EP2

' FILIPINO LANGUAGE '

*Simula nang iwan ako ni papa sa bahay ni lola , at mula nang mamatay si lola hindi niya na ako nagawang puntahan pa , kaya tanging sa sarili ko nalang ako umaasa*

*Kahit na malaki ang galit ko sa papa ko marami parin akong gustong malaman sa kaniya , at maraming bagay akong gustong sabihin sa kaniya at mga bagay na gusto kong itanong sa kaniya , kaya paminsan minsan ginugusto ko na hanapin siya*

*Habang nakahinto ang mga sasakyan , Hindi ko inaasahan na makikita ko si papa ang sakay ng isang cotse , nang makita ko siya bigla nalang yung red light naging green light , at lahat ng sasakyan ay umandar na pero kahit ganun , Hinabol ko yung sasakyan kasabay ang pag sigaw ng ' Papa ' Hindi ako tumigil kakahabol sa papa ko , hangang sa pumatak ang malakas na ulan at unti unti narin akong nababasa sa ulan pero akin paring pinag patuloy ang pagtakbo para mahabol ko si papa*

*nang palaliko na yung sasakyan hindi ko napansin na may motor na paparating at dahil din sa palakas ng ulan napupunta yung mga bawat patak ng ulan sa mata ko ,

patuloy ko hinabol si papa at kasabay din ang pag sigaw ko at ang pag sabi "Papa!! Papa!! Papa!! " na halos wala akong tigil na isagaw ng malakas na Papa dahil baka sakali lang na marinig niya ako ,

Pero siguro nga hindi pa ito yung tamang oras para makita ko si papa , biglang may motor ang dumaan at nabangga ako ng motor at tumalsik ako at gumulong sa daan , at yung motor at yung nakasakay dun sa motor na lalaki napahiga din siya pero agad siya tumayo at nilapitan ako*

"Miss gising , miss ..."

"Pa-pa w-ag mo akong iwan"

*nang masabi ko yun , hindi ko na nagawang mag salita pa at sa lakas ng pagka bangga sakin ni halos hindi ko na maigalaw yung katawan ko , wala akong nagawa kundi ang tumingin sa sasakyan ni papa na papalayo mula sakin , kasabay ang pag tulo ng luha ko sa mata ang siyang dahan dahan na pagpikit ng mga mata ko kasabay din ang patak ng malakas na ulan*

"Miss gising , wag mo ipipikit yung mga mata mo"

*ni halos hindi ko na alam ang gagawin ko kaya agad ko siya sinampa sa likod ko at tumakbo papuntang hospital*

*HOSPITAL*

"Tulong ! tulungan niyo kami!!"

*sigaw ko ng malakas dahil sobrang dami nang dugo ang nawawala sa babaeng nasagasaan ko*

"Doc iligtas niyo siya pakiusap"

*nanginginig ako habang nag sasalita*

"Sir dito nalang muna kayo mag hintay",nurse

*Ito unang pagkakataon na may isang taong nakiusap para iligtas ako*

* Few hours later *

"e'm Doc , ka-kamusta siya ? maayos naba yung lagay niya?"

"Pamilya ka ba niya?",Doc

"ah.. * ni hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko* , ahm ka-kaibigan niya ako"

"sa ngayon hindi pa ganun kaayos ang kalagayan niya , may mga ilang test pa ang gagawin sa kaniya , at sa lakas ng pagtama ng ulo niya sa sahig kaya kinailangan pa na mas tignan siya ng maigi",Doctor

"Doc gawin niyo ang lahat para iligtas siya , pakiusap "

"Gagawin namin ang makakaya namin",Doctor

*Room*

"Wala ba siyang cellphone o kahit anong ID , pano kaya malalaman kung sino yung pamilya niya , sigurado ako na nag aalala na sayo yung pamilya mo"

*At ito ang naging dahilan nang aming pagkikita*

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play