" auntie naman , nakakasakit na kayo ng damdamin! " , liam
galit na pasabi ni liam sa auntie niya.
lumabas si auntie cecil sa kwarto ni katherine na galit na galit.
" Ayos ka lang ba ? " , liam
tanong ni liam kay katherine.
" Ayos lang hindi naman ako ganun kadali matanggap at alam ko yun " , katherine
malungkot na sabi ni katherine.
" *Wag mo na masyadong isipin ang sinabi ni auntie , panigurado naman na matatanggap karin niya.
halikana't sa baba samahan mo kami sa pagkainan " , liam*
***Inaya ni liam si katherine , kumain kasabay nila.
pero tinanggihan siya ni katherine , dahil mas gusto pa na naka higa sa kaniyang kama keysa ang kumain.
siguradong dinamdam ni katherine ang masasakit na salita na sinabi sa kaniya ng auntie cecil niya.
wala naman siyang magawa dahil noon palang ay hindi na talaga siya matanggap , dahilan din ng kasama niya na na aksidente ang kapatid ni auntie cecil , malaking milagro noon na nabuhay si katherine sa aksidente.
nabuhay nga siya subalit buong buhay naman niya tinitiis lahat ng hinanakit na ibinibigay at ipinararamdam ng auntie cecil niya***.
" **ano nga bang magagawa ko , alam ko naman na habang buhay kong pag dudusahan na , nabuhay pako.
ako nalamang sana ang nawala at hindi na kayo ,
paumanhin dahil wala akong magawa " , katherine**
**habang yakap yakap niya ang litrato ng mom niya.
na minahal siya na higit pa sa buhay niya.
at sa hindi inaasahan na pagkakataon ay narinig lahat ni duke ang sinabi ni katherine.
at dahil dun nag aalangan na siyang pumasok sa kwarto ni katherine.
habang dala dala niya ang pagkain na para kay katherine.
.
.
maya maya lamang ay naisipin ni katherine na lumabas na ng kwarto.
at ng pag bukas niya ng kwarto , nakita niya si duke na nakaupo sa gilid ng kwarto niya habang hawak ang pagkain niya.
ng mag sasalita na sana siya , nakita niya naka pikit ang mga mata ni duke.
nag dadalawang isip si katherine kung gigisingin ba niya si duke.
ng aalis na sana si katherine nakita niya ang isang maliit na insekto na dumapo sa mukha ni duke.
kaya naman agad niya itong gustong tanggalin.
kahit anong hawi ang ginagawa ni katherine ay patuloy na bumabalik ang insekto sa mukha ni duke.
kaya naman sa hindi inaasahan nahawakan ni katherine ang mukha ni duke , at ng nagising si duke nakita niya si katherine malapit sa kaniya**.
" Anong ginagawa mo? " , Duke
agad na tatayo sana si katherine pero naapakan naman niya ang damit niya kaya naman agad sana siyang mahuhulog pero sinalo siya agad ni duke.
" Ayos ka lang ba ?" , Duke
ng tatayo na naman si Katherine ay hinawakan na ni duke ang braso niya , at hindi niya hinahayaan na tumayo sa pagkakaupo sa binte niya si katherine.
" Sumagot ka muna , kung ok kalang " , Duke
walang sinasabi si katherine at patuloy lang niya pinipilit na umalis kay duke.
"Kahit anong gawin mo hindi ka makakaalis " ,Duke
Tumigil si katherine sa pag pipilit na umalis.
at tumitig lamang ito kay duke.
" Pwede ba gusto ko ng tumayo , ayos lang ako.. wala ka naman dapat ipag alala " , katherine
" alam mo sa susunod pag tatayo ka , titignan mo ng maigi ang mga damit mo ng saganun hindi mo naitutuhod o naapakan , dahil masusugat ka o masasaktan ka kapag hindi ka nakinig sa sinasabi ko " , Duke
patuloy lamang nakikinig si katherine sa lahat ng sinasabi ni duke sa kaniya.
" Bago ka tumayo kumain kana muna , pinag handa kita
dahil sabi ni liam hindi ka pa kumakain. " Duke
Kinuha ni katherine ang pagkain na hinanda ni duke sa kaniya at ito ay kaniyang kinain.
" alam mo marunong ka naman palang sumunod " , Duke
***Naka upo ang dalawa sa sahig habang magkatabi , at pinag mamasdan lamang ni duke si katherine habang kumakain.
nagawa rin na pasunurin ni duke si katherine , dahil kahit minsan hindi marunong makinig si katherine sa sinasabi ni duke sa kaniya.
hinawakan ni duke ang mukha niya at naalala niya na hawak ni katherine ang mukha niya.
kaya medyo nacurious tuloy si duke sa kung anong dahilan at nagawa yun ni katherine.
ang sarap mag mahal lalo na sa hindi mo inaasahan na pagkakataon***.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments