Prinsess Of Section Eight

Prinsess Of Section Eight

Chapter 1

Railey POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa may corridor dahil kanina ko pa hinahanap ang class room na papasukan ko. Bawat class room na dinadaanan ko ay laging napapatigil ang klase ng mga lecturer dahil napapatingin sila sa gawi ko.

Nasaan na ba 'yon? Kanina pa 'ko paikot-ikot eh! Sigurado ako na late ako ng ilang subject. Si mommy kasi, gusto ng malaking school para sa 'kin.

Bakit ba kasi walang school map ang school nito? Ang laki-laki eh ! Yaman yaman! Wala namang school map! Bwiset!

Nakadating ako sa Third floor ng building 10 ang sabi ng napagtanungan ko ay diretsuhin ko daw yung floor na iyun hanggang sa makarating ako sa dulo, kapag daw nakarinig ako ng mga nagsisigawan at nakasaradong pintoay iyun na daw yung room na papasukan ko.

Bahagya pa s'yang nagulat nung sinabi ko yung section ko pero agad din s'yang nakarecover.

Nandito na ako ngayon sa seventh floor at patungo sa pinakadulong parte ng building.Malayo palang ako ay nakarinig na ako ng nagsisigawan, mukhang tama nga iyung napagtanungan ko. Tsk! Tsk!

Todo lakad lamang ako hanggang sa makarating ako sa harap ng pintuan.

* Tok Tok Tok

Katok ko. Nakakailang katok ako ay wala paring nagbubukas ng pinto. Mga bingi yata tao dito eh!

Bukas na bukas bibilihan ko sila ng cotton buds, para makapaglinis ng tenga.Nakakairita kanina pa ako katok ng katok pero walang nagtatangkang magbukas.Bubuksan ko na sana ito ng may biglang nagbukas nito.

Agad kong nakita ang gwapo niyang mukha, magandang ngiti, matangos na ilong at mukhang siya ang prof sa section na ito. Nakasiwang lamang angpinto kaya hindi ko makita ang loob.

"Good morning sir, i'm the new student." seryoso kong sabi. Agad namang nawala ang ngiti nya. Napalitan iyon ng kunot na noo at pagtataka.

"Ikaw ang bagong student?" Hindi makapaniwalang tanong ng guro.

Tumango lamang ako. "Sigurado ka?"

"00." nauubos na ang pasensya ko kaya ganto ako sumagot.

"Pasensya na kung nahuli ako dahil hinahanap ko pa ang building at room na 'to." dagdag ko pa. Tumango lamang ako guro.

Hindi ba niya ako papapasukin? Nangangalay na ako dito. Kanina pa.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong ko.Ipinagtaka ko pa kung bakit kanina n'ya pa ako hindi pinapapasok. At mas lalo akong nagtaka ng tuluyan na s'yang lumabas ng silid at isinarado ang pinto.

Huminga muna sya ng malalim bago magwika.

"Let's go to the Principal's office." what the heck! Kagagaling ko lang doon tapos babalik na naman ako doon. Pagod na ako at nangangawit na ang mga paa ko kalalakad tapos

Principal Office!

Wala na akong nagawa ng naunang na s'yang naglakad. Kahit naiinis ako ay sumunod na ako sa kaniya. Nakakainis!Nakakayamot! Hindi ako kumain ng umagahan para sa pesteng school na 'to!

(Principal's Office)

"What can I do for you Mr.Fuentes?" bungad sa amin ng principal pagpasok namin.

"Madame Principal are you sure na sa Section ko siya maglalagi?" Tanong ni Mr.Fuentes.

"Yes." nakangiting sagot ni Madame Principal.

"But Madame, girl is not allowed to my section." protesta ni Mr.Fuentes.

Ano daw girl is not allowed to my section? So ang ibig sabihin ay sa section ni Mr. Fuentes ay walang estudyante na babae. Kaya pala kanina wala akong madinig na boses ng babae.

"That's my final answer." bigla namang naging seryoso ang boses ni

Madame Principal. "You may go." sabi pa nito.Walang sabi sabi ay umalis si Mr.Fuentes,tumango muna ako kay Madame Principal bago lisanin ang silid. Feeling Korean.Lakad takbo ko s'yang sinundan, paano ba naman kasi ang laki ng hakbang n'ya. Tapos ang bilis pa n'yang maglakad. Kaazar.

(Classroom)

"Class you may have a new class mate." sabi ni Mr.Fuentes pagdating

namin dito sa class room. Nasa harapan ako ngayon at nakatayo ng tuwid habang nakayuko. Paano ba

naman yung mga lalaki ang talim ng tingin sa 'kin. Siguro kung nakakasugat ang titig malamang patay na ako.

"Introduce your self infront of your class mates." sabi ni Mr.Fuentes.

Iniangat ko ang ulo ko at nasalubong ko na naman ang masasama nilang

tingin Inayos ko muna ang salamin ko bago ako magsalita.

"My name is Hareit Railey Ward." sabi ko sa malamig na tono. Nagulat sila sa lamig ng boses ko pero agad din nila iyong binawi at mas tumalim ang titig nila.Sa lahat ng nandito ay dalawang tao lamang ang nakakuha ng atensyon ko.'Yung isa sa pinaka dulo sa kaliwa dahil walang emosyon s'yang nakatingin sa akin. Habang ang isa naman ay kalapit na may seryosong mukha pero ang mata n'ya ay kakikitaan mo ng awa.

Bakit gan'yan s'ya makatingin? Bakit ang lungkot ng mata n'ya, para!ng may gustong ipahiwatig ang mga mata n'ya.Agad na nawala ang atensyon ko dun sa lalaking malungkot ang mga mata dahil nagsalita Si Mr.Fuentes.

"Nice meeting you Ms.Ward let me introduce my self." sabi ni Mr.Fuentes habang nakangiti.

"I'm Tyler Fuentes your adviser." sabay lahad ng kamay, tinanggap ko naman iyon at nakipagshake hands sa kaniya." Now you may take you seat." sabay bitaw ng kamay ko. Nagsimula na akong maglakad papuntang upuan ko sa pinaka dulo dahil iyon lang ang bakante. Hindi mawala ang paningin nila sa akin hanggang sa maupo ako.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play