Tragedy Echoes Around Ruined Stars [TEARS] (Taglish)
"Hindi ko alam na ganyan ka pala Chashiya. I mean look at you, simula noong iniwan ka ng jowa mo, nagbago kana. You did not even wearing facemask" Pampaloob na sabi ni Sanya.
Umiling nalang ako dahil alam kong nagsisinungaling lang siya. For godsake! I am just wearing simple t shirt and jeans then she'll tell me, I'm pretty? And I am not even wearing some make up! Tsk! Kalokohan mo Sanya.
"Hay naku! Yan ang hirap sayo Cha ehh. I told you, you were beautiful dati pero ngayon, gumanda ka lalo." Ngumingiting tugon nito.
"Hai nako Sanya! Kung lolokohin mo lang rin naman ulit ako, hindi mo na ako mabobola. Tsk! I learn my lesson." Tumango naman ito at tumayo "Tara! Uwi na tayo. Baka hinahanap na ako" then she smiled.
I don't know what's this feeling, pero, I feel like totoo yung sinabi ni Sanya sa akin. Kinuha ko ang phone ko, then, I open my camera app, showing my beautiful face. Baka tama si Sanya? Gumanda ako? Pero baka rin nagsisinungaling lang siya? Knowing na lagi siyang nag jojoke sa'kin.
"Yiehh! Tinitingnan yung screen niya na may mukha niya. Ikaw hha! Oo na! Ang ganda mo, no need to hiya hiya na nanalamin ka. HAHAHAHA"
Baliw! Parang tanga, tumatawa mag isa.
Ibig sabihin, I don't need to wear more facemask? Pero baka papangit ako sa susunod na araw? Luh! 'Wag naman sana. Ito pa naman yung hiling ko na kapag gaganda ako, hinding hindi na ako magsusuot ng facemask. I'll show the world how beautiful I am.
Pagdating sa bahay, kumuha ako ng isang pirasong saging na nasa platito. Merong tumikhim kaya nabitawan ko agad ang saging. Tumingala ako sa hagdan, kung saan andun yung kapatid ko na may tinuturo. Nilingon ko ang tinuro niya at para akong sasabog sa kinatatayuan ko. T@ngina! Anong ginagawa ng isang 'to dito? Hindi ba siya makaintindi na tapos na yung relasyon namin? Gahd! Ang kapal naman ng mukha niya at pumunta pa dito sa bahay namin. Hindi man lang nagpaalam na pupunta dito! Kainis!
"Ouh?! Ginagawa mo dito?" Nakakunot kong tanong nito.
"Sorry Cha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, patawarin mo lang ako." Yumuyukong sabi nito.
"Aha! Ibig mo bang sabihin ay nagsisisi ka sa ginawa mo sa akin? Ha?!" Cold kong tanong.
"Oo, pinagsisihan ko lahat ng ginagawa ko"
"Oh well! Wala sa mukha mo ang pagsisisi. Kaya kung ako sayo, umalis kana bago pa kita makaladkad sa labas ng walang oras" Paalis ko nito.
Umalis na ako sa sala. Dumiretso naman ako sa kwarto ko. Hindi ko ugaling magsalita ng masasakit na salita. Pero kapag siya talaga yung kaharap ko, kulang nalang babanggitin ko lahat ng masasakit na salita sa kanya. I'm not rude like others, pero kasi, sinaktan niya ako. Biruin nyo yun, pinagpalit ba naman ako sa kaibigan ko. Wala na talagang maasahan ngayong bagong henerasyon. Kala mo naman kung sino. Hindi rin naman gwapo, okay fine, gwapo siya. Sino ba namang tatanggi sa lalaking mahilig magbasketball? Marunong mag guitara at magdrawing. Para siyang anghel na perpekto at ibinaba dito sa lupa para sa akin. Kalokohan!
Umaga ng Hunyo labing isa, pumunta ako sa bayan. Bukas magsisimula na ang klase. Excited na ako na mag grade12. Stem na kurso ang kinuha ko dahil sa pangarap ko. For sure maging kaklase ko na naman yung dati kong kaklase.
