Unloving him

CHAPTER 1

AIDEN POV

habang kumakain at bigla na lang may malakas na humampas ng lamesa

"ano wala kabang plano na ipaghanda kami ng makakain? ha? " galit na wika ni Gabriel

"ayan oh may mga kamay naman siguro kayo para ipaghanda ang sarili nyo" sagot ko

bigla na lang sya pumunta sa pwesto ko tsaka ako hinablot sa braso

"baka nakakalimutan mong pamamahay ko to? kaya't susundin mo ang utos ko sa ayaw at sa gusto mo!" sigaw nya

"oo bahay mo to! pero baka nakakalimutan mo rin na asawa mo ako kaya't may karapatan din ako dito" sagot ko sa kanya

"at gusto mo pa talagang masakta ha!" banta nya

"sige subukan mo! saktan moko! ha!" panghahamon ko

"ito lang ang masasabi ko Aiden, habang nasa puder kita hinding hindi ako titigil hanggat di kita napapaamin sa pangloloko mo sakin!" sabi nya

"hinding hindi ako aamin at wala akong aaminin dahil wala akong kasalanan sayo!" naiiyak kong sagot sa kanya at saka nya ako binitawan at umakyat sa taas

pinahid ko na lamang ang mga luha ko at ipinagpatuloy ang pagkain

AIDEN POV

wala akong ibang magawa sa bahay kundi ang maglinis, magluto, pagsilbihan ang magaling kong asawa, at magpakananay sa br*hang Issa na yun kaya naman ay naisipan ko na lamang na sumulat ng kanta

nakasanayan ko na to kung wala na akong ibang gagawin sa bahay ay magsusulat na lamang ako ng kanta upang mapawi ang pagka bored ko rito sa bahay

'unloving you is a good choice' sulat ko sa note ko, actually mahigit 20+ songs na rin yung nasulat ko, gustuhin ko mang maging singer ay hindi ko magawa dahil kay Gabriel, may agencies na rin na umalok sa akin nuon dahil madalas akong kumanta sa mga bar ngunit mas pinili ko ang magpaka asawa kay Gabriel

habang nagsusulat ay bigla na lamang tumunog ang phone ko

*hey btch shopping? Don't worry libre ko* chat ni Diana sa akin

*sige bess susunduin mo ba ako?* na eexcite kong tanong sa kanya minsan lang kase kami na nito magkita dahil naging busy sya lately sa work nya, lakas maka Ceo pero Ceo talaga sya ng isang Cosmetic

*yes I will sige maghanda kana, wag na wag kanang magpapaalam sa walang kw*nta mong asawa ha? masas*mpal kita* mahaba nyang chat sa akin

*hahahaha ikaw talaga sige bye bihis lang ako*

*bye*

halos 20 minutes rin ng matapos akong makapagpili ng susuotin ko,

sleeveless lamang na croptop at wide leg na denim ang napili ko, nagmamadali akong maglagay ng foundation at liptint sa face ko at nilagyan na rin ng eyeliner, di sa pagmamayabang ay may kagandahan talaga ang mukha ko, sabi nga ng iba ay parang pusa ang mata ko dahil sa porma nito kaya't bagay na bagay sa akin ang mag eyeliner

nang matapos ako sa pagmamake-up ay bumaba ng ako ng hagdan

"and where do you think you're going?" bungad ni Gabriel nang makababa ako, nakaupo sya sa sofa habang ang br*ha ay busy sa laptop nya

hindi ko na lamang sya pinansin pa at lumabas na ng bahay, sakto naman at kararating lang ng sasakyan ni Diana

Hot

Comments

ઽҺคძ૦ω

ઽҺคძ૦ω

update paaaa authyy! /Whimper/

2024-05-27

1

Ms. writera

Ms. writera

support herh

2024-04-26

1

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play