by: CoffeeToon
Isang kwaderno
kung saan lahat makikita mo
Mapangiti man ng mga tao
na kahit di kilala masasabi mo
Na sila ang huling piyesa
Sa jigsaw puzzle na ung binubuo
Sa bawat sulok ng silid
Mapaunahan o mapagilid
Sa dulo man o gitna
Lahat kitang kita
Sa Panorama na aking kinuha
At sa Panorama
aking natuklasan
Ang sikretong pagtingin
Ang pag ibig na pilit ipinaalam
ngunit di ko pinansin
Sa Panorama,nakitang sa aking tinitingnan
Sa mga taong nandun sa pinangyarihan
Ay hindi,hindi nagtagal
kalahati'y naglaho,ang iba'y tila nagtago
Sa Panorama,nakita ko
na andaming nagbago
mula sa puso hanggang sa pangako
Mga pangako na tila napako
Napako,sa salitang di lalayo
Babalik kung umalis
at di lilimutin ang bawat sandali
Sa Panorama
na kung saan lahat ng ating pinagdaanan
Naging isang memorya nlng
Isang memorya
Na kung tawagin ay Panorama.