Episode 2 "WHERE IT WAS STARTED"

6 Months Ago......

CALLEA'S 27th BIRTHDAY PARTY "Red Club"

Puno ng musika at ingay ang nasa paligid ni Callea. Wala naman syang balak na magcelebrate ng birthday nya pero pinilit lang sya ng isa sa katrabaho nyang doctor na magcelebrate.

Libre naman nilang lahat kaya sumama si Callea. Hindi lang talaga nya ini-expect na pupunta pala sila sa isa sa sikat na club sa Lungsod.

Nagsisisi sya dahil sumama pa sya sa mga katrabaho nya. Ganitong oras kasi ay nagpapahinga na sya o di kaya ay nirereview ang list ng mga pasyente nya.

Kita-kitang nya sa inuupuan nya ang mga katrabaho nyang hindi mo maaakalaing mga doctor. Tinalo pa kasi ng mga Ito ang mga teenager sa pagsasayaw. Kuntento lang sya sa pagtingin sa mga Ito habang pa shot shot lang sa baso ng alak na inorder ng mga katrabaho nya.

Tahimik lang syang umiinom ng may Tatlong lalaking lumapit sa kanya. Umupo ang mga Ito sa tabi nya kaya agad naman syang dumistansya. Lumipat ang isa sa kaliwa nya at nanatili naman ang dalawa sa kanan napapagitnaan na sya nito kaya mabilis nyang ibinaba ang hawak nyang baso at Agad na hinarap ang tatlo.

"What do you want" mataray nyang sabi. Nakita nyang namungay ang mata ng lalaki at Agad syang hinawakan sa braso.

"Alam mo Miss beautiful pwede kang sumama sa amin kung gusto mong sumaya" Agad naman itong tumawa na sinabayan naman ng dalawa. Amoy na amoy ni Callea ang hininga ng tatlo ay alam nyang lasing ang mga Ito dahil sa amoy ng alak sa bibig ng tatlo.

Agad na kinuha ni Callea ang kamay ng lalaki sa braso nya at tahimik na tumayo. Nagulat sya ng mapangahas na hinawakan ng isa ang kamay nya.

"Ano ba bitawan mo ko" pagpupumiglas nya sa mga hawak nito

"Miss Beautiful naman wala pa nga kaming ginagawa eh" -Ngisi nito sa kanya.Tumawa naman ang dalawa at hinawakan sya

"Ano ba bitawan mo sabi ako eh" Nagpupumiglas sya sa tatlong pangit na lalaking may hawak sa kanya. I feel so hopeless. Wala syang lakas dahil may tama na sya sa ininom nya idagdag pa na pagod sya sa apat na oras nyang operasyon sa pasyente nya. Nag-uumpisa ng manubig ang mga mata nya kahit anong tawag nya sa mga kasamahan nya Hindi siya marinig ng mga Ito. Napakalakas naman kasi ng music sa bar kaya kahit anong tawag nya ay Hindi sya marinig ng mga Ito.

Hindi naman sya iyakin ay may strong personality sya pero Hindi nya maintindihan ang sarili at parang gusto nyang umiyak. Malakas na siguro ang tama nya sa mga ininom nya kanina pero Hindi lang nya namalayan. Nagulat sya ng may matitipunong kamay ang humila sa kanya palayo sa tatlong lalaki. He embrace her in his arms na animo'y isa syang mahalagang bagay sa mundo. Nakaramdam ng ibayong init si Callea ng dumikit ang balat ng lalaki sa balat nya. Feeling kinoryente sya ng ilang bultahe dahil dito.

"Don't you dare touch my woman idiots" aniya ng lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso nya "If you still want to stay alive till morning better keep your distance from what's mine" nagulat si Callea ng hinila sya ng lalaki palabas ng Red Club. Nawala sya sa sarili at hinayaan nalang itong hilahin sya hanggang sa kotse nito. Napatigil sya bigla kaya napatigil rin ang lalaki unti-unting humarap ito habang nakakakunot ang uno. Napakagwapo nito kahit na nakakunot ang pa ang mga noo. May mahahaba itong pilik mata, matangos na ilong, at mapupulang labi

Agaw pansin rin dito ang bughaw nitong mga mata na animo'y hinihipnostismo ang kung sino man ang tumingin rito

"Maraming salamat nga pala sa patulong mo sakin kanina. Hindi ko Alam ko paano ka pasasalamat pero salamat talaga" Nakangiti nyang sabi habang titig na titig sa mata nito.Tumikhim ang lalaki at nag-iwas na ng tingin

"It's okay, I'm glad to help anyway." sabi nito at bahagyang na kibit balikat. Tumingin ito sa kanya at tsaka ngumiti. Nagulat muna sya pero Agad rin namang ngumiti pabalik

"Kung kailangan mo ng tulong pwede kang lumapit sakin para naman makabawi ako sa pagtulong mo" Agad namang ngumiti si Callea na sinukalian naman ng lalaki ng kakaibang ngiti sa mga labi

"I'll make sure, I will call you for help If I needed"

Hot

Comments

Lot Lot

Lot Lot

perfect story😊

2021-06-14

0

Alona Sumiran Cogal

Alona Sumiran Cogal

nice

2021-03-14

0

Amy Mamintal Minduza

Amy Mamintal Minduza

episode pls romantic kasi

2021-02-21

0

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play