Read It<3
Tagalog
"Muling pagkikita"
Unang araw palang nang eskuwela
Sayo lang nakatitig ang aking mga mata
Ako ay sobrang nagtataka
Kung bakit ba mahal kita
Sa sobrang pag iisip hindi ko namalayan na umalis ka na pala
Una nating pag kikita ay noon tayoy mga bata pa
Inaaway mo ako inaaway din kita
Nag aawayan tayong dalawa
Kahit saan pa man tayo mag kita
Hindi ko inakala na ikaw ay makilala
Sa pag pikit at pag mulat nang aking mga mata
Inisip ko na sana ikaw ang una kong makikita
Isa sa mga naging dahilan kung bakit ako naging masaya
"Kamusta"
Hi Hello kamusta ka na
Matagal tagal narin tayong hindi nagkikita
Gusto ko sanang sabihin na mahal parin kita
Kahit ako y iyo lang pina asa
Alam mo ba na ako ay patuloy na umasa
Dahil sabi mo sakin ay gagawa ka nang paraan para tayoy muling magkita
Kahit alam kong imposible pinagkatiwalaan kita
Sabi nga nila saakin noon oras na para sumuko ka
Pero bakit ganon hinintay kita nang hinintay
Akoy umaasa na sayong pagbalik tayoy magkakasama
At magiging maligaya
Ngunit nandito ka iniwan mo akong mag isa
"Patience"
Ako ay naka upo sa aking upuan habang nakatitig sayo sinta
Nakatitig sayong mga mata
Na para bang nakikita ang future nating dalawa
I know na para akong luka luka na may gusto sayo aking sinta
Ngunit kahit akoy ganto
Atleast may pake ako
Hindi katulad nang nagugustuhan mo
Na wala namang pake sayo
Gusto ko lang ipaalam sayo
Na mahal kita sinta ko
Please bilis bilisan mo lang na sagutin ako
Kasi kunting kunti nalang Promise susuko nako
"Dream"
Marami na tayong naranasan
Nung una ikaw ay aking iniiwasan
Kasi lagi kang nasa aming tahanan
Kasama ang kuya ko na akala ko ay iyong nililigawan
Natatawa lang talaga ako
Kasi at that time na misunderstood ko kayo
Nagalit pa nga ako sa kuya ko
Kasi akala ko inagawan niya ako
Matagal na kasi akong may gusto sayo
Alam mo sobrang saya ko nung nalaman kong gusto mo rin pala ako
Tapos at the end nag ka aminan tayo
Finally yung dream ko nag katotoo
Na mag pakasal sayo
"Regret"
May nagugustuhan ako
Isang lalakeng totoo
At medyo gwapo
Manhid nga lang pero atleast hindi siya katulad mo
Alam mo pinag ku kumpara ko kayo
Alam kong mali ito
Pero you know at the end nalaman kong
Mas magiging masaya ako sayo
Dahil dun sa lalakeng gusto ko
Never niya akong minahal nang gaya nang pag mamahal mo
Sa pinakahuli na realize ko ikaw pala talaga ang mahal ko
Gusto ko lang mag sorry sayo
I realize i dont deserve you at di na kita guguluhin dahil na kita ko
Masaya kana sa piling nang girlfriend mo
"Suko"
Ang aking pagtingin na di mo mapansin
Isusuko ko na kahit di pa umaamin
Wag kang mag alala mag tiwala ka sakin
Itoy gagawin kong buhangin
Na liliparin nang sariwang hangin
Kung hindi man umayon
Sa aking plano ipipilit natin
Hanggang malimot ang pakiramdam kong hindi maamin amin
Hindi ko man ma i papangako na tuluyan ko itong malilimutan
Ang mahalaga ay aking itong susubukan
Gagawin ko ang lahat para lang itoy makamtan
At tuluyan kanang malimutan
Para tayong dalaway hindi na masaktang pang tuluyan
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Unknown
Hays ang cringe pla nito 2 months ko na tong d nakikita🤣
2023-08-04
0