"Ella!!!!" at ito nanaman po tayo, tinawag nanaman po tayo ng ating magaling na pinsan. "Oh ano, kuya Lewis?" "Better be hindi ka nanaman manghihiram ng pera" sabi ko sa kanya na medyo naiirita kasi nga maraming beses na yan nagang hiram sakin ng pera at oo nababayaran naman nya pero kasi nga kaylangan nag iipon rin sya wag laging ubos ubos biyaya.
"Hindi, about naman ito sa mission natin-".
"May bago tayo na namang mission?" tanong ko sa kanya takang taka kasi nga kakatapos lang namin yung last na miasion namin ay nung isang araw lang, tapos meron na namang bagong mission.
"Well kung meron bagong pinapagawa, edi oo may mission pero kung wala edi--" before nya matapos ang sasabihin nya ay kinat off ko na sya agad.
"Abay sira ulo kapala.... Gusto mo maraming gawain?! Maglinis ka.. Susko ka iniinit mo ulo ko. Walang hiya ka" sabi ko na parang stress na stress na.
"Sorry na. Nagagalit ka na naman eh" sabi nya na may pa awa effect, pero no hindi yun gagana sa akin.
Napabuntog hininga na lang ako at sabay tingin sa kanya.
"Oo meron bagong mission, pero hindi naman ito ura-urada. Pwede naman sya gawin kahit kaylan" explain ko sa kanya.
"Pwede bang gawin na natin as in now na?" nagtanong sya sa akin habang kinakamot nya sa ulo nya and just by this body language I already know kung anong gusto nyang sabihin.
"Ano kinukuto ka?" tanong ko sa kanya na may boses na para bang walang gana at binibigyan syang hint na para bang ayaw ko pang gumawa at ang gusto ko lang ay ang mag hilata at magpahinga.
"Ano kasi.... ".
"Ano? Kaylangan mo ng pera? Susko ka naman Kuya Lewis, bakit hindi ka mag ipon para atleast kung wala na tayong mission ay meron parin pera na magagamit, hindi yung puro kanalang gastos. Hayyyy naku ka talaga ubos ubos biyaya bukas nakatunganga" sabi ko sa kanya na para bang ako na ang kanyang mama at sinisermonan sya.
"Susko ka naman Ella ang tinatanong ko lang naman ay kung may mission pa tayo pero grabe na naman ang talak ng bunga nga mo" sabi nya sa akin, with authority.
"Oo nga mas matanda ka pero responsible ka ba? Oh hindi naman diba? Aminin mo sa ating dalawa ako ang mas responsible kaysa sayo, kasi kahit na gano ka tanda ka pa eh kung yang utak mo at mind set mo ay pang bata......" pagkatapos ko syang sermonan ay napa buntong hininga na lang nga ako sa lahat ng nasabi ko and not gonna lie napaka satisfying na sabihan ang pinsan ko, lalo na mas matanda sa akin ng para bang responsibilities nya and ang mga kaylangan nyang gawin but still I have to respect him since he is much more older than me even though it is only by few months.
"Susko ka naman Ella nagtatanong lang kung may bagong mission na pinapagawa, grabe na agad sermon mo--" before nya ma finish pa man kung ano naman ang sasabihin nya ay bigla na lang pumasok si ate Suzette sa eksena.
"Well, naman kasi Lewis may point naman nga kasi si Ella na napaka immature mo sa mga ganyang bagay lalo na sa paghahandle ng pera. At Ella may point naman din si Lewis nagtatanong nga lang sya tapos biglang nauwi sa sermonan itong usapan tapos naman about dun sa bagong mission, I think mas maganda gawin na natin kaysa na ipagpaliban pa natin ng ilang araw and the sooner the better, and looks like kaylangan na kaylangan ni Lewis ng pera ngayun, bakit Lewis san mo ba ginastos lahat ng pera mo? Malaki ring halaga yun.. " pagkatapos sabihin yun ni ate Suzette at napatingin na lang ako kay Kuya Lewis, nag hihingi rin ako ng sagot sa tanong ni ate.
"Ahhh ano kasi.... " napakamot na lang nga sya sa ulo.
"Ano?!" iritado kong sabi.
"Naubos ko na----".
