The Homophobic Obsession
Chapter 1
Marcus POV
"May napansin ba kayo sa bago nating kaklase?" Tanong ko sa mga kasama ko na siyang ikinalingon nila sa akin.
Lunch time kaya nandito kami ng mga tropa ko sa cafeteria ng school. Magkakaharap kaming nakaupo at hinihintay si Drake na siyang pumila para bumili ng lunch naming apat.
"Maliban sa pagiging guwapo niya, I think, wala naman," sagot ni Mavy bago muling ibinalik ang atensiyon sa paglalaro ng Mobile Legends sa hawak na cellphone.
Kumunot ang noo ko sa narinig. Guwapo? Saang parte kaya naging guwapo ang transferee na 'yon? Ni wala nga siyang binatbat sa hitsura ko. Tss!
"Oo nga, wala naman kaming kakaibang napansin. Bakit?" Dex asked, confused.
"I think he's gay."
Muling napalingon sa'kin si Mavy. "What? You're overthinking again, dude. Hindi porket maputi at may pagka-feminine 'yong facial features no'ng tao ia-assume mo na agad na b4kla. Hindi ka ba updated na gano'ng looks ang uso at kinababaliwan ng mga girls ngayon?" Napapailing na komento niya.
"Umaandar na naman ang pagka-homophobic mo," ani Dex.
Homophobic. Oo, aminado akong isa akong homophobic. Galit ako sa b4kla. Walang particular na rason kung bakit, basta galit ako sa mga b4kla. They are so disg*sting. The thoughts of them having s*x with the same gender makes me want to vomit. I mean, sinong matinong tao ang papatol sa kaparehas mo ng kasarian? So disg*sting! Tsk!
"Speaking of the d*vil..." I mumbled when I saw the person we were talking awhile ago.
Napako ang naniningkit kong mga mata sa b4klang kapapasok lang sa cafeteria. Dumiretso ito sa harap ng counter at pumila. Sapat na ang presensiya niya para makaramdam ako ng matinding iritasyon. The sight of him pissed me off.
He's our new classmate, Keizou Alvares. Kadarating lang niya kanina and the moment our teacher introduced him to us, alam ko na agad na b4kla siya. Tabas pa lang ng mukha at kinis ng balat halatang-halata na eh.
Bakit kaya naglipana na ang mga b4kla ngayon? Hindi ba talaga puwedeng magpakalalaki na lang sila? Ang sakit nila sa mata, sa totoo lang.
Nakasunod ang mga mata ko sa bawat kilos ni Keizou. Dumating na si Drake dala ang mga pagkain namin ngunit nanatili lang akong nakatitig sa baklang 'yon. Pagkatapos nitong um-order ay iginala nito ang paningin sa kabuoan ng cafeteria para maghanap ng bakanteng mesa. Sakto namang may isang bakante pa kaya lang ay kailangan muna niyang dumaan sa puwesto namin patungo doon.
Bitbit ang tray na may lamang pagkain ay naglakad na siya patungo sa dereksiyon ko. Pinigil ko ang sariling mapangisi. I have an idea. I want him to know na ayaw ko sa mga b4klang kagaya niya. Walang puwang ang eskuwelahang ito para sa mga b4kla!
Nang nasa tapat na siya ng kinauupoan ko ay agad kong iniharang 'yong isang paa ko sa daraanan niya dahilan upang mapatid siya at dire-diretsong bumagsak sa maruming sahig ng cafeteria. Kumalansing ang nabitawan niyang tray at nagkalat sa sahig ang mga binili niyang pagkain.
Napasinghap at nagulat ang mga taong nakasaksi sa nakakatawang pagbagsak niya sa sahig. Pinigil ko ang sariling mapahalakhak. Mission accomplished!
"Oh, I'm sorry dude. Hindi ko sinasadya," sarkastiko at nakangising sambit ko habang pinapanood ko ang dahan-dahan niyang pagbangon mula sa pagkakadapa. Nakakatawa siya. Pati 'yong pagbagsak niya sobrang nakakatawa.
Sorry dude, I hate disg*sting gays like you.
"Stop that, dre," saway ni Dex but I just smirk at him.
"What? Wala akong ginagawang masama, okay?" Natatawang wika ko. Binigyan nila ako ng tinging nagpapahiwatig na tumigil na ako but I just ignored them and turn to the student who's now standing in front of me.
Unti-unting nawala ang ngisi sa mga labi ko ng maramdaman ko ang pag-agos ng kung anong malapot na bagay sa ulo ko. Literal na nanglaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung ano 'yon.
Halos mapamura ako ng makita ko ang mga spaghetti na bumagsak sa damit at kandungan ko. My---My uniform! What the f*ck?!
"Para saan pa ang course na criminology kung nadadaan naman pala sa sorry ang lahat," malamig na wika ng b4klang nasa harap ko.
Mula sa pagtitig sa mga spaghetti sa kandungan ko ay lumipat ang paningin ko sa kamay niyang puno ng spaghetti sauce. What the f*ck did he just do to me?! P*tang*na! Yong damit ko!
How dare him?! Sa tagal ko sa eskuwelahang ito wala pang kahit sinong nangahas na gantihan ako!
Nagliliyab sa galit ang mga matang sinalubong ko ang titig niya. Sumalubong sa'kin ang malamig niyang mga mata at walang ekspresyong mukha. Tinitigan niya ako na para bang isa lamang akong walang kakuwenta-kuwentang bagay. Mas lalo akong nakaramdam ng matinding inis. Kumukulo ang dugo ko!
Tang*na nitong b4klang ito! Magbabayad siya sa ginawa niya sa'kin! Hindi ba niya alam na pader ang binabangga niya?
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments