CHAPTER 4
AIDEN POV
"ahh kase nag bonding pa kase kami ni Diana eh and pinag shopping nya ako" saad ko habang kinakabahan, kilala ko ang asawa ko pag seryoso na ito at tutok na tutok ang mga mata ay alam kong galit ito
"and? yun lang? bakit gaano ba ka espesyal yang kaibigan mo at di mo maiwan iwan? oh siguro naghahanap kayo nang malalandi nyo! akala mo di ko kilala yang Diana na yan ha? gutom na gutom na ako rito at habang kayo naglalandi sa iba!"
*PAKK* tunog ng sámpal ko sa pesnge nya
"wala kang ebidensya na may nilalandi akong iba at higit sa lahat WAG NA WAG mong lalaitin ang kaibigan ko! hindi mo sya lubos na kilala kaya wala kang karapatan na sabihan sya ng kung ano anong salita! eh ano naman kung gutom na gutom kana? ha? andyan naman yung kabit mo ah! bakit? may sakit ba yan? di ba makagalaw yan?" naiiyak kong depensa at pumunta na lamang sa taas
pasado 7pm na ng gabi nang magising ako sa pagkakatulog, nakatulog ata ako sa kakaiyak kanina. naisipan ko na lamang na magluto dahil nagugutom na rin ako, habang pababa ng hangdan ay naabutan kong may kinakausap si Issa.
"pwede bang maghintay ka na lang? konting panahon na lamang at hihiwalayan ng Gabriel na yun yung baklang yun at papakasalan nya na ako! at pag nangyari yun mas malaking pera ang mahuhut-hut ko sa lalaking yun" sabi ni Issa
"ginagamit mo lang si Gabriel?!" bungad ko kay Issa
"mamaya kana tumawag" sabi nya saka ay binaba ang phone nya
"eh ano naman? bakit magsusumbong ka? go ahead! subukan natin kung sino ang paniniwalaan ni Gabriel!" hamon nya sa akin
"walang híya ka napaka plástic mo!" saka ko sya sinugod at sinabunutan at sinámpal
"btch get off me! ahh!!" nasasaktan nyang sagot
"AND WHAT'S GOING ON HERE?!" malaki at galit na boses ang nagpatigil sa akin upang saktan ang babaeng to
"babe sinasaktan ako ng asawa mo! sabi ko lang naman sa kanya ay turuan nya akong magluto para mapaghanda kita tapos bigla nya akong sinaktan!" iyak nya
"anoba tama na nga yang kasinungalingan mo! Hon... narinig ko syang may kausap sa phone nya at balak ka nyang huthutan ng pera!" sumbong ko sa asawa
"Liar!!! kahit kailan ay di ko magagawa yan kay Gabriel! inggit ka lang sa akin dahil ako ang mahal ni Gabriel kaya gusto mo kaming sirain!" depensa nya
"sinungaling ka-"
"ENOUGH!"
*PAKK!* at saka ako sinámpal ni Gabriel
"MAG-USAP TAYO SA TAAS"
"may nawawalang malaking pera sa kompanya ko ikaw ba ang kumuha nun ha Jaden?" tanong ni Gab ng mapunta kami sa kwarto nya
"a-ano? pinagbibintangan mo ba ako?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya
"alam kong alam mo ang password ng bank account ko at ikaw rin ang naglilinis sa office ko rito sa bahay! imposibleng si Issa ang kumuha nun gayong palagi kaming magkasama!" galit nyang sabi sa akin
"nuon panloloko! ngayon pagnanakaw naman ang ibinibintang mo sa akin Gabriel?"
"eh sino paba ang kukuha nun kung hindi ikaw? umamin kana!" saka nya ako sinámpal
"ahhh!! wala akong aaminin!"
"kung ganun pirmahan mo na ang divorce paper natin" sabi nya nang maging kalmado sya
"Gab wag naman ganito oh! paniwalaan mo naman ako kahit ngayon lang!" saka ako lumuhod sa harap nya
"hinding-hindi ako magpapaloko lalo na't sa báklang kagaya mo, kaya't pirmahan mo na ang divorce paper natin!" sabi nya at itinapon sa harap ko ang divorce paper, at saka sya umalis
*KRINGG* *KRINGG* tawag ko kay Dianne
"bess... bess tulungan moko bess hindi ko na kaya..."
"ANONG NANGYAYARI? BESS ANONG NANGYARI!?" nag-aalala nyang sagot sa akin
"bess tulong"
"wag kang mag-alala okay?? pupunta ako dyan ngayon din!" saka nya ibinaba ang tawag
pumunta ako sa may pinto ng kwarto ko saka ko sinilip kung andito ba si Issa at Gabriel, nang masigurado kong wala sila ay nagmamadali akong bumaba at lumabas ng bahay
"bess" at agad akong niyakap ni Dianne
"bess anong nangyari ha!! bakit ka umiiyak!" naiiyak nya na ring sabi sa akin
"bess hi-hindi ko na kaya be-bess hindi ko na kaya!"
"pumasok muna tayo sa kotse halika"
nang makapasok kami sa loob ng kotse ay agad kong i kinwento sa kanya ang buong pangyayare
"walang hìya talaga yung mokóng na yun ahhhhh!!!!!" saka nya hinampas ang manobela
"sabi ko naman sayo diba iwan mo na yun? tingnan mo yang mukha mo andaming pasa!"
"bess ayuko na..."
"talagang hindi na dahil hindi ba ako papayag na makita kapa ng lalaking yun!"
saka nya pinaandar ang kotse at pumunta kami sa rest house nya
Author: I change the name of the mc, my dear cupcakes.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
ઽҺคძ૦ω
good job babyboy 😌
2024-05-27
1