..." YOUR LAST MESSAGE "...
Tapos yung towel ko na bago?
Yung pinunas mo sa blackboard natin?
Sasabihin ko sanang akin yun kaso pinunas mo na sa blackboard eh
Hay naku!
Kung pwede lang nating balikan ang dati hinanap kona si Doraemon para makabalik.
Kaso isa nalang itong alaalang kahit kailan dina mababalikan pero nakatatak sa isipan.
Alam moba?
Dati nangangaral lang ako na sana mapansin mo
Isa lang naman ako sa mga taga hanga mo noon
tapos ngayon nakakasama na kita at ang mas masaya pa doon naging girlfriend kita.
Kaso si Rence ang mahal mo
Pero okay lang yun nakakasama pa naman kita eh haha.
Oo nga pala advance happy birthday babe!
Nasa tamang edad kana ang bilis ng panahon.
Dati grade 8 palang tayo tapos ngayon grade 12 na at magtatapos na.
Kapag wala na ako tapos graduation na suotin mo yung medal ko ah!
Para sayo yun babe!
Atsaka ano naman ang gagawin ko dun?
Masusuot paba yun ng kaluluwa ko? haha
Yung gift ko nagustuhan moba?
Makikita mo na si Jungkook!
Diba idol mo yun?
Dalawang VIP Ticket at dalawang Light Stick yun,
Gusto sana kitang samahan pumunta sa concert nila kaso mawawala na ako.
Kaya siguro yayain mo nalang si Rence. siguro yayain mo nalang si Rence.
Sabihin mo samahan ka niya tapos sisigaw ka ng pangalan nina Jungkook sabay wagay-way ng nag iilaw na Light Stick.
Alam mo nung nakita kitang kahalikan si Rence?
Syempre nasaktan ako, Yung feeling na durog na durog na ako?
Pero kahit lokohin mo man ako ayos lang,
Alala mopa na nung nasa lilim tayo ng punong akasya, Yung tinanong kita kung paano kung kinabukasan kunin na ako ni Lord?
Ano last message mo?diba sabi mo ano bang klaseng tanong yung tinatanong ko at kung bakit ganon ang tanong ko?
Ngayon alam mona ba? naiintindihan mona ba?
Tas kinulit kita at ayun sinagot mo na.
Sabi mo,
' aish! I love you Kiel okay na?huh!atsaka dika kukunin nun ni Lord sobrang bait mo kaya '
Parang nanalo ako sa lotto nun nung sinabi mong
' I love you Kiel ' kasi matagal tagal na nung sinabihan mo ako nun
Kaya kung kukunin na ako ni Lord?
Sapat na yung last message mong ' I love you Kiel '
Kahit dimo naman talaga ako mahal.
Pero basta palagi mong tatandaan,
Mahal mo man ako o hindi?
Hanap-hanapin mo man ako o hindi?
Si Rence man at hindi ako?
Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko.
Bea ikaw lang ang babaeng minahal ko noong una at hanggang huli,
Kahit mawala na ako ikaw at ikaw pa din ang linalaman ng puso ko,
Hanggang sa huli.
I Love You So Much Bea babe ko.
Nagmamahal
... Kiel...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments