Unexpected

Cally Pov

simula nong nangyari kahapon ay wala na akong kibo. Hindi ko kasi inasahan na siya yong dadating, maraming tao dito sa buong mundo bakit siya pa? bakit?

" oyyy Cally, kahapon ka pa ahhh... hindi mo ba nagustuhan na andito na yong long time crush mo.. Cally, soo kung andito na siya, babalik na rin siya sa church?" saad ni Cathy

" Hindi ko alam, siguro"

" Susss magaganahan ka na naman magturo sa mga bata niuan hahhaha"

"Tumahimik ka nga. tapos na yon okay, wala na"

" Sure?, Promise"

Sinamaan ko lang siya ng tingin

" Cally alam mo hindi ako naniwala na wala na, kahapon nga natulala ka pag dating niya. Alam kong siya pa rin ang laman nito at nito" sabay turo sa isip at dibdib ko.

" Alam kong siya pa rin yong ipinagdadasal mo kay Lord, alam kong siya pa rin yong nagpapabigay ng kulay ng mundo mo. Lalo na ngayon dahil alam mo namn na hindi ka gusto ng parents at family mo. Alam kong sa huli siya lang ang magpapasaya sayo. pero hindi ibigsabihin ay pumasok kana sa relasyon na yan, hintayin mo lang ang tamang panahon na ibibigay ni Lord sayo."

" Alam ko namn yon Cathy, kaya maraming salamat na andito ka sa tabi ko. Siguro kung wala ka? hindi ko alam kong ano ang gagawin ko noon hanggang ngayon. Kaya maraming salamat" sinsiridad na sabi ko.

napapaisip ako sa sinabi ni Cathy marahil tama siya, at alam ko namn na talagang tama siya pero yon nga lang alam kong wala akong pag asa sa kaniya. Siguro stalker ako kasi sinundan ko siya kahapon at dahil dun napatunayan kung hindi ako ang gusto niya kundi ang best friend ko na si Cathy. kaya pala nagpapakita siya noon ng motibo subalit iba nag gusto ni cathy, alam mo yung sakit na parang ayaw mo ng mabuhay pero kahit na ganon sinasabi ko na lamang sa sarili ko na, marami pang iba na handang mahalin ako pero kahit na ganoon alam kung siya pa rin ang hanap nito. hayyyy bakit ba ako nag eemote.. kung masasabi niyo ngayon sa akin ay oa, siguro oa nga ako ehh first time kung umibig ng ganito ka tagal ehhh hindi ko naman inaasahan na tatagal ng tatagal pa ito. sa mga nakakaranas ng katulad ko Cheer up lang tayo, laban lang tayo hehehhe.. alam kung dadating rin yung para sa atin, hindi pa siguro ngayon.

Jethro Pov

Bagong bansa, bagong buhay.... sa wakas nakarating rin dito, excited na akoang makita sila pastor and mga ka churchmate lalo na siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa mahabang panahon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko, hanggang ngayon torete pa rin ako.. tskkk.. Masaya ako kahapon hanggang ngayon.... syempre sa hindi inaasahan nakita ko siya at the same time alam kung sinusundan niya ako kahapon kaya nagpanggap ako na hindi ko nakita at laging bukambibig ko yung best friend niya. Hindi ko alam kung gusto niya ko pero marami ang nagsasabi sa akin na maraming nanliligaw sa kaniya pero basted.. alam mo yong feeling na parang masasabi mong may pag asa pa, alam mong makukuha mo siya one day pero at the same time natatakot baka mahuli ka. Mahuli ka yung manligaw ka pa lang sa kaniya pero may boyfriend na pala siya. alam kung sasabihin niyo sa akin ngayon na umamin nko pero hindi ko pa talaga kaya. siguro after graduate, dito na rin namn ako mag aaral so mababantayan ko siya.. siguro ang magagawako sa ngayon ay makikipag kaibigan sa kaniya kahit na alam kong malaking risk ito.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play