...Amber's POV:...
Ng matapos na ang sermon ceremony ni Yanna sakin kanina ay nagsibihis na rin kami kasi yung mga loka-loka hindi pa bumibihis dahil daw hinihintay nila ako.
Heh! Daming alam magbibihis nga lang sila dipahintay-hintay pa silang nalalaman. Ako ba ang magbibihis sa kanila para hintayin nila ako? Jusmiyo! Hays bahala na nga lang kaloka ng tatlo na yun.
Anyway I'm wearing black adidas crap top and a black shorts with white adidas shoes. Tinali ko yung buhok ko into a messy bun and I put some powder on my face then lip tint to my lips para hindi plain yung pagmumukha ko. Ng matapos na ako ay lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na, pagbaba ko nandun na sila Elly at Zia. And as always, si Yanna ang hinihintay na matapos.
Elly was wearing black plain t-shirt and shorts with black shoes. Her hair is a high ponytail style then si Zia was wearing an black t-shirt na may design na alien pero tinali niya yung dulo ng shirt kaya kita yung tiyan niya and a shorts with a white shoes na may design na maliliit na star and her hair ay hindi niya tinali so it was wavy style.
Yung totoo!? Sino ang namatay? Mukhang may lalamayan kaming tatlo sa damit namin eh! Naka black ba naman! Jusko po!!!
After 12345678910 years ay bumaba na din si Yanna kasi akala namin eh nakain na ng kwarto niya. She's wearing a yellow sleeveless crap top at naka palda siya na maong with an black vans shoes. Ang buhok niya ay di rin tinali pero I bet kaya siya natagalan dahil pina straight niya pa ng tudo yung buhok niya at may dala pa siyang sling bag and she's wearing an eyeglasses.
Oh!? Ano? Akala mo gagala kami kung saan para ganyan yung soutin niya. Tsk! Yung totoo!? Sa bar ba kami pupunta o maglalakwatcha!?
"Let's go na?" She asked tumango naman kami at lumabas na sa bahay namin.
Pumunta kami sa garahe kung saan nandun yung kotse namin. Pinapili nila ako ng kotse na sasakyan namin kaya yung puting kotse na lang yung gagamitin namin papunta sa bar kaya nagsipasok na kami dun at nagsimula ang byahe.
At alam niyo ba kung sino ang nagdra-drive? Abah! Syempre walang iba kundi ang nagiisang ako.
And yes!! As in AKO!! Ako talaga A-K-O!!
Oh kita mo ang ganda diba ako na nga yung pumili ng kotse na sasakyan namin tapos yung ending ako pa rin yung magdra-drive.
Mga walang hiya sa katawan!! Sa ganda kong ito!? Magmumukhang driver ng lintek na tatlong babae na ito!? Tsk! Never!!! Over my angelic beauty and coca-cola body!!! Nooooo!!!!!
*******
Ng makarating kami sa parking lot ng Bar ay nagsibaba na kami sa kotse na sinasakyan namin. Nagsimula na kami mag lakad papunta sa entrance ng Bar nakita kami ng mga bantay dun kaya binati nila kami ngumiti na lang kami sa kanila.
At kung eni-expect niyo na bar ay yung may mga party people, party songs, mga lasing, mga lalaki, mga babae, hard drinks, women's drink, banda at iba pa. Meron talaga sa bar na ito but konti lang yung mga lasing at syempre always present yung mga lalaki na sumisipol kung makakakita ng type nilang sisiw este mga chicks at yung mga babae na palaging tumitili sa banda na inaccept ni Zyie.
But bawal dito yung mga feeling maangas, yung nag she-share ng droga mga party pills yung mga bagay na bawal sa lipunan ay bawal dito sa bar. Actually chene-check ng mga tauhan namin ang mga tao na pumapasok dito sa bar, of course para safe yung pangalan ng bar na pinatayo namin 3 years ago.
Ng makapasok kami bumungad samin yung malakas na party song kaya ay straight walk lang kami sa office ni Zyie. Which is office yun namin lima at alam kong nandun siya dahil wala naman siyang ibang pupuntahan dito. Hate niya yung mga babae na 'sobra pa tumili daw kila Mica at Fran' which is true kasi may nadaanan kami kanina na group of girls na sobra nga tumili sa dalawang haliparut na yun.