"Ano naubis mo agad?! 150,000 pesos naubos mo agad?!" medyo pasigaw kong sabi.
"Oo--".
"San mo na naman ginastos yang pera mong yan... Susko ka naman kuya, napakalaking halaga ng pera pagkatapos gagastusin mo lang ng basta basta, hindi mo man lang pinaabot kahit isang linggo lang--" before ko matapos yung sasabihin ko ay nagsalita na sya agad.
"Well kung makikinig ka at hindi yung pura ka dyan saliya mg salita, sermon ng sermon, dada ng dada. Pwede ba na munang makinig ka? Well kayo kasi kasama na dyan si ate" explain nya sa amin na para bang naiirita na. Wow sya pa talaga may gana mairitaeh kami nga dapat ang may karapatang mairita sa ginawa nya. Hayysttt.
"Ok ito na nga, so tama nga si ate na mas maganda magawa na natin yung mission para hindi na tayo matambakan. At yung mga pera kong ginastos, oo pera ko yun pero ginastos ko sya para sa atin, pano ko nasabing atin? Well kasi, ako lang naman ang nagbayad ng kuryente, tubig, ako na rin ang nagbili ng mga groceries natin for the whole month, and yes just a month lang yun kasi nga pare parehas man lang din tayong matatakaw na halos 4 times a day na kumakain and yung mga sweets din, para kay Ella... Alam mo na... Tapos din yung mga materials and yung mga ginagamit natin para sa trabaho and other stuff." pagkatapos nyang mag explain ay nabigla na lang ako and, yes may point sya so looks like we do need more money, since I did use my money on other stuff too, but in works and schools only.
"Well fine, sige. Gagawin natin yung mission, since kaylangan nga talaga natin yun after all, gagawin naman din natin yun in the future so, bakit pa natin gagawin bukas or sa susunod na araw kung kaya mana nating gawin ngayon? Sige na wait kukunin ko lang yung files and information about dun sa mission natin.. Wait" sabi ko sabay kinuha ko na nga yung folder na nag cocontain ng information about sa mission.
"Ito yung files and info about the missio" sabi ko sabay inabot ko na ito sa kanila. "Sa pagkakaintindi ko dyan ay ang kaylangan lang natin gawin ay kunin ang info nila. All the info and data"
"Kung yun lang pala, kaya mo na yang gawin, Ella" sabi sa akin ni ate Suzette
"Well oo ate kaya ko nga 'to, pero wala akong time, may mga gawain pa ako sa school at hindi ko pa yun tapos ang dead line nya is next week---" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay biglang sumingit si Lewis.
"Oh next week papala tapos gagawin mo today? Di ba pwede sa ibang araw yun? Susko minamadali mo naman pala kasi yang gawain mo--"
"The sooner the better kasi" rason ko naman sa kanya. "At plus, mas importante ito'ng school works para sa akin... Well nakadepende mana yun kung anong klasing mission ang makukuha natin, but still this one is different, since yung mission natin ay pwede nating magawa kahit kaylan, which make this into our advantage, so, no I cannot just leave my homeworks for this mission" explain ko sa kanila.
"Oh sige fine. Ikaw na bahala, ikaw naman kasi ang kayang maggawa nyan. Kaya sige ikaw na bahala, basta gawin mo tapos paghati-hatian na lang natin yung alam mo na, ha? " sabi sa akin ni kuya Lewis.
"Saglit lang. Makikihati pa kayo? Eh ako naman magawa ng lahat ah, well para patas na lang sige ganto na lang, yung 80% nung makukuha ko ay mapupunta sa akin, tapos tig 10% na lang kayo. Ano? Deal? " suggest ko sa kanila para naman yung pagod ko ay hindi mauli sa wala.
"Well di na din yun masama at may point ka kung bakit ang makukuha mo 80% nun, kaya sige deal" sabi naman ni ate Suzette.
"Fine deal" sabi naman din ni kuya Lewis.
Nagdiscuss na nga din kami ng konti about dun sa mga kaylangan namin sa mission namin at mga necessities ng mga member namin. After our discussion, umalis na din sila sa room ko at pagkaalis nila ay nagsimula na akong maggawa ng mga gawain ko sa school, para makagawa na ako ng mission pagkatapos.
AFTER A WHILE
"Ahhhh, finally natapos na din" sabi ko habang nag uunat. "Ok sunod naman ay yung mission" sabi ko sa sarili ko habang nireready ko ang sarili ko sa gagawin kong mission.
"Well let my mission begin."
As I was doing my mission, a friend of mine suddenly chat me.
IN THE CHAT
Laura: babaee....
Laura:huy
Laura:Ellaaaaaaaaa
Ella: Ano?
Laura: Natapos mo na lahat ng assignments?
Ella: Oo bakit?
Laura: Ano na nga ulit yung mga subject na may assignment tayo?
Ella: Math, Science, English at MAPEH
Laura: Ayyy ang dami naman.. :’(
seen
Laura: Huy Ella kausapin mo naman ako
seen
Laura: Ella
Ella: Ano baga? Busy ako ngayun mamaya mo na lang ako kausapin
Laura: Ehhhh di ka pa rin ba tapos sa mga gawain mo?
Ella: Hindi pa
Laura: Ahh sige sige
Pagkatapos nun at sineen ko na lang sya at bumalik sa paggagagawa ng mission ko.
After a few minutes nagawa ko na yung mission ko at pagkatapos nun ay nagpahinga na ako because it was already 9:15 pm tapos may pasok pa ako ng 6:30 am bukas.
THE NEXT DAY (4:00am)
beep beep beep bee-
After kong magkagising dahil sa alarm ko ay bumalik ako sa pagkakahiga, at nagdedecide kung babangon pa ba ako.
"Babangon na ba ako?" tanong ko sa sarili ko habang nakatunganga at nakatingin lang sa kinsame.
Pagkatapos kong magtanong sa sarili ko ng maraming bese nagdecide na akong tumayo at mag asikaso na at pagkatingin ko sa cellphone ko ay 4:48 na.
"Wow grabing pagdedesisyon kong 'to umabot ng 48 minutes.... Lupit." sabi ko sa sarili ko sabay nagsimula na akong mag asikaso.
Ang una kong ginawa ay ang pagsasaing since may mainit na tubig mana kaya di na ako nag init at nagkape na lang, well to be honest bawal talaga ako ng kape pero since inaantok ako at ang kape na lang ang nag iisang solusyon para sa akin para ako ay magkagising, kaya wala akong choice.
Pagkatapos kong magkape ay maliligo na ako, pagkatapos kong maligo (5:35am) ay magkakain na ako it is either na may ulam na or magluluto pa ako so it will be in between but it will comsume some of my time so it will be better if may ulam na para di na ako magluluto since tamad tamadin din ako eh, or minsan magbubukas na lang ako ng delata para ,you know, di time consuming.
Pagkatapos ko na nga mag asikaso ay diretso school na ako. Ako nga pala ay nasa public school, habang sila ate Suzette naman ay private.
Nakarating nga ako ng school ng 6:25 am, may 5 minutes pa bago magsimula ang lecture namin.. At simula palang ng araw ay tinatamad na ako pero good thing dahil nandyan ang best friend ko na si Laura.
"Laura~" tawag ko sa kanya habang papasok sa aming room.
Nung pagtawag ko sa kanya ay lumingon sya agad sa akin at nginitian ako.
"Ella~... Nakagawa ka ng mga assignment?" tanong nya sa akin.
"Opo, natapos ko lahat."
"Wow naman talaga, good student yarnn" pabirong sabi nya sa akin.
Nilagay ko na nga yung mga gamit ko sa aking upuan habang nag uusap kami.
"Bhie may chika ako" pabulong nyang sabi sa akin
"Oh ano yun?" tanong ko sa kanya curious na curious sa sasabihin nito.
“Well so ito na nga yung chika… May nalaman ako-”
“Oh ano yun?” tanong ko sa kanya na inip na inip na sabihin na nya kung ano naman ang gusto nyang sabihin.
“Pwede bang patapusin mo na muna ako? Susko po naman Ella…. Patapusin mo na muna kasi ako bago ka magdada dyan… So ito na nga narinig ko na may gc daw sila Kristina at Franzine, at dun daw nila ako pinag-uusapan-”
“Oh ano daw sinasabi nila?”
“Well sinasabi daw nila na malandi ako-”
“Huh?! Ikaw malandi?!-”
“Patapusin mo na muna ako, wag kang mag para dada dyan agad-agad, susko po… patapusin mo na muna ako.. So ito na nga may group chat daw sila kasama yung iba pa nating mga kaklase ay nandun ewan ko kung ilan sila lahat, basta nandun sila, at ang pinag chichismisan nila is about nga sa akin na malandi daw ako, at sinasabihan ko daw sya ng malandi dahil daw sa pananamit nya”
“Wow naman grabe ka na. Like i mean oo, marami ka nung naging ka m.u. pero di malandi kasi sila yung nagkakagusto sayo tapos kapag nagkausap na kayo ay tsaka mo lang sila nagugustuhan, dahil nga may attachment issue ka-”
“Grabe ka naman. Attachment issue agad?!... Ang sakit nun ha”
“Oh so ano na gagawin mo since nalaman mo na yan?” tanong ko sa kanya not bothering na tanungin kung saan niya yun nakalap dahil alam ko na, masyado kami ditong maraming kakilala which is good for us, since we are able to gather information kung sino naman ang nagsasabi sa amin ng masama.
“Well ewan ko… I think much better pa na baguhin ko na rin yung sarili kasi medyo na totoxican na rin ako sa sarili ko for the fact na madali akong mangjudge ng ibang tao”
“Hmmmm ok, di lang naman nag iisa pero it should be better na i keep nalang sa sarili kung ano naman ang na judge natin or nakita natin sa iba para, you know, walang ganitong mangyayari”
“Pano? PANO?! Masyado akong judgemental, nasasabi ko yun lahat ng najujudge ko, di ko kayang ikeep yun sa sarili ko….. Wait pano mo ba yung nagagawa?”
“Well since I believe naman na much better na ishut na lang ang mouth kaysa sa sabihin pa yun sa iba. And also I grew up always thinking and should be aware of what others would think if i do this, or do that, something like that”
““Ahhh kaya pala” sabi nya, at sa sinabi niyang yun ay nagtaka ako
“Kasi may times na napapansin ko pamasid-masid ka tapos bago ka magsalita ay naglo loading ka na muna akala ko. Akala ko nun di mo magets yung ibang sinasabi nila ampalan iniisip mo yung sasabihin mo kung makakasakit ba ito ng emosyon ng iba parang ganun” sabi nya sa akin, more like kinaclarify nya kung tama yung kutob nya or something and if I am going to be honest—
“Oo tama ka, takot ako na makasakit ng emosyon ng iba kaya pinag iisipan ko na muna ang sasabihin ko bago ko yun sabihin……. At takot rin ako na baka pag isipan nila ako ng masama. I care too much about what they think of me to the point na konting kibo or may something akong ginawa ay pinag ooverthink ko na sya agad… ” sinabi ko sa kanya na para bang kinakawawa ko na yung sarili ko, but I know that I am only telling the truth to her.
Matapos ko nga young sabihin ay napatunganga na lang sya and from what i can see from her expression she is shocked that I’d confess something like that to her. Since all I was like is not caring and I was just like a “go with the flow” person as I am always smiling and laughing, actually mababaw lang talaga ang kaligayahan ko to be honest, just being with Laura, my best friend is already enough to make me happy and forget all of my problems.
“Mukang natunganga ka ata dyan” sabi ko sa kanya ng pabiro
“Nabigla lang ako” sabi niya sa akin and sa tingin ko naghahanap na siya ng ibang topic na pwedeng pag usapan bago pa lumala at lumalim ang topic na ito.
“Nakagawa ka na ng mga assignment?” nagtanong ako sa kanya, para maiba naman ang topic.
“Well yung sa english di ko tapos, ikaw?”
“Tapos ko lahat”
“Wow sana all”
“Diba yung sa english ay essay?”
“Oo, may gawa na ako pero di ko pa sya nasusulat sa papel”
“Ahhh, akala ko ba naman, as in di mo pa nagagawa or nasisimulan ganun”
“Grabe ka naman syempre good student tayo kaya maggagawa tayo ng mga gawain natin” pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtawanan na lang kami at nagsimula na si Laura na gumawa ng kanyang gawain, which is yung english essay habang ako naman ay sinusulat ko na yung mga notes sa iba naming mga subject.