Bumaba agad ako sa tricycle. Pumunta agad ako sa pamilihan ng mga uniform since ayaw kong magpatahi ulit. Gusto ko nalang bumili dahil hindi mahal, kapag kasi magpatahi ka, 1,500 yung bayad kaya naman bibili nalang ako ng bagong uniform. Pagkatapos ko sa mga uniporme, pumunta agad ako sa pamilihan ng mga notebook at ballpen. Dito kasi sa aming nayon, walang mall kaya minsan kulang kulang yung mga gamit namin, lalo na pagdating sa pag aaral.
Lumakad ako papasok sa merkado kung saan bibili ako ng mauulam namin. Hinanap ko agad ang kaibigan ko na nagtitinda ng mga karneng manok.
"Hoii Charie! Meron ba kayong karneng manok?" Natatawa kong sigaw "Hoi Chashiya! Pwede ba! 'Wag ka ngang sumigaw, nakakahiya." Natatawang sagot niya
Sa aming magkakaibigan, si Charie itong laging busy, busy kasi siya dahil bread winner ng pamilya, kaya naman kumakayod talaga siya ng sobra. Oh well! Minsan naman tinutulungan namin siyang nagtitinda ng mga pagkain sa paaralan namin.
Maganda si Charie. Sa aming apat si Charie itong merong soft na baby face. Para siyang doll na sobrang cute. Ang cute ng kanyang matataba na pisngi. Ito nga yung lagi kong pinagdiskartihan na pisilin eh. Minsan naman parang wala lang sa kanya.
"Alam mo ba Cha, meron tayong transferee na kaklase. Lalaki daw sabi ni Mama and you know what, sobrang pogi daw besh. Nakakalaglag panty daw. Sabi pa nga ni Mama na baka maging kaklase natin siya. Wala daw kasing Stem na kurso sa kanilang bayan kaya doon siya pumasok sa ating paaralan." Ngumingiting saad niya "Hay naku Charie! Lagi nalang gwapong lalaki yung binabantayan mo eh. Alam mo namang bawal kami sa mga... alam mona.. jowa jowa." Kinuha ko agad yung cellophane na may lamang manok.
"Nakabili ka na ba ng mga gamit, Charie?"
Sabay bigay ko sa bayad
"Ahh...hindi pa eh... wala kasing pera sina Mama..." binigay naman niya yung sukli ko
"Gusto mo, bibilhan kita? Alam mo na, para saan naman yung pagkakaibigan natin kung hindi naman tayo nagtutulungan diba?"
"Ehh, baka pagalitan ka ng Mama mo Chashiya. Isa pa, hindi naman basta basta binibigay yung pera, diba? Nakakahiya ring tumanggap ng mga binibigay mo."
Nagtataka naman ako kung bakit. Hinuli ko agad yung mga mata niya. Pinanlalakihan ko siya ng mga mata. Bumaling siya sa akin at unti unting pumapatak ang kanyang mga luha.
"Oi oi oi bakit ka umiiyak? Alam mo Charie, meron naman akong sarili pera, tsaka bakit ka nahihiyang tumanggap ng mga regalo ko, eh galing naman to sa sarili kong savings." Hinahagod ko ang kanyang likod hanggang sa tumahan siya. Pinahid niya yung kanyang luha sa kanyang palad. Tumingin naman siya sa likod ko.
Nakita ko si Sanya na luminga linga.
"Sanya!"
Tinawag ko nito. Kumaway naman siya. Naglalakad siya papunta sa akin ng mayroong humarang sa kanya. Baka bodyguard niya at meron lang sinabi.
"Ano na? Charie? Bibilhan kita ng mga notebook o sasamahan kitang bumili?"
"Oh anyare? Galing kang umiyak Charie?" Pabulong na saad ni Sanya kay Charie "inaway mo?" umiiling naman ako na hindi.
"Wala, Sanya. Para kasing nakakabago. Bilhan daw ako ni Chashiya nang mga notebook para bukas." Tumango naman ako.
"Ohh? Wala ka pang mga gamit? Halika, bibili tayo doon banda" turo ni Sanya kung saan ako galing kanina.
"Hindi ako pwede ehh, walang magbabantay dito sa tindahan namin."
"Ayan ohh! Papadating na yung kapatid mo na si Greg, for sure papayag yan."
"Oh ate Sanya, ate Cha, ano hong ginagawa niyo dito?" Nilingon niya ang kanyang ate na ngayon ay nakatulala "ate, may pupuntahan ba kayo? Ako nalang munang magbabantay dito. Sige na. Ito nga pala, bigay ni Papa, bili ka raw nang mga gamit mo para bukas."
Kinuha naman ni Charie ang pera at tumulak na kami. Si Sanya naman natigilan kaya tumigl rin kami sa paglalakad.
Napa O ang bibig niya. Bumaling siya sa kung nasaan ang kapatid ni Charie na si Greg. Omygahd! 'Wag niyang sabihing nagkakagusto siya kay Greg?
Ngumiwi ako sa kanya. Alam niya na agad yun.
Umuwi kami nang bandang ala syete ng gabi. Pagod na pagod ako sa palakad lakad namin doon sa merkado kaya namang nang humiga ako sa sofa namin, inaantok na agad ako.
"Hai nakong bata ka! 'Wag ka ngang humiga dyan sa sofa. Dalhin mo dito yang binili mong karneng manok at 'yang mga binili mong gamit, dalhin mo na sa taas, magbihis ka rin nang makakain na tayo."
Lumakad papunta sa akin ang isa kong kapatid na lalaki. "Alam mo ate, may nakita ako sa laptop mo" napabangon agad ako sa sinabi ni Jyrie sa sinabi niya. Dali dali akong tumakbo papunta sa kusina, iniwan doon ang karneng manok at tumatakbo ako sa hagdan. Shet na malagkit! Baka nakita yun nang kapatid ko. Patay ako nito kay Mama pag nagkataon.
"'Wag ka ngang mag tatakbo dyan Chashiya. Dapat maglakad ka nang dahan dahan. Para ka namang hindi babae kung kumilos eh!" sigaw ni Mama sa baba.
Bumaling agad ang paningin ko sa gilid, nakita ko si Rajie na nakakunot ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay at tumuloy na sa kwarto ko.
Wala naman atang nakita si Jyrie dito sa kwarto ko. Shet! Bakit ako kinakabahan eh lagi ko namang ni-lo-lock yung pintuan ng kwarto ko.
Dumating na ako sa kwarto ko, pinihit ko agad ang doorknow at doon ko lang nalaman na hindi pala naka-lock. Grrrrrr! Sigaw ko sabay sabunot ng buhok ko. Hindi to pwede! Hindi!
Pumasok ako sa kwarto. Nakita ko agad sa laptop ko kung sino ang kachat ng kapatid ko. Tangina! Bakit ngayon pa! Grrrrrrrrrrr!!!! Mapapatay ko talaga yung kapatid ko.
Pakialamero ng mga gamit! Bwiset! Pasalamat iyong Jyrie na yun at wala ako sa mood manapak. Humiga ako sa kama ko. Tiningnan ko ang ceiling at nagbilang. Minsan nagtataka talaga ako kung bakit ganun? I mean bakit merong ibang tao na paki alamero. I still remember dati na si Sanya at Sayri ay kinuha yung bag ni Jerik at tiningnan ito. Samantalang si Charie naman ay nanonood lang sa kanila na kasama ko. Binuklat buklat la nila yung mga gamit ni Jerik.
Hindi ko na napigilan nun at ipinasok ko ang mga notebook at ballpen sa bag ni Jirek.
"Ano ba naman kayo kambal. Kita mong mahiral lang iyong tao, ibubully niyo pa. Dapat we should be kind towards other people because we don't know what does that persol through." litanya ko. Tumahimik sa room. I look around and saw Jerik standing in the door. Well, pogi siya yung nga lang, pobre.
Tumayo ako at lumabas para magpahangin. Shit! Anong pumasok sa kokoti ko at ginawa yun?
"Bakit ka andito?" si Jirek
Umiling ako.
RIA<3
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments