita ko ay magiging adviser namin ngayong taon.

Hinanap ng dalawang mata ko kung nasaan yung dalawang empakta.

Mga abnormal na yon! Nasa likod, iniwanan ako dito sa harap.

Tinignan ko sila, sinenyasan ko na lumipat sa gawi ko pero hindi nila ko pinansin. Tawa sila ng tawa habang tinitignan ako.

Mga back stabber bullshet! Hehe char

"Good morning class."

"Good morning ma'am." kaming lahat

"So, how's the vacation?"

Kanya kanyang sagot ng mga classmates ko kaya naman medyo umingay dito.

"Quiet class. Next week pa ang regular classes, may konting changing pa kaya hintay hintay lang tayo."

Halos marindi ako sa ingay dito, kaya naman kinuha ko ang airpods ko at inilagay sa tenga ko. Hindi ko pa napeplay yung music ay biglang nagsalita si Ms.

"Btw fountaineers, I want to introduce to all, Dylan Wells." biglang bumukas ang pinto.

'Wow, eksena ka men?'

Hindi pa nakakapasok yung special child ay nalaglag bigla yung pisteng G-tech ko!

Piste, nasan na punta iyon? Halos mabali ang leeg ko sa kakahanap.

Nagkagulo ang mga classmates kong babae.

The heck ano iyon artista?!

Nang maabot ko ang pen ko ay agad akong tumungo ng tingin sa harap.

'Anak ng!? Sya nanaman?!'

"Listen, galing sya sa America. Fil-Am, fluent mag tagalog kaya pwede nyo naman syang makausap." ngiting sabi ni Ms.

Napaubo ako ng makita kong gumawi ang mata nito sa gawi ako.

Awkward!

"So Dylan, kindly introduce yourself."

Ah Dylan? Whatever.

"Hi guys good morning, I'm Dylan Wells, sana lahat kayo ang maging kasundo ko" bigla itong tumingin sa mga mata ko.

Damned! Halos mapatingin sakin ang mga classmates ko sa ginagawa nyang pagtitig. Tsk ang trip ng isang to!?

"Don't worry I can speak Tagalog fluently as Ms. Vema said a while ago. You can talk me if you want" ngumiti ito

"See..." saka ito ngumiti, "Have a seat" tinuro nya ang bakanting upuan sa tabi ko.

Bigla akong tumayo.

"No! It's occupied!"

"What!? Ms. Lawson, treat your new classmate in a nice way!" sinamaan n'ya ko ng tingin

Hindi ko ito pinansin at nag matigas ako, kitang kita sa mata ni Dylan ang pagtataka at inis pero wala pa din akong paki.

"Ah Ms. kami po ang nakaupo dyan." biglang singit ni Aira kasama si Feign, "Doon ka nalang umupo Dylan." turo nya doon sa likod

"Very good Aira." papuri nito pero masama pa rin ang tingin sakin ni Ms.

Hanapin mo paki! Kahit lumuhod ka, ayaw kong maging seatmate ang hinayupak na mayabang na 'yon.

"May hindi ka sinasabi sa amin." banat ni Feign ng makaupo kami

"What the hell are you talking about!?"

"Wag mo kong maenglish english ha!? Ge kwento muna, naghihintay kami."

"Wow! Seriously!?"

Binatukan ako ni Aira "Sige Kelley! Deny pa hindi lang yan aabutin mo!"

"Tumigil nga kayo, wala akong ikukwento okay!?"

"O wala daw, humanda ka samin mamayang uwian." banta nilang pareho

"Whatever!"

Natapos ang maghapon na walang oras na hindi ako kinulit ng dalawa.

"Tama na sabi eh!"

Halos pumutok ang ugat ko sa sobrang pikon sa dalawa.

"Kung kanina kapa nag kwento edi sana kanina pa kami tumahimik" tumawa sila pareho

"Shut up!"

"Oy! Si Dylan." turo ni Feign hindi pa to nakontento tinawag nya pa ito.

"OY DYLANNNNNN!" sigaw ng gaga.

"Pota! Ang ingay mo!" tinakpan ko ang bibig nito pero huli na ang lahat dahil napatingin na ito sa gawi namin.

"Bitawan mo nga ko!"

"Tumigil nga kayong dalawa!" sigaw ni Aira "Tumingin lang dito, wag kayong oa!" she roll her eyes.

"Ako pa oa!? Baka yang si Kelley!" duro nya

"Tsh! Uwi na ko bahala kayo jan!" saka ko pinabusina ang kotse ko. "Ingat."

to be continued..

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play