Bago pa ako makapag simula magnotes ay dumating na agad yung teacher namin sa science, dahil siya ang first subject namin.
“Good morning everyone” bati sa amin ni ma’am Michelle habang papasok ng room.
“Good morning ma’am” nagsitayuan kaming lahat at nagbati pabalik kay ma’am.
Pagkatapos nga noon ay nagsimula na kami mag lesson, and for today palutang lutang lang ang utak ko, di ko magets ni isang sinasabi ni ma’am, nakakahilo pati na din yung mga words, yung handwriting kasi ni ma’am di ko maintindihan, well yung iba kahit papano ay naiintindihan ko pa,
Natapos ang pangalawang subject ay nagrecess na kami, at kasama ko si Laura.
“Lutang na lutang ako kanina, di nag fufunction ang aking brain, at unti unti na akong iniiwanan ng aking mga brain cells. Like how could they?! My brain cells……” napa buntong hininga na lang nga ako that time and having an exaggerated reaction, but I know na sanay na si Laura sa ganito kong behavior lalo na kapag nag rarant ako about sa school works.
“Ayoko ko na” sabi ko habang naglalakad kami papunta sa canteen.
Nung nakarating na kami sa canteen ay hinanap agad namin kung ubos na ba yung lumpia, and gladly hindi pa.
“Pabili po…. 1 nga pong lumpia” sabi ko sa tindera habnag inaabot ko yung bayad ko.
Ang 1 lumpia ay 5 piso, in this way nakakatipid ako at para may maipon din ako syempre.
“3 lumpia naman po sa akin” sabi naman ni Laura.
Parehas kaming dalawa ni Laura na nagtitipid, at takot gumastos ng malaki .
12:33 pm na natapos ang school namin, and all i can say is that it is a tiring day, well everyday is a tiring day anyway so wala na ako dung magagawa.
“Ella, halika na” tawag sa akin ni Laura.
“Sige, wait lang” sabi ko naman habang nagliligpit na nang mga gamit ko.
Pagkatapos ko mag asikaso ay naglabas na din ako, at nakita ko nga dun si Laura na nag iintay sa akin.
Nung nakita na ako ni Laura na lumabas ng room ay naglakad na siya papaalis at nag sunod na lang ako.
“Hayyyy… Nakakapagod” sabi ko habang nag kukuha ng payong sa gilid ng bag ko.
“Kaya nga, tapos ang dami pang mga gawain, at assignments. Di bale naman kasi malapit na namang mag exam, lagi dyan tayo dinadali at nilalabo labo ng mga gawain” reklamo naman ni Laura.
“Hmmmm. Malakad ka?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papalabas ng school.
“Oo, ikaw?” tanong naman nya sa akin pabalik.
“Hindi, sabi daw ni mama na magtrycle na lang daw ako. Tsaka binigyan din ako ni mama ng pamasahe kaya ayun magtratrycle ako, instead na maglakad” explain ko naman sa kanya.
“Ahhh sige sige” sabi nya naman.
Habang naglalakad ay may nakita na akong tricycle, at nagpara na agad ako at sinabi ko na nga ang address ko, at nagsakay na sa tricycle.
Pagka uwi ko ng bahay ay inaasahan ko na walang tao dahil nag alis sila mama. Nagbihis na nga ako at kumain, pagkatapos kong kumain ay nagsimula na akong gumawa ng mga gawain ko sa school para matapos na
agad pero habang nag gagawa ako ay bigla na lang akong inantok kaya nakapag desisyon kong matulog na muna, kaya naghilata na muna ako sa higaan pero as soon as nakahiga na ako, naka receive ako ng call from my ate Suzette.
“Naku naman, ano na naman kaya ang nangyari…….” sabi ko sabay sagot sa phone call. “Ano po yun ate?” tanong kong mahinahon, pero deep inside inis na inis na ako.
“May emergency-”
“Anong emergency? Ano na naman ang nangyari?” tanong ko agad as soon as narinig ko yung word na emergency.
