Being In The Dark With My Angel

Being In The Dark With My Angel

Once upon

Hi Im Neona. 23 years of age and im currently working na. Im from a rich family but im not a spoiled brat. Kahit mayaman na kami ay di ako nagtatrabaho sa sarili naming company. I chose to be an employee sa isang publishing company na hindi kataasan ang sahod pero sapat na sa katakawan ko. Im a pretty lady daw sabi nila. 5'7" in height and i do have a curvy body hindi sa pagmamayabang dahil na rin siguro sa pagwowork out ko every free time ko. Aside from that im extremely an introvert. I hate social gatherings , crowded places and even meetings.

"Neona anak ayaw mo ba talaga magtrabaho sa company natin para naman di ka na nahihirapan dyan sa trabaho mo" Papa

He is my father Ruel Salazar. 53 years old and he is single. Yes, you heard it right. Iniwan ako ng nanay ko sa kanya matapos nya akong ipanganak and dahilan nya? Ayaw nya sa akin. Tinanggap at minahal naman ako ng buo ng tatay ko tinuring na prinsesa. Hindi na sya naghanap pa ng ibang aasawahin. Sobrang pogi ng tatay ko despite his age ay di mo aakalain na 53 na sya sa sobrang well built ng katawan nya. Pogi na mayaman at mabango pa. Baka bet nyo? HAHAHAHAH

"Dad sinabi ko naman sayo na gusto ko na simple lang ang gusto kong maging trabaho ko. Tsaka ayoko ng madaming tao alam mo naman yun di ba?"

"Pero anak"

"Wala ng pero pero Dad. May work pa po ako bukas. Matutulog na po ako. Goodnight Dad i love you"

"Sige nak. Goodnight i love you more prinsesa ko(sabay halik sa noo ko)"

*Kinabukasan*

Im on my way sa publishing company na pinagtatrabahuhan ko ng may mabangga akong lalake na naka bike.

"Omg. Napatay ko ata sya"

At nagpanic na nga ng bongga ang kaluluwa ko.

"Makukulong na ba ako? Wag naman po muna ****** pa ko. Ay mali po bata pa po ako waaaahhhh"

Bumaba ako ng sasakyan ko at tiningnan ko kung buhay pa ba yung nabangga ko

"Humihing ka pa naman di ba? (sabay lapat ng daliri ko sa ilong nya to check if he's still breathing) Hooo thank God. Pero inpernes ang pogi mo ha. Teka teka mamaya na ang landi dalhin muna kita sa ospital"

Pagkadating namin sa ospital ay inasikaso na agad sya ng mga nurse at doctor.

After an hour of waiting..

"Kaanak ka ba ng pasyente?" -Doc

"Ah hindi po. Nabangga ko po kasi sya bigla po kasi syang lumiko ng daan"

"Ayos na sya. May konting gasgas lang pero wala naman syang bali.Ililipat na namin sya ng kwarto para mabisita nyo na sya" -Doc

"Buti naman po. Salamat po Doc"

Matapos syang mailipat sa kwarto ay pumunta na ako ng cashier para mabayaran na ang hospital bills. Matapos makapagbayad dumiretso na agad sa kwarto nya para matingan ang kalagayan nya.

"Pasensya ka na ha. Ikaw naman kasi bigla bigla kang lumiliko ng daan" pagkausap ko sa kanya kahit nakapikit ang mata nya. Ang haba ng pilikmata nya, ang tangos ng ilong at ang ganda ng labi. Ano ba tong iniisip ko pinagnanasaan ko ba to.

Nagulat ako ng bigla syang magmulat ng mata. Ang ganda ng mata nya. Para akong nalulunod habang tumititig sa mga mata nya.

"Nasan ako at sino ka"

sambit nya sa akin na parang inaalala kung bakit nga ba sya nandun.

"Uhm ano nasa ospital ka. Ano kasi ei ano nabangga kasi kita. Pero kasalanan mo naman ei lumiko ka kasi ei. Pero sorry pa din"

Hindi sya umimik bagkus ay tinitigan nya lang ako at dun na ako nagsimulang mailang. Pakiramdam ko ay tutumba na ako. Hindi kasi ako sanay na tinititigan ng mga tao lalo at gantong kagwapo ang tititig sayo.

"Ano pwede bang wag moko titigan? Ano kasi ei naiilang kasi ako ano"

Napansin ko na biglang kumunot ang noo nya.

"Hindi ano ang pangalan ko. Ako si Jk. Pasensya ka na din may hinahabol kasi ako at di ko na napansin na may sasakyan din na susulpot. Nanakawan kasi ako"

Iyon pala ang dahilan kaya pala bigla syang lumiko.

"Kasalanan ko din naman hindi din kita napansin. Wag ka magalala nabayaran ko na lahat ng bills mo dito"

Pagkasabi ko nun ay biglang nagring ang phone ko at napansin na tumatawag ang boss ko. Shookt. Yari na. Hindi nga pala ako nakapagpaalam.

"Ano. Ay Jk pala. Una na ako ha. Baka masesante ako sa trabaho ei. Ito card ko tawagan mo nalang ako pag may babayaran pa. Pasensya na ulit"

Pagkabigay ko sa kanya ng card ay tumakbo na ako at hindi na inantay ang isasagot nya.

Sumakay nako ng sasakyan ko at nagpaharurot na papuntang company. Lagot na! 🥲

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play