Chapter 2

Railey POV

"Class dismissed." sabi ni Sir Fuentes bago lisanin ang silid.Pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad na napatingin sa gawi ko ang mga kasama ko sa loob ng silid.

Nagsitayuan sila at lumapit sa gawi ko. Ngayon pinalilibutan nila ako. Nakayuko lamang ako ng may isang sapatos ang nakapatong sa arm rest ko, nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Gwapo, Sungit, maputi at mukhang makulit. Tinignan ko lamang s'ya sa malamig na paraan,nakipagtitigan s'ya sa akin hanggang s'ya ang unang nag-iwas ng tingin.

"Hoy! Transfer umalis kana dito dahil hindi ka welcome dito." sabi nung lalaki na nakapatong ang paa sa arm rest ko.

"Alam ko." sabi ko sa malamig na tono. "Tingin n'yo pangalang ay halatang hindi na ako welcome dito." dagdag ko pa.

"Eh, alam mo naman pala eh." sabi n'ya. Ang iba naman ay nakikinig lang sa amin.

"Kaya makakaalis kana."

"Bakit hindi ikaw ang umalis."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Ano ba ang pagkakaintindi mo?"

"Inuutusan mo 'ko."

"Eh di inuutusan kita, 'yan pala pagkakaintindi mo eh." sabi ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mga kasama n'ya.

"Ginagalit mo ba ako?!" Impit n'yang sigaw.

"Galit kana ba?"

"Ano sa tingin mo?!"

"Hindi pa." nagbungisngisan uli yung mga kasama n'ya.

"Pare, taob ka pala eh." sabi nung isa sabay tawa. Tumawa rin ang iba.

Nakita ko naman na umiigting ang panga nitong kausap ko.

"Shut up!" sigaw nung kausap ko. Natigil naman ang tawanan pero mayroong mga nakatakip sa bibig nila at nagpipigil tumawa.

"Dahil sa pang-iinsulto mo sa akin-" hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng magsalita ako.

"Dahil sa pang-iinsulto ko sa 'yo ay paglilinisin mo 'ko ng class room sa loob ng isang linggo, right?" Napaawang naman ang bibig n'ya pero agad din n'ya iyong binawi.

"Yes. Because you're new student and for insulting me!" sigaw n'ya sa 'kin pero walang effect.

"Are you done shouting at me?" natahimik naman n'ya. "Because I need to go." sabi ko. Inalis n'ya ang paa n'ya sa arm rest ko at lumabas, sumunod din 'yung mga kasama n'ya hanggang sa ako nalang mag-isa sa room. Great!

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago lumabas para maglunch time. Nasa ground floor na ako at nagtatanong kung nasaan ang cafeteria.

"May I asked you? Where's the cafeteria?" Tanong ko dun sa babaeng mukhang mas bata pa sa akin. Sinabi naman niya sa akin kung nasaan kaya agad akong nagpasalamat.

(CAFETERIA)

Nandito na ako ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch, syempre mag-isa lamang ako dito kasi wala pa naman akong kaibigan. Habang kumakain akoay may nakita akong naglapag ng tray sa harapan ko at umupo sa harapan ko, pagtingin ko isang babaeng maganda ang sexy n'ya sa uniform n'ya at may magandang ngiti.

"Pwede pa share?" Tanong n'ya sa 'kin habang may malawak na ngiti.

Tumango lamang ako. "My name is Lauree Smith." sabay lahad ng kamay.

"Hareit Railey Ward." sabay abot ng kamay ko sa kan'ya at nagshakehands kami. Blangko lamang ang mukha ko habang s'ya ay ngiting-ngiti.

"New student right?" Tumango lamang ako. "Me too." Parang batang sabin'ya. "Can we be friends?"

"Why not?" iba na ang tono ng boses ko hindi na s'ya malamig, normal na lamang iyon.

"Teka? Bakit hindi ka pa naka uniform?" Sabay turo n'ya sa damit ko..

"Ang iksi." sabi ko.

"Oo nga eh. Pero masasanay ka rin."nag-umpisa na rin s'yang kumain at ako rin.Base sa inaakto n'ya mukha s'yang omasiyahin. Mukha rin s'yang madaldal.

"What's your section? "She asked.

"Section Eight."

"E-Eight?" Parang gulat n'yang tanong ay hindi pala gulat n'yang tanong.

"Omoooo." bigla s'yang namula. Anyare dito?

"Bak-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang nagsigawan,napatingin naman kami doon.

"Papa Blake!"

"Ronny!"

"Nathan ang cute moooo "

"Kylee ang hot moo"

"Mas hot si papa blake!"

Napailing na lamang ako sa mga sumisigaw at ipinagpatuloy ang pagkain.Tumingin naman ako ngayon kay Heaven na ngayon ay lalong namula ang mukha. Anyare dito?

"Bakit ka namumula?" Tanong ko, tumingin naman s'ya sa akin at tsaka ngumiti ng malaki.

"Yung isa kasi sa mga kaklase mo crush ko." sabay iwas ng tingin sa 'kin atnamula uli s'ya. "Ihhhhhhh! Kilig ako." sabi n'ya habang kinikilig. Parang timang eh.

"Eh, 'di ba kalilipat mo lang dito, eh bakit may gusto kana kaagad?"

"Eh, kasi na love at first sight ako hihihi." sabay hagikhik. "Hoy! Secret lang nating dalawa 'to, ha?"

"Paano ko naman sasabihin sa kan'ya eh, lahat sila pinaaalis ako sa section Eight."

"Huh? Bakit?" Nag-aalalang tanong n'ya.

"Hindi ko alam." sabay tingin sa likuran ni lauree kung saan nakaupo lahat ng Section Eight na lalaki, pagtingin ko ay nakatingin silang lahat sa 'kin.Kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Andami ngang naiinggit sa 'yo eh, kasi The Only Girl of Section Eight ka eh" sabay pout. Haha ang cute n'ya.

"Sino bang crush mo dun?" Namula na naman s'ya. Ang dali naman kiligin nitong babaeng 'to.

"Si Ronny." naging kamatis na ang mukha n'ya dahil sa sobrang pula. Gan'yan ba talaga kapag may gusto kang tao. Tsk... tsk... tsk.. Buti na lang wala akong nagugustuhan. Haha.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play