Malapit na sana kami sa office ng bigla na lang nag vibrate yung phone ko which is nasa bulsa ng shorts ko lang. Huminto ako tsaka kinuha yung phone ko at tinignan ang mga kaibigan ko na huminto rin. Sinenyasan ko sila na mauna na dahil masasayang lang yung laway ko kakasalita kung hindi naman nila ako maririnig kaya tumango na lang sila tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Naglakad ako papunta sa tapat ng restroom kasi dun lang yung part na hindi maingay kaya dun ako gogora.
The heck?!! Gogora? Ano yun? Parang si Dora lang!!?
Ng makarating ako sa tapat ng restroom ay dun ko lang tinignan ang screen ng phone ko para malaman kung sino yung ID caller kumunot ang noo ko ng malaman ko kung sino at na iinis na sinagot ito.
---On Call---
At saan mo naman
nakuha yung number
ko?
Is that the way you say
'Hi' to your older
brother, Am?
Anong older brother?
Duh! FYI Jace your just
five seconds older
than me.
Still I'm older than
you, Amber. So you should
call me Kuya for now
on little sister.
Daming satsat! Sabihin
mo na lang kung saan
mo nakuha?
From Mommy, Am.
Sasabihin mo rin pala
eh. Oh bakit napatawag
ka aber?
Nothing. Trinay ko
lang kung number mo
nga ito.
Ay? Ano akala mo sa
Mommy mo? Nagjo-joke?
Nag e-echos echos
lang? Gagi lang ganun?
Bakit ba ang
sungit-sungit mo?
Napaka straight
forward pa.
Bakit din ba napaka
chismoso mo Jace?
Ewan ko din eh.
By the way na saan
ka ngayon?
Pake mo!
Ito naman ang sungit.
Nagtatanong nga lang
ako eh, na saan ka ba?
Reporter ka ba? Kanina
kapa tanong ng tanong eh.
Hindi ba nauubos yang
laway mo kakadaldal?
Tsaka pakialam mo kung
masungit ako?
Tsk! Sungit nito
susumbong kita kay
Tito.
Edi isumbong mo, gusto
mo pang samahan kita?
Para kang timang na bata.
Ah.. Para akong
timang na bata?
Eh ano naman tawag
sayo?
Oo timang ka na bata.
At syempre ako ay isang
magandang dyosa duh!
Ah.. Dyosa? Dyosa ng
mga timang. Pfftt..
Lintek! Wala kang
kwentang kausap!!
---End of Call---
Inis kong pinatay yung tawag at pumasok sa girls restroom. At kung tatanongin niyo kung saan ko nakuha yung number ni Jace ay nakuha ko lang din yun kay Tita. Pumunta ako sa harap ng isang lababo at tinignan yung mukha ko sa salamin. Hinawakan ko pa yung magkabilang pisngi ko para icheck kung mukha ba talaga akong dyosa ng mga timang tulad ng sinabi ni Jace kanina.
Duh!! Sa mukha ko na ito mukhang dyosa ng mga timang? Tss g*go yun ah! Mapapatay ko talaga yun kung magkita kami.
Ng napagtantuhan ko na hindi na ako mukhang timang ay naghugas na ako ng kamay tsaka lumabas ng restroom. Naglakad lang ako hanggang sa nakarating ako sa mga taong nagsasayawan sa dance floor dito sa bar.
I was about to walk again ng may tumulak sakin kaya may na apakan ako isa sa mga paa dito sa dance floor dahil dun napatingin ako sa naapakan ko. Gwapo ito pero mukhang masungit at hindi friendly type tinaasan ko lang siya ng kilay at aalis na sana ng hawakan niya yung braso ko at hinila pabalik sa tinatatayo an ko kanina. Which is sa harap niya mismo, sa harap ni Mr. Sungit mismo. Tsk!
"Wala ka bang sasabihin?" Medyong iritadong tanong niya sakin.
Inirapan ko lang siya kasi ayaw kong magsayang ng laway hindi dahil sa hindi niya maririnig medyo humina kasi yung music kaya narinig ko yung tanong niya pero dahil sa hindi pa ako umiinom ng kahit ano dito na inumin kaya parang feel ko na naubos yung laway ko kanina kakatanong slash kakasagot slash pagsusungit kay Jace.
"Naputol ba yang dila mo? Di ka dyan makapagsalita eh!" Saad niya ulit. Inirapan ko siya ulit kaya medyo nainis siya.
Patuloy lang siya kakadaldal dito sa harapan ko binagsasabihan ng kung ano at ako naman ay irap lang ng irap ang nalalaman kasi ayaw kong magsayang ng laway sa lalaking ito. Minsan nga umaalis ako dun para pumunta na kila Zyie pero ito naman ayaw magpaawat kaya kung makikita niya akong aalis ay hahawakan niya yung braso ko at babalik ulit sa kinatatayo an ko at itutuloy niya ulit yung ceremony na ginawa niya.
Hanggang sa naiirita na talaga ako kasi gustong-gusto ko na uminom pero yung lintek na lalaki na ito ay sagabal sa mga kinikilos ko.
"Alam mo wala kang kwentang kausap kanina pa ako daldal ng daldal dito." Inis na saad nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Sino ba nagsabi sayo na dumaldal ka dyan? Bobo lang?" Mataray kong sabi para mas lalong mainis ang lalaki na ito.
"Aba't ikaw na nga iton---" Hindi ko na siya pinatapos dahil sa nagmamadali ako kasi feeling ko sobrang dry na yung lalamunan ko kasi kanina pa ako tahimik.
"Fyi may tumulak sakin kaya hindi ko kasalanan na nandyan ka at naapakan ko yung paa mo." Bored ko saad bago ko siyang inirapan ulit.
Okay sa isang araw ilang ulit na akong umirap sa iba't-ibang tao.
"So ano gusto mong palabasin? Na kasalanan ko ganun?" Makikita mo sa mata niya yung pagkairita so let's just say that the feeling is mutual.
Nilapit ko yung mukha ko sa kanya kaya medyo nagulat ito sa ginawa. Halos isang metro lang ang layo ng mga labi namin sa isa't-isa. Ngumiti ako ng matamis sa kanya bago magsalita.
"Pwede naman, pwede din na kasalanan niyo ng tumulak sakin. Oh! Diba pwedeng both, perfect combination!" Ang nakangiti kong mukha ay napalitan ng isang ngisi.
Lumayo na ako sa kanya at akmang aalis na sana ulit ng hinawakan niya ng mahigpit yung pulsuhan ko kaya medyo nakaramdam ako ng sakit. Pilit ko itong kinukuha sa kanya pero ayaw talaga ang tigas ng ulo kasing tigas ng bato. Tinignan ko siya ng masama kahit ito ay mukhang relax lang. Wala akong ibang maisip na paraan na pwedeng gawin kundi isa lang.
Kaya hindi na ako ng dalawang isip pa na hawakan yung kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko at walang alinlangan na kinagat ito kaya nabitawan niya yung kamay ko.
"Sh*t!" Mura niya at namilipit ito sa sakit ng kinagat ko.
Kaya dali-dali akong umalis dun baka kasi nagtunganga pa ako dun ay mahuli ulit ako. Hanggang sa nakarating ako sa office ni Zyie at halos mabasag yung eardrum at ulo ko kakasermon at kakabatok ni Yanna. Hindi ko na lang sinabi sa kanila yung nangyari sa lintek na lalaki na yun kaya nung tapos na yung sermon ni Yanna ay pinakilala kami ni Zyie sa apat na babae'ng banda dw na kung tatangapin namin ito.
********
Zianna's POV:
Nasa office kami ngayon ni Zyie at kakarating lang ni Amber kaya nakatangap ulit ng sermon with matching batok kay Yanna. Ng natapos na yun ay pinakilala kami ni Zyie sa apat na mga babae'ng banda dw.
Tsk! Eh ano? May masasabi ba akong isang malaking sana all dyan aber!? Kaloka!!
"Zyea this is the Four A's band. Girls this is the Zyea." He said as his index finger is pointing to our band and to the other one.
"Hello po" Magalang na sabi ng babae'ng may salamin.
"I'm Alijah Montemayor " Pakilala niya sabay ngiti.
"Ako naman po si Angel Everdeen" Sabi nung naka brown na kulay ng buhok.
"I'm Andrea Niazon po" Saad nong maputi at makinis na babae.
"I'm Audrey Arellano " Sabat naman ng matangad na babae pero yung tama lang yung tangkad.
Nasabi ko lang na matangkad siya kasi, siya yung matangkad sa kanilang apat. So wag kang kumontra!!
"And we are the Four A's band" Sabay na sabi nilang apat. Ngumiti naman kami sa kanila para hindi mahalata sa mukha namin na hindi namin sila bet.
Eh paano ba yan!? Sino ang tatangap na tao sa mga babae na ito!? Sa mga pananamit pa lang ay halata nasa kanila ang pagka malandi nito except sa naka salamin na babae na pangalan ay Alijah ba yun? Ah! Ewan basta latter A yung first name niya!
"I'm Zia" Sabi ko sabay ngiti din pero yung fake lang ulit ha.
"I'm Yanna" Saad din ni Yanna sabay fake smile.
"Hello, I'm Elly dear" Ani Elly nguti ito tsaka palihim na umirap sa mga ito.
"And I'm Amber" Sabat ni Amber ni hindi man lang ito ngumiti sa kanila.
Tsk! Ano pa ba ang eni-expect namin? Nag mamaldita na naman yan kasi nakatangap ng sermon kay Yanna.
Nagsimula na kaming magusap-usap tungkol sa banda nila at sa mga relatives nila. Nalaman pa namin na si Andrea ay bunso'ng kapatid pala ni Fran pero magkaiba sila ng ugali. Akala namin katulad din ito ng Ate niya na maarte at mataray pero akala lang namin yun, kasi mabait ito at walang arte sa mga pinaggagawa niya.
"Can you show us how you guys perform? I just want to hear." Walang gana sabi Amber. Bad trip pa atah hanggang ngayon? Ah! Ewan ko!!
"Pwede po. Ah! Saan po kami tutugtug?" Tanong ni Alijah sabay ngiti.
Tinuro ni Amber ang mini stage sa office gamit ng nguso niya kaya tumingin naman sila dun at ngumiti ng matamis sabay tumango.
Nagre-ready pa lang sila ng bigla na lang mag ring yung phone ni Amber. Actually kanina pa yan tumatawag at kung sino man yan ang tumatawag ay hindi talaga nauubosan ng load. Abah! Yaman natin huh!!
Kinuha niya ito tsaka sinagot naka simangot ito at parang walang pakialam sa mundo ang g*ga.
"What!?" Iritang tanong niya sa kabilang linya.
"Wala kang pakialam! Timang na bata!!" Sigaw niya tsaka pinatay yung tawag at pinatong sa table yung phone niya.
Para akong baliw dito kakapigil ng tawa sa huling sinabi niya sa caller na yun. Takte napakasama talaga ng ugali ng babae'ng 'to. Napansin niya siguro na nagpipigil ako dito kaya napatingin ito sakin at binigyan ako ng pinaka masamang tingin na nagawa niya sa buong planet earth.
Napatigil naman ako baka kasi ako naman ang masigawan nito patay talaga tayo dito. Ng matapos na mag ready yung Four A's ay nag start na silang mag perform sa harap namin lima. At Y to the E to the S, lima kami kasi kasama na dun si Zyie. Kinanta nila yung Hindi na nga by This Band.
*******
Umuwi na yung Four A's na hindi'ng luhaan dahil binigyan namin sila ng chance na maka pasok pero hindi dito sa Bar namin kundi sa Lee's Bar, Kuya Klent owns that bar so surely he will accept them with the help of Yanna because that's her brother.
Actually they are so good to their performance earlier but as I said they still have a chance to perform on the stage. Nandito pa rin kami sa bar in fact wala na kami sa lood ng office nasa party people na kami ngayon. Nagiinoman kaming lima dito ng bigla akong nakaramdam na parang iihi ako anytime.
Kaya bumulong ako kay Zyie na mag c-cr muna ako at pumayag naman siya kaya dali-dali akong maglakad papunta sa restroom ng mga babae. Ng makarating ako dun ay agad naman ako pumasok isa sa mga cubicle at nag selfie.
Charot lang ano ba ang ginagawa sa loob ng cubicle? Syempre para umihi alangan naman para mag picture-picture ako dun o di kaya inumin yung tubig sa toilet.
🐦.........🐦.........🐦.........🐦.........🐦
Napangiwi naman ako ng ma realize ko yung iniisip ko kani-kanina lang.
Eww... Kadiri ka talaga Zia!
Ng matapos na akong umihi ay flinush ko agad yung toilet tsaka lumabas sa cubicle. Kaso wrong timing kasi pagkalabas ko ay may nakita akong lalaki at hindi lang yun his very familiar base sa kanyang katawan.
Napatingin naman ito sakin kaya mas nakilala ko ito and I swear gusto ko na siyang patayin dahil sa ginawa niya sa summer outfit na bet ko at ngayon naman na pumasok sa loob ng girls restroom.
Wait a second..... girls restroom!! Sa loob ng girls restroom!? GIRLS RESTROOM!!!!????
Nanlaki yung mga mata ko dahil sa ngayon ko lang na realize na nasa loob siya ng girls restroom.
"HELP!!! TULONGAN NIYO P---!" Di ko pa napatapos yung sisigaw ko ng takpan nito yung bunganga ko at nanlaki din yung mga mata niya sa gulat.
"The hell? Wag ka nga sumigaw." Masungit nitong sabi ng makabawi ito sa gulat.
Tinangal ko yung kamay niya sa bunganga ko at sumigaw ulit.
"HELP!!! SOMEONE HELP ME PLEASEE!!!" Malakas kong sigaw.
At ito naman si lalaki sa sobrang taranta ay tinulak ako sa may pader kaya medyo napa aray ako dun. Masama ko siya tinignan at sisigaw na sana ng magsalita siya.
"Isang sigaw mo pa hahalikan na talaga kita." Banta nito sakin at ngumisi dahil sa kapilyohan na idea niya.
Huh! Asa ka! Eh kung ei lagyan kaya kita ng make up!? Yung pang 2 months na make up yung tipong matagal mabura dahil sa kamao ko!?
Ngumisi ako sa sinabi niya yun "Asa ka! Kasi yang style mo bulok na yan! Kaya wag na wag mo ak---!" Di ko pa napapatapos yung sasabihin ko ng bigla niya akong halikan. Pero mabilis lang yun mga kasing bilis ni flash.
But wait.... Did... He... Did he... Did he....
Loading......
30%......
50%......
80%......
Error......
20%.....
50%.....
70%.....
90%......
100%......
Completed......
O my gulaaayyyyy!!! He kissed my innocent lips!! What the heckkk!!!
Ng ma realize ko na yun ay nakita ko pang maka ngisi itong lalaki na ito sa harapan ko. I was about to slap him pero nahawakan niya yung kamay ko para pigilan ako sa pagsampal sa kanya.
"I already warned ya, Babe." Naka ngisi nitong sabi sakin.
While me? Nothing at all my dear readers! Hello I'm speechless here! Hindi pa rin ako makapaniwala na nakuha niya yung first kiss ko na ganun-ganun na lang.
Naglakad ito papunta sa pinto at pinihit yung door knob dahilan para ma buksan ito. Lumingon ito sakin tsaka ito ngumiti ng katamis-tamis yung hindi fake yung ngiting tulad na pinapakita niya sa kapatid niya.
"Nice lips you have babe. Oh! By the way, I'm Nathan." Huling sabi niya bago lisanin yung girls restroom. And that's not all because I'm still in the state of shock and I'm still speechless!!
**
AmRex is for Amber & Drex then ZiaThan is for Zianna & Nathan.
Please don't forget to vote and comment readers.
Kim Jisoo as Kelly Flare Young♡
To be Continued..........
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments