SA ROOFTOP
“Hi ulit! Ako ito? Si Amber!” Singhal ni Amber at umupo sa tabi ni Andrew.
Kasalukuyan silang na sa rooftop ngayon nalaman kasi ni Amber na ito ang favourite place na pagtambayan ni Andrew.
Sinong Source? Walang iba kung hindi si Vanessa lang naman.
-,-
“Ang kulit mo talaga nu? Hindi mo ba talaga ako titigilan?” Galit na sabi sakanya ni Andrew sabay kumain ng chicken.
“Chicken din ulam mo? Naks! Parehas tayo tignan mo!” Pakita ni Amber sa baon niya.
“Wala akong pake! Kumakain ako dito tapos guguluhin mo ako! Ms. Villaruel ano ba talaga ang plano mo?”
“Uy ikaw ah! HAHAHAHA masama ba na gusto lang talaga kitang kaibiganin? Ang lungkot lungkot mo kasi eh.”
“Oo, masamang masama! At hindi ko kailangan ng awa mo kaya kung pwede lang umalis kana! Bukas ang pintuan lumabas ka!” Putangina! Napamura nalang si Amber sakanyang isipan aalis na sana siya ng mahulog sa bag niya ang coke na kakabili lang niya kanina sa canteen.
“Coke ba yan?”
“Malamang! Aalis nako hindi ba pinapaalis mo na ako?”
“Wait!” Hindi maiwasan ni Amber na hindi ngumiti.
“Ano yun?”
“Papayag nako na maging kaibigan ka basta dadalhan mo ako lagi ng coke! Ano deal?!” At doon na nga nagsimula ang friendship nilang dalawa.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 9 Episodes
Comments