“Pwede ba patapusin mo muna ako?” sabi ni ate Suzette sa akin na may pagkairita. “Anyway, oo may emergency. May nag-atake daw ng headquarters natin, buti na lang daw naagapan agad…”
“Talaga?! Sino daw may gawa? Sino yung nagtulong? Pwede nating bigyan ng reward or something, lalo’t na yung mismong headquarter ang na atake” napa buntong hininga na lang nga ako dahil sa mga nangyari. “Ok so sino ang nagtulong or nagsagip sa atin? At oo nga ate, mukhang sign na ‘to para magpalit na tayo ng headquarters masyadong delikado nahuli na tayo dun, what if mangyari din yung in the future?!”.
“Isa sa mga member mo” sagot ni ate.
“Huh? Sino? Sino sa kanila? May nasaktan ba? Ok lang ba sila? Isa sa kanila? Oh my…….”
“ ‘Wag kang mag alala.. Walang nasaktan ni isa sa kanila”. Once na sinabi yun sa akin ni ate Suzette ay hindi na ako nakasalita sa sobrang saya nang malaman na ayos lamang sila at walang nasaktan. Napa hingang maluwag na lang ako sa mga nangyari.
“Zyne. Si Zyne daw yung nagpigil sa mga nanlusob”.
Nagulat na lang ako sa sinabi ni ate Suzette at natuwa at the same time.
Si Zyne ay nahanap ko lang nun habang mayroon kami noong mission, pinayagan naman ako nila ate Suzette na ampunin na lang siya nun or something. Dati nun ay maliit pa lang yung range ng kaya naming libutin hanggang Pilipinas pa lang, nagsisimula pa lang kasi kami nun na lumago at mag training kaya ayun konti at maliliit pa lang ang mga mission na binibigay sa amin.
“Ate!!” tinawag ko si ate through a walkie talkie radio.
“Ano?! “ tanong ni ate.
“Pumunta ka dito. Nasa yard ako” sabi ko sa walkie talkie sabay tingin sa lalaki na nasa harap ko.
“Copy “ after na sinabi yun ni ate ay tiningnan ko na yung lalaking nasa harap ko. If I were to judge him, mga na sa around my age din siya, siguro mga 14 or 15 something ganon, and by the looks of it he is somewhat…… trembling….. in fear?
“Strange” I said as I looked at him, wondering what had happened to him.
“Hey!” tawag ko sa kanya. “Anong pangalan mo?”
Hindi lang sya umimik at tiningnana nya lang ako, ang mga mata niya na puno ng takot, nakatitig lang sa mga mata ko, na para bang inoobserbahan ang sunod kong gagawin.
“......Z-Zyne..” pautal at sobrang hina niyang sabi na halos hindi ko na marinig.
“Zyne huh?.” sabi ko at napangiti na lang ako. “Full name”.
“Zyne Cole Alvarez", sagot niya na may bahid na takot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Zyne…… ", pabulong kong sabi habang nakatingin sa kanya na para bang tinitingnan siya ng masama.
"Zyne, isa ka ba sa kanila?", tinanong ko siya habang inoobserbahan ang kanyang bawat kilos.
"H-Hindi!!" panic niyang pagkakasabi.
"Talaga ba?", tanong ko sa kanya na puno ng duda.
"Nangangako na hindi ako kasama sa kanila, please!", nakaluhod siyang nagmamakaawa. "Gagawin ko ang lahat please! 'Wag mo lang akong patayin!" habang nagmamakaawa ay umiiyak na siya ng husto, nanginginig na sa takot.
Habang siya ay nagmamakaawa ay inobserbahan ko ang kanyang mga kilos, nang napansin ko, katawan niya'y puno ng sugat, at kanyang apelyido na feeling ko narinig ko ito dati pa...
Tiningnan ko lang siya habang nag iisip kung saan ko ba talaga narinig yung apelyidong iyon, nang naalala ko ang isa sa mga naging kaaway namin, or sa madaling salita ang pinakauna naming naging target at naging kaaway. At yun rin ang una naming panalo at sa pagkakaalala ko ang buong angkan ng Alvares ay patay na, yun ang rineport sa amin at sa pagkakaaalala. Pero bakit may isa pang natitira? May pagkakamali ba sa report? May traydor ba sa amin? May na miss out ba kami? Nagtakas ba siya? Pero kung nagtakas siya edi bakit sugatan siya at para bang inaalipin? Ano ba talaga ang nangyari?
"Alvares....." pabulong kong sabi. "Sabi mo gagawin mo ang lahat hindi ba?"
"Opo, gagawin ko ang lahat. 'Wag niyo lang akong patayin." nagmamakaawa niyang sabi.
"Lahat?"
"Lahat", determinadong niyang sabi.
"Sige, ikaw ang magiging assistant ko, from now on"
"Huh?" bahid sa kanyang muka ang pagkataka.
"Ang sabi ko ay ikaw ang magiging assistant ko from now on, and your life now belongs to me", halata na aking mga pagkakabigkas na ako ay seryoso, ngunit deep inside alam ko na hindi siya papayag. And i know naman for sure na ayaw niya.
"Deal", nagulat na lang ako sa aking narinig. Ano?! Pumayag siya?! Hindi mawala sa aking mga mata ang aking gulat. Ngunit dali dali ko na lang itong tinago at pinalitan ng seryosong mukha.
"Sure ka? Once na mag agree ka hinding hindi mo na yun kayang bawiin pa. At oo nga pala pang habang buhay na ito." sabi ko ng nakangiti.
"Oo, pumapayag ako." sabi niya ng walang nakot na para bang willing na ibuwis ang lahat lahat.
"Wow", sabi ko ng may paggitla at amused sa kanya. "Parang kanina lang ah, parang kanina lang nagmamakaawa ka na ispare ko ang buhay tapos ngayon naman pumapayag ka na maging assistant ko and trusting me with your life?... Hah! What a joke. Only insane person can do that. Are you that desperate to live?" I said clearly mocking him.
"Yes"
Isang salita lang ang kanyang binigkas pero dahil sa salitang iyon ay napa tahimik ako.
In obserbahan ko lang ang kanyang ginagawa, ang kanyang mukha na walang bahid ng pagbibiro.... Mukhang seryoso siya sa kanyang sinabi na willing talaga siyang maging assistant ko. At wala na ako dun magagawa, ako man din ang nag alok eh.
"Halika na" sabi ko sa kanya sabay talikod.
Narinig ko na lang siya, pinipilit ang kanyang sarili na tumayo.
Hindi kinakaya ng konsensya ko ngunit hindi ko siya maaaring tulungan, kaylangan kayanin niya na tumayo sa sarili niyang mga paa.
Nung nakatayo na siya ay bigla siyang natumba, at dun ko na napag desisyonan na tulungan siya.
Inalalayan ko siya sa kanyang paglalakad. Habang na kita ko sila ate Suzette at kuya Lewis.
“Ang tagal mo naman Ella-”. Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng napansin niya na kasama ko si Zyne at napakunot na lang ang nuo nilang dalawa.
“Sorry ate, kuya. May nakita lang kasi ako” ani ko habang nakangisi.
Tiningnan lang ako nila ate, sabay tingin nila sa isa’t isa, at tumungo na lang.
Nung nakita ko na ang signal nila na aalis na kami ay nag dali dali na ako para makauwi na kami agad.
Habang kami ay nasa byahe ay inintindi at binigyan ko ng paunang lunas ang mga sugat ni Zyne. “Wow alagang alaga ah”, ani ni Lewis na halata namang naiirita at inirapan pa nga kami, abay naman anak ng— Bago pa ako makapag salita muli ay nag biglang tigil ang sasakyan at sinabihan na nga kami ng driver na nandito na kami sa bahay. Yes sa bahay, sa bahay namin ko siya dinala para mapag usapan na rin namin ang kasunduang mangyayari.
Pagkatapos naming bumaba at pumasok na sa bahay ay bumungad agad sa amin ang sangkaterbang mga paper works, habang tulala pa kami sa aming nakita ay may bigla kaming narinig na telepono na nag riring. Tiningnan namin ni kuya Lewis ang cellphone namin, ngunit wala namang tumatawag sa aamin, kaya naman isa lamang ang ibig sabihin nito…. Kay ate Suzette nagtatawag…... si Tito!!!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play