Dahlia
Ang sabi nila hindi na natin pwedeng maibalik ang oras....paano kung sabihin kong ito ay kasinungalingan....Ako si dahlia at ito ibabahagi ko sa inyo ang istorya ng aking buhay.
Nanggaling ang pangalan kong "Dahlia" sa paboritong bulaklak ng aking lola na Dahlia dahil ako daw ay may angking kagandahan nang akoy dumating sa mundong ito.
Malakas ang simoy ng hangin,naririnig ko ang mga huni ng mga ibon sa na nasa tapat lamang ng aming bintana...
"Dahlia...dahlia..!!"
tinig galing sa ibabang palapag ng bahay.
"opo papunta na!!" aking tugon.
"Ikaw talagang bata ka hindi bat sinasabi ko saiyo na huwag na huwag kang tumambay sa bintana lalo na at itoy luma na at baka madigrasya ka!?".sambit ni lola Ancita.
"wag ka mag-alala lola ako pa!"
,"jusko ano pa bang magagawa ko sandali apo may ibibigay ako saiyo"
."regalo hindi ko naman kaarawan?"
Inabutan ako ni lola ancita ng maliit na kahon.
"Ano po ito lola?" tanong ko.
"Buksan mo ijah para malaman mo".
Nang buksan ko ang maliit na kahon nakita ko ang napakagandang kahoy na suklay na may naka ukit na pangalang "Dahlia"
."wow ang ganda naman ng suklay nato lola,pero bakit mo ito ibibigay sa akin mukhang luma na?".sabi ko.
"maganda diba sa iyo talaga yan itinago ko lang."
ngumiti sa kin si lola ancita at nagsabing may gagawin padaw siya, pinaghalong tuwa at pagtataka ang nararamdaman ko noong mga panahon na iyon dahil ang makalumang suklay na hawak ko ay may nakaukit na pangalan ko.
Ang hindi ko lamang alam na dito ko malalaman ang tunay na dahilan kung bakit ibinigay ng aking lola sa akin ang suklay na may ngalang "Dahlia".
lumipas ang ilang oras...
Oras na nang pag tulog,habang tinitigan ko ang suklay na ibinigay sa akin ng aking lola ay mayroong ala-ala na pumasok sa aking isipan
"sa muli nating pagkikita ikaw parin ang aking iibigin" Isang malungkot na tinig ,sa sobrang kaba at takot ay pinikit ko ang aking mga mata at hindi namalayang nakatulog......
"Binibini....binibini.....binibing Dahlia!"
ako ay nagising sa isang tinig na hindi ko alam kung saan galing.
"Binibini kinakailangan na po ninyong bumangon riyan sapagkat paparating na po ang iyong ama!
" teka binibini? Ama ? nasa abroad si daddy ahh!".
Nagmadali kong ibinuka ang mga mata ko nang makita ko ang kakaibang paligid, ito ay ang akig silid ngunit napapaligiran ng makalumang mga gamit at mukhang mamahalin.
"Teka lang ha miss sino ka at ano ang ginagawa mo dito sa bahay namin?".
"Binibini mukhang tulog pa po ang inyong diwa ako po si Marry ang iyong katulong!".tugon niya.
"katulong teka lang hah anong araw na ?"
"Ngayon ay Nobyembre 12 1938 binibini"
.nang marinig ko ang sinabi niya mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng bahay , hanggat pumasok sa isipan ko na ako ay bumalik sa makalumang panahon.
"Binibining Dahlia sa paanong paraan mo nakayang yumapak at maglakad sa labas ng tahanan bahay nakasuot ng "kamisa"?! Tinig ng isang ginang.
"ahhh pasensya na" tugon ko.
"Di bale tara na at pumasok sa loob at nang ikaw ay makapag bihis na".
"sige po papunta na".
Naguguluhan at nalilito biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni lola Ancita "Lahat ng nakalito na bahay ay mag daan patungo sa kasagutan"
kaya naman aalamin ko lung paano at sa paanong paraan ako napunta sa lugar na ito.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments