You Are Mine! ( Love Or Hate )
Way Back in Kira and Theo's wedding day.
RECEPTION
Kanina pa naka tingin si Tyrone sa babaeng kasama ni Kira.
"What are you looking at?" nag tatakang tanong ni Nash sa matalik na kaibigan niya.
"What are you talking about?" kunwari hindi niya alam ang tinutukoy nito.
"You keep staring in your sister in-law best friend. Right?"
" What? No! " Aniya na natawa kunwari sa tanong nito.
Dahil tama ito,curious lang siya bakit hindi niya ito nakikita dati. Kung nakita man,hindi niya ito matandaan.Pero parang familiar ang mukha nito.
Samantala si Juna kanina pa tawa ng tawa sa reaction ni Aldrin. Daig pa ang natalo sa sugal ang mukha nito.
Hindi niya alam kung alam kung sadyang manhid ang kaibigan o masyado lang talaga in love to sa asawa nito ngayon. Kaya hindi nito napansin na my pag tingin si Aldrin dito.
"Come on cheer up." Aniya saka hinila ito sa gitna para sumayaw.
"Ayoko." tanggi nito na naka kunot ang noo.
"Sige na. Wala ako dito masayadong kilala Kayo Lng ni Kira kilala ko dito." Aniya.
Saglit siya nito tiningnan saka nag buntong hininga.
" Sige na,basta please lang ayosin mo.Walq tayo sa barangay na sayawan---"
" Bakit? Tama lang naman ang sayaw ko ah." putol niya sa sinasabi nito.
Lalo lang kumunot ang noo nito sa sinabi niya.
Alam niyang badtrip na ito at my tama ng ng alcohol kaya sinusubukan niyang ma lighten ang mood ito.
" Juna! " **mariing tawag nito sa kanya.
Ng mapansin na seryoso ito,umayos na siya.
Dumaan pa ang ilang oras at halatang my tama na si Aldrin. Kung anu anu na pinag sasabi nito. Nag aya na din na uminom sila sa bar.
Kinabukasan masakit ang ulo ng magising si Juna.
Kaagad siyang napatingin sa oras.
Napa balikwas pa siya mg makitang mag aalas 8 na ng umaga. Kaagad siyang bumangon at dali dali naligo at nag bihis.
" Oh no. My importanteng meeting ngayon si boss at kailangan bago siya dumating sa opisina naka ready na ang lahat." Aniya habang nag bibihis.
Matapus mag bihis kaagad siyang nag byahe papunta sa opisina. At dahil alam niyang hindi na niya makikita si Kira tenext na lang niya ito.
Pag dating sa opisina nakatingin sa kanya qng ibang empleyado.
" Anu kaya tinitingin na sa akin." aniya sa isipan.
Pag dating sa table niya,ganun na lang ang hiya ng makita ang laki ng eyebag niya. Hindi na niya napag tuunan ng pansin ang mukha niya kanina habang nag bibihis sa sobrang pag mamadali.
Mag reretouch sana siya ng make up ng mapansin ang oras.
" 8:45 na,at alas 9 ang dating ni Sir." aniya sa sarili. Kaya imbis na mag retouch,patay malisya na lang siya na inayos ang mga papeles na kakailangan sa meeting.
"Mag ayos na lang ako ulit pag tapus ko na dito,at wala pa si Sir." dagdag pa niya sa sarili.
Introduction
Tyrone Villaruel panganay na anak sa 3 magkakapatid.
Graduate ng Business Management sa NYSU sa New York at kasalukuyan Vice Presidente ng BrightStar Entertainment company. Kasalukuyan 32 years old.
Juna Sanchez matalik na kaibigan ni Kira. Kasalukyan 27 years old. Head manager at assistant sa isang companya. Nag iisang anak at mapag mahal sa magulang.
Nagkakilala si Juna at Tyrone dahil na din sa ky Theo at Kira. Noong una maganda ang trato ni Tyrone ky Juna. Ngunit nag bago ito ng my matuklasan si Juna tungkol sa secreto ni Tyrone. At para manahimik si Juna, pinilit ni Tyrone na ma kasal sa kanya si Juna.
Ngunit paano kung sa panahon nahulog na ang loob nila sa isa't isa. Ang pag dating ng hindi nila inaasahan na panganib. Pipiliin ba nila ang isa't isa o mas pipiliin nila ang mawalay sa isa't isa alang alang sa kaligtasan ng bawat isa?.
...****************...
**Hello guys,this is me again.
This is the 3rd part of my novel.
I hope you will support this too.
#1 I Dated My Boss
# 2 You're The One**
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 10 Episodes
Comments