"Ang tagal mo kanina pa ako dito" maktol ni Nolan sa akin habang inaabot nito ang librong hawak hawak ko.
Sumimangot ako at nauna nang maglakad papasok sa class room namin
"I didn't asked you to wait for me Lan" maktol ko.
Mabilis itong naglakad upang sabayan ako
"yeah you didn't but tita did" wika niya na nagpataas ng kilay ko.
Kung si Zoreen ay mala santa ang kabaitan, kabaligtaran naman ang sa akin dahil sa may pagkamaldita ako
"then don't wait for me next time.... dami mong alam tas magrereklamo" padabog kong kinuha ang libro sa mga kamay nito mabilis siyang iniwan mula doon..
Naramdaman kong sumunod ito sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa..
Nang mahabol ako nito at sumasabay na sa akin sa paglalakad ay umabot sa pandinig ko ang mga pagbulong bulong nito dahilan upang tumigil ako sa paglalakad at marahas siyang hinarap.
"ahhh ganun maldita ako? " nakapamewang na akong humarap sa kanya..I even raised my brows at him.
Bumuntong hininga ito umiling iling..
"Tara na nga ang aga aga ang init ng ulo mo" seryoso niyang wika at marahang kinuha sa akin pabalik ang mga librong dala ko.
"Ikaw kasi ehhh inumpisahan mo ako" wika ko
Nilingon nalang ako nito at inakbayan sa balikat pagkatapos at iginiya na papasok ng room namin.
Nangunot ang noo ko ng magtama ang mga mata namin ni Justine at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag iigting ng panga nito at ang galit na nakarehistro sa mga mata nito..
Anong problema nun?
Why bother thinking what is his problem anyway? i don't care what was happening to him either.
Blangko ko lang siyang tinitigan at hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon..
Nang marating namin ni Nolan ang aming upuan ay tahimik kami doon na umupo at inilabas ang mga gagamitin para sa pagdating ng aming prof.
"Nagugutom ako" si Nolan
Kunot noo ko siyang nilingon
"Hindi ka nagbreakfast? tanong ko
Umiling ito sa akin
I let out a heavy sigh
I remember i have 2 sandwiches inside my bag so l opened it and took it.
I gave one to Nolan.
Napangiti ito at inabot ang isa..
Umiling iling ako at inumpisahan narin kainin ang isa dahil maging ako ay hindi pa nakakapag almusal dahil sa late kong paggising..
Naging maayos naman ang una at pangalawa naming klase.
"Anong gusto mo? ako nalang magoorder para satin" si Nolan
Andito kami ngayon sa cafeteria ng school dahil breaktime narin..
"Shawarma nalang and orange juice" sagot ko
Habang hinihintay ko si Nolan galing sa pagkuha ng snacks namin ay naisipan kong buksan ang aking instagram..
Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Justine sa notifications ko
Justine Salva followed you
Justine Salva reacted to your post
Ilan lang iyan sa mga bumungad sa akin sa aking notification na nagpataas ng aking kilay dahil lahat ng post ko recently ay pinusuan niya ang mga iyon ..
Napangisi ako di kalaunan nang mapagtanto kong inistalk niya na ako sa social media.
"Anong nginingisi ngisi mo jan?" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Nolan.
Tinitigan niya ako na tila ba may krimen akong ginagawa.. the hell.! But then an idea suddenly came up in my mind.
Ngumiti ako ng malawak sa kanya at lumipat ng upo sa tabi nito at mabilis kong itinutok ang kamera ng aking telepono sa amin..
Nagulat man siya sa aking paglapit ay napangiti din kalaunan nang makitang kukuha lamang ako ng litrato naming dalawa..
Mabilis ko iyon pinost sa aking instagram with a caption of.
"thank you Tart for the treat" with a heart emoticons sa dulo
Bata palang kami ay nakasanayan na namin ang tawagang tart na si Zoreen ang may ideya sa endearment na iyon.
Mabilis iyon pinusuan ni Nolan with a comment "you are welcome tart" ..
Nakasanayan na namin ang pagiging sweet sa isat isa na kailanman ay hindi namin binigyan ng malisya..
Mas naunang naging magkaibigan sina Nolan at Zoreen dahil sa dito nakatira ang aking kambal at ako na tuwing sabado lang nagagawi rito upang kuhanin ang aking weekly allowance.
"I missed her so much" he said out of the sudden.
Marahas akong napalingon sa kanya habang sumisimsim sa aking orange juice.
"so l am tart,,pakiramdam ko ang laki ng nabawas sa pagkatao ko sa pagkawala niya"
malungkot kong wika.
Sa tuwing nababanggit ang tungkol kay Zoreen ay bumabalik ang sakit at pangungulila sa aking dibdib..
Hindi ko napipigilan ang mga luhang kusang namumuo sa aking mga mata sa tuwing napapag usapan namin siya.
Umangat ang mga kamay ni Nolan sa ilalim ng mesa at hinaplos ang kamay kong nakahawak sa bottle ng orange juice..
Suddenly my heart aches again. I miss my twin terribly.
"Kung ano man ang pinaplano mo please lang Bel huwag mo nang ituloy pakiusap,, ayaw kong makitang nasasaktan ka at umiiyak" seryoso nitong wika habang titig na titig sa aking mga mata.
Bumuntong hininga ako at ipinatong ang isa kong kamay sa kamay nitong humahaplos sa aking isang kamay
Bakas ang pag aalala at pagmamahal nito sa akin.
"Don't worry about me Tart coz i can manage my self,,nakakaya ko nga ang sakit sa pagkawala ng kambal ko na ni minsan hindi sumagi sa isipan kong mangyayari ng ganito kabilis" wika ko.
Lumamlam ang mga mata nito sa akin at bumuntong hininga.
"Nawalan na ako ng isa, and i can't bear to lose another one again,,i can't bear to lose you Tart"
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay hindi nalang kaibigan ang turing sa akin ni Nolan ngunit ipinag walang bahala ko na lamang iyon..
Dapat masaya na ako dahil iyon naman ang matagal ko ng pangarap ang mahalin ako ni Nolan ng higit pa sa pagkakaibigan ngunit dahil sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko na iyon maramdaman..
Ayaw kong si Nolan ang maging dahilan upang hindi ko magawa ang plano kong paghihiganti kay Justine Salva..
Mahal ko siya ngunit mas nangingibaw sa akin ngayon ang galit at ang adhikain kong gumanti sa pagkawala ng aking kambal.
Tumikhim ako at marahan kong tinanggal ang mga kamay kong nakahawak kay Nolan
"Hindi ako mawawala sayo Tart,, hindi kita iiwan kahit pa magkapamilya na tayo" wika ko sa himig na may kasamang biro
Tumango tango ito at nag iwas ng tingin
"yeahh hanggang magkaroon na tayo ng sariling pamilya, walang iwanan" wika niya nang sa malayo na nakatingin
Ibinaling ko ang aking tingin sa katabi naming mesa ngunit gayon na lamang aking gulat nang makita roon si Justine na sa tantya ko ay kanina pa kami pinagmamasdan..
Alam kong hindi niya kami naririnig dahil hindi naman ganun kalapit ang distansya ng lamesa nila ng mga kaibigan niya sa amin ngunit ang hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag iigting ng oanga nito habang masama ang tingin sa lalaking katabi kong kumakain..
Mabilis ko ring binawi ang aking paningin doon at tumitig sa lalaking matagal nang isinisigaw ng aking puso't damdamin.
Kahit sinong babae kung makikilala mo ng maigi si Nolan ay tiyak na mahuhulog ang loob kaya nagtaka talaga ako noon kung bakit hindi nahulog ang loob ng aking kambal dito,
Di hamak naman na mas guwapo ito kay Justine at mas matinong lalaki..
Nag igting ang aking panga at nagngit ngit nang biglang pumasok sa isipan ko ang lalaking iyon, hindi mtatawaran ang suklam na nararamdaman ko sa walang hiyang iyon.
"are you done? tara na sa library" agaw pansin ko sa aking katabi na malalim ata ang iniisip dahil hindi man namalayang matagal na akong nakatitig sa gwapo nitong mukha.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 24 Episodes
